You are on page 1of 9

KABANATA VIII

MGA GAWA NI DR. JOSE RIZAL

Matapos na matalakay ang bitag sa ikalawang pagbabalik ni Rizal sa Pilipinas, Ang


pagkakatatag ng La Liga Filipina, Layunin ng La Liga Filipina, Pagdakip kay Rizal, Kasaysayan
ng Dapitan, Pagpapatapon sa Dapitan, Buhay sa Dapitan, Ang Katipunan, Pagdalaw ni Dr. Pio
Valenzuela, Muling Paglalakbay, Ang paglilitis kay Rizal, Ang huling araw ni Rizal. Ating pag-
aaralan kung ano ng nga ba ang mga naging gawain at nagawa ni Dr. Jose Rizal nuong sya ay
nabubuhay pa mundong ibabaw. Paano nga ba niya ginugol ang kanyang buhay.

MGA LAYUNIN:

1. Maipaliwanag ang makabuluhang paggugol ng buhay ng pambansang Bayani


Maipaliwanag ang makabuluhang paggugol ng buhay ng pambansang Bayani
2. Makapag bigay halimbawa ng magagandang asal at katangian mula sa mga gawa ng
pambansang bayani panahon.
PANUTO SA MAG-AARAL:

Bago magtungo sa aralin ay hintayin muna ang instraksyon ng propesor/instraktor/lecturer


tungkol sa magiging daloy ng modyul. May mga paunang gawain na kailangan gawin bago
magtungo sa sa lektura. Pagkatapos ng lektura sa aralin ay mag kakaroon ng mga gawain at
maikling pagsusulit. Sa pinakahuling bahagi ay mababasa ang mga dapat tandaan o
pinakabuod ng aralin. At ang pang huli ay ang asignatura. Bago magtungo sa aralin ay
sagutan muna ang pahina bilang 93.

ALAMIN AT PAG-ARALAN

Jose Rizal, ang Henyo


Dr. Jose Rizal ay hindi lamang bayani at martir kundi isang henyo rin na walang katulad sa
buong kasaysayan ng Pilipinas. Isang henyo na may kakaibang talent at galing. Isang lalaki na
may katalinuhan. Siya ay may maraming paraan na hindi karaniwan, na kaya niyang gawin ang
isang kahanga-hangang bagaya sa sandaling panahon.

Nakikita rin niya kung ano ang mangyayari pagdating ng panahon, sa katotohanan ay
nakagawa siya ng maraming bagay para sa ikabubuti ng mga tao.

Sa karagdagan sa lahat ng mga ito at si Rizal ay maraming nagawa sa edad na 35.


Nananatiling buhay siya sa alaala ng mga Pilipino at sa buong mundo. Ang kaniyang dalawang
nobela, ang di mabilang na sanaysay, at mga artikulo, di mabilang na sulat, ilang tula, mga
iskulturang pigura sa pamamagitan, ng putik at kahoy, dibuho at iba pang sulatin.

Sino ba itong magaling na Pilipinong Henyo?

Sino ba itong isang ekstra ordinaryong lalaki na binigyan ng likas na talino ng Diyos ng talent na
walang katulad sa ating kasaysayan?

Pilipino at kinukonsidera na isa siyang ideyal na Pilipino. Isang modelo na dapat nating
tularan?

Si Francisco Mercado, ang ama ni Rizal ay hindi lamang isang negosyante kundi isa ring
magsasaka. Sa katotohanan, isa siya sa mga nangungupahan sa Dominican Hacienda sa
Calamba, Laguna. Noong ipinalabas ang kautusan noong 1850 ni Gobernador Claveria, si
Francisco Mercado ay kinuha ang pangalang Rizal na mula sa Espanyol na salita na “Ricial” na
ang ibig sabihin ay isang palayan o pastulan.

Ang Calamba noong ay isang larawan ng maliit na bayan sa tabing-dagat ng Laguna de Bay.
Dito madalas noong bata pa si Rizal at nuong kaniyang kabataan sa bayang ito. Ang tahanan
ng mga Rizal ay malaking yari sa bato at tisa na kung saan ay produkto ng industriyang matipid.
Mayroon itong balkonahe na kung saan ay tinatawag na azotea, mula nuong si Jose at iba pang
bata sa buwan at mga bituin ay nagkukuwento ng alamat.

