You are on page 1of 13

KAHALAGAHAN NG BAYANIHAN SA MAG-AARAL

NG MARCELO SPINOLA SCHOOL, SA BAITANG

LABING ISA

Isang pananaliksik na iniharap bilang bahagi ng pagtupad sa Pangangailanagn ng Asignaturang

Filipino

“Pagbasa at Pagsuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik”

Ni: Bea Darlyn C. Casanova

Ika-19 ng Mayo, 2022

ARAW NG PAGSUMITE
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I: Sanligan at Suliranin nito

1.1 Introduksiyon

1.2 Paglalahad ng Suliranin

1.3 Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

1.4 Rebyu ng kaugnayan na Literatura

1.5 Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas

1.6 Saklaw at Limitasyon

KABANATA II: Pamamaraan ng Pag-aaral

1.1 Disensyo at Pamamaraan ng Pananaliksik

1.2 Lokal at Populasyon ng Pananaliksik

1.3 Paraan sa Pagsasagawa

1.4 Paraan ng Pagsusuri ng Datos

KABANATA III: Paglalahad ng Result ng Pag-aaral

KABANATA IV: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

1
KABANATA

2
1.1 INTRODUKSYON

Ang bayanihan ay kinilala ng mga social scientist at iba pang mga tagamasid bilang

isang sinaunang kaugalian ng mga Filipino, simbolo ng paraan ng Filipino sa pangkatang

gawain. Ito ay hango sa salitang ugat ng Tagalog na bayan, isang bayan o bansa. Ang

bayanihan ay binigyang kahulugan bilang “patriot” ang taong nagsakripisyo para sa kabutihan ng

lahat. (De la Costa 1965).

Ayon kay Bigwas (2019), ang bayanihan ay isang kapuri-puring kaugalian ng mga

Filipino, ang bayanihan o maramihang pagtutulungan para sa anumang gawain. Karaniwan itong

nakikita kapag may ililipat o bubuhating bahay sa kanayunan.

1.2 PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang bayanihan ay naglalahad ng pagiging matulungin ng mga Filipino. Pinapakita nito ang

katangian ng matulungin na mamamayan sa Filipinas.

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang mga sumusunod

na katanungan:

1. Bilang isang mag-aaral, ano nga ba ang kahalagahan ng bayanihan?

2. Ano ang magiging epekto nito sa komunidad?

3
1.3 LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may pangkahalatang layunin na mabatid ang kahalagahan ng

bayanihan sa mga piling mag-aaral ng Marcelo Spinola School sa ika-labing isang baiting.

Ang mga tiyak na layunin nito ay ang sumusunod:

1. Upang malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng bayanihan sa kultura ng mga

Filipino.

2. Upang magkaroon ng kamalayan sa pagiging isang Filipino kung ano ang bayanihan.

1.4 REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Ayon kay Ang (1979), Bayanihan is also known as tulongan or damayan, a system of

mutual help and concern which has become the backbone of family and village life

throughout the Philippine archipelago. It may also be expressed as pagkakaisa. The people

who get together or unite to execute a job are the magbabayani.

1.5 TEORITIKAL NA GABAY AT KONSEPTONG BALANGKAS

Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay ng pokus sa teorya ng pagiging makabayan ng mga

Filipino, kung saan nag-babayanihan at nagtutulungan para sa lahat. Ito ay sumasalamin sa

kultura ng ating bansa ang Filipinas, na may malaking epekto hindi lamang sa mga mag-aaral

kundi sa lahat ng Filipino.

4
1.6 SAKLAW AT LIMITASYON

Ang saklaw na pag-aaral na ito ay ang kahalagahan ng bayanihan sa mag-aaral sa baiting

labing isa ng Marcelo Spinola School. Kinabibilangan ito ng 30 na mag-aaral ng St. Ignatius.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at mga tauhan sa paaralan. Ang mga nakalap

na datos ay gagamitin upang mapatunayan na ang pag-aaral na ito ay lehitimo.

