You are on page 1of 17

KAYA KO PO ITO!

UNANG MARKAHAN
Ito ang mga kasanayang dapat matutunan pagkatapos
IKALAWANG LINGGO
makumpleto ang mga aralin sa modyul na ito.

LAYUNIN para sa Ikalawang linggo:


Pag-aaralan natin ang mga sumusunod: Mga Kinakailangang Gamit sa Pag-aaral:
1. Nasasabi ang mga sariling pangangailangan. Matabang lapis
2. Nakakasunod sa mga itinakdang tuntunin at Matatabang mga
gawain (routines) sa bahay.
Krayola
Mga Gawaing Pagsasanay

________________________
LUNES
MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Ang mga bata ay may mga pangangailangan. Ito ay pagkain, tubig, tirahan at damit.
Kailangan natin ng pagkain upang hindi tayo magutom.
Kailangan ng katawan natin ang tubig.
Kailangan natin ng tirahan upang hindi tayo sa kalsada namumuhay.
Kailangan natin ng damit upang hindi tayo magkasakit.
Ang tawag natin sa pagkain, tirahan at damit ay mga pangunahing pangangailangan.

Maaari mo bang banggitin ang ating mga sariling pangangailangan?

GAWIN NA PO NATIN!

(Basic Literasi)
Gawain #1: Pakulayan ng pulang krayola ang mga sariling pangangailangan ng bata.
(Kasanayan sa Bilang)
Gawain #2: Bilangin ang mga larawan ng pangangailangan ng bata. Isulat sa loob ng kahon
ang tamang bilang.
(Sining)
Gawain #3: Pakulayan sa mga bata ang tatlong pangunahing pangangailangan. Ipabanggit
ang mga ito.
Karagdagang gawain
Gawain #4: Ibakat ang mga salita sa tabi ng larawan ng mga sariling pangangailangan.
(Kasanayan sa Paghawak)

TATANDAAN KO PO!

Tayo ay may sariling pangangailangan. Ito ay damit, pagkain, tubig at tirahan.


Tinatawag natin itong mga pangunahing pangangailangan.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.
Sabihin ang iyong sariling pangangailangan.
Ako po si _____________________________________________.
Kailangan ko ng ___________________________________________________.
1
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/UNANG ARAW
(Basic Literasi)

Panuto: Kulayan ng pulang krayola ang mga sariling pangangailangan ng bata.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Pagbilang)

Panuto: Bilangin ang mga larawan ng pangangailangan ng bata. Isulat sa loob ng kahon ang
tamang bilang.

2
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/UNANG ARAW
(Sining)

Panuto: Pakulayan sa mga bata ang tatlong pangunahing pangangailangan.


Ipabanggit ang mga ito.

GAWAIN #4
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Ibakat ang mga salita sa tabi ng larawan ng mga sariling pangangailangan.

tirahan pagkain

damit tubig
Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:
Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
3
_____________________ UNANG
MARKAHAN
MARTES
IKALAWANG LINGGO

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Ang mga bata ay may tungkulin sa loob ng tahanan. Tayo ay sumusunod sa mga itinakdang tuntunin at
gawain sa ating bahay. (routine)
Halimbawa ng pang araw-araw na tuntunin sa bahay:
1.Paggising sa umaga. 6.Pagliligpit ng mga gamit o laruan.
2.Pagsesepilyo bago at pagkatapos kumain. 7.Pagtulong sa paghahain ng tanghalian.
3.Pag huhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. 8.Pagtulog sa hapon.
4.Pagtulong sa gawaing bahay. 9.Pagdadasal bago matulog sa gabi.
5.Paggawa ng mga gawaing pampaaralan. 10. Paglilinis ng katawan.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Kaisipan/Kognitibo)
Gawain #1: Ipakulay ng pulang krayola ang mga tungkulin o gawain na nasusunod ng bata
sa loob ng tahanan.
(Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #2: Sabayan ng pagbasa ang mga bata at ipabakat ang mga salita sa loob ng
kahon.
(Kalusugan)
Gawain #3: Naghahanda ng pagkain para sa nakababatang kapatid/ibang miyembro ng
pamilya kung walang matanda sa bahay. (batay sa ECCD Booklet)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Tayo ay sumusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain sa loob ng bahay.


