You are on page 1of 4

Bernard Born T.

Perez
Grade 12-Descartes
SUMMATIVE TEST 1 (URI NG PAGLALAGOM: ABSTRAK)
Pamagat at Mananaliksik
Elemento ng Abstrak
Introduksyon/Rasyunal Kasabay ng pag-unlad ng isang
makabagong industriya ng teknolohiya
batay sa dalawang malalaking kumpanya ng
teknolohiya, halimbawa ay Samsung at LG.
Ang madaling pag-access sa pinakamabilis
na serbisyo sa Internet broadband sa mundo,
ang pag-access sa YouTube ay isang
lumalagong kalakaran sa lipunan. Kaya,
layunin ng pananaliksik na ito na malaman
ang relasyon ng panonood ng mga bata sa
YouTube at sa kanilang paghubog ng
kanilang unang wika.
Metodolohiya Sa pananaliksik na ito, gagamitin ang
disenyong palarawan o descriptive method.
Ang disenyong ito ay ang isang
pamamaraan kung saan ay masasagot ng
mga respondente kung ano ang pisikal at
sosyal na aktibidad ng mga mag-aaral sa
kanilang pangkalahatang kagalingan, mga
demograpikong propayl ng mga
respondente at ang mga pisikal at sosyal na
aktibidad ng mga mag-aaral na
nakatutulong sa kanilang pangkalahatang
kagalingan sa mga aspetong social
acceptance at emosyonal.
Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ng mga
mananaliksik sa pagtukoy sa epekto ng
YouTube sa pag-unlad ng lenggwahe ni
Charmont Raphael B. Santos. Ang panayam
ay magaganap sa Purok 5B, Barangay
Karaos, San Francisco, Agusan del Sur sa
Pebrero 7, 2022, at pangangasiwaan ni Gng.
Kholyn B. Santos.
Resulta Base sa mga datos na aming nakalap mula
sa pakikipagpanayam kayna G. Belmundo
Santos at Charmont Santos, ang kanilang
ginagamit na wikang pambahay ay ang
wikang Ingles at wikang Filipino. Sa kaso
ni Charmont, ayon sa kanyang ama na si G.
Belmundo Santos, ang ginugugol niya sa
panonood ay 6-8 na oras kada araw. Ito ay
may malaking epekto, hindi lang sa kung
paano niya titingnan ang kanyang
kapaligiran, kundi pati na rin sa kanyang
tono sa pananalita.
SUMMATIVE TEST 2 (URI NG PAGLALAGOM: SINOPSIS)

Pamagat: Ang Dagat at si Lolo Pedro

Simula
Brgy. San Andres, Isla Verde, Batangasn

Gitna
Tauhan: Lolo pedro, Boyten, Jimuel, BJ, at Jiro
Banghay:
Maraming residente ng Barangay San Andres ang ikinabubuhay sa pamamagitan ng ornamental fishing
o panghuhuli ng makukulay na isda para sa aquarium.

Si Pedro, isang 75-anyos na lolo, ang kanyang anak na si Boyten, at si Jimuel, isang labing-apat na
taong gulang na apo ay ikinabubuhay ang ornamental fishing. Gayunpaman, dahil sa paulit-ulit na
paggamit ng compressor, si Lolo Pedro ay paralisado at hindi na makalakad.

Wakas
Idadala ang mga bag ng plastic na isda mula Isla Verde hanggang
Cuta Duluhan, Batangas. Ihahatid sa isang inuupahang
pampasaherong jeep palabas ng Maynila para ibenta. Gayunpaman,
marami sa mga isda ang hindi makayanan ang mahabang
paglalakbay, at iilan lamang ang nabubuhay.
SUMMATIVE TEST 3 (URI NG PAGLALAGOM: BIONOTE)
Si Bb. Kristelle Joy Pag-ong ay ipinanganak noong ika-
dalawampu’t siyam ng Enero, taong isang libo’t siyam
na daan at siyam napu’t dalawa (Enero 20, 1992). Ang
lugar kung saan siya ipinanganak ay matatagpuan sa
lungsod ng Butuan City,Agusan del Norte. Ngayon,
siya ay tatlumpong taong gulang (30 taong gulang).
Ang pangalan ng kanyang ama ay si G. Emmanuel T.
Pag-ong at ang pangalan ng kanyang ina ay si Gng.
Helen C. Pag-ong. Ang pangalan naman sa kanyang
nakababatang kapatid ay si Bb. Emmalen C. Pag-ong. Ang kanyang interes sa buhay na nais
niyang makamtan o magawa ay ang pagiging matuto sa pagtugtog ng instrumenting
pangmusika na alpa. Ang kanyang mga nakamit sa kanyang paaralan habang siya’y nag-aaral
bukod sa mga pang-akademikong kaalaman ay ang mga aral patungkol sa buhay gaya ng
disiplina at magandang asal. Ang kanyang pinakamalaking karangalan na natanggap niya
habang siya’y nag-aaral sa kanyang hayskul ay ang pangalawang karangalan. Sa kanyang
kolehiyo naman ay nakapagtapos siya bilang batsilyer ng agham sa sekondaryang edukasyon-
medyor in MAPEH bilang cum laude. Ang kanyang ginagawa para sa kanyang sariling
kabuhayan o ang kanyang hanapbuhay ay ang kasalukuyang trabaho na magtuturo bilang
guro sa paaralang Agusan del Sur National High School.

You might also like