Ang tahanang Rizal ay masaya, ito’y maraming kuwatro dahil ang pamilyang Rizal ay Malaki.
Silang mag-anak ay sabay na nananalangin. Malaking oras ang rinugugol nila para sa isa’t isa,
para sila magkakasama hanggang kalian nila gusto.

Sa likod ng bahay nila ay may kubo na kung san ang mga bata ay naglalaro. Sa buong
kabahayan ay may atis, santol, tampal, makopa, sampalok, papaya, balimbing, at ibang punong
kahoy.

Gustong-gusto ni Jose na mamasyal sa bukirin at kung minsan ay sumasakay sa kabayo at


kung minsan ay kasama ang kaniyang itim na aso na si Berganza.

Natutuhan ni Jose Rizal ang alpabeto noong siya’y tatlong taong gulang pa lamang at sa
murang edad ay natutunan na niya ang kuwento at alamat na ikinukuwento sa kaniya ng
kaniyang nars, na ang kaniyang tawag ay Aya. Natutunan din niya ang iba pang alamat at
katutubong kuwento mula sa mga magsasaka tungkol sa alamat ng kanilang bayan. Si Rizal ay
payat at may likas na talino, noong siya’y bata pa. mapalad siya, sapagkat mayroon siyang
tatlong tiyuhin na tumulong sa kaniya para siya maging malakas.

Isang araw na kung saan ay naglalakad siya kasama ang kaniyang ama sa tabing-lawa, nakita
niya sa di kalayuan sa kabilang lawa. Tinanong niya ang kaniyang ama. “Mayroon pa po bang
ibang tao sa kabilang bayan?” “Sila ba’y hindi masaya na di tulad natin sa Calamba?”.

Dito ay ipinakikita na noong siya’y musmos pa lamang ay namulat at naramdaman niya ang
kalungkutan na kung saan dito niya kinuha sa kaniyang pagsusulat.

Nakita niya at narinig kung paano tratuhin ng guwardiya sibil ang mga mahihirap na tao sa
Calamba. Narinig din niya ang paghihirap ng mga magsasaka sa lupa na kanilang sinasakahan.

Dito-natutuhan ni Rizal sa kaniyang murang isi[ na ang mga Pilipino ay hindi Malaya kundi
kailangan nilang sumunod sa mga Kastila na kung ano ang gusto nilang ipagawa sa kanila.

Si Rizal, ang Guro

Isinilang ni Rizal na kakikitaan ng paggalang at katahimikan, mababanaag din ang talino at


magandang-asal sa kaniya. Subalit ito’y isa ring kalagayang may pagbabawal at kalupitan sa
isipan. Siya ay lumaki sa gayong pamamaraan sa pagtuturong itinatag ng mga Kastila sa
Pilipinas. Nasaksihan niya ang kaabang-abang paraan nang pagtuturo na umiiral sa maraming
lugar sa bayan nakita niya ang madilim at malungkot na silid-aralan sa mga luma ng kumbento
noong kaniyang kapanahunan. Nakita niya ang paghahagupit ng palo s kaniyang mga kamag-
aral kapag ang mga ito’y nagkamali sa kanilang leksyon. Paulit-ulit niyang naririnig sa mga labi
ng guro na ang kaparusahang korporal ay napakahalagang bahagi ng pamamaraan at disiplina
ng edukasyon. Ang Sistema ng turo ay ang pagsasalo lamang ng mga mag-aaral ng kanilang
leksyon tulad ng isang loro pagkat hindi nauunawaan ang kaniyang isinaulo. Hindi kailanman
kinikilala ang pagkakaiba-iba at ang pagsusumigasig ng mga indibidwal. Namasid din ni Rizal
na ang mga guro ay hindi nagkaroon ng pagkakataong linangin ang sarili. Wala rin doong bahay
paaralang may bakuran at laruan.

