You are on page 1of 13

Filipino 7

1
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Kaalamang-Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Flerida A. Cruz at Abegail C. Calimag
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino
Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 7
Ikatlong Markahan
Modyul 1 Para sa Sariling Pagkatuto
Mga Kaalamang-Bayan
Manunulat: Flerida A. Cruz at Abegail C. Calimag
Tagasuri: Flerida A. Cruz at Leda L. Tolentino/Editor: Cindy C. Macaso at Leda L. Tolentino

3
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 1 ukol sa Mga Kaalamang-Bayan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga


naunang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang


pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY

Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay


na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

4
MGA INAASAHAN

Sa modyul na ito ay ating tatalakayin ang mga panitikang mula sa Luzon na


makapaglalarawan ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Pag-aaralan mo
ang tulang panudyo, tugmang de-gulong, bugtong at palaisipan. Palalawakin at
pagyayamanin natin ang iyong kaalaman at kakayahan tungkol dito.
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang:
1. Maihahambing ang mga katangian ng tula/ awiting panudyo, tugmang de
gulong at palaisipan.
2. Maipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat,
batay sa konteksto ng pangungusap, detonasyon at konotasyon, batay sa
kasingkahulugan at kasalungat nito.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.

_____1. Ito ay ang mga simpleng paalala sa mga pasahero na maaari nating
matagpuan sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus at tricycle.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

_____2. Bata batuta! Isang perang muta! Ito’y isang halimbawa ng:
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

_____3. Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari din
namang magmula sa seryosong matematikal at lehistikal na suliranin na
sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas nito.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

______4. Huwag kang mag-dekwatro, ang dyip ko’y di mo kwarto. Halimbawa ito ng:
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

______5. Isang tugmaang binibigkas nang patula na binubuo ng 5 hanggang 12


pantig. Kadalasang nilalaro sa lamayan noong araw.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

______6. “Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay”. Ito ay halimbawa ng:
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

5
______7. Isang uri ng karunungang-bayan na ang kayarian ay may sukat at tugma,
ang layunin nito ay mambuska o manudyo.
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

______8. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha ang
bola nang di man lamang nagalaw ang sombrero?
A. Bugtong C. Tugmang de-Gulong
B. Palaisipan D. Tulang/Awiting Panudyo

BALIK-ARAL
Panuto: Piliin ang tamang letra ng tamang sagot.

1. Ka/ba/lin/tu/na/han/ ang/ bu/hay/ sa/ mun/do,


Pa/ru/pa/ro’y/ ha/los na/ma/tay sa/ ba/ngo;
Tawag sa paghahati/pagpapantig ng salita sa pagsulat ng awitin.
A. Kariktan B. Sukat C. Talinhaga D. Tugma

2. Tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng tiyak na


larawan sa isipan ng mambabasa.
A. Larawang-Diwa B. Simbolismo C. Sukat D. Tugma

3. Kabalintunaan ang buhay sa mundo


Paruparo’y halos namatay sa bango
Ngunit sa libangan, sa tuntungang bato
Namumulaklak pa ang kawawang damo
Ito ay tugmang tumutukoy sa magkahalintulad ng sukat, pantig sa bawat
taludtod gayundin ang tunog ng huling pantig sa bawat taludtod.
A. Tumang Ganap C. Tugmang Katinig
B. Tugmang Karaniwan D. Tugmang Patinig

4. Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at mga tayutay.


A. Sining o Kariktan B. Sukat C. Talinhaga D. Tugma

5. Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid


Ito’y kapalaran at tunay na langit
Ito ay tugmang nagtatapos ang mga taludtod sa magkakahawig na tunog
ngunit nagkakaiba ang tuldik ng mga huling pantig.
A. Tumang Ganap C. Tugmang Katinig
B. Tugmang Karaniwan D. Tugmang Patinig

6
ARALIN

Mga Kaalamang-Bayan

Maituturing na pinakamatandang sining ang tula sa kulturang Pilipino. Tula


ang pinagmulan ng iba pang mga sining tulad ng awit, sayaw, at dula. Batay sa
kasaysayan, ang mga unang Pilipino ay may likas na kakayahang magpahayag ng
kanilang kaisipan sa pamamagitan ng mga salitang naiayos sa isang maanyong
paraan kaya kinakitaan ng sukat at tugma. Katunayan, ang mga salawikain at
kawikaan ay kaakibat sa tuwina ng mga pahayag ng mga Pilipino noong unang
panahon.
Ang pagkadiwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon kay Alejandro
Abadilla “Bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at katuturan. Ito ay
ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang iba pang mga akdang
patula tulad ng tulang panudyo, tugamang de gulong, bugtong at palaisipan at iba
pang kaalamang-bayan.
1. Tulang/Awiting Panudyo
Ito ay isang uri ng akdang patula na kadalasan ang layunin ay manlibak,
manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig nagbibiro kaya ito ay kilala
rin sa tawag na Pagbibirong Patula.
Halimbawa: Ako ay isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.
Pedro Penduko, matakaw sa tuyo.

