You are on page 1of 3

Edukasyon sa Pagpapakatao 5

Unang Markahang Pagsusulit

I. Basahin Mabuti ang bawat pangungusap. Pillin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1. Ito ay ang paggamit ng isipan upang alamin ang katotohanan.


A. pagsusuri C. paniniwala
B. pagtatanong D. pagpanig
2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng pagiging mapanuri, MALIBAN sa _____
A. masusing pagbabasa o panonood C. pagtatanong sa eksperto o kinauukulan
B. paniniwala at pagtitiwala agad D. pagsusuri ng source o pinagmulan
3. Sinabi ni Ana kay Rita na nabasa nito sa internet na may paparating na bagyo sa susunod na linggo. Mapanuri
si Rita kung _____
A. tatanungin niya si Ana ng iba pang detalye
B. magbabasa ng impormasyon sa iba pang source o pinagmulan
C. manonood/magbabasa ng balita sa TV/diyaryo
D. lahat ng nabanggit

4. Tama ang iyong pagiging mapanuri kung _____


A. naniniwala ka lang kung maganda ang balita
B. humahanap ka ng iba pang mga impormasyon
C. ginagamit mo ang mga maling impormasyon
D. hindi ka nakikinig ng balita dahil bata ka pa

5. Nanalo ka ng malaking halaga ayon sa ipinadalang text sa iyong cellphone. Pinayuhan kang tumawag upang
ibigay ang iyong pangalan at lugar ng iyong tirahan. Mapanuri ka kung _____
A. ibibigay mo ang impormasyon C. aalamin mo muna kung totoo
B. iti-text mo ito D. papatawagan agad sa kapatid mo
6. Ang mga impormasyong makukuha sa diyaryo, internet, magasin, telebisyon at pelikula ay magdudulot ng
______
A. mabuti C. saya
B. di-mabuti D. A at B

7. Ang mga sumusunod ay magandang dulot ng mga impormasyon, MALIBAN sa _____


A. pagkakaroon karagdagang mga kaalaman
B. paglawak at paglalim ng pagkaunawa
C. pagkalito dahil sa dami at iba-iba
D. pagkakaalam sa katotohanan

8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng hindi magandang epekto ng impormasyon?
A. nag-away ang magkaklase dahil magkaiba ang alam nila
B. mas dumami ang kaalaman ni Anton dahil sa kanyang nabasa at napakinggan
C. nasagot ni Liza ang mga tanong dahil updated siya
D. natuklasan ni Renzo ang katotohanan dahil nagsiyasat siya

9. Ang hindi magandang dulot ng mga impormasyong natatanggap ay _____


A. pagkakaiba-iba ng mga pinaniniwalaan
B. hindi pagkakaunawaan o pag-aaway
C. pag-aalala o takot sa mga tao
D. lahat ng nabanggit
10. Upang hindi maging biktima ng maling impormasyon, alin ang dapat mong gawin?
A. mapagkakatiwalaan C. mapagduda
B. mapanuri D. mapaniwalain
11. Madalas ipinagpapaliban ni Zeff ang pag-aaral kaya nakakalimutan na niyang tapusin. Ang gawaing ito ay
_____
A. tama C. mali
B. okay lang D. dapat kong tularin
12. Ang pagsasabi ng katotohanan sa lahat ng panahon at pagkilos ng wasto o tama kahit walang nakakakita ay
pagiging _____
A. matapat C. masinop
B. mabait D. matalino
13. Pinakamahalaga sa pagpapahayag ng saloobin ang maging _____
A. mapagkunwari C. tapat at totoo
B. mapanakit D. malihim at tahimik
14. Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat.
A. maganda C. mali
B. tapat D. biro
15. Kung hindi ka magsasabi ng totoo, maaaring _____
A. mas lumala ang suliranin
B. hindi magbago ang kapwa
C. maulit pa ang pagkakamali
D. lahat ng nabanggit

II. Itiman ang A kung Tama at B kung Mali.

16. Ayon kay Francis Bacon, “Knowledge is Power”. Sa Filipino, “Ang Kaalaman ay Kapangyarihan.”
17. Maglalaan ako ng oras sa pakikipaglaro upang mas higit na matuto.
18. Tatapusin ko ang aking mga takdang-aralin kahit na nahihirapan.
19. Pahahalagahan ko ang aking pag-aaral.
20. Ibinabahagi ko ang aking kaalaman sa aking kamag-aral at kasapi ng pamilya.
21. Makipagtalo sa kagrupo kapag hindi nasunod ang aking gusto.
22. Makikiisa ako sa pangkatang gawain sa paaralan.
23. Ipauubaya ko sa aking kaklase ang paggawa ng aking proyekto.
24. Inuunawa ko ang aralin na gusto ko lamang.
25. Ang honesty ay katumbas ng salitang katapan o pagiging matapat

III. Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

26. tapat a. pangarap


b. paggalang
27. mithiin
c. kasama o katuwang ng salitang sipag
d. totoo
e. pagbibigay sa iba
28. ibahagi
29. respeto
30. tiyaga

31. kapangyarihan
32. positibo
33. halaga
34. marahan
35. opinyon

Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok.


SANTIAGO 1:12
Maam Dianne

You might also like