You are on page 1of 2

Ang Ulan at Araw

Mark James S. Chan 10-Morganite

Isang araw sa probinsya ng Cavite naninirahan sina Juan at Marie


ang mga anak ni Diego na may malubhang sakit. Ang tanging
pangkabuhayan nila ay ang pagsasaka. Araw araw silang naglalakad
patungo sa kanilang sakahan.

Hanggang sa isang araw nagtalo ang diyos ng Diyos ng ulan at


Diyosa ng araw dahil sa katanungang sino ang mas malakas. Nagalit ang
Diyos ng ulan at nagpabuhos ng malalakas na ulan na sumira sa palayan
nila Juan at Marie.

Nangamba sila dahil ang palayan lamang ang tanging


pinagkakikitaan nila para sa panggamot sa kanilang ama. Kinausap ng
Diyosa ng araw ang Diyos ng ulan at sinabing “Hindi nararapat na
maglabas ng galit sa iba sapagkat Malaki ang nagiging epekto nito. Kung
ano ang pinagtalunan natin ay satin lamang iyon.” At nagalit lalo ang
Diyos ng Ulan at sinabing “sawa na ako sabihan ng mahina, oras na para
malaman nila ang aking tunay na lakas.” Nagingay ang langit at
kumidlat ng katakot takot habang nag papaulan ng malalakas na ulan.

Hindi lamang palayan kundi tirahan ng mga nalalapit na bayan ang


naapektuhan ng Ulan. Dali dali na pinuntahan ng magkapatid ang
kanilang ama upang ihanda sa malakas na kalamidad na gawa ng Diyos
ng Ulan. Nagdadasal ang mag kapatid para kanilang kaligtasan ng
biglang lumitaw ang diyosa ng Araw at sinabing “Wag kayong matakot,
ako na ang bahala sa ulan, akin ding pagagandahin ang bunga ng iyong
palayan.”

Sumigaw ang araw sa ulan “Di sa ganyang paraan mapapakita ang


tunay na kalakasan, ang tanging pinakita mo lamang ay ang tunay mong
kaugalian, tanging katakutan lamang ang nadulot ng iyong pagkapoot.”
Sabi ng Diyosa.

Biglang napatingin ang Diyos ng Ulan sa mga mamamayan na


naapektuhan at biglang nabahala “Ano nangyari sakin?, ano itong
nagawa ko? Pinatunayan ko lamang ang aking kahinan sa kadahilanang
di ko mapigilan ang emosyon ko.”

Dali dali na pinatigil ng Diyos ang ulan at sinabi sa diyosa na


“Maari mo bang pasikatin ang localidad at magsilbing ilaw, maari mo rin
ba akong mapatawad.”

Nagpasikat ang Diyosa at nagbigay buhay sa kapaligaran at sibaing


“Wag ka sakin humingi ng tawad kundi sa mga mamamayang iyong
naapektuhan.” Di lamang perwisyo kundi kapahakan din ang naranasan
ng mga nasasakupan. Habang sumisikat ang mga araw dumungaw sa
bintana ang magkapatid napasigaw sa tuwa at nang biglang bumunga
ang kanilang palayan, nagpasalamat sila sa kalangitan. Maari mang may
pinagdaanan o pagsubok. Nasaksihan nilang bubunga at bubunga parin
ang kagandahan.

You might also like