Ito ay kayang-kaya natin gawin at sundin.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Sabihin ang iyong mga tungkulin sa loob ng tahahan na kaya mong gawin.

(Sa mga magulang, isa-isahin ang mga tungkulin ng bata na dapat niyang nasusunod sa itinakdang oras.)

4
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALAWANG ARAW
(Kaisipan/Kognitibo)

Panuto: Kulayan ng pulang krayola ang mga tungkulin o gawain na iyong


nasusunod sa loob ng tahanan.

GAWAIN #2

(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Basahin at bakatin ang mga salita sa loob ng kahon.

Ako ay nakakasunod sa
mga itinakdang tuntunin
at gawain sa bahay.
5
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALAWANG ARAW
(Kalusugan)

Panuto: Naipapakita ang paghahanda ng pagkain para sa nakababatang


kapatid/ibang miyembro ng pamilya kung walang matanda sa bahay.
(batay sa ECCD Booklet)

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________

6
________________________ UNANG
MARKAHAN
MIYERKULES
IKALAWANG LINGGO

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Tayo ay sumusunod sa alituntunin ng ating tahanan.
Ginagawa natin ito upang tayo ay maging malinis, malusog, at ligtas sa loob ng tahanan.
Ang mga alituntuning dapat sundin ay ang paglilinis at pag-aayos ng tahahan.
Bilang bata paano ka makatulong mapanatiling malinis at maayos ang tahanan?
Sa pamamagitan ng pagtulong sa mga gawaing kaya gawain pag liligpit ng mga ginamit na laruan at
marami pang iba.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Basic Literasi)
Gawain #1: Papiliin ang mga bata ng mga bagay na nagagawa sa loob ng tahanan
kulayan ito ng pulang krayola.
(Kasanayan sa Bilang)
Gawain #2: Papiliin ng mga bagay ang mga bata na ginagamit sa pag papanatili ng
malinis na katawan at pag bilang nito.
(Musika)
Gawain #3: Pag papaawit ng “Masipag na bata “
Youtube link: https://www.youtube.com/watch?v=RdKfaZdqVlg

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Tayo ay maraming kayang gawin. Ilan dito ay pagtakbo, paglakad at pagtalon.


Kaya rin nating ikilos ang mga gawain tulad ng paghuhugas ng kamay, paliligo at
pagsesipilyo at marami pang iba. Maaari natin itong gawin sa ating mga tahanan.
Tayo ay nakabibilang din (0...1...2…)
(Sa mga magulang, sabayan ang anak na bigkasin ang mga bilang upang maging pamilyar sakanila ito.)

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.

Bibigkasin ng mag-aaral ang mga kilos na kaya niyang gawin.


Bibigkasin ng mag-aaral ang bilang (0...1...2…)
(Sa mga magulang, hikayatin ang anak na bigkasin ang mga kaya niyang gawin)

7
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKATLONG ARAW
(Basic Literasi)

Panuto: Piliin ang mga bagay na iyong nagagawa sa loob ng tahanan.


Kulayan ito ng pulang krayola.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Bilang)

Panuto: Piliin ang mga bagay na ginagamit sa pagpapanatili ng malinis na katawan.


Bilangin ito.

Isa sa ating tungkulin ay ang paliligo araw-araw.


Ilan ang mga ginagamit natin na panlinis sa ating katawan?
Isulat sa loob ng kahon.

8
GAWAIN #3
(Musika)

Panuto: Pagpapaawit ng “Masipag na bata “

Youtube link: https://www.youtube.com/


watch?v=RdKfaZdqVlg

“Masipag na bata”
Alam ba ninyo na ang masisipag ay mina-
mahal ng Diyos at ng lahat.
Mga bata tayo na agad nang magumpisa
sa mga munting gawa’y tumulong na.
Sa umaga higaan ay ayusin at mga damit
ay iligpit na rin.
Pagkatapos maglaro, laruan niyo’y itago
nang si Nanay ay masiyahan lalo.
At sa pagdating ni tatay sa bahay ang
kanyang tsinelas ating ibigay.
Kahit na konting lambing sana’y ialay natin
upang pagod niya’y tuluyang limutin.

