You are on page 1of 16

10

FILIPINO 10
SELF - LEARNING MATERIAL
Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

PANITIKANG MEDITERRANEAN
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

PANIMULA:

Pagbati sa lahat!
Ang Filipino 10 ay Self Learning Material (SLM) sa mga akdang
pampanitikan sa Mediterranean. Ang SLM na ito ay pinagtulungang gawin ng mga
guro na nagsisipagturo sa Filipino sa pribadong paaralan ng REH Montessori
College. Ito ay magsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa ika-10 baitang. Naglalayon
ang SLM na ito na linangin ang kaalaman ng mga mag-aaral at maipatupad ang
pamantayan sa pagkatuto batay na rin sa K-12 Kurikulum habang tayo ay
nakikisabay sa mga nangyayaring pang-ekonomiya, panlipunan at pangkalusugan.
Ang SLM na ito ay nagsisilbing batayan upang mahubog at makamit ng mga
mag-aaral ang mga gawain at kasanayan sa ika-21 na siglo. Maunawaan rin ang
iba’t ibang akda mula sa mga bansa sa baybayin ng Mediterranean, ang iyong
mababasa ay makatutulong sa iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng rehiyon.
Bilang mga guro sa REH Montessori College na bumuo sa SLM na ito,
inaasahan namin na gagamitin ang ito upang mapaunlad ang kaalaman sa
pansariling pagkatuto at mapaunlad ang sariling kakayahan na magagamit sa pang-
araw –araw na pamumuhay.

SAKLAW
Sa self - learning material na ito ay matutuhan ang mga sumusunod:
Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa Mediterranean Sesyon
Panitikan Haring Maridas
Salin ni Vilma Alcantara-Malabuyoc
Mitolohiya
Aralin 1

(Mitolohiya mula sa Gresya)

Wika Pandiwa bilang Aksiyon, Pangyayari at


Karanasan
Panitikan Ang Talinghaga Patungkol sa
Parabula Manghahasik
(Parabula mula sa Israel)
Aralin 2

Wika Paggamit ng mga Pang-ugnay sa


Pagsasalaysay

2
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

Panitikan Ang Kwintas


Salin ni Allan N. Derain
Maikling Kuwento
Aralin 3
(Maikling Kuwento mula sa Pransiya)

Wika
Panghalip Bilang Panuring
Panitikan Epiko ni Gilgamesh
(Epiko mula sa Israel)
Epiko
Aralin 4

Wika Hudyat sa Pagsusunod-sunod ng mga


Pangyayari
Panitikan Si Marcelo
Halaw at Salin ni Gerardo R. Chanco
Nobela
Aralin 5

(Ikalawang Kabanata ng Nobelang Ang Anak ng


Kardenal mula sa Italaya)

Wika Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa


Pagsusuri ng Akda

Concept Map ng Aralin:


Narito ang isang gabay sa pagtalakay ng ating mga aralin

Mga Akdang Pampanitikan ng mga Bansa sa


Mediterranean
Mitolohiya

Kuwento
Parabula

Maikling

Nobela
Epiko

Paggamit ng
Pandiwa Paggamit ng
Mga Hudyat sa Angkop na
bilang mga Pang-
Pahayag sa Pagsusunod mga
Aksiyon, ugnay sa
Pagbibigay -sunod ng Pahayag sa
Pangyayari Pagsasalays
ng Sariling mga Pagsusuri
at ay
Pananaw Pangyayari ng Akda
Karanasan

Critique at Simposyum: Mabisang Paglalahad ng


Opiniyon

3
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

Pagkatapos mong gawin ang mga aralin sa self - learning material na ito ay
inaasahang magagawa mo ang ika -21 siglong kasanayan.

1. Naipamamalas ang iyong pang-unawa tungkol sa mga akdang


Pampanitikang Mediterranean at mga iba’t ibang aralin sa wika.
2. Nasusuri ang kahalagahan ng mga akdang pampanitikan mula sa
Mediterranean sa kasalukuyang panahon.
3. Nakabubuo ng isang critique mula sa iba’t ibang Panitikang
Mediterranean at maipahahayag sa pamamagitan ng isang sipomsyum.

PAUNANG PAGTATAYA

Talasik: Tukuyin ang kayarian ng mga sumusunod na mga salita. Pagkatapos,


ibigay ang kahulugan ng bawat isa batay sa kayarian nito. Gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap.