Naniniwala siyang ang kalayaan ay higit na kalulugdan ng mga taong may matatalinong pag-
iisip, samakatuwid, ang edukasyon ang pinakamahalagang kailangan ng kalayaan, ipinaglaban
niya ang karapatan ng bawat mamamayan na makakamit ng edukasyon. Naniniwala siya sa
paglinag ng kamalayang sibiko at kakayahang bokasyonal. Naninindigan siya sa edukasyong
nagbibigay diin sa kabutihang sibiko: matapat sa pamahalaan,paglilingkod sa bayan, interes sa
gawaing pambansa, pagsunod sa batas at paggalang sa mga may-kapangyarihan at higit sa
lahat, pag-ibig sa Maykapal.

Ninais ni Rizal na magkaroon ng pagbabago sa larangan ng kurikulum ng paaralan upang ang


paraan nang pagtuturo ay makalinag ng lahat ng kakayahan ng tao. Pangarap ni Rizal na ang
mga kabataan ay mabigyan ng timbang na kurikulum, isang palatuntunan ng mga araling
makalilinag ng katawan, isipan, hilig at kabutihang-asal.

Naramdaman niyang Tagalog ang nararapat na iturong wikang pambansa para sa pagkakaisa
ng bayan at pagpapahayag. Sumasang-ayon din siya sa pag-aaral ng maraming relihiyon.
Nagturo si Rizal noong siya ay itapon sa Dapitan. Hinangad niyang ang mga mag-aaral ay
matuto sa kaniyang guro sa pamamagitan ng mabuting halimbawa. Para sa kaniya, ang guro ay
may pagmamahal sa gawaing ito sa kabila ng pagpapakasakit at kalungkutan.

Sa kaniyang paglalakbay ay may nakuha din siyang mga ideya sa tamang pagtuturo. Nalaman
niya na mas maganda kung kaunti lamang ng bilang ng mag-aaral sa isang klase. Dapat ang
guro ay may paggalang sa pansariling katauhan ng isang mag-aaral at ang disiplina ay batay sa
pagmamahal at makatao. Iminungkahi din niya ang paggamit ng mga pantulong at kagamitan
ng pagtuturo tulad ng pisara, mapa, karta, aklatan at iba pa, na lilinang sa pang-katauhang
aspeto ng bawat isa.

Si Rizal ay may magandang pangitain para sa kaniyang bayan na maisasakatuparan lamang sa


pama-magitan ng edukasyon. Nakita niyang ang isang Pilipino ay magiging mahalaga sa
kaniyang bayan kung siya’y mabuting tao at mamamayang may taglay na talino at galing, ang
kaniyang mga pagsisikap ay makatutulong sa kaunlaran ng bayan. Ang edukasyon ay tulad ng
isang sasakyang makapagpadala sa kaunlaran sa bilis at sa agwat ng bawat sibilisasyon.

Sa kasalukuyan, kinikilala natin si Rizal na isang makabayan, isang henyo at marami pang iba.
Ngunit sa mga mamamayang taga-Dapitan siya’y kinilalang isang doktor, isang mahusay na
doktor. Ang kaniyang kaalaman ay napakalawak at ito’y utang niya sa sariling pagsisikap.
Lubha siyang nagpunyagi upang matuto at inilapat niya nang buong katalinuhan ang lahat ng
kaniyang kaalaman sa ano mang bagay na pakikinabangan.

Si Rizal, ang Siyentipiko

Ang pambansang bayani ay maituturing na maka-agham. Nag-aral siya ng medisina at iba pang
mga sangay ng siyensiya o agham subait hindi lamang siya nagkapanahon na maibubuhos ang
kaniyang sarili sa pagpapaganap ng kaniyang kaalaman dito.

Subalit waring nakatanim sa isipan ni Rizal ang pagiging maka-agham. Kung ang kaniyang
buhay ay naiukol niya sa siyensiya lamang, siya ay maaaring tanghaling isang dakilang
siyentipiko pagkat taglay niya ang lahat ng mga katangian nito.

