You are on page 1of 9

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
batayan ng matalino at maunlad na pang-arawaraw na pamumuhay

B. PAMANTAYANG PAGGANAP
Ang mag-aaral ay naisasabuhay ang pagunawa sa mga pangunahing konsepto
ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang- araw araw na pamumuhay

C. KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw- araw na pamumuhay bilang isang
magaaral, at kasapi ng pamilya at lipunan.

II. NILALAMAN

A. Paksang Aralin: Kagustuhan at Pangangailangan


B. Sanggunian: Ekonomiks: Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral Yunit 1.
Pahina 37-50, MELC 54
C. Mga Kagamitan: Powerpoint presentation,Laptop
D. Pagpapahalaga: Pagkakaisa at tamang pagdedesisyon tungkol sa kagustuhan at
pangangailangan.

III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A. Panlinang na gawain

1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa isang panalangin.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyo, mga bata.

3. Pagtatala ng Pagliban

Mayroon bang nagliban ng klase sa inyo? Wala po.

4. Pag-aalala sa Pamantayan sa Klase

Mga bata, ating alalahanin ang mga iba’t


ibang paalala tuwing tayo ay may aralin.

a. Umupo nang maayos.


b. Makinig sa guro.
c. Itaas ang kamay kung may nais itanong
o gustong magsalita.
5. Balik Aral
Kakapusan

B. Panilang na gawain

1. Pagsasanay

Suriin ang mga pangkat ng larawan. Ibigay ang


angkop na salita.

sasakyan

kasuotan

pagkain

cellphone
C. Pagganyak
Tayo ay maglalaro ng “Treasure Hunt”. Hahatiin ko
Kayo sa dalawang pangkat.
May kaakibat na tanong ang bawat level
ng treasure hunt. Sagutin ang kaakibat na tanong
Hulaan. Ang pangkat na unang makahuhula ay bibigyan
Ng puntos. Ang pangkat na may pinakamaraming
Puntos ang siyang magwawagi sa ating laro
Umpisahan na natin ang ating gawain. (Isasagawa ang gawain.)

Mga salitang pahulaan:

- cellphone
- laptop
- bigas
- bahay
- kotse
- pagkain
- damit
- pabango
- hikaw
- sapatos

D. Paglalahad

Kung ating susuriin, ang mga bagay na inyong


nabanggit ay nahahati sa dalawang pangkat.

May mga bagay na kailangan natin upang


mabuhay. Mayroon ding mga bagay na nais nating
makuha upang maging masaya ngunit hindi gaanong
mahalaga.

Ating tatalakayin ang kahalagahan ng teorya


ng pangangailangan.

E. Pagtatalakay

“Pangangailangan”

Sa inyong pananaw, ano ang maaaring


kahulugan ng pangangailangan? Ito po ay mga bagay na
kailangan ng isang tao,

Mahusay. Ano pa? Ito po ay mga bagay na


kailangan sa araw-araw
na gawain.

Tama. Ang pangangailangan ay tumutukoy


sa mga bagay na kailangan ng tao sa pang araw-araw
upang mabuhay at maging produktibo.

“kagustuhan”
Sa inyong pananaw, ano ang maaaring
kahulugan ng kagustuhan? Ang kagustuhan po ay ang
mga bagay na nais nating
makuha.

Tama. Ano pa? Ito po ay mga bagay na


nagdudulot ng kasiyahan sa
mga tao.

Magaling! Ang kagustuhan naman ay mga


bagay na nagpapasaya sa isang tao. Ito ay hindi
nakakaapekto sa kanyang kahusayan at pagiging
produktibo.

(Ipakita ang mga sumusunod na larawan.)

Ang isang negosyante ay bumili


ng isang cellphone upang matawagan ang
kanyang mga empleyado. Ito ba ay
pangangailangan o kagustuhan? Ito po ay pangangailangan.

Paano ninyo nasabi? Ang pagbili ng cellphone ng


negosyante ay isang
pangangailangan sapagkat
siya ay magiging produktibo
kung may cellphone.

May iba pa bang mga sagot? Ang pagbili ng cellphone ay


produktibo sapagkat ito ay
bahagi ng kanyang gawain
upang maging kapaki-
pakinabang.

Tama.

Ngayon, kung ang isang mag-aaral ay


bumili ng cellphone upang makapaglaro ng
mga iba’t ibang e-games, masasabi pa rin ba
natin itong pangangailangan? Hindi po.

Paano ninyo ito nasabi? Ang pagbili ng cellphone ay


hindi nakatutulong sa
mag-aaral.

Magaling!

Pagpapahalaga:

Ating tandaan na kailangan nating isipin


nang mabuti ang pagbili ng iba’t ibang bagay.

Ating isaisip kung ang mga ito ay nakatutulong


sa atin upang maging produktibo at kapaki-pakinabang.

