You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon XII
Dibisyon ng Timog Cotabato
Tboli Silangang Distrito 1
DIATA ELEMENTARY SCHOOL
School I.D 130812
Basag, Tboli, South Cotabato

__________________________________
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT S.Y. 2022-2023
IKA- 7 BAITANG
FILIPINO

Pangalan: ___________________________ Petsa:_____Iskor:______

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Isulat


ang tamang sagot..Iwasan ang pagbubura at paglingon sa katabi.

Pagsusulit I. Pagkakakilanlan. Isulat sa patlang ang hinihinging tamang kasagutan.


____________1. Isang salita o llipon ng mga salita na nagsasaad ng isang buong diwa.
____________2. Ito ay binubuo ng SIMUNO at PANAGURI.
____________3.Kilala siya sa pangalang “Pepe”.
____________4. Ito ay isang anyo ng panitikan kung saan nagsasaad ito ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao batay sa mga tunay na tala, pangyayari, o
impormasyon.
____________5. Ito ay siyang pinag-uusapan sa pangungusap.
____________6. Ito naman ay ang mga salitang nagsasabi tungkol sa simuno , kung
ano ang ginagawa ng simuno, o kung ano ang nangyayari sa simuno.
____________7. Ano ang buong pangalan ni Dr. Jose P. Rizal?
____________8. Ito ay ang pangkat ng mga salitang nasa loob ng isang wika na
pamilyar sa isang tao.Kilala rin bilang bukabularyo o sa Ingles bilang vocabulary.
____________9. Ito ay naglalahad ng buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa
kanyang pagkamatay.
____________10. Hindi gaanong binibigyan ng pansin dito ang mga mahahalagang
detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito ay may kaugnayan sa simula ng
paksa. Sa halip ay binibigyang diin dito ang mga: layunin.prinsipyo, paninindigan ng
isang tao, kung paano nauugnay ang mga ito sa kanyang tagumpay o kabiguan.

PASUSULIT II. Pagsusulit na Pagpupuno sa Patlang.


Punan ang patlang sa pagsulat ng wastong anyo ng pandiwang nasa panaklong.
Maganda ang sineng11. _______ (panood) namin kahapon.
Masaya kaming 12. _________( uwi) sa bahay kanina.
Sa susunod na araw kami ay13._________ (punta) sa siyudad ng Koronadal.
Ako ay 14.__________(bili) ng ulam para sa hapunan.
Hindi ko lubos15. _________( akala) na si ama ay napahiya kahapon sa palengke.
Pagsusulit III.Enumerarasyon.Ibigay ang mga sumusunod na katanungan.
A. Dalawang uri ng Talambuhay.
B. Dalawang ayaos ng pangungusap.
C. Magbigay ng dalawang propesyon ni Dr. Jose P. Rizal.

Pagsusulit IV. Pagsususlit sa Pagtukoy.


Panuto. Basahin ang bawat pangungusap.Salungguhitan ng isang beses ang simuno at
lagyan ng kahon ang panaguri. Tingnan ang halimbawa.
Halimbawa: Si Hannah ay masipag mag-aral.
1. Natututong lumangoy ng mabuti sa dagat si Allan.
2. Kamusta ang buhay na meron ka?
3. Nangangatog sa sakit si James.
4. Ako ay may mabait na alagang aso.
5. Kami ay dumalaw sa puntod nina lolo at lola noong Nobyembre Uno.
6. Kumain ako ng maraming prutas at gulay.
7. Si kuya ay mas matangkad kaysa kay ate.
8. Masayang sinalubong ni ina si ama kanina.
9. Iniingatan ko ang mga pasalubong na ibinigay ni tita.
10. Ako ay lubos na masaya sapakat natupad ko na ang aking mga pangarap.
Pagsusulit V. Pagsasanay. Isalaysay ang mga sumusunod na pangungusap. (10
puntos)
Kriterya: Nilalaman 6-wastong Baybay 2 pagkakaayos ng talata-2 =10 puntos.
1. Ang talambuhay ni Rizal.
2. Ang aking Talambuhay.

=WAKAS NG PAGSUSULIT=

You might also like