You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL

Banghay Aralin sa Health


Unang Baitang

Content Standard:
Demonstrate understanding of safe and responsible behavior to lessen risk
and prevent injuries in day-to-day living.
Performance Standard:
Appropriately demonstrate safety behaviors in daily activities to prevent
injuries.
Learning Competency:
Observes safety rules with stray or strange animals.

I. Layunin
1. Inaasahan na nasusunod ang wastong paraan upang maingatan ang sarili
sa mga ligaw at alagang hayop.
2. Napahahalagahan ang buhay laban sa mga ligaw o galang hayop.
3. Naisasagawa ang mga hakbang upang makaiwas sa sakunang dulot ng
mga ligaw o galang hayop.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Pagiging Ligtas sa mga ligaw na Hayop at mga maaaring
Bungan g Hindi Pagsunod sa mga Alituntuning Pangkaligtasan
b. Sanggunian:
CG Code: HIIS – IVe – 6
Self Learning Module Grade 1 pahina 83
PIVOT pahina 23
c. Kagamitan: mga larawan, PowerPoint Presentation
d. Integrasyon: ESP, A.P., Math, MAPEH, MT
e. Estratehiya: Talakayan
f. Online Appplication: Video Conferencing Through
Google Meet

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201 Together Everyone Achieves More.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL

III. Pamamaraan:
1. Panimulang Gawain
A. Pagtatala ng Pumasok
B. Awit:
C. Drill:
Pagkilala sa iba’t-ibang hayop

D. Balik-Aral:
Itaas ang  kung ang bagay ay dapat gawin kapag may lindol at
itaas ang  kung hindi.

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Together Everyone Achieves More.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL

2. Panlinang na Gawain

A. Motibasyon
Pagpapakita ng guro ng alaga niyang aso.
“Kayo ba ay may alagang hayop?”
“Ano ang mga alaga ninyo?”
“Mahal niyo ba ang alaga niyo?”
“Paano ninyo inaalagaan ang alaga ninyong hayop?”

B. Paglalahad:
1. Paghahawan ng balakid
Magpapakita ang guro ng larawan ng ligaw o galang
hayop.

2. Pagbasa ng maikling kuwento.


“Sa Bakuran nina Lolo at Lola”

Sabado ng umaga ay maagang gumising si Edward,


dahil dadalawain nila ang lolo at lola nila sa probinsiya.
Malawak ang bakuran ng Lola nila.
Marami ritong tanim at may alaga rin silang mga hayop.
Tuwing umaga ay pinapakain at nlalaro ni Edward ang aso at pusa.
May alaga rin silang baboy at kalabaw.
Mahal nila ang mga alaga nilang hayop.
Kaya pinapaliguan nila ang mga ito at pinapakain.

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Together Everyone Achieves More.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL
Isang hapon ay may narinig silang ingay sa likod bahay nila.
“Tigidig-tigidig. Nyieehh”.
Nakita nilang may ligaw na hayop na naninira ng mga tanim nila.
Papaluin sana ito ng kahoy ni Edward kaya lalong nagwala ang hayop at sisipain na
nito si Edward.
Mabuti nalang at dumating ang lolo niya at naawat nito ang hayop.
Kinabukasan ng madaling araw ay may narinig silang “kokkorokok”.
Bumaba ng bahay si Edward at may nakita siyang nangingitlog na hayop.
Kinuha ni Edward ang itlog at tinuka ng ina ang daliri niya.
Ibinalik ni Edward ang itlog, at umuwi siyang umiiyak.

C. Pagtalakay:
1. Sino ang bata sa kuwento?
2. Ilan ang alaga nila? Anu-ano ang mga ito?
3. Mahal ba nila ang mga alaga nila? Paano mo ito nasabi?
4. Anong ligaw na hayop ang nanira ng mga tanim nila? Paano
mo ito nasabi?
5. Bakit kaya muntik ng masipa ng hayop si Edward?
6. Anong hayop ang nangitlog isang madaling araw? Paano mo
ito nasabi?
7. Bakit natuka ng manok ang daliri niya?
8. Anong aral ang natutunan ninyo mula sa kuwento?

D. Paglalahat:
Anu-ano ang mga paraan ng Pag-iingat sa sarili mula sa
ligaw o galang hayop?
1. Ingatan at mahalin ang mga hayop.
2. Iwasang lumapit kapag kumakain ang hayop.
3. Huwag sasaktan ang mga hayop.
4. Huwag kukunin ang mga bagong anak na hayop.
5. Iwasan ang mga ligaw o galang hayop.
6. Magpatingin agad sa doctor kapag kinagat ng hayop.

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Together Everyone Achieves More.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL

E. Paglalapat:
Anong hayop ang tinutukoy?

1. “Ako ay inyong alaga, minsan din ako ay gala. Huwag ninyo


akong iinisin, baka kayo ay aking kagatin.”
2. “Itlog ko ay huwag kukunin, upang kayo ay hindi ko habulin
at kagatin.”
3. “Ako ay inyong mahalin at lagi ninyong pakakainin upang
kayo ay aking payamanin. oink, oink”
4. “Ako ay huwag tatapakan, huwag din bubugawin baka kayo
ay aking kalmutin. meow, meow.”
5. “Huwag ninyo akong sasaktan, huwag din akong papaluin,
baka kayo ay aking sipain.”

IV. Pagtataya
Basahin ang mga tanong at sagutan sa notebook. Lagyan ng tsek (✓)
kung ito ay tamang gawi upang makaiwas sa sakunang dulot ng hayop o
ligaw na hayop. Lagyan ng ekis (x) kung hindi.

_______ 1. Pakainin ang mga hayop.


_______ 2. Huwag kukunin ang bagong panganak na hayop.
_______ 3. Paluin ng kahoy ang kabayo.
_______ 4. Iwasan ang mga ligaw o galang hayop.
_______ 5. Magpatingin agad sa doctor kapag nakagat ng hayop.

Mastery Level:
5-
4-
3-
2-
1-
0-

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Together Everyone Achieves More.
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office – Malabon City
District of Malabon II – A
IMELDA ELEMENTARY SCHOIOL

V. Takdang Aralin
Iguhit ang ♥ kung ang hayop ay dapat iwasan at ★ kung hindi. Gawin
ito sa inyong notebook.

__________ 1. asong gala


__________ 2. butiki
__________ 3. kabayo
__________ 4. ahas
__________ 5. biik

Inihanda ni:
Gng. Alita A. Abayon

Langaray St. cor. Hasa-Hasa St., Longos,


Malabon City Tel: (02) 351 - 3201
Together Everyone Achieves More.

You might also like