You are on page 1of 4

Name: Reanne Princess J.

Meregildo Grade & Section: 12 - Copernicus


SUMMATIVE TEST 1(URI NG PAGLALAGOM: ABSTRAK)

Pamagat at Pananaliksik: Pagsusuri sa Emosyonal na Kalusugan ng mga Bata edad (10-17)


taong gulang na nakakaranas ng Child Labor sa Bitan-agan, San Francsico, Agusan del Sur
Batay sa Dokumentaryo ni Jay Taruc na Batang Kalabaw

Mananaliksik: Reanne Princess J. Meregildo

11- Pascal (STEM)

Elemento ng Abstrak

Introdukyon/Rasyunal Ang pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa mga


magulang upang itaas ang kanilang kamalayan sa
isyu ng Child Labor. Makatutulong ang pag-aaral na
ito upang malaman ng mga magulang ang mga
epekto ng pagpapasa ng kanilang responsibilidad sa
kanilang mga anak. Ito ay makatutulong sa mga
kabataan upang maging mulat sila sa magiging
epekto ng Child Labor sa kanilang pisikal na
kalusugan at kung paano ang pagtatrabaho sa
murang edad ay hindi nila responsibilidad.

Metodolohiya Ginamit naman ang phenomenological method at


descriptive method sa disenyo. Gumamit kami ng
unstructured interview sa aming pag-aaral upang
mangolekta ng datos, at ang aming talatanungan ay
may kasamang tanong tungkol sa paksa: Epekto ng
Child Labor sa Emosyonal na kalusugan ng mga bata
na may edad (10-17) taong gulang sa Agusan del Sur.

Saklaw at Delimitasyon Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matuklasan


ang epekto ng child labor sa emosyonal na kalusugan
ng mga bata na may edad (10-17) taong gulang sa
Bitan Agan, San Francisco, Agusan del Sur. Isa itong
kwalitatibong pananaliksik, at ang mga respondente
sa kanyang unstructured interview sa kanilang lugar
ay biktima ng child labor.

Resulta Batay sa mga natuklasan, ang mga sumusunod na


konklusyon ay iginuhit:

Ang child labor ay nakakaapekto sa emosyonal na


kalusugan ng mga bata sa pamamagitan ng magka-
stress sa mga bagay na hindi naman dapat sa kanila
nakaatang at maari itong magdala ng kalungkutan.
Dahil na rin pagkakasakit dulot ng pagod, dahil sa
klima, at mga nakukuhang sugat at pasa mula sa
pagtatrabaho.

Ang kawalan ng magulang sa murang edad at ang


kahirapan ay ilan sa mga dahilan ng pagtatrabaho ng
mga bata sa murang edad.

SUMMATIVE TEST 2 (URI NG PAGLALAGOM: SINOPSIS)

Simula/Tapuan: Pamagat/May akda:


Isla Verde ‘Ang Dagat at si
Lolo Pedro,’
dokumentaryo ni
Gitna Kara David
Mga tauhan, Banghay (Panimula, Pataas na aksyon o
tunggalian)
Tauhan:
Lolo Pedro-pinakamahusay na maninisid sa Isla Verde noon.
Boyten- anak ni Lolo Pedro
Jimuel- katorseng anyos na apo ni Lolo Pedro
BJ at Jiro- trese anyos na kabataang sinusundan ang yapak ni
Lolo Pedro.
Simple lamang ang pamumuhay ng mga residente ng Isla Verde sa
probinsya ng Batangas. Maituturing nilang yaman ang biyaya ng dagat
kung saan, ito ang pinagkukuan nila ng ikinabubuhay.Panghuhuli ng
makukulay na isdang inilalagay sa acquarium o ormamental fishing ang
pinagkakakitaan ng karamihan sa taga barangay San Andres.
Tatlong henerasyon nang pinagpasa-pasahan ang aquarium fishing sa
pamilya ni Lolo Pedro Ebora. Mula sa pitumpu't limang taong gulang na si
lolo Pedro, anak niyang si Boyten at katorse anyos na apong si Jimuel.
Pero nang dahil sa paulit-ulit na paggamit ng compressor, paralisado na
ngayon si lolo Pedro at halos hindi na makalakad. Sa kabila ng panganib,
ito ang yapak na sinusundan ng ilang kabataan ng Barangay San Andres
gaya nina BJ at Jiro na pawang trese anyos pa lang.
Ang mga nahuling isda ay ihahanda na at isisilid ito sa malaking plastic
upang mapatibay at maihanda na ang isda sa transportasyon nito. Mula
sa Isla Verde, ibabyahe ang nga sako-sakong naka plastic naornamental
fish papuntang Batangas at isasakay ito papuntang Manila gamit ang
isang jeepney na kanilang nirentahan upang maibenta. Sa tagal ng biyahe
hindi nila masasabing buhay pa o nasa maayos pangkundisyon ang mga
isda ito ay isang sugal na hinaharap ng mga mangingisda sa Isla Verde.

Wakas
Kinalabasan/Resolusyon
Sa kabila nang peligrong kinakaharap nang paninisid o
pagcocompressor ay hindi pa rin namamatay ang ganitong
hanapbuhay. Bagamat maraming namamatay ay patuloy pa rin ang
ganitong hanapbuhay dahil sa pagkakulong sa utang at kahirapan at
humahanap ng swerte sa karagatan. Ang buhay nila sa Isla Verde ay
maihahalintulad sa kanilang isda, sila ay parehong nakakulong at
parehong biktima nang pagsasamantala at nang kapalaran.
SUMMATIVE TEST 3 (URI NG PAGLALAGOM: BIONOTE)

Si Giovanne Panangin Lapay ay ipinanganak noong Enero 18, 1982 sa Poblacion,


Prosperidad Agusan del Sur, siya ay apatnapung taong gulang. Ang pangalan ng kanyang ina
ay Luzviminda Perez Panangin at ang kanyang ama naman ay Ignacio Payat Lapay. Siya
naman ay ikinasal sa kanyang asawa na si Jennibeth Hermoso Lapay na kasalukuyang nag
tratrabaho bilang Nusrse II sa Government Center, Prosperidad Agusan del Sur. Sa
pagsasama nila ay naka bou sila ng tatlong anak sila ay si Hanspeare H. Lapay, Van Raziel H.
Lapay, at si Jarvis Oia H. Lapay. Si Giovanne Panangin Lapay ay nakapagtapos ng elementary
sa East Prosperidad Central Elementary School noong 1994. Habang nakapagtapos siya sa
hayskul noong 1998 sa Agusan del Sur School of Arts and Trades. Nakapagtapos din sya sa
kolehiyo sa Bohol Island State University sa Bachelor of Secondary Education sa taong 2002
at kabilang din siya sa nakatapos na with high honors. Sa taong 2015, Tinapos niya ang
kaniyang graduate studies bilang isang Master in Information System sa University of the
Philippines Open University. Sa kasalukuyan ay nag tratrabaho si Giovanne sa Agusan Sur
National High School bilang isang guro at isa na ding Master Teacher-I sa depEd-Agusan del
Sur, nakatanggap din siya ng parangal para sa pag-imbento ng isang online na website na
nagagamit sa panahon ng pandemya na naging malaking tulong para sa online class ng mga
estudyante, tinawag niya itong PALMS o ang Progressive ASNHS Learning Management
System.

You might also like