You are on page 1of 5

Iba’t Ibang Anyo ng Sulating

Teknikal-Bokasyunal: Kahulugan,
Kalikasan, at Katangian
Ano ang teknikal-bokasyunal na pagsulat?
Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay
komunikasyong pasulat sa larangang may
espesyalisadong bokabularyo tulad ng
agham, inhinyera, teknolohiya, at agham
pangkalusugan.
Mga Halimbawang Anyo ng Sulating
Teknikal-Bokasyunal
1. Manwal
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t
ibang impormasyon hinggil sa isang produkto,
kalakaran sa isang organisasyon o samahan o
kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso,
estruktura, at iba pang mga detalyeng nagsisilbing
gabay sa mga magbabasa nito.
2. Liham Pangnegosyo
Ang liham pangnegosyo ay ginagamit sa
korespondensiya at pakikipagkalakalan.
Nakatuon ang liham na ito sa mga transaksiyon
sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng
halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng
kahilingan at liham pag-uulat. Pormal ang
paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.
3. Flyers/leaflets at promo materials
Kalimitang ipinamumudmod ang mga
flyers/leaflets at promo materials upang
makahikayat sa mga tagatangkilik ng isang
produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay
impormasyon din ang mga materyales na ito para sa
mga mamimili o kung sino man ang makakabasa
nito. Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan
ang mga ito upang higit na makita ang biswal na
katangian ng isang produkto.

You might also like