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
9
______________________ UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
HUWEBES

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Ang Letrang Mm ay binibigkas ng /em/. Ang tunog ay /m/ nakasara ang bibig.
Ito ang mga larawan na nagsisimula sa letrang Mm.

manika mansanas martilyo mangga

(Sa mga magulang, sabayan ang anak na bigkasin ang ipinapakita ng bawat larawan.)

Mayroon tayong tinatawag na pangunahing kulay. Isa na rito ang kulay pula.
Marami tayong nakikita sa ating paligid na kulay pula.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Kaisipan/Kognitibo)
Gawain #1: Ipakahon gamit ang pulang krayola ang mga larawan na nagsisimula sa
letrang Mm.
(Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #2: Ipabakat at Ipasulat ang salitang pula. Ipakulay ang mga larawan na kulay
pula.
(Buhay na Praktikal)
Gawain #3: Tignan kung matagumpay na nakapupunta sa tamang lugar upang umihi
o dumudumi. (Batay sa ECCD Booklet)
Karagdagang Gawain:
Gawain #4: Ipahanap at pakulayan ng pula ang mga bilog na may letrang Mm.
(Kognitbo/Kasanayan sa Paghawak)

TATANDAAN KO PO!

1. Mayroong iba’t-ibang salita na nagsisimula sa letrang Mm.


2. Isa sa mga tinatawag nating pangunahing kulay ay ang Pula.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutunan ng mag-aaral ang bagong aralin.

Isusulat ng mga mag-aaral ang mga unang tunog ng salita.


___anika ___ansanas ___artilyo ___angga
Banggitin ang tunog ng letrang Mm.
Magbanggit ng mga bagay na kulay pula.

10
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKA-APAT NA ARAW
(Kaisipan/Kognitibo)

Panuto: Ikahon gamit ang pulang krayola ang mga larawan na nagsisimula
sa letrang Mm.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Ibakat at isulat ang salitang pula. Kukayan ang mga larawan ng pulang krayola.

pula

11
GAWAIN #3 UNANG MARKAHAN/IKA-APAT NA LINGGO/IKA-APAT NA ARAW
(Buhay na Praktikal)

Panuto: Tignan kung matagumpay na nakapupunta sa tamang lugar upang


umihi o dumudumi. (Batay sa ECCD Booklet)

GAWAIN #4
(Kognitbo/Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Hanapin at kulayan ng pula ang mga bilog na may letrang Mm.

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
12
________________ UNANG MARKAHAN
IKALAWANG LINGGO
BIYERNES

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Balikan natin ang ating napag-aralan na letra noong nakaraang araw.
Ang letrang Mm ay binibigkas ng /em/.
Ang tunog ng letrang Mm ay /m/. Nakasara ang bibig kapag ito ay sinabi.
Tayo ay nakabibilang mula 0 hanggang 1.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.

(Kamalayan sa Ponolohiya)
Gawain #1: Ipasulat sa loob mga linya ang unang tunog ng bawat lawaran. Ipabigkas ang
tunog nito.
Gawain #2: Ipabasa ang tunog ng letrang Mm.
(Kasanayan sa Bilang)
Gawain #3: Ipatugma ang mga larawan sa loob ng kahon sa tama nitong bilang.
Gawain #4: Ipabakat at ipagaya ang bawat bilang.
(P.E)
Gawain #5: Pagsasayaw sa saliw ng tugtugin.

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin

Ang letrang Mm ay may tunog na /m/ at binibigkas ito ng /em/.


Nakakabilang tayo mula 0 hanggang 1.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutunan ng mag-aaral ang bagong aralin.

Babasahin ng mga bata ang mga letra:


M M M M M
Babasahin ng mga bata ang mga bilang:
0 1

13
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKALIMANG ARAW
(Kamalayan sa Ponolohiya)

Panuto: Isulat sa mga linya ang unang tunog nga bawat larawan. Bigkasin
ang tunog nito.
_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________

_______________ _______________
_______________ _______________
_______________ _______________

GAWAIN #2 Panuto: Bigkasin ang tunog ng letrang Mm.