Si Rizal ay taong may disiplina. Mula pa sa kaniyang pagkabata, ano mang gawin niya ay may
nakatakdang pamamaraang sinusunod, may panahon siya sa bawat bagay na gagawin sa loob
ng 24 na oras.

Si Rizal ay mapagtuklas sa katotohanan. Nang ang pahayagang La Solidaridad ay itinatag para


sa mga propaganda, ibinilan niya sa mga patnugot nito na ang mga ilalathala ay ibabatay sa
mga katotohanan. Hindi niya nais na magkaroon ng pagmamalabis o kasinungalingan sa
pagtatala rito.

Si Rizal ay taong mapagmasid. Ang katangiang ito ay namalas na noong bata pa siya.
Kinapansinan na siya ng pagmamahal sa kalikasan at kasiyahan sa pagmamasid ng mga iba’t
ibang bagay.
Si Rizal ay may mapanuring pag-iisip. Sa paghahanda niya ng kaniyang mga sinulat at ilan sa
kaniyang mga gawain, ang kaniyang pamamaraang siyentipiko ay kinamalasan ng kaniyang
mapanuring pag-iisip.

Si Rizal, ang Makabayan

Noong kapanahunan ni Rizal, ang nasyonalismo ay di pa gaanong nauunawaan. Upang ito’y


makilala at mapalaganap, kinakailangang gisingin ang mga tao upang magkaroon ng diwa ng
pagkakaisa at nang sa gayon ay magkasama-sama sa paglaban sa kalupitan ng mga
maykapangyarihan. Namuhay si Rizal sa isang lipunang pinamumugaran ng kamangmangan,
pamahiin, pagwawalang-bahala at iba pang katiwalian. Nakisalamuha siya sa mga taong sa
mahigit na tatlong daang taon ay nagtiis sa pagmamalabis at paghamak. Higit na kailangan
noon ang isang taong nakaunawa sa mga suliranin ng bayan at makapamumuno upang
humanap ng pagbabago at katarungan. Ang pinakamahalagang gawain ay ang pukawin ang
kamalayang pambayan at si Rizal ang taong kinakailangan sa pamumunong ito.

Ang makabayang isipan ni Rizal ay kasama na niyang isinilang at kasama rin niyang lumaki.
Maraming pangyayari ng hangaring magkaroon ng isang malayang bansa. Naranasan niya ang
pang-aapi ng mga guwardiya sibil sa mga kababayan niya, nasaksihan niya ang pagkakapatay
sa tatlong paring martir, at nadama niya ang di-pagkakapantay-pantay sa pagtingin sa mga tao.
Ang lahat ng ito’y nagbigay-lakas sa kaniya upang humingi ng pagbabago. Hinangad niyang
makapagsulat sa mga lathalain para sa kaligayahan ng mga tao para ng mga tao para sa
kapakanan ng kabuhayan at kultura ng kaniyang bayan. Ang kaniyang mga sulat ay naghangad
ng pagbabago. Sa lahat ng kaniyang mga sinulat, ang Noli at Fili ang siyang lalong nagimbal ng
mga damdamin ng mga tao. Naging magtagumpay ang kaniyang pluma. Dito nagsimula ang
pag-aambag ni Rizal sa nasyonalismo. Sa mga nobelang ito, napabantog siya sapagkat
ipinamalas niya ang nasidhing pagmamahal sa bayan. Ang pangarap ni Rizal na gawin ang
Pilipinas na bansa para sa mga Pilipino ay natupad. Sa kaniyang mga nobela, inilarawan niya
ang katayuan ng bayan sa pamamagitan nina Ibarra, Elias at Simuon. Sa kabila ng kaunting
edukasyon ni Elias, dahil sa kaapihang natamo ng kaniyang ginagalawan, si Ibarra ay si Rizal
na nag-hahangad ng pagbabago upang maiangat ang abang kalagayan ng tao. Si Simuon ay si
Rizal din na nawalan ng tiwala sa pamahalaan. Ang kaniyang pagiging likas na makasining ay
naglalayon nang matayog na diwa at makayabang saloobing itinakda sa kaniya nang mahigpit
na disiplina upang hindi niya inuhin ang mga pangkaraniwang pagkatalo ng tao. Siya’y may
malakas na pani-nindigan upang patingkarin ang kaniyang katapangang harapin ang
kapahmakan, ang kaniyang kamatayan.