Si Maria kong Dende


Nagtinda sa gabi
Nang hindi mabili
Umupo sa tabi.

2. Tugmang de-Gulong
Ito ay ang mga paalala o babala na kalimitang makikita sa mga
pampublikong mga sasakyan. Sa pamamagitan nito ay malayang naipararating ang
mensaheng may kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero. Maaari
itong nasa anyong salawikain, kasabihan o maikling tula. Karamihan ng mga uri
ng tugmang ito ay binuo ni Dr. Paquito Badayos.
Narito ang ilan sa mga halimbawa nito:
a. Ang di magbayad mula sa kanyang pinanggalingan ay di makabababa sa
paroroonan.
b. Aanhin pa ang gasoline kung ang jeep ko ay sira na.
c. Ang di magbayad ay walang problema, sa karma pa lang, bayad ka na.

3. Bugtong
Ito ay isang pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan. Binibigkas ito
ng patula at kalimitang maiksi lamang. Noon karaniwan itong nilalaro sa lamay
upang magbigay aliw sa mga namatayan ngunit nang lumaon ay kinagiliwan na

7
ring laruin kapag may handaan o pistahan. Ilan sa mga halimbawa ng bugtong ang
sumusunod:
a. Gumagapang ang ina,
Umuupo na ang anak. (Sagot: kalabasa)
b. Maliit pa si Totoy,
Marunong nang lumangoy (Sagot: isda)
c. Nagtago si Pilo,
Nakalitaw ang ulo. (Sagot: pako)

4. Palaisipan
Ang palaisipan ay nasa anyong tuluyan. Layunin nito ang pukawin at
pasiglahin ang kaisipan ng mga taong nagkakatipon-tipon sa isang lugar. Ito ay
paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno. Ito ay nangangahulugan lamang
na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay mag-isip at kanilang ipinamana ito sa
kanilang mga inapo.
Ang ganitong uri ng panitikan ay laganap pa rin hanggang sa
kasalukuyang panahon sapagkat ito’y talagang nakapagpapatalas sa isipan ng mga
mag-aaral. Ito ay hindi na lamang pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga
pagtitipon kundi maging sa usapan sa Internet.
Halimbawa: Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.
Lumundag ang isa. Ilan ang natira?
(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang isang baboy
at hindi umalis.)
May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha
ang bola nang di man lamang nagalaw ang sombrero?
(Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)

MGA PAGSASANAY

A. Panuto: Suriin ang pangkat ng mga salita sa bawat bilang. Bilugan ang
hindi kabilang sa pangkat at ibigay ang kahulugan nito.

1. konduktor piloto drayber makinista


Kahulugan: __________________________________________________________________

2. namatanda nanuno nakulam natahimik


Kahulugan: __________________________________________________________________

3. panunukso paglalaro pang-iinis panunuya


Kahulugan: __________________________________________________________________

4. nagbibiruan nagtutudyuhan nagtatawanan nagtutuksuhan


Kahulugan: __________________________________________________________________

5. matuwa magpaalala masiyahan magalak


Kahulugan: ________________________________________________________________

8
B. Panuto: Hanapin sa HANAY B ang mga tinutukoy na kaalamang-bayan sa
HANAY A.

HANAY A HANAY B

_____1. Dala-dala ko siya, ngunit ako rin A.


ay dala niya.
https://www.google.com/imgres/imgurl=cliparting.com

_____2. Ano ang nakikita mo sa gitna ng


DAGAT? Dulo ng DAIGDIG, B.
Unahan ng GLOBO.
https://www.google.com/imgres/imgurl=cliparting.com

_____3. Bumili ako ng alipin,


Mataas pa sa akin. C.
_____4. Hawakan mo at naririto,
Hanapin mo ay wala ito. https://www.google.com/imgres/imgurl=cliparting.com

_____5. Tinago ko ang puno, D.


Sa dulo ang pagdurugo.
https://www.google.com/imgres/imgurl=wwwclipartsatClker.com

E.

https://www.google.com/imgres/imgurl=wwwclipartsatClker.com

https://www.google.com/imgres/imgurl=cascade-clipart-slippers-clipart-Jing.fm

C. Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Piliin ang letra ng tamang
sagot.

1. May mga paalala kang nababasa sa loob ng sasakyan. Ano sa kasunod na mga
tula ang halimbawa nito?
A. Ang di magbayad walang problema, C. Pungpung kasile
Sa karma pa lang ay bayad ka na. Ipinanganak sa kabibe.
B. Kotseng kakalog-kalog D. Putak, putak
Sindihan ng posporo, itapon sa ilog. Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!