1. karangyaan
Kayarian: ______________________________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________
Pangungusap: __________________________________________________

2. banta
Kayarian: ______________________________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________
Pangungusap: __________________________________________________

3. kahangalan
Kayarian: ______________________________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________
Pangungusap: __________________________________________________

4
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

4. tagapaglingkod
Kayarian: ______________________________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________
Pangungusap: __________________________________________________

5. tagapaglingkod
Kayarian: ______________________________________________________
Kahulugan:_____________________________________________________
Pangungusap: __________________________________________________

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mitolohiya ng isang
bansa?
2. Paano ginagamit ang pandiwa sa paglalahad nng
aksiyon, karanasan, at pangyayari?

Aralin 1:
Haring Maridas
Salin ni Vilma Alcantara-Malabuyoc
(Mitolohiya mula sa Gresya)

Takdang Araw : 3 - 4 Araw

Pambukas na Paksa:

Malaki ang kontribusyon sa larangan ng pagsulat ang mga sinaunang tao na


namalagi sa mga bansang nasasakupan ng Mediterranean. Dito unti-unting
umusbong ang iba't ibang paraan ng pagsulat tulad ng pagguhit ng mga simbolong
larawan na nagsisilbing simpleng paraan ng pagsulat tulad ng pagguhit ng mga
simbolong larawan na nagsisilbing simpleng paraan ng komunikasyon. Itinuturing

5
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

itong sining na naging batayan sa pagtuklas ng mayamang kultura at iba't ibang uri
ng panitikan. Isa sa mga halimbawa ng panitikan na umusbong sa mga nabanggit na
bansa ay ang mito.

Sa araling ito, mababatid mo ang kulturang sumasalamin sa mito ng mga taga


Gresya. Iyong masasaksihan kung ano-ano ang mga paniniwala nila sa kanilang
kultura at kundisyon ng kanilang pamumuhay. Matutuhan mo rin ang angkop na
gamit ng pandiwa bilang aksiyon, karanasan at pangyayari.

MGA LAYUNIN AT PAKSA:

Mitolohiya mula sa Bansang Gresya


- Haring Maridas
Salin ni Vilma Alcantara-Malabuyoc
- Pandiwa bilang Aksiyon, Pangyayari at Karanasan

Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

1. Naipahahayag mahahalagang kaisipan/pananaw sa napakinggang mitolohiya


2. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda
sa nangyayari sa sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig
3. Naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito
4. Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang
mitolohiya
5. Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay
6. Nagagamit nang wasto ang pokus ng pandiwa

PAGTALAKAY SA PAKSA:

Mitolohiya
Ang mitolohiya ay kalipunan ng iba’t ibang kuwento na nagtatampok ng
diyos at diyosa ng bawat lugar o bansa. Pangunahing paksa sa kalipunan ng mga
kuwento ang pag-ibig, pakikipagsapalaran, at pagpapamalas ng katangi-tanging
kapangyarihan ng mga diyos at diyosa upang baguhin ang kapalaran ng bawat
nilalang. Sa mga kuwentong ito, inilalarawan ang mga diyos at diyosa na maaari ring
nagkakamali tulad ng isang ordinaryong tao o mortal. Mahirap mang maipaliwanag
kung kalian talaga umusbong ang mitolohiya, tiyak na ang uri ng panitikang ito ay

6
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

larawan ng pagkamalikhain, pagpapahalaga sa kabutihan, at pananalig o


pananampalataya.

Sa konteksto ng panitikan ng mga Griyego, maraming kinikilalang diyos o


diyosa na pinagmulan ng pag-asa ng mga mamamayan. Nagiging patnubay ang
kanilang mga aral upang magpatuloy at tumanaw nang may pag-asa.

Apat na Tungkulin ng Mitolohiya

1. Ipinamumulat nito ang daigdig sa tao. Ibig sabihin, sa pamamagitan ng mito


nagkakaroon ang tao ng kamulatan sa hiwaga ng buhay at daigdig.
2. Natutuhan ng sinaunang tao na magbigay-teorya o bigyang-paliwanag ang
mga bagay at pangyayari sa buhay tulad ng puwersa ng kalikasan at
pinagmulan ng sansinukob.
3. Nagsisilbing tagapag-ingat ang mitolohiya ng kultura at tradisyon ng isang
lipunan.
4. Nagbibigay ito ng aral kung paano mabuhay, mamuhay, at isabuhay ang mga
aral nito.