Si Rizal ang Internasyonalista

May diwang internasyonalista, isang makata, makatao, makabayan at higit sa lahat isang
henyo, iyan si Dr. Jose Rizal bilang Pilipino. Subalit sa pagiging internasyonalista, ang umuri sa
iba’t ibang wikang dayuhan, nakipagpalitan ng kaalamang maka-agham sa mga pandaigdigan
na sieyntipiko at saka nakipagtalo sa mga banyagang dalubhasa sa panitik. Ang muno at hindi
ang Pilipinas lamang ang kaniyang kinasangkapan at kinalahukan ng kaniyang mga layunin.
Kahit s kaniyang gawaing panlipunan, ang mga ito’y napagaganap sa pamamaraang
Kontinental.

Si Rizal ay nakipagtalastasan nang buong husay at galling sa mga banyaga, kasama na rito
ang pakikipagpalitan ng pala-palagay sa mga manunulat na Kastila na ang naging bunga ng
panulat ay nakapagpaaba sa mga Pilipino. Ipinamalas pa rin niya ang kaniyang pagka
internasyonalista sa kaniyang romansa at pakikipagsulatan sa mga babaing Pranses, Aleman at
Hapones. Ang naging wakas nita ay ang pagpapakasal kay Josephine Bracken, na isa ding
banyaga.

Siya ay mahilig sap ag-aaral ng literatura tulad ng etimolohiya, balarila; pamumuna, panitik at
pangwikang kasaysayan. Ayon sa marami, siya’y unang-unang isang makatao at pangalawa,
isang makabayang manunulat. Bilang halimbawa, nagkaroon siya ng pagkahilig sa pag-aaral ng
mga matatandang mga wika at salin pati na ang mga unang salitang Tagalog.

Tumigil si Rizal sa ibang bansa nang maraming taon at ang pagtigil niya roon ay lalo pang
nagpatunay sa kaniya na hindi lamang ang mga Kastila ang nag-aangkin ng talino at malikhain.
Nakapaglakbay siya sa Hapon, Tsina, Inglatera, Belhika, Olanda, Alemanya. Italya, Estado
Unidos at sa iba pang mga bansa.

Ang pakikipagkaibigan ni Rizal sa mga banyaga ay humantong sa pagpapalawak ng kaniyang


kaalaman sa Agham, umanib siya sa iba’t ibang organisasyong internasyonal.

Sa kabuuan, si Rizal bagaman unang Pilipinio at siyang nanguna s pagpapahalaga ng pagiging


Pilipino, ay nagpamalas na siya’y higit na isang Pilipino. Kumakatawan siya ng hindi lamang
pinakamaningning at pinakamahusay na katangian ng Pilipinas kundi ng buong daigdig.

Si Rizal, ang Lingguwista

Maituturing na si Dr. Jose Rizal ay isang lingguwistika sa pandaigdigan. Ang kaniyang angking
talino na matuto ng iba’t ibang wikain ay nalinag sa kaniyang sariling pagsisikap at pagtitiyaga.
Kung ang ibang bansa ay may Noam Chomsky at Leonard Bloomfield, tayo ay may Rizal sa
larangan ng lingguwistika.

Mahilig ang ating bayani sap ag-aaral ng iba’t ibang wika sa pangunahing paghahangad niyang
malaman ang buhay at kultura ng mga tao sa iba’t ibang bansa.

Bago pa pumasok sa paaralan, si Rizal ay marunong na ng 2 wika – ang Kastila at Tagalog.


