You are on page 1of 1

Mahal kong Ma'am/ Sir,

Magandang Araw po Ako po si Adelyn L. Hernandez, household ID number 041001008-


5508-0056. Nakatira sa Barangay Coral na Munti, Agoncillo, Batangas. Ako po bilang isang miyembro ng
Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay sumulat sa inyo upang humingi ng awa na sana mabigyan ninyo
pa po ako ng pagkakataon na magtuloy sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program sapagkat malaki po ang
naitutulong nito sa aming pamumuhay. May dalawa pa po akong anak na nag aaral. Isang 2nd year
college at isang grade ll. Ang trabaho po ng aking asawa ay katulong sa pagpapanday. Minsan lang po sa
isang linggo kataasan na po ay tatlong araw sa isang linggo. Ako naman po ay sa bahay lamang at ako po
ang nag aasikaso sa aking mga anak. Minsan po dalawang beses lamang po kami kumakain sa maghapon
sapagkat kulang po ang budget. Sa katunayan po nang dahil sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program
kaya kami ay nakakabili ng bigas. Ang amin pong bahay ay kubo lamang. Butas- butas na po ang bubong.
Kaya po pag naulan ay tuluan. Pag may nadating po na bagyo ay alalang- ala po kaming mag- anak baka
po biglang bumagsak at gato na. Masasabi ko po sa listahan ang aking pangalan sa matatanggal ay ako
ay natigilan. Sapagkat naisip ko po paano na kaya ang buhay ng pamilya namin. Naisip ko po na kung
tuluyan akong matatanggal sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay lalo na po kami di
nakapagpagawa ng bahay. At siguro po ay di na lalo makakapagtapos sa pag- aaral ang aking dalawang
anak. Sobrang sakit po sa damdamin ko ng pagkakataon na malaman ko na isa ako sa matatanggal sa
Pantawid Pamilyang Pilipino Program. Napakalaking tulong po sa akin ng Pantawid Pamilyang Pilipino
Program sapagkat pag may pay- out lamang po ako nakakabili ng kalahating cavan bigas. Sobrang laki ng
utang na loob ko sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program sapagkat natutugunan po nito ang aming mga
pangangailangan at natutustusan ang pag- aaral ng aking mga anak.

Nagmamakaawa po ako na wag nyo po muna akong tanggalin sa Pantawid Pamilyang Pilipino
Program, bigyan nyo pa po ako ng pagkakataon na sana makatapos ng pag-aaral para nagkatrabahaho
sila ay baka sakaling makakapagpagawa ng bahay. Programang Pantawid po ang aming inaasahan para
makaraos sa pang araw araw na pamumuhay at para masuportahan ang pangangailangan ng aking
dalawang anak na nag aaral. Parang awa nyo na po wag nyo po muna akong tanggalin sa Pantawid
Pamilyang Pilipino Program.

Sa katunayan po, ang halagang kaloob ng pamahalaan ay siyang panustos sa pag- aaral ng
mga bata at maging sa pangangailangan ng pamilya. Patuloy po sana ninyo ang panahon na ang aking
mga anak ay magiging biyaya at gabay din sa ibang kabataan.

Maraming Salamat po at Nawa ay Dinggin nyo ang aking Panalangin.

You might also like