Mga Uri ng Mito

Inuri ni Joseph Campbell sa akda niyang The Hero with a Thousand Faces
(1949) ang mitolohiya sa tatlo: etiyolohikal, historikal, at sikolohikal na mito.

 Etiyolohikal na mito - ang isang salaysay kung ito ay nagbibigay ng


kadahilanan ng isang bagay o pangyayari.
 Historikal na mito - ang salaysay nito ay tungkol sa isang dakilang pangyayari
sa nakaraan.
 Sikolohikal na mito - isa namang salaysay na tumatalakay sa buhay ng isang
tauhan, maaaring bayani o pangkaraniwang nilalang, na may tunggaliang
pansarili, iyong nakararanas ng personal na krisi na nauuwi sa kamulatan at
nag-iiwan ng isang aral.

Basahin ang Mitolohiya mula sa bansang Gresya:

Haring Maridas
Salin ni Vilma Alcantara-Malabuyoc

Si Haring Midas, na ang pangalan ay naging


kasingkahulugan ng "mayamang tao," ay hindi
gaanong nakinabang sa kaniyang kayamanan.
Ang pagpapakasasa sa yaman ay tumagal
lamang ng isang araw at ito ay naging banta sa
kaniyang mabilis na kamatayan. Siya ay
halimbawa ng kahangalan na tulad ng
nakamamatay na kasalanan. Siya ay hindi naman
mapanganib, bagkus hindi lamang ginamit ang

Sanggunian ng Larawan: Google Photos 7


Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

kaniyang talino. Ang kaniyang kuwento ay nagpapakita na wala siyang talinong


magagamit Si Haring Midas ay hari ng Phrygia, ang lupain ng mga rosas. Mayroon
siyang napakalaking hardin ng mga rosas sa bakuran sa kaniyang palasyo.

Minsan, naligaw sa hardin ang matandang si Silenus na lasing. Siya ay


nagpagala-gala sakay ng tren ng kaniyang panginoong si Dionysus (diyos ng alak)
kung saan siya nabibilang at siya ay naligaw. Ang matabang matandang lasing ay
natagpuan ng lang tagapaglingkod ng palasyo na natutulog sa taniman ng mga
rosas. Napagkatuwaan nila na igapos si Silenus ng malarosas na panali at sinuotan
ng koronang bulaklak sa ulo. Ginising nila ito at dinala sa harap ni Haring Midas sa
katawa-tawang hitsura. Mainit ang pagtanggap sa kaniya ng hari at inasikaso siya ng
sampung araw. Pagkatapos ay hinatid siya ni Haring Midas pabalik kay Dionysus.
Dahil sa malaking tuwa sa pagbabalik ni Silenus, sinabi ni Dionysus kay Midas na
anuman ang kaniyang hilingin ay ibibigay sa kaniya. Dahil nais niya ang labis na
karangyaan para sa kaniyang kaharian, hiniling niyang anuman ang kaniyang
hawakan ay magiging ginto. Tinanong ni Dionysus si Haring Midas kung nakatitiyak
na siya sa kaniyang hiling. Tinugon ito ng hari. Iginawad sa kaniya ni Dionysus ang
kaniyang hiling. Sa kaniyang pagkain, lahat ng kaniyang isinubo ay naging ginto. Sa
takot at labis na gutom at uhaw lumapit si Haring Midas sa diyos at nagmakaawang
ipawalang-bisa na ang kaniyang hiling. Sumang-ayon si Dionysus at iniutos sa
kanya na pumunta sa llog Pactolus at dito ay hugasan ang kaniyang mga kamay
upang mawala ang mahika. Kalaunan, nakilala sa kumikinang na deposito ng ginto
ang Ilog Pactos. Hindi nagtagal, pinarusahan ni Apollo (diyos ng panlunas) si Haring
Midas. Tulad ng dati, ang parusa ay hindi dahil sa kaniyang pagkakamali, bagkus sa
kahangalan Ang kaniyang tainga ay ginawang tulad sa asno (donkey). Isang araw,
napilino hurado si Haring Midas sa paligsahang pangmusika nina Apollo at Pan. Si
Pan, an diyos ng kaparangan, ay nakatutugtog ng napakagandang himig gamit ang
kaniyang tambo (pipes of reed). Ngunit sa pagtugtog ni Apollo ng kaniyang pilak na
lira. walang anumang himig sa lupa o sa langit ang maaaring tumumbas, maliban
lamang sa koro ng mga Musa. Si Tmolus, ang diyos ng bundok at isa ring hurado, ay
pinili si Apollo. Samantala, si Haring Midas, bagaman walang kaalaman sa musika,
ay buong katapatang pinili si Pan. Ang gayong pasya ay ikalawang kahangalan ni
Haring Midas. Batid kahit ng isang pangkaraniwang hurado na mapanganib ang
pagsalungat kay Apollo para kay Pan, na mahina lamang ang kapangyarihan.
Nagalit si Apollo at sinabing hindi a1siya nakikinig dahil sa kaniyang mga taingang
mapurol at mahina. Kaya, ginawa niyang wangis sa asno ang tainga ni Haring
Midas. Ikinubli ni Haring Midas sa gora ang kaniyang mga tainga, ngunit nakita pa
rin ito ng tagapaglingkod na gumupit ng kaniyang buhok. Nangako ang
tagapaglingkod na hindi ito ipagsasabi. Siya ay humukay ng butas sa bukid at
pabulong na sinabi rito, "Si Haring Midas ay may tainga ng asno upang guminhawa
ang kaniyang pakiramdam. Tinabunan niya ang hukay ngunit nang sumibol at
yumabong na ang tambo rito, ibinubulong nila ang mga ibinaong salita tuwing
inuugoy sila ng hangin. Maliban sa pagkabunyag sa lihim ng kawawa at hangal na