Mula naman sa kaniyang gurong naanyayahang manirahan sa kanilang tahanan upang turuan
ang batang Rizal, natuto siya ng Latin. Nagpatuloy siya ng pag-aaral sa Ateneo de Manila at
siya’y nagkaroon ng pinakamataas na marka sa Latin, Griyego, Kastila at Pranses

Kay Rizal na nag-aangkin ng katalinuhan ang pag-aaral ang wika ay madaling makamtan.
Natuto siya ng labingwalong wika at apat na diyalekto gaya ng Tagalog, Kastila, Latin, Griyego,
Ingles, Pranses, Aleman, Arabik, Malayan, Ebreo, Sanskrito, Olandes, Italyano, Instik,
Nippongo, Portuges, Russo, Catalan at Swedis. Sa mga diyalekto, natuto siya ng Tagalog,
Ilokano, Bisaya, at Sabuanon. Upang matuto ng bagong wika, siya ay nagsasaulo ng limang
salitang ugat sa gabi bago matulog. Sa mga wikang alam ni Rizal, ginamit niya ang limang wika
nang buong husay, Tagalog para pakikipag-ugnayan sa kaniyang pamilya at kababayan: Kastila
para sa edukasyon at pulitika; Ingales para sa paglalakbay at pangangalakal; Pranses para sa
sining at panitik; at Aleman para sa agham.

Ang kaniyang kaalaman sa mga wika sa Asya at Europa ay pinakikinabangan niya nang husto,
kaya nga ito ang nagbigay daan s kaniyang pakikipagunawaan sa mga taga-ibang lupain,
naging kasiya-siya ang kaniyang paglalakbay, kadalasan ay siya pa rin ang nakakapagsalin ng
iba;’t ibang wika para sa iba’t ibang dayuhan na higit na hinangaan nang buong daigdig.

Marami ang nagtataka kung bakit halos lahat ng sinulat ni Rizal ay sa wikang Kastila gayong
siya ang unang-unang nagpasabing ang mga Pilipinong di-marunong magpahalaga sa ating
wika y mahigit sa hayop at malansang isda dahil hindi kailanman nalimutan ni Rizal ang sariling
wika sa paggamit nito.

Ang mga sinulat at akda niya sa kastila ay inukol niya sa mga Kastila. Nais niyang ipamalas sa
mga Kastila, na ang mga taong tinawag nilang “Indio” at nabibilang sa mababang lahi ay
maihahanay o nakahihigit pa sa mga henyo ng mga taga-ibang lupain.

Si Rizal, ang Lider-Sibiko

Hindi kataka-taka kung si Dr. Jose Rizal ay naghahangad ng pag-ibig, kaunlaran at kalinangan
sa Inang Bayan. Ginamit niya ang kaniyang sarili ay iniukol niya sa kaniyang pag-aaral at
paglalakbay sa mahabang panahon. Ang kaniyang paglalakbay ay ginamit niyang paraan
upang lalo pang lumawak ang kaniyang pag-aaral at pagsasanay, at ang pagtitipon pa ng
kaalaman na sa kaniyang paniniwala’y higit pang nakatutulong sa mga tao.

Mula sa Dapitan, isang nayong malungkot at malayo sa kabihasnan, nanirahan si Rizal nang
mahigit na tatlong taon. Dito siya nagkaroon ng pagkakataon na magsilbi sa bayan sa
pamamagitan ng paggamit ng kaniyang talino at pamumuno sa buhay sa nayon naging abala si
Rizal sa isang palatuntunan ng kalinisan at kalinangan ng Dapitan na kung ang saligan noong
panahong iyon ang pagbabatayan ay masasabing lubhang kahanga-hanga.

Sa tulong ng kaniyang mga mag-aral at mamamayan sa Dapitan at ng kaniyang mga mag-aaral


at mamamayan sa Dapitan at ng kaniyang kaalaman sa pagiging agremensor, nagawa niya na
mapababa ang malinis ng tubig sa bundok sa kanayunan sa pamamagitan ng mga kawayan at
paggamit ng apoy.

Nagtayo siya ng klinika roon at nagturo rin mga kabataan hindi lamang ng mga asignatura sa
klase kundi pati na rin sa pansariling kalinisan at agrikultura. Pinaganda rin niya ang liwasang
bayan.
Siya rin ang nagbayad ng P500.00 para magkailaw sa Dapitan. Tinuruan din niya ang mga tao
roon ng tamang paraan nang pagsasaka at pangingisda para may makunan sila ng ikabubuhay.
Tinuruan din niya ang mga tao na gumamit ng makabagong makinarya para sa bakal. Pati na
rin ang pagtatayo ng kooperatiba para lalong umunlad ang mga taga-Dapitan.