Hindi naiiwasan na maraming pangangailangan


ang isang indibidwal. Ayon kay Abraham Maslow, ang
pangangailangan ng tao ay may takdang antas ng
kahalagahan.

Halimbawa, ano ang mas kailangan ng isang tao?


Pagkain o pagmamahal? Mas higit na kailangan ang
pagkain.
Tama. Ayon kay Maslow, may limang pangkat
ang mga pangangailangan ng tao.

Basahin ang mga sumusunod na talata. Ang unang pangkat ay


pangangailangang
pisyolohikal. Ito ang mga
kailangan natin upang
mabuhay.
Dito napapabilang ang pagkain, damit at tirahan.

Ang ikalawang pangkat ay


ang pangangailangan ng
seguridad at kaligtasan.

Dito napapabilang ang seguridad sa katawan,


pamilya, kalusugan, trabaho at ari-arian.

Ang ikatlong bahagi ay ang


pangangailangang
panlipunan.
Dito napapabilang ang mga pangangailangan
natin sa ating komunidad gaya ng
pakikipagkaibigan, pagkakaroon ng pamilya
at pakikipagkapwa. Ang ikaapat na bahagi ay ang
pangangailangan ng respeto
sa sarili at respeto ng ibang
tao.
Dito naman napapabilang ang tiwala sa sarili,
tagumpay at respeto. Ang ikalimang bahagi ay ang
kaganapan ng pagkatao.

Ito ang pinakamataas na uri ng pangangailangan.


Dito napapabilang ang pagiging malikhain,
paglulutas ng mga suliranin, pagpapahalaga sa
buhay at malapit na ugnayan sa ibang tao.

F. Paglalapat

1. Pangkatang Gawain

Upang mas maintindihan ang aralin, tayo


ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Hahatiin ko
kayo sa limang pangkat.

Kayo ay susulat ng isang paraan kung paano


Matutugunan ang iba’t ibang pangangailangan ayon kay
Abraham Maslow.

Ngunit bago tayo magpatuloy, anu-ano


ang ating kailangang tandaan sa pagsasagawa ng isang
pangkatang gawain? Basahin ang panuto.

Anu-ano pa? Tumulong sa kasapi.


Maging produktibo.

Umpisahan na natin ang gawain. (Isasagawa ng mga


mag-aaral ang gawain.)

Unang pangkat – pangangailangang pisyolohikal.


Ikalawang pangkat – pangangailangan ng seguridad
at kaligtasan
Ikatlong pangkat – pangangailangang panlipunan
Ikaapat na pangkat – pangangailangang pagkamit ng
respeto sa sarili at ng ibang tao
Ikalimang pangkat – pangangailangang kaganapan ng
pagkatao

Ating suriin ang inyong mga likha.


2. High Five

Humarap sa katabi at maghigh-five. Magpapakita


ako ng iba’t ibang uri ng larawan. Sabihin ninyo sa
inyong katabi kung ang mga ito ay pangangailangan o
kagustuhan.

(Iikot ang guro upang marinig ang mga sagot ng mga


mag-aaral.) (Magbibigay ng iba’t ibang
sagot ang mga mag-aaral.)

pamilya

sitsirya

kaibigan
pahingahan

gulay

G. Paglalahat

Ating balikan ang ating aralin. Anu-ano ang


limang uri ng pangangailan ayon kay Abraham
Maslow? Pangangailangang
pisyolohikal, seguridad
at kaligtasan, panlipunan,
pagkamit ng respeto sa
sarili at ng ibang tao at
kaganapan ng pagkatao.

Mahusay. Paano natin malalaman kung ang


isang bagay ay isang pangangailangan o
kagustuhan? Ang bagay ay isang
pangangailangan kung ito
ay kailangan upang
mabuhay o maging
kapaki-pakinabang.

Ang bagay ay isang


kagustuhan lamang kung
ito ay nakapagpapasaya
ngunit hindi nakatutulong
upang maging produktibo.

Magaling!

IV. PAGTATAYA

Panuto: Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng.


1.________pumunta sa party.
2.________kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan.
3.________magbubukas ng saving account sa isang matatag na bangko para sa kinabukasan.
4.________lumipat sa magandang bahay na may aircon.
5.________uminom ng tubig pagkatapos kumain
6.________mamahaling relo.
7.________telebisyon upang manood ng DepEd TV.
8________kumain ng pizza
9._______ maglaro ng video game
10.______ magsuot ng maayos na damit
V. GAWAING BAHAY

Gumawa ng isang “open letter” tungkol sa mga pangangailangan at kagustuhan ng


iyong lokal na komunidad. Isulat ang “Para sa kinabukasan at sa aking bayan _______” bilang
panimula ng iyong open letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito.

Inihanda ni:

ERLYN JOY T. AGUM


APPLICANT

You might also like