8
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

Hari, napatanyag sa madla na kapag ang mga diyos ay lalahok sa paligsahan, ang
pagpanig sa pinakamalakas ay ligtas na paraan.
(Pinagmulan ng Sipi ng Akda: https://arleencarmona.blogspot.com/2020/07/haring-midas-
mito-mula-sa-gresya.html)

Matapos mong mabasa ang mitolohiya, sagutin mo ang mga pamprosesong tanong:

1. Sino ang pangunahing tauhan sa mito? Ilarawan siya.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Bakit binigyan ni Dionysus ng gantimpala ang hari? Bakit naman siya pinarusahan
ni Apollo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Naniniwala ka bang ang ginto sa Ilog Pactolus ay nagmula sa paghuhugas ng


kamay ng hari? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Ano-anong kaisipan ang nakapaloob sa mito? Iugnay ang mga ito sa nangyayari
sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at sa daigdig.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Kung ikaw ang hari, ano ang hihilingin mo kay Dionysus? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

9
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

GAWAIN 1
Direksyon: Batay sa mensaheng iyong nakuha mula sa akda, iugnay
ito sa iyong sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig. Gamitin ang
grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

Mensahe mula sa akda:


_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Sariling Pamilya Pamayanan Lipunan Daigdig


Karanasan

_________ _________ _________ _________ _________


_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________
_________ _________ _________ _________ _________

10
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

GAWAIN 2
A. Direksyon: Pakinggang mabuti ang mitong babasahin ng guro. Pagkatapos
alamin ang paksa, mahahalagang kaisipan, at aral na nakapaloob sa
napakinggang mito.

B. Direksyon: Sa pamamagitan ng Internet, manood ng isang cartoon ng isang


mitolohiya. Punan ng impormasyon tungkol sa napanood ang sumusunod na
talaan.

Pamagat

Mga Tauhan

Layunin

Mensahe

Mga tanong:
1. Ano sa palagay mo ang tampok na katangian ng mga diyos at diyosa ng
mga mitong Griyego batay sa iyong napanood?

2. Bakit kaya may sari-sariling katangian ang mga diyos at diyosang ito?

3. Ano ang silbi nito sa kanilang mundo?

Sanggunian

11
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

Aralin 1.2:
Pandiwa bilang Aksiyon, Pangyayari at
Karanasan

Takdang Araw : 3 - 4 Araw

Pandiwa

Ang pandiwa ay katangi-tangi sa ibang bahagi ng pangungusap sapagkat ito


ang nagbibigay ng diwa, buhay, at kaluluwa sa isang lipon ng mga salita upang
magkadiwa, kumilos, o gumanap. Sa medaling salita, ito ay tinagurian ding salitang-
kilos.