Si Rizal, ang Manggagamot

Si Rizal ay nag-aral ng medisina sa Pamantasan ng Santo Tomas ng apat na taon. Nagtungo si


Rizal sa Espanya upang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Nang natapos ni Rizal ang
medisina sa Universidad de Madrid, ipinasiya niyang bago umuwi sa Pilipinas ay
pagpakadalubhasa muna siya sa optalmologo sa Europa.

Si Rizal bilang isang manggagamot ay nakapag-iiwan ng isang kakintalan kahit na hindi siya
nagkaroon ng sapat na panahon sa propesyong ito. Wari bang sa kaniyang tatlumpu’t limang
taon sa kaniyang buhay, and medisina ay kaunting bahagi lamang sa kaniya. Subalit sa kabila
nang lahat ay naging kapuna-puna parin ito. Siya’y tunay na mabuting halimbawa ng
manggagamot ng isang nayon. Hindi kailan man naging pangunahing layunin ang pagkita ng
salapi at katanyagan. Ginamot niya ang lahat maging mahirap o mayaman, ano mang kulay o
propesyon. Nagtatag siya ng pangalan para sa kaniyang sarili upang makamtan niya ang
paggalang, pagmamahal at pagpapasalamat ng mga taong nakakasalamuha niya at higit sa
lahat sa Maykapal.

Sa kasalukuyan, kinikilala natin si Rizal na isang makabayan, isang henyo at pagiging dakila.
Ngunit sa mga mamamayang taga-Dapitan, siya’y kinilalang isang doktor, isang mahusay na
doktor. Ang kaniyang kaalaman ay napakalawak at ito’y utang niya sa sariling pagisisikap.
Lubha siyang nagpunyagi upang matuto at inilapat niya nang buong katalinuhan ang lahat ng
kaniyang kaalaman sa ano mang bagay na pakikinabangan. Hindi lang ng kaniyang sarili, higit
sa lahat ang buong lahing Pilipino.

GINTONG BUTIL NG KAALAMAN

 Jose Rizal, ang Henyo – nagpapakita ng mga nagawa ni Rizal dahil sa kanyang
angking talent, na walang katulad.
 Si Rizal, ang Guro - Pangarap ni Rizal na ang mga kabataan ay mabigyan ng
timbang na kurikulum, isang palatuntunan ng mga araling makalilinag ng katawan,
isipan, hilig at kabutihang-asal. Ninais ni Rizal na magkaroon ng pagbabago sa
larangan ng kurikulum ng paaralan upang ang paraan nang pagtuturo ay makalinag
ng lahat ng kakayahan ng tao.
 Si Rizal, ang Siyentipiko – nagpapakita ng magiging maka agham ni Rizal.
 Si Rizal, ang Makabayan – nagpapakita ito ng patriotism o pagmamahal sa bayan,
kung saan nagpakita sya ng paglaban para sa Kalayaan ng bansang Pilipinas.
 Si Rizal ang Internasyonalista – nailahad dito kung paanong natayag ang
pangalan ni Rizal sa iba’t -ibang panig ng mundo. kung saan nagpamalas sya ng
talino sa sa iba’t -ibang panig ng mundo
 Si Rizal, ang Lingguwista – ang kanyang pagkatuto ng iba’t – ibang lengwahe ay
nagpapakita ng pagiging lingguwista ni Rizal.
 Si Rizal, ang Lider-Sibiko – naipamalas ni Rizal ang pagmamahal sa bansa sa
pamamagitan ng paghahangad ng pag-unlad at kalinangan sa Bansang Pilipinas.
 Si Rizal, ang Manggagamot – pagpapatunay na si Rizal ay isang tanyag at
mahusay na manggagamot sa kanyang panahon. Kung saan ginugol nya ang
panahon sa pagdalubhasa nito sa ibang bansa. At pagtulong sa mga tao sa
Calamba bilang manggagamot.

You might also like