You are on page 1of 5

Reynante G. Gabirel Jr.

11 – Viking

GAWAIN 1.C Panuto: Basahin ang teksto sa loob ng kahon, saka suriin ang mga salita/pahayag
na kung saan ang ginamit na batayan ay ang sumusunod. Sundin ang naihandang balangkas sa
pagsusuri sa ibaba: (2 puntos bawat bilang)
a. Nag-uusap
b. Layunin ng Pag-uusap
c. Paksa ng Pag-uusap
d. Lugar ng Pag-uusap
e. Panahon ng Pag-uusap
f. Grupong Kinabibilangan

“Happy birthday to me
Happy birthday to me
Happy birthday, happy birthday
Happy birthday to me.”

Tatlong taon na pala ako, isang taon na naman ang nadagdag. Ang bilis
talaga ng panahon. Parang kailan lang at nasa loob ako ng tiyan ni Mommy. Wala
pa akong isang buwan noon. Tuwangtuwa si Mommy nang malaman niyang
dumating na ako. Bigla namang natahimik si Daddy. lyon ang huli kong pagkakita
sa aking ama.
Naging magulo ang mga sumunod na mga pangyayari. Lagi na lang umiiyak
si Mommy. Palagi siyang malungkot at tulala, tuloy nalulungkot na rin ako. Pero
nabawasan ang aking pagkalungkot nang dumating sina lola at lolo.
Gusto kong sumigaw sa katuwaan.
“Hello lolo, lola!"
Pero bakit ganoon, galit sila kay Mommy at sa akin. Ayaw ba nila sa akin?
Mabuti na lang at kasama ko pa rin ang Mommy ko. Hanggang isang araw
ay pumunta kami ni Mommy kina lola. Tuwang-tuwa ako noon, lalo akong nasabik
na lumabas na! Ang sabi ko noon sa aking sarili, magigirig mabait akong anak at
apo, para lahat sila ay matuwa sa akin.
Ang akala ko'y maayos na ang lahat pero nagkamali ako.
Isang araw ay umalis kami nina Mommy at lola. Ang akala ko'y mamimili
kami ng aming mga gamit, pero iba ang pinuntahan namin, isang maliit na klinika
iyon. Naiwan sa labas si lola, pumasok naman sa loob ng kwarto si Mommy.
Muli ay umiyak na naman ang Mommy ko. Pagkatapos ay humiga siya. Doon
ko napansin ang kabuuan ng kwarto, maraming garapon at sa loob ng mga ito ay
nabigla ako sa aking mga nakita. . . . Napakaraming sanggol ang nandoon.
Sumigaw ako! “Mommy, huwag, huwag mo akong patayin!” Kinatok ko siya,
pero hindi niya ako narinig. Hindi!
Sayang Mommy, sayang. Sana ay magkapiling tayong dalawa, nagdariwang ng
aking kaarawan sa ating bahay. Masaya sana tayong dalawa Mommy.
Sayang. . . Kung binigyan mo sana ako ng pagkakataong mabuhay.

(Filipino 2 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Jocson, Magdalena O. 2005)

1. Nag-uusap – sanggol at ang kanyang sarili


2. Layunin ng Pag-uusap – nagtatanong ang sanggol bakit siya pinalaglag ng kaniyang ina
3. Paksa ng Pag-uusap – bakit hindi masaya ang lolo at lola sa sanggol nang malaman na
pinagbubuntis siya ng kanyang mommy
4. Lugar ng Pag-uusap – sa bahay at klinika
5. Panahon ng Pag-uusap – magtatatlong taon na ang sanggol mula noong pinalaglag siya
ng kanyang Mommy, ikinuwento/binalikan niya ang kanyang alaala ang lahat ng
pangyayari
6. Grupong Kinabibilangan – anak/sanggol sa sinapupunan

GAWAIN 2. PAGYAMANIN MO!


Panuto: Makinig/manood ng isang programa sa radyo/telebisyon na maaaring may pormat na
talk show, real talk, maaari ring pagbabalita, pagtatalakayan o dokumentaryo. Pagkatapos
makinig/manood, tukuyin ang mga sumusunod na Mga Konsiderasyon sa Mabisang
Komunikasyon ni Dell Hymes (1974).

Pamagat ng Programa: I-Witness: 'Pandemic Teachers', dokumentaryo ni Kara David


Petsa at Oras: Enero Bente taong Dalawang libo’t dalawang pu’t dalawa (January 20, 2022).
Alas tres ng hapon (3:00 PM)

S-etting (lugar ng pag-uusap)

Ang dokumentaryo ay naganap sa kabundukan sa bayang ng Tanay, Rizal.

P-articipants (sino ang nag-uusap)


Kara David, mga estudyante, mga guro at mga magulang

E-nds (layon ng pag-uusap)

Ito ay upang maiparating ang mga hinanaing at mga suliranin na kinakaharap ng mga
guro, mga magulang at mga mag-aaral sa panibagong uri ng pag-aaral. Ngunit, ang mga guro sa
mga nayon ay pumupunta sa mga kabundukan upang magturo sa mga katutubong mga Pilipino
nang higit sa isang oras na kanilang pinagtyatyagan.