5
KABANATA

II

6
1.1 DISENSYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito gumagamit ng pamamaraang historikal. Ang historikal na

pamamaraan ay nagpapalalim ng pag-unawa natin tungkol sa bayanihan noon at ngayon. Ang

mga mananaliksik at dumaan sa madaming proseso ng pagsasagawa ng tungkulin sa nasabing

paksa. Ang mga paksang ginamit ko ay nanggagaling sa internet at sinuri ko ito ng mabuti.

Ito ay ginawa upang magbigay ng impormasyon sa pag-aaral.

1.2 LOKAL AT POPULASYON NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa Marcelo Spinola School, Don Andres, Ipil, Zamboanga

Sibugay. Ang mga kalahok ng pananaliksik ay mula sa mga piling mag-aaral ng Marcelo

Spinola School na nasa baiting labing isa sa taong pampaaralan 2021-2022.

Kinabibilangan ito ng 30 na mag-aaral ng St. Ignatius

1.3 PARAAN SA PAGSASAGAWA

Ang talatanungan ay ibinahagi sa 30 na mga mag-aaral sa Marcelo Spinola. Ang mga mag-

aaral ay sasagot ng katanungan tungkol sa bayanihan . Ang mga mag-aaral ay mayroong 10

minuto upang masagutan ang mga kasagutan :

1. Mahalaga ba saiyo ang bayanihan? Bakit?

7
1.4 PARAAN NG PAGSUSURI NG DATOS

Upang malaman kung ano ang kahalagahan ng bayanihan may sinagutan ang mga mag-aaral

na talatanungan. Ito ang buod ng kanilang mga sagot:

ST. IGNATIUS

INTERPRETASYON INTERPRETASYON

Hindi na mahalaga ang bayanihan sa panahon Sobrang halaga ng bayanihan, isa ito sa

ngayon dahil kaya na naman nila ang sarili tradisyon ng Filipinas, hindi dapat ito

nila, at sa panahon ngayon wala ng bahay kalimutan at dapat itong pag-bigyang halaga.

kubo sa siyudad kaya hindi na ito mahalaga. Maraming mamamayan parin ang kailangan

ng bayanihan.

8
KABANATA

III

9
1.1 RESULTA NG PAG-AARAL

MGA MAG-AARAL NG

ST. IGNATIUS

Hindi na mahalaga ang

bayanihan sa panahon

ngayon dahil kaya na naman


12
nila ang sarili nila, at sa

panahon ngayon wala ng

bahay kubo sa siyudad kaya

hindi na ito mahalaga.

Sobrang halaga ng

bayaniha, isa ito sa

tradisyon ng Filipinas, hindi

dapat ito kalimot at dapat


18
itong pag-bigyang halaga.

Maraming mamamayan

parin ang kailangan ng

bayanihan.

10
KABANATA

IV

11
1.1 LAGOM, KONGKLUSYON, REKOMENDASYON AT SANGGUNIAN

Ang pag-aaral na ito ay may layuning malaman ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng

bayanihan sa kultura ng mga Filipino at magkaroon ng kamalayan sa pagiging isang Filipino

kung ano ang bayanihan.

Ito ay isang pag-aaral na nasa disenyong kuwalitatibo sapagkat sinukat ang resulta sa

pamamagitan ng paglahad ng mga talatanungan. Sa kabuuan, ang bayanihan ay mahalaga

para sating mga Filipino, ito nay nagpapahiwatig ng ating matulungin na katangian. Ang

tradisyong bayanihan ay napaka-laking kayamanan para sating mga Filipino.

1.2 TALASANGGUNIAN

Ang, G. R. (1979). THE BAYANIHAN SPIRIT: DEAD OR ALIVE? Philippine Quarterly

of Culture and Society, 7(1/2), 91–93. http://www.jstor.org/stable/29791626

https://jefmenguin.com/bayanihan/

12

You might also like