Sa isang kuwento, Malaki ang nagiging tungkulin ng mga pandiwa. Sa


pamamagitan nito, nagiging mas kaakit-akit at kapana-panabik ang bawat
pangyayari dahil sa salitang-kilos na nagpapagalaw o nagbibigay aksiyon sa bawat
karanasan ng mga pangunahing tauhan na nagging dahilan sa paglawak ng
imahinasyon ng mga mambabasa.

Angkop na Gamit ng Pandiwa Bilang Aksyon, Karanasan at Pangyayari

1. Pandiwa bilang Aksyon

May aksiyon ang pandiwa kapag may actor o tagaganap ng aksyon o kilos,
na maaaring tao, hayop, o bagay. Mabubuo ang pandiwang ito sa paggamit ng mga
panlaping -um/-um-, mag-/nag-, mang-/nang-, maka-/naka-, at makapag-/nakapag-.

Halimbawa:

a. Tumakbo ang atleta.


b. Naglaro ang mga bata.

2. Pandiwa bilang Karanasan

Nagpapahayag ng karanasan ang pandiwa kapag may damdamin. Dahil dito,


may nakararanas ng damdamin na tinutukoy ng pandiwa. Gumagamit dito ng
panlaping ma-/na-, -um-, -in-, at mag-.

Halimbawa:

a. Nasamid ang binatilyo.


b. Natakot ang mga mamamayan sa Batas Militar.

12
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

3. Pandiwa bilang Pangyayari

Ang pandiwa ay nagpapakita ng resulta ng isang pangyayari. Gumagamit dito


ng mga panlaping ma-/na-, at um-/-um-.

Halimbawa:

a. Minsan naligaw ang matandang si Silver sa kalasingan.


b. Nagalit si Maria sa ginawa ng kaniyang kasintahan.

Ang mga pandiwa ay maaaring gamitin sa paglalahad ng mga aksyon,


karanasan, at pangyayari. Magiging makulay, malinaw, at mabisa ang paglalahad sa
pamamagitan ng paggamit ng angkop na pandiwa.

Aspekto o Panauhan ng Pandiwa

1. Perpektibo (Pangnagdaan) – ito ang tawag sa aspektong tapos na ang kilos.


Mga halimbawa:
a. Umalis ang dalaga matapos na marinig ang maaanghang na salitang
binitiwan ng kaibigan.
b. Kaagad na nilapatan ng mga mensahero ang dalagang kanilang nakita
sa hardin.
2. Imperpektibo (Pangkasalukuyan) – ito ang tawag kapag hindi pa tapos ang
kilos at kasalukuyan pang tinapos o ginawa.
Mga halimbawa:
a. Sinisiyasat ng paraon ang tsinelas na dala ng agila upang matukoy
kung sino ang may-ari nito.
b. Isang alipin ang nagbabantay sa dalaga upang matiyak ang kaniyang
kaligtasan.
3. Kontemplatibo (Panghinaharap) – ito ang tawag kapag ang kilos ay
mangyayari pa lamang.
Mga halimbawa:
a. Maglalakbay ang mga mensahero alang-alang sa kaligayahan ng
kanilang mahal na paraon.
b. Inaasahan ng lahat na magkukuwento ang dalaga sa kung paano
nawalay sa kaniya ang kaniyang magandang tsinelas.
4. Katatapos – ito ang aspekto kapag ang kilos ng pandiwa ay katatapos pa
lamang. Ito ay pinangungunahan ng panlaping ka-.
Mga halimbawa:
a. Kagagaling pa lamang ng mensaheri sa bayan nang makilala nila ang
dalaga.
b. Kararating pa lamang ng paraon nang ibinalita ng kaniyang mga
mensahero ang resulta ng kanilang paglalakbay.

13
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

Upang higit na maunawaan ang aspekto ng pandiwa, tingnan ang tsart sa


ibaba na nagtataglay ng mga pandiwang nasa iba’t ibang aspekto.

