You are on page 1of 4

FILIPINO PERIODICAL TEST REVIEWER

ARALIN 1: MGA AKDANG PAMPANITIKAN


NG TIMOG-SILANGANG ASYA

MAIKLING KUWENTO NG SINGAPORE


Halimbawa:
1. Nang Minsan Naligaw si Adrian
2. Ang Ama- Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena.
3. Anim na Sabado ng Beyblade- Ni Ferdinand Pisigan Jarin

ANO ANG MAIKLING KUWENTO?


 Isang uri ng panitikang masining na naglalahad ng mga
pangyayari.
 Hindi kahabaan tulad ng nobela, mas mabilis ang paglalahad.

MGA SANGKAP NG MAIKLING KUWENTO


1. TAUHAN
 Tumutukoy sa mga pangunahin sa kuwento.
 Nagpapatakbo sa kuwento.
2. TAGPUAN
 Kung saan at kalian mangyari ang kuwento.
3. TEMA
 Pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda..
4. BANGHAY
 Pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
MGA BANGHAY NG MAIKLING KUWENTO
I. SIMULA
Binubuo ito ng:
1. MGA TAUHAN- Sinu-sino ang masiganap sa kuwento.
2. TAGPUAN- Kung saan at kalian ito naganap ang kuwento.
3. SULIRANIN- Problemang kakaharapin ng (mga) tauhan.

II. GITNA
1. SAGLIT NA KASIGLAHAN- Panandaliang pagtatagpo ng
mga tauhang masangkot sa surilanin.
2. TUNGGALIAN
Tao laban sa:
 Tao laban sa sarili
 Tao laban sa kapwa tao
 Tao laban sa kalikasan
 Tao laban sa tadhana
3. KASUKDULAN- Makakatamtan ng pangunahing tauhan ang
katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
III.WAKAS
1. KAKALASAN- Unti-uting pagbaba ng takbo ng kuwento
mula sa naigting na pangyayari sa kasukdulan.
2. KATAPUSAN- Resolusyon ng kuwento.

DENOTATINO AT KONOTATIBO
DENOTATIBO
 Literal na pagpapakahulugan
Halimbawa: Tatay —> Ama
KONOTATIBO
 Malalim na pagpapakahulugan sa isang salita o mga salita.
Halimbawa: Haligi ng Tahanan —> Ama
PANG-UGNAY
Nagpapakita ng relasyon sa dalawang yunit sa pangungusap (sentence),
maaring salita, dalawang parilala (phrase), dalawang sugnay (clause).
 PANGATNIG
 Nag-uugnay sa mga pangungusap at sugnay.
MGA HALIMBAWA:
1. SUBALIT- ginagamit lamang kung ang ‘datapwat’ at ‘ngunit’ ay
ginamit na sa unahan ng pangungusap.
2. SAMANTALA, SAKA- ginamit na pantuwang
3. KAYA, DAHIL SA- ginamit na pananhi
 TRANSITIONAL DEVICES
 Kataga na nag-uugnay sa pagsunod-sunod ng mga pangyayari at
iba sa paglalahad.
1. SA WAKAS, SA LAHAT NG ITO- Panapos
2. KUNG GAYON- Panlinaw

TELENOBELA (KATHAMBUHAY)
 Nagmula sa dalawang salita para sa telebisyon at nobela.
 Nagbibigay imporasyon, aral, at libangan sa mga manunuod.
 Ito ay tulad din ng maikling kuwento (Mga Sangkap, Banghay)
Halimbawa: Strong Girl Bong Soon

NOBELA
 Mahabang kuwento na naglalarawan sa mga piksyon na tauhan.
 Tulad din ito ng maikling kuwento at telenobela (Mga Sangkap,
Banghay)
Halimbawa: Isang Libo’t Isang Gabi
PAGGAMIT NG MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA
PAGBIBIGAY OPINYON

OPINYON
 Tinatawag ding kuro-kuro.
 Sariling pananaw tungkol sa mga bagay-bagay o pangyayari.
 Isang magandang palatandaan na may kamalayan ka sa nagyayari
sa paligid.
 Ito ay saloobin lamang ng isang tao batay sa kaniyang sariling
kahulugan sa mga nakikita.

ILAN SA MGA HALIMBAWA NG MGA PAHAYAG:


 Sa tingin ko/ni/ng
 Akala ko ni/ng
 Palagay ko
 Paniniwala ko/ni/ng
 Sa ganang akin
 Sa pananaw ko/ni/ng
 Para sa akin

You might also like