M M M M
m m m m
GAWAIN #3
(Kasanayan sa Bilang)

Panuto: Itugma ang mga larawan sa loob ng kahon sa tama nitong bilang.

14
GAWAIN #4 Panuto: Bakatin at gayahin ang bawat bilang.

0 -wala 1 -isa

GAWAIN #5
(P.E)

Panuto: Sumayaw sa saliw ng tugtugin.

Baby Shark
Youtube Link:

https://www.youtube.com/
watch?v=XqZsoesa55w

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Gawain 4
Gawain 5
Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________
15
________________________ UNANG
MARKAHAN
SABADO
IKALAWANG LINGGO

MAKIKINIG PO AKO!
Dito ibibigay ng tagapagdaloy ang pangkalahatang ideya ng aralin.
Ang araw na ito ay pagtatapos ng ating mga gawin at pagsasanay.
Upang lalo pa natin maintindihan ang mga aralin sa linggong ito, balikan natin ang ating mga
napag-aralan:
Mayroon tayong mga pangunahing pangangailangan. Ito ay pagkain, damit, tubig at tirahan.
Tayo ay sumusunod sa mga itinakdang tuntunin at gawain sa ating bahay.
Ang letrang Mm ay binibigkas ng /em/, ang tunog nito ay /m/.
Ang isa sa pangunahing kulay ay pula.
Nakabibilang tayo ng 0 hanggang 1.

GAWIN NA PO NATIN!
Ito ay mga gawain na dinisenyo para malinang ang mga kasanayang pampagkatuto.
Ito ang araw na ipatatapos sa anak ang mga gawain na hindi natapos sa una at ikalawang
linggo. Ang mga natapos na gawain ay ilalagay sa activity folder. Ipapasa ito sa kung saan
kinuha ang modyul. Muli ay magbibigay ng modyul ang paaralan para sa susunod na
dalawang linggo.
Karagdagang gawain para sa araw ng Sabado:
(Kasanayan sa Paghawak)
Gawain #1: Bigyan ang anak ng gagayahan. Isulat ang buong pangalan, edad at
kaarawan.
Gawain #2: Magsanay magsulat ng bilang 0-1.
Gawain #3: Malayang Pagkukulay gamit ang pulang na krayola.
(Sa mga magulang, bigyan ang bata ng kanyang kukulayan)

TATANDAAN KO PO!
Dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
Ako ay may mga sariling pangangailangan at ako ay sumusunod sa tuntunin sa aming
bahay. Kaya kong bigkasin ang tunog ng letrang Mm. Kaya kong matukoy ang kulay pula.
Kaya kong bumilang. Kaya kong magsulat.

TINGNAN PO NINYO!
Dito mapatutunayan na natutuhan ng mag aaral ang bagong aralin.
Babasahin ng mga bata ang mga letra:
M M M M M
Babasahin ng mga bata ang mga bilang:
0 1
Bigkasin ng mga bata ang kulay Pula.
16
GAWAIN #1 UNANG MARKAHAN/IKALAWANG LINGGO/IKA-ANIM NA ARAW
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Bigyan ang anak ng gagayahan. Isulat ang buong pangalan, edad
at kaarawan.

GAWAIN #2
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Magsanay magsulat ng bilang 0-1.

GAWAIN #3
(Kasanayan sa Paghawak)

Panuto: Malayang Pagkukulay gamit ang pula na krayola.


(Sa mga magulang, bigyan ang bata ng kanyang kukulayan)

Mga Puna o Mungkahi ng Magulang:


Panuto: I-tsek ang kolum ayon sa kahusayan ng bata.

Mga Gawain Nagawa ng Nagawa ng bata Hindi nagawa ang gawain.


bata ang ang gawain sa (Isulat ang dahilan)
gawain nang tulong ng iba
mag-isa
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3

Pangalan ng magulang/nagturo:_____________________________________

17

You might also like