You are on page 1of 4

Name: Ola F.

Caluyong Grade & Section: 12 -


Copernicus

SUMMATIVE TEST 1(URI NG PAGLALAGOM: ABSTRAK)


Pamagat at Pananaliksik: Pagsusuri sa Pagkawalan ng Magulang sa mga batang (10-15)
taong gulang sa

pagkaapekto ng Child Labor sa Bitan-agan, San Francsico, Agusan del Sur


Batay sa Dokumentaryo ni Jay Taruc na Batang Kalabaw
Ola Caluyong
11-Pascal (STEM)

Elemento ng Abstrak

Introdukyon/Rasyunal Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga


magulang upang itaas ang kanilang kamalayan sa
isyu ng Child Labor. Makatutulong ang pag-aaral na
ito upang malaman ng mga magulang ang mga epekto
ng pagpapasa ng kanilang responsibilidad sa kanilang
mga anak. Ito ay makatutulong sa mga kabataan
upang maging mulat sila sa magiging epekto ng Child
Labor sa kanilang pisikal na kalusugan at kung paano
ang pagtatrabaho sa murang edad ay hindi nila
responsibilidad.

Metodolohiya Ginamit naman ang phenomenological method at


descriptive method sa disenyo. Gumamit kami ng
unstructured interview sa aming pag-aaral upang
mangolekta ng datos, at ang aming talatanungan ay
may kasamang tanong tungkol sa paksa: Epekto ng
Child Labor sa Emosyonal na kalusugan ng mga bata
na may edad (10-17) taong gulang sa Agusan del Sur.

Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matuklasan


ang epekto ng child labor sa emosyonal na kalusugan
ng mga bata na may edad (10-17) taong gulang sa
Bitan Agan, San Francisco, Agusan del Sur. Isa itong
kwalitatibong pananaliksik, at ang mga respondente
sa kanyang unstructured interview sa kanilang lugar
ay biktima ng child labor.
Resulta Batay sa mga natuklasan, ang mga sumusunod na
konklusyon ay iginuhit:

Ang child labor ay nakakaapekto sa emosyonal na


kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng magka-
stress sa mga bagay na hindi naman dapat sa kanila
nakaatang at maari itong magdala ng kalungkutan.
Dahil na rin pagkakasakit dulot ng pagod, dahil sa
klima, at mga nakukuhang sugat at pasa mula sa
pagtatrabaho.

Ang kawalan ng magulang sa murang edad at ang


kahirapan ay ilan sa mga dahilan ng pagtatrabaho ng
mga bata sa murang edad.

SUMMATIVE TEST 2 (URI NG PAGLALAGOM: SINOPSIS)

Simula/Tapuan: Pamagat/May akda:


Isla Verde ‘Ang Dagat at si Lolo
Pedro,’ dokumentaryo
Gitna ni Kara David
Mga tauhan, Banghay (Panimula, Pataas na aksyon o tunggalian)
Tauhan:
Lolo Pedro-pinakamahusay na maninisid sa Isla Verde noon.
Boyten- anak ni Lolo Pedro
Jimuel- katorseng anyos na apo ni Lolo Pedro
BJ at Jiro- trese anyos na kabataang sinusundan ang yapak ni Lolo
Pedro.
Simple lamang ang pamumuhay ng mga residente ng Isla Verde sa probinsya
ng Batangas. Maituturing nilang yaman ang biyaya ng dagat kung saan, ito
ang pinagkukuan nila ng ikinabubuhay.Panghuhuli ng makukulay na isdang
inilalagay sa acquarium o ormamental fishing ang pinagkakakitaan ng
karamihan sa taga barangay San Andres.
Tatlong henerasyon nang pinagpasa-pasahan ang aquarium fishing sa
pamilya ni Lolo Pedro Ebora. Mula sa pitumpu't limang taong gulang na si lolo
Pedro, anak niyang si Boyten at katorse anyos na apong si Jimuel. Pero nang
dahil sa paulit-ulit na paggamit ng compressor, paralisado na ngayon si lolo
Pedro at halos hindi na makalakad. Sa kabila ng panganib, ito ang yapak na
sinusundan ng ilang kabataan ng Barangay San Andres gaya nina BJ at Jiro
na pawang trese anyos pa lang.
Ang mga nahuling isda ay ihahanda na at isisilid ito sa malaking plastic upang
mapatibay at maihanda na ang isda sa transportasyon nito. Mula sa Isla
Verde, ibabyahe ang nga sako-sakong naka plastic naornamental fish
papuntang Batangas at isasakay ito papuntang Manila gamit ang isang
jeepney na kanilang nirentahan upang maibenta. Sa tagal ng biyahe hindi nila
masasabing buhay pa o nasa maayos
Wakaspangkundisyon ang mga isda ito ay
isang sugal na hinaharap ng mga mangingisda sa Isla Verde.
Kinalabasan/Resolusyon
Sa kabila nang peligrong kinakaharap nang paninisid o
pagcocompressor ay hindi pa rin namamatay ang ganitong
hanapbuhay. Bagamat maraming namamatay ay patuloy pa rin ang
ganitong hanapbuhay dahil sa pagkakulong sa utang at kahirapan at
humahanap ng swerte sa karagatan. Ang buhay nila sa Isla Verde ay
maihahalintulad sa kanilang isda, sila ay parehong nakakulong at
parehong biktima nang pagsasamantala at nang kapalaran.
SUMMATIVE TEST 3 (URI NG PAGLALAGOM: BIONOTE)

Si Giovanne Panangin Lapay ay ipinanganak noong Enero 18, 1982 sa


Poblacion, Prosperidad Agusan del Sur, siya ay apatnapung taong gulang. Ang pangalan ng
kanyang ina ay Luzviminda Perez Panangin at ang kanyang ama naman ay Ignacio Payat
Lapay. Siya naman ay ikinasal sa kanyang asawa na si Jennibeth Hermoso Lapay na
kasalukuyang nag tratrabaho bilang Nusrse II sa Government Center, Prosperidad Agusan del
Sur. Sa pagsasama nila ay naka bou sila ng tatlong anak sila ay si Hanspeare H. Lapay, Van
Raziel H. Lapay, at si Jarvis Oia H. Lapay. Si Giovanne Panangin Lapay ay nakapagtapos ng
elementary sa East Prosperidad Central Elementary School noong 1994. Habang
nakapagtapos siya sa hayskul noong 1998 sa Agusan del Sur School of Arts and Trades.
Nakapagtapos din sya sa kolehiyo sa Bohol Island State University sa Bachelor of Secondary
Education sa taong 2002 at kabilang din siya sa nakatapos na with high honors. Sa taong
2015, Tinapos niya ang kaniyang graduate studies bilang isang Master in Information System
sa University of the Philippines Open University. Sa kasalukuyan ay nag tratrabaho si
Giovanne sa Agusan Sur National High School bilang isang guro at isa na ding Master
Teacher-I sa depEd-Agusan del Sur, nakatanggap din siya ng parangal para sa pag-imbento
ng isang online na website na nagagamit sa panahon ng pandemya na naging malaking tulong
para sa online class ng mga estudyante, tinawag niya itong PALMS o ang Progressive
ASNHS Learning Management System.

You might also like