2. Alin sa mga kasunod na tula ang halimbawa ng tulang panunudyo?


A.“Ale, aleng namamangka C. “Pung, pung kasili
Isakay mo yaring bata Ipinanganak sa kabibe
Pagdating mo sa Maynila Anong anak?
Ipagpalit ng kutsinta” Babae!
B. “Barya lang po sa umaga D. “Tabi-tabi po, apo
Baka po kayo mabunggo”

9
3. Piliin ang nawawalang salita na kailangan upang mabuo ang diwa ng nasabing
tugmang de gulong.
“Sitsit ay sa aso
Katok ay sa pinto
_________ ang para sa tabi tayo’y hihinto.”
A. isenyas C. sambitin
B. isigaw D. sundin

4. Ano ang damdaming, ipinahahayag ng kasunod na saknong?


“Putak, putak
Batang duwag!
Matapang ka’t nasa pugad!
A. nagagalit C. nanunudyo
B. naiinis D. natutuwa

5. Batay sa saknong, ano ang layunin ng sumulat?


“Kotseng kakalog-kalog
Sindihan ng posporo
Itapon sa ilog.”
A. magpaalala C. manlibang
B. magpasaya D. manghikayat

PAGLALAHAT

Panuto: Sumulat ng paghahambing ng mga katangian ng akdang patulang


tinalakay sa araling ito. Gamitin ang graphic organizer sa ibaba sa paglalahad
ng iyong sagot.

Mga Katangian ng
Akdang Patula

Tulang Tugmang de- Bugtong Palaisipan


Panudyo Gulong

10
PAGPAPAHALAGA
 Paano ba makatutulong sa iyo at sa kapwa mo kabataan ang pag-aaral ng
tula at iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de-
gulong, bugtong at palaisipan?

Akdang
Patula

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin kung Bugtong, Tugmang de-Gulong, Tula/Awiting Panudyo,


at Palaisipan ang sumusunod na pahayag.

A. Bugtong B. Tugmang C. Tula/Awiting D. Palaisipan


de-gulong Panudyo
https://www.google.com/search?q.emojie.pinterest.com

______1. Ang hindi magbayad


mula sa kanyang pinanggalingan
ay di makabababa sa paroroonan.

11
_____ 2. May dumi sa ulo,
Ikakasal sa Linggo.
Inalis, inalis,
Ikakasal sa Lunes.
_____3. Anong meron sa aso, na meron din sa pusa,
Na wala sa ibon, ngunit meron sa manok.
Na dalawa sa buwaya at kabayo
Na tatlo sa palaka?

_____4. Nang maglihi’y namatay,


Nang manganak ay nabuhay

_____5. Sa pagtaas ng gasolina,


Kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.

_____6. Bata, batuta


Nagsuot sa lungga
Hinabol ng palaka

_____7. Ano ang mas mabigat isang kilong pako


o isang kilong bulak?

_____8. Ang anak ay nakaupo na,


Ang ina’y gumagapang pa.

_____9. Napakadumi pero gusto mo ng mas marami.

_____10. Umupo si itim, sinulot ni pula,


Lumabas si puti, bubuga-buga.

12
SUSI SA PAGWAWASTO
` 5. C
4. B
3. F
2. A
B. 1. E
5. magpaalala
4. nagtatawanan
3. paglalaro
2. natahimik
10. A A. 1. makinista
9. D MGA PAGSASANAY
8. A 5. A
7. D 4. B
6. C 3. C
5. B 2. A
4. A 1. B
3. D BALIK-ARAL
2. C 8. B
1. B 7. D
PANAPOS NA PAGSUSULIT 6. A
5. A 5. A
4. B 4. C
3. B 3. B
2. C 2. D
C. 1. A 1. C
PAUNANG PAGSUBOK

Sanggunian
Baisa, Ailene G., Lontoc, S. Nestor, Esguerra, Carmela H. Pinagyamang Pluma
(2014) Phoenix Publishing House, Inc. pp. 278-280

Panitikang Rehiyunal (Kagamitan ng mga Mag-aaral) pp. 182-184


Erico M. Habijan, Ph.D., Rowena S. Ontangco, Ed. D., Melinda P. Iquin, Lucelma
O. Carpio. Panitik: Filipino sa Panahon ng Pagbabago. Adriana Publishing
House Inc., pp. 144-145.

https://www.google.com/search?q.emojie.pinterest.com

https://www.google.com/imgres/imgurl=cliparting.com
https://www.google.com/imgres/imgurl=wwwclipartsatClker.com

https://www.google.com/imgres/imgurl=cascade-clipart-slippers-clipart-Jing.fm

13

You might also like