You are on page 1of 17

ELEMENTO NG

MAIKLING
KUWENTO
TAUHAN
Ang nagbibigay buhay sa ating maikling kuwento
Ang mga nagsisipagganap sa ating maikling kuwento
Protagonista
Antagonista
Pantulong na tauhan
TAGPUAN

Ang panahon o lugar ng pinangyarihan ng ating


maikling kuwento
BANGHAY

Ito ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari


sa kwento.
Panimula
Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga
mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala
ang iba sa mga tauhan at tagpuan ng kwento.
Suliranin
Ito ang problemang haharapin o kinahaharap ng
tauhan sa kwento.
Saglitna Kasiglahan
Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga
tauhang masasangkot sa suliranin.
Tunggalian
Ang tunggalian ay may apat na uri: tao laban sa tao, tao
laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa
kapaligiran o kalikasan
Kasukdulan
Dito nakakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o
kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kakalasan
Ang tulay sa wakas ng kwento. Ang unti-
unting pagbaba ng takbo ng ating kuwento
Wakas
Ang resolusyon o ang kahihinatnan ng
kwento.
Pananaw
tumatalakay kung sino ang nagsasalita o
nagsasalaysay ng ating kuwento.
Paksang Diwa o Tema
Ito ang pinaka kaluluwa ng maikling kwento.
Kaisipan
Ito naman ang mensahe ng kwento.
ASPEKTO NG
PANDIWA
PANDIWA- Ang pandiwa ay bahagi ng
pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw at
nagbibigay-buhay sa lipon ng mga salita. Ito’y
binubuo ng salitang-ugat at ng isa o higit pang
panlapi. Ang mga panlaping ginagamit sa
pandiwa ay tinatawag na panlaping makadiwa.
Ang aspekto ng pandiwa ay nagsasaad kung kalian naganap,
nagaganap o magaganap ang isang kilos.

PAWATAS– Ito ay tawag sa pandiwang hindi pa


nababanghay sa iba’t ibang aspekto. Ito’y nagsasaad ng
utos.
Halimbawa:
Magbasa tayo ng libro upang may matutunan tayo.
Tayo nang maglaba upang hindi tayo mapagalitan ni Inay.
Sumulat ng isang liham tungkol sa iyong magulang.
ASPEKTONG NAGANAP O
PERPEKTIBO
Ito’y nagsasaad na tapos na o nangyari na ang kilos.
Ginagamitan ito ng mga panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
Inayos ko na ang mga gamit na dadalahin ko para bukas.
Tapos na akong kumain.
Nagpunta ako sa simbahan.
ASPEKTONG PERPEKTIBONG
KATATAPOS
Ang aspektong ito ng pandiwa ay nagsasaad ng kilos na sandali
lamang pagkatapos ito ginawa. Nabubuo ito sa pamamagitan
ng paggamit ng unlaping ka- at pag-uulit ng unang katinig-
patinig o patinig ng salitang ugat.
Halimbawa:
Katutula lang ni Binibining Reyes.
Kasusulat ko lang kay Presidente Duterte ng ating mga hinaing.
Kabibili ko lang ng baka sa palengke.
ASPEKTONG IMPERPEKTIBO
(NAGAGANAP O PANGKASALUKUYAN)
Ang kilos o galaw ay kasalukuyang ginagawa,
ginaganap o nangyayari. Ito ay ginagamitan ng mga
panlaping na, nag, um, at in.
Halimbawa:
Ang sanggol ay natutulog.
Natutunaw ang sorbetes na kinakain mo.
Nag-aaral ako ng mabuti.
ASPEKTONG KONTEMPLATIBO
(MAGAGANAP O PANGHINAHARAP)
Ang kilos ay hindi pa nagagawa, nagaganap, o gagawin pa
lamang. Ginagamitan ito ng mga panlaping ma at mag.
Halimbawa:
Matutulog ako ng maaga mamayang gabi.
Bukas ay pupunta kami sa parke ng aking mga kaibigan.
Sa aking kaarawan ay magluluto si Nanay ng spaghetti at
pansit.
PANUTO: Salungguhitan ang pandiwang ginamit sa
bawat pangungusap at tukuyin kung anong aspekto ng
pandiwa ito.
1. Kinakausap ni Marco si Ana tungkol sa kanilang takdang-
aralin.
2. Aalis mamayang madaling araw si Pedro.
3. Namasyal kahapon sa Boracay ang pamilya ni Aya.
4. Kaluluto pa lamang ni Ron ng ulam ay magluluto na
naman ito.
5. Tatalon na sana si Uno sa gusali nang pigilan siya ni Dos.
6. Sa Baguio na kami maninirahan sa susunod na buwan.
7. Sinayaw nina Junjun at Neneng ang bagong dance
challenge sa tiktok na Heartbreak Anniversary sa harapan ng
mga madla.
8. Ang paksa ay iginuhit ng mga manunulat.
9. Pinupuntahan parin ng mga turista ang boracay kahit ganito
parin ang sitwasyon ng ating mundo.
8. Ang paksa ay iginuhit ng mga manunulat.
9. Pinupuntahan parin ng mga turista ang boracay kahit
ganito parin ang sitwasyon ng ating mundo.
10. Nag-aaral akong mabuti upang makapasa sa mga
pagsusulit.
https://philnews.ph/2020/10/27/ano-ang-tunggalian-halimbawa-
at-kahulugan-nito/

You might also like