A-ct Sequence (takbo ng pag-uusap)

Ang pagbibigay ng mga modules sa mga mag-aaral ngunit sa kabila nito’y wala silang
gaanong natututunan.

K-eys (pormal o di-pormal ang pag-uusap)

Pormal ang pag-uusap

I-nstrumentalities (pasalita o pasulat ba ang usapan)

Pasalita ang ginamit sa usapan

N-orms (paksa ng pag-uusap)

Pasakit ng Pandemya sa Edukasyon at ang kawalan ng gaanong kaalaman dahil sa mga


magulang na nahihirapan na ipaliwanag sa kanilang mga anak ang mga panuto at mga
sasagutan.

G-enre (paraan ng paglalahad)

Ang ginamit na paraan ay video (dokyumentaryo) na ipinapahayag at nailarawan dito


ang mga dinaranas ng ating mga kababayang katutubo sa pamamagitan ng pagkuha sa kanilang
mga impormasyon o opinyon ukol sa panibagong hamon ng edukasyon.

GAWAIN 3
Upang matagumpay ang komunikasyon, mahalaga ang gamit ng mga salita sa isang usapan.
Mahalagang taglayin samakatwid ng isang komunikador ang paggamit ng salita na angkop
batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, at grupong kinabibilangan ng nag-uusap. Sa
puntong ito, mainam na isaalang-alang ang mabisang konsiderasyon sa komunikasyon ni Dell
Hymes na may akronim na SPEAKING.

Basahin ang iskrip ng isang infomercial na gamit sa Rabio-Based Instruction sa Isabela. Suriin ito
at tukuyin ang mga sumusunod:
S – etting (lugar ng pag-uusap)
P – artisipant (sino ang nag-uusap)
E – nds (layon ng pag-uusap)
A – ct sequence (takbo ng pag-uusap)
K – eys (pormal o di-pormal ang pag-uusap)
I – nstrumentalities (pasalita o pasulat ba ang usapan)
N – orms (paksa ngpag-uusap)
G – enre (nagsasalaysay, naglalarawan, nagpapaliwanag ba ang pag-uusap)

Title: Infomercial for SOA


Topic: Paglilinaw sa Pagbubukas ng Klase
Format: School-on-the-Air
Length: 1 minute and 30 seconds
Scriptwriter: VALLEN JOY B. REYES
BIZ: MSC 1 UP FOR 3 SECONDS AND THEN UNDER
VOB: Para sa ganap pang-unawa nating lahat, narito ang ilan sa mga paglilinaw sa
pagbubukas ng klase tayong taon.
VOICE TALENT 1: Ipagpapaliban muna ang pagbubukas ng klase ngayong Agosto.
SFX: BUZZ WRONG
VOICE TALENT 2: Mali. Magpapatuloy ang klase simula Agosto 24. Bagaman walang
face to face, mananatiling sa nasabing petsa mabubukas ang klase sa mga
paaralan.
VOICE TALENT 1: Online lamang gagawin ang mga klase ngayong taon.
SFX: BUZZ WRONG
VOICE TALENT 2: Mali. Sa blended learning, isa lamang ang online sa
pagpipilian. May iba’t ibang uri at paraan o strategies. At ito ay mga
sumusunod: Una, ang printed o digital modules. Pangalawa, online learning
resources. At pangatlo, ang TV at radio-based instruction.
VOICE TALENT 1: Papayagan ang face-to-face classes sa ibang mga lugar na may
mababa o walang kaso ng covid-19.
SFX: BUZZ WRONG
VOICE TALENT 2: Mali. Walang face-to-face ang lase hangga’t hindi ligtas at hindi
pinapayagan ng kagawaran ng Edukasyon, IATF at ng Pangulo.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND THEN UNDER
VOB: Sa DepEd, gagawing ligtas ang pagpapatuloy ng edukasyon. Isang paalala mula
sa Kagawaran ng Edukasyon at ng himpilang ito.
BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS AND THEN UNDER
#3
Setting -
School-on-the-air

Partisipant -
Ang nagsasabi ng fake news at ang tagapagpalinaw ng mga tamang impormasyon. (Mga
voice talent)

Ends
Paglilinaw sa pagbubukas ng klase at upang maipabatid ang kahalagahan ng kalusugan
ng bawat mag-aaral sa muling pagbubukas ng face-to-face classes

Act Sequence -
Ang pag-uusap tungkol sa kung ano ang fake news at ang totoong balita ukol sa
pagpapatuloy ng blended learning ngayong Agosto. Ito rin ay pakikipagtalastasan sa iba’t ibang
mga impormasyon na nauugnay sa panibagong edukasyon.

Keys – Pormal

Instrumentalities – Pasalita

Norms – Pinag-uusapan ang mga iba’t ibang uri ng blended learning para sa mga mag-aaral

Genre- Infomercial

You might also like