You are on page 1of 3

Panuito: Gumawa ng sanaysay tungkol sa mga uri ng teknikal bokasyonal na sulatin.

SANAYSAY TUNGKOL SA URI NG TEKNIKAL BOKASYUNAL NA

SULATIN

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay napakahalaga sa paraan ng pagsulat at

komunikasyon.. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya dahil

sa pamamagitan nito nakapagbibigay ang manunulat ng mahalagang dokumentasyon

sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa bawat industriya. Ang

kahalagahan ng pag-aaral ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay upang maibahagi sa

mga mag-aaral ang ibat't-ibang uri ng pagsulat. Dahil ang mga uring ito ay kailangan

sa mga gawaing may teknikal na oryentasyon.

Maraming klase ng pagsulat ang teknikal Bokasyunal na Sulatin at bawat uri ay may

layunin. Narito ang iba't-ibang uri ng sulatin. Manwal ito ay naglalaman ng iba't ibang

impormasyon patungkol sa isang produkto. Mga kalakaran at iba't-ibang proseso ay

naitatala dito. Pangalawa ay ang Liham pangnegosyo kung saan ang mga ganitong

sulatin ay mula sa isang kompanya para sa isa pang kompanya, o sa pagitan ng mga

organisasyon at kanilang kostumer, kliyente at iba pang panlabas na partido. Patatlo

ay ang Flyers/leaflets. Ito ay isang uri ng sulatin na nakasulat sa isang papel na ang

layunin ay para sa malawak na distribyusyon ng impormasyon. Ang flyers ay

karaniwan ibinabahagi sa pampublikong lugar, sa eskwelahan, palengke at sa iba pang

lugar. Sumunod naman ay ang Deskripsyon ng produkto ito ay sulatin para

sa pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang produkto o serbisyo. Ginagamit

ito upang mabigyang kahulugan ang prdukto bago ito tangkilin ng isang mamimili.
Ang sumunod naman ay ang Dokumentasyon patungkol sa paggawa ng isang

produkto. Ito ay isang ulat kung saan ito ay parang naratibo o pasalaysay na lupon

ng mga salita. Kasama din sa uri ng teknikal bokasyunal na sulatin ang naratibong

ulat kung saan ito ay nagmumula sa ibat-ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng

mga ulat hinggil sa Gawain o kaya'y mahalagang pangyayari sa kanilang organisayon

o institusyon. Ganoon din ang isa pang uri ay ang Paunawa/ Babala at Anunsyo na

kung minsan ay ating napapnsin sa mga balat o balot ng isang produkto.Nagbibigay

ito ng impormasyon sa mga mamimili patungkol sa produkto. Nakatutlong ang mga

babala upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanaisnis na

pangyayari para sa isang indibidwal patungkol sa isang produkto. At ang panghuli ay

ang ,menu ng pagkain, ito naman ay karaniwang makikita sa mga kainan kung saan

nilalaman ang mga uri ng pagkain na kanilang ibinebenta.Nakalagay din sa menu ang

halaga ng bawat pagkain upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o

kaya'y abot kaya para sa kanila.

Sa lahat ng uri ng mga sulatin, Naiiba ang teknikal-bokasyonal ng pagsulat sa

kadahilanang ito ay higit na naglalaman ng mga impormasyon. Ang layunin ng

ganitong uri ng pagsulat ay maipaliwanag ng ibat't-ibang paksa sa mga mambabasa.

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-

aralin sa malinaw , obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. Ito rin ay

gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo, deskripsyon ng proseso, klaripikasyon,

sanhi at bunga, paghahambing at pagkakaiba , analohiya at interpretasyon.

Gumagamit din ito ng mga teknikal na bokabularyo. Maliban pa sa mga talahanayan,

grap, at mga bilang upang matiyak at masuportahan ang talakay tekswal. Mahalaga na

ang bawat hakbang ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at kumpleto ang


ibinibigay na impormasyon . Dagdag pa rito, mahalaga rin ang katumpakan , pagiging

walang kamaliang gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na

pamantayang kayarian. Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng

impormasyon at manghikayat sa mambabasa.

You might also like