Salitang-ugat Panlapi Perpketibo Imperpektibo Kontemplatibo Katatapos


sabi -in-/-han sinabihan sinasabihan sasabihan kasasabi
gawa -in- ginawa ginagawa gagawin kagagawa
laba mag-/nag- naglaba naglalaba maglalaba kalalaba

Makikita sa tsart ang malaking pagbabago sa mga salitang-ugat sa iba’t ibang


aspekto ng pandiwa. Ito ay nangangahulugan lamang na ang pagbabagong ito ang
nagbibigay ng panibagong kahulugan sa mga salitang-kilos na malimit na ginagamit
sa pangungusap.

Pokus ng Pandiwa

Ang pokus ng pandiwa ay isang relasyong pansematia sa paksa o simuno sa


pangungusap. Ito ay naipakikita sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng pokus ng pandiwa

1. Pokus sa aktor o tagaganap – ang paksa ang tagaganap ng kilos na


isinasaad ng pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na
“sino?”. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay mag-, um-, mang-, ma-, nag-
, maka-, makapag-, maki-, at magpa-.

Halimbawa:
Si Ian ay humihingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.
2. Pokus sa layon o gol – ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap. Ito
ay sumasagot sa tanong na “ano?”. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay
–in-, -i-, -pa-, ma-, at –an.

Halimbawa:
Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. Pokus sa lokatib o ganapan – ang paksa ang lugar na ginaganapan ng


pandiwa sa pangungusap. Ito ay sumasagot sa tanong na “saan?”. Ang mga
panlaping maaaring gamitin ay pag-, -an, -han, ma-, pang-, at mapag-.

Halimbawa:
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.

4. Pokus sa benepaktib o tagaganap – ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng


pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “para kanino?”. Ang mga panlaping
maaaring gamitin ay i-, -in, ipang-, at ipag-.

14
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

Halimbawa:
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
5. Pokus sa instrumental o gamit – ang paksa ang kasangkapan o bagay na
ginamit upang maisagawa ang kilos ng pandwa. Ito ay sumasagot sa tanong
na “sa pamamagitan ng ano?”. Ang mga panlaping maaaring gamitin ay
ipang-, at maipan-.

Halimbawa:
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
6. Pokus sa kusatib o sanhi – ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos
ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “bakit?”. Ang mga panlaping
maaaring gamitin ay i-, ika-, ikina-, at ikapang-.

Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

7. Pokus sa direksyunal – ang paksa ang nagsasad ng direksyon ng kilos nh


pandiwa. Ito ay sumasagot sa tanong na “tunggo saan/kanino?”. Ang mga
panlaping maaaring gamitin ay –an, -han, -in, at –hin.

Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.

Kayarian ng Salita

1. Payak - ito ay binubuo ng salitang ugat lamang.


2. Tambalan - ito ay binubuo sa pamamagitan ng pagsasama o pagtatambal ng
dalawang salita upang makabuo ng isang salita.
3. Maylapi - ito ay binubuo ng panlapi at salitang-ugat.
4. Inuulit - ito ay binubuo ng pag-uulit ng isang bahagi ng salita o buong salita.

15
Panitikang Mediterranean Unang Markahan : Una at Ikalawang Linggo

GAWAIN 1
Direksyon: Balikan ang binasang teksto. Hanapin ang lahat ng
pandiwang ginamit dito. Isulat ang mga ito sa tamang hanay sa
sumusunod na mga talahanayan.

Haring Midas
Pandiwa bilang Pandiwa bilang Pandiwa bilang
Aksiyon Karanasan Pangyayari

GAWAIN 2
Direksyon: Batay sa iyong natutuhan sa pagtalakay ng aralin na nito,
sumulat ng isang mito. Maaaring kumatha ng mga karakter na bunga ng iyong
mayamang guni-guni. Lapatan ito ng angkop na gamit ng pandiwa. Gamitin ang
pamantayan upang maging gabay sa iyong pagsulat.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Grado Puntos


Pagiging malikhain 10
May pagkakahawig sa totoong buhay 5
Paggamit ng mga bagong tauhan 5
Wastong gamit ng Pandiwa 5
Kabuoang Puntos 25

Mga Sanggunian:

 Merida, Macascas, Dela Paz. Bulwagan Kamalayan sa Gramatika at


Panitikan. Abiva Publishing House, Inc.
 Royo, Lacano, Ipong. Sinag sa Ika-21 Siglo. Jo-Es Publishing House, Inc.

16

You might also like