You are on page 1of 1

Coreen Aira Rosuelo HUMSS 12-1

GAWAIN PAGGANAP BILANG 1

Ang Aking Sarili

Taong dalawang libo’t apat, ako’y isinilang


Coreen Rosuelo ang aking pangalan.
Isinilang sa mundo ng walang muang,
Ngunit sa paglaki, unti unting namumulat sa katotohanan.

Pares ng aking mga paa’y iginiya ‘ko palayo sa aming tahanan


Subalit patungo naman sa mas malawak na lugar na puno ng kulay at kagandahan.
Mga mata’y iginala upang pagmasdan ang kapaligiran
At s a gitna ng kalawaka’y humiling kay bathala
Na sa bawat daang tatahakin, akoy laging gagayaban

Sa mundong aking ginagalawan,


Ano nga ba ang aking kahahantungan?
Buhay kong walang kasiguraduhan
Gusto ko lama’y walang humpay na kaligayahan.

Mga pangarap ko’y kung iisipi’y di abot kaya


Kung kaya’t ang mga itoy aking lubos na pagsusumikapan
Mga magulang ko’y aking laging kasama
Nagsisilbing taga suporta patungo sa magandang kinabukasan.

You might also like