You are on page 1of 3

Layda, ALeiza Mieschel P.

STEM 11 – Favila
Komunikasyon Quarter 2 Week 1

Subukin
1. C 6. B 11. B
2. A 7. C 12. D
3. D 8. A 13. A
4. B 9. B 14. B
5. D 10. D 15. C

Tuklasin
1940
Tagalog - pagtuturo ng wikang pambansa (Tagalog) sa mga paaralang pampubliko at pribado 1959

Filipino - awitin ang Pambansang Awit sa titik nitong Filipino


1987

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
1. A 1. C
2. E 2. B
3. B 3. A
4. D 4. E
5. C 5. D
6. F

Pagsasanay 3
Bago pa dumating ang mga kastila ay nasa kalagayang barbariko, di sibilisado o pagano ang mga
katutubo noon. Nang dumating ang mga kastila ay itinuro nila ang Kristiyanismo sa mga katutubo upang
maging sibilisado di umano ang mga ito. Naniniwala ang mga Espanyol noong mga panahong iyon na
mabisa ang paggamit ng katutubong wika sa pagpapatahimik sa mamamayan kaysa sa libong sundalong
Espanyol. Upang mas maging epektibo ang pagpapalagananap ng Kristiyanismo, ang mga misyonerong
Espanyol ay nag-aral ng wikang katutubo upang madaling matutunan ang wika ng isang rehiyon kaysa sa
ituro sa lahat ang wikang Espanyol. Dahil dito, ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo at
aklatpanggramatika, katekismo at mga kumpensyonal para mas mapabilis ang pagkatuto nila ng
katutubong wika. Nang sakupin ng Amerikano ang Pilipinas, dumami ang natutong bumasa at magsulat
sa wikang Ingles dahil ito ang naging wikang panturo sa rekomendasyon ni Komisyong Schurman noong
Marso 4, 1899. Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit ng mga Katipunero
ang wikang Tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa Konstitusyong Probinsyal ng Biak- na- Bato noong
1897, itinadhanang ang Tagalog ang opisyal na wika. Noong Marso 24, 1934, pinagtibay ni Franklin
Roosevelt ang Batas Tyding McDuffie na nagtatadhanang pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas
matapos ang sampung taong pag-aaral ng Pamahalaang Komonwelt. Nang lumunsad sa dalampasigan
ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” Sila ang
nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang gawing wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
Malaking tulong ang nagawang pananakop ng mga Hapon sa kilusang nabanggit. Ayon kay Prof Leopoldo
Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing
Tagalog ang pambansang wika. Sa layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang
kaisipang Pang-Amerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod.
Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na mga wika. Sa panahong ito namulaklak
ang Panitikang Tagalog sapagkat maraming manunulat sa Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang
tula, maikling kuwento, nobela at iba pa. Makalipas ang sampung taon ng matapos ang Ikalawang
Pandaigdigang Digmaan, noong 1955 ay inilahad ang Proklamasyon Blg. 186 upang ilipat ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 sa mismong kapanganakan ni Manuel L.
Quezon na kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. Makalipas ang tatlong dekada ay sa Saligang Batas ng
1987 pinagtibay ng komisyong Konstitusyunal na binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang
implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa artikulo XIV, sek. 6 ang probisyon tungkol
sa wika na nagsasabing: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay
dapat na payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga
wika.

Isaisip
1. Ang pagdating ng mga mananakop sa Pilipinas, nagkaroon ng malaking pagbabago sa usaping
pangwika. Hindi naman sila bihasa sa wikang Filipino kaya ang ilan sa mga ito ay nagkaroon ng
paghihigpit na gamitin ang kanilang wika. Tulad ng mga Kastila nagkaroon ng diskriminasyon sa
paggamit ng wika ng mga Pilipino ng sariling wika sapagkat hindi nila ito maiintindihan. Sa
panahong iyon iilan lamang ang pwedeng gumamit nito kundi ang mga taong nakakaangat sa
lipunan. Ikalawa , nang dumating ang mga Amerikano pinagamit nila ay Ingles upang higit nilang
maiintindihan ang mga binabalak ng mga Pilipino kung may pag-aaklas na magaganap . Ang
pagdating ng mga hapon ay panandaliaan lamang kaya nagkaroon ng mga translator o
tagapagsalin ng wika upang maiintindihan nila ang mga sinasabi ng mga ito.
2. Opo, sapagkat kung hindi dahil sa mga pagsakop ay hindi magkakaroon ang isang bansa na
magkaisa. Dahil sa pagkakaroon ng isang wika ay mas magkakaroon ng maayos na pakikisama
ang bawat isa, at dahil dito magkakaroon ng pagkakaisa. Sa pamamagitan ng bagay na iyon ay
may pagkakataong hindi na muli masakop ang isang bansa.
3. Ang maaaring kong maiambag sa bansa upang higit pa mapaunlad ang ating wika ay
pagmamahal muna sa ating kultura at bansa dahil iyon ang pinaka-ugat upang palagiang
magamit ang wikang Pilipino.

TAYAHIN
1. D 6. B 11. B
2. D 7. D 12. C
3. C 8. B 13. B
4. B 9. C 14. D
5. A 10. A 15. A
Karagdagang Gawain
Sa modyul na ito, natukoy ko ang mahahalagang pangyayari sa wika mula sa panahon ng kastila
hanggang sa kasalukuyang panahon. Tunay na napakagandang gamitin ang wikang katutubo kaysa sa
wika ng mga espanyol, kung hindi lamang sa pagbabago ng panahon ay tiyak na mas laganap pa din at
mas madalas na gamitin ang wikang katutubo. Ngunit, sa pamamagitan ng mga hapon ay mas napaunlad
ang wikang tagalog na siyang naging pagkakakilanlan ng ating bansa. Ang Ilang mga batas Kautusan,
Proklamasyong Pinairal sa pagpapaunlad ng Wikang Pambansa ay nakatulong upang mas tumanyag at
mas tumibay ang wikang tagalog na siyang ginagamit ng karamihan ngayon. Tunay na maraming
pagkakaiba sa ating wika mula sa panahon ng mga kastila, ngunit hindi natin maitatanggi na dahil sa
pagkakaiba nito ay mas nagkaroon ng pagkakakilanlan at mas lumawak ang ating wikang Filipino. Tayo
bilang Pilipino, ay nararapat na pahalagahan ang ating wika upang mas umunlad at makilala sa iba’t
ibang bansa sa pamamagitan ng sariling atin.

You might also like