You are on page 1of 4

I.

Introduction
Ayon kay Schedar Joson (2016), isang propesor ng wika sa UP Diliman, Isa sa katangian ng
wika ay dapat nagiging malikhain ang gumagamit nito at mula sa pagiging malikhain ay nag-
uugat ito sa pagkaimbento ng mga bagong salita mula sa mga umuusbong na salita o di kaya
sa kawalan. Ito ay bahagi ng ating ebolusyon bilang mga indibidwal. Ayon kay Virgilio Almario
(2016), pambansang alagad ng sining sa panitikan at pinuno ng Komisyon sa Wikang Filipino,
ang paglilikha ng mga bagong salita ay hindi natin kailangan dahil hindi ito nakakapag-ambag
sa karunungan at karanasan ng tao o sa ating wika at dagdag lamang ito sa mga kinakailangan
kabisaduhin ng tao. Ayon sa ulat ni Fidel R. Jimenez (2015), GMA News, sa pag-usbong ng
modernong teknolohiya, at mga bagong paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at
social media, hindi maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o
nalilipasan na ng panahon. Ayon sa unknown user (2015) sa dlslfilipino.blogspot.com, ang
bawat isa ay may kakayahang makapag-isip at makapagsalita gamit ang wikang pambansa. Sa
kasalukuyang panahon, nagiging moderno na ang ating henerasyon at ang neolohismo ay
patuloy na lumalaganap. Ang neolohismo ay may kahulugan na “bago” na may kahulugang
“pananalita, pagbigkas”. Ito ang tawag sa isang bagong termino, salita o parirala na maaaring
nasa proseso ng pagpa

II. Words

Words Conceptual Operational


Beh Tawag sa kaibigan
Bgc (pangngalan) Isang lugar sa maynila; Iniuugnay sa mga taong
Bonifacio Global City mayayaman kapag nag-aaya
ng gala
Bhie Tawag sa kaibigan; katulad
lang din ng beh
Bounce (pandiwa) Talbog sa Filipino; tumalon Ang ibig sabihin ng salitang
nang paulit-ulit pataas at ito ay alis at ginagamit ito
pababa, mabilis na gumalaw upang sabihin na aalis ka na
pataas at pabalik
Budol Naloko Na-scam sa pagbili
Carps (abbreviation) Hango sa salitang carpet – Are you g = r u g = rug=
isang textile floor cover carpet = carps
Chariz Galing sa salitang char na
nabuo na dati na ibig sabihin
ay nagbibiro lamang
Chos Biro lamang; galing din sa
salitang char
Conyo Bilinggwal na mga taong ang Ito ang tawag sa mga taong
sinasalitang wika ay ingles at pinagsasama ang ingles at
tagalog tagalog sa isang
pangungusap na may aksent
Deserve Nararapat Ginagamit kapag may
nangyari sa isang tao na sa
tingin ng isa ay nararapat sa
kaniya
Eguls Binaliktad na salitang luge
Ferson Tao; galing sa salitang
person
Forda Pinaikling salita na for the
Fr (abbreviation) Mula sa pariralang “for real” Ibig sabihin ay totoo
Green flag Berdeng bandila Magandang bagay na
nakikita sa tao
Guize Mula sa salitang “guys”;
pagtawag sa mga kasama o
kaibigan
Himlay Mamahinga
Istg (abbrivation) Ang ibig sabihin ay “ I swear Ipinapahiwatig na hindi
to god” nagsisinungaling kaya’t
nangangaka sa diyos
Korique Tama o correct
Kyah Pinaikling kuya
Label Isang brand o kompanya Kaugnay sa relasyong; kung
kayo ba ay magjowa o
nagliligawan o kaya naman
ay friends lang pero with
landian
Mhiema (slang) Hango sa salitang ingles na
“mommy”, ito at tinagalog at
binaliktad ang pantig
Marites Pangalan ng tao Pinaikling “mare anong
latest”; chismosa
Matsala Binaliktad na salitang
salamat
Mwa mwa Tunog ng halik Ipinapalit sa halik (imbes na
“gusto ko ng halik,
ginagawang “gusto ko ng
mwa mwa”)
Naol Pinaikling sana ol na dati ng
nabuo; inggit
Naur Pronunciation ng “no” sa
Australian accent
Ngl (abbreviation) “Not gonna lie” o not going to Ibig sabihin ay hindi ka
lie nagsisinungaling
Neon balls Isang bolang kulay neon Kwek kwek
Nyare Pinakiling “anong nangyari”
Omcm Nanggaling sa salitang
mismo na ibig sabihin ay
eksakto
Oum Galing sa salitang oo
Opacity May kalabuan ang isang Parang katunog ng audacity
bagay na ibig sabihin ay matapang
Pa-mine Pagkuha ng item sa online
selling; pag-angkin
Pareh (slang) Kinuha sa salitang pare na Ginagamit bilang panghalip
nanggaling sa salitang sa kaibigan kahit pa ito ay
espanyol na kumpadre, ang babae
ibig sabihin nito ay kaakibat o
di kaya kaibigang lalaki
Pics (abbreviation) Hango sa salitang picture na Image = img = I am g = pics
sa tagalog ay larawan
Rawr (expression) Hango sa salitang ingles na Upang iparating na ang
“roar” mula sa mga tunog na ekspreston niya tungo sa
nalilikha ng ibang mga hayop isang bagay o tao ay kaakit-
akit
Red flag Pulang bandila Hindi magandang katangian
na makikita sa isang tao
Satru (slang) Ito ay conyo na salitang ang
ibig sabihin ay “sa totoo lang”
Shawty (slang) Ito ay terminolohiyang
ginagamit upang ilarawan
ang isang maganda at kaakit-
akit na babae
Sheeesh (expression) Isang ekspresyong ginagamit
kapag namangha
Skrrt (verb) Isang tunog ng nagagawa ng Pinauso ng isang sikat na
mga gulong ng sasakyan na Pilipinong vlogger at youtuber
sanhi ng pagdrift, isang estilo na si Jeremy Lomibao
ng pagmamaneho kung saan Sancebuche o mas kilala
ang driver ng isang kotse ay bilang “mimiyuh”
sadyang umiikot nang labis,
na nagiging sanhi ng mga
gulong sa likuran ng kotse o
kung minsan ang lahat ng
mga gulong ay mawalan ng
kapit sa kalsada
Ssob Binaliktad na salitang boss
Stan Pagiging fan ng isang artistaKalimitang ginagamit sa kpop
o kilalang tao na ibang sabihin ay parte ng
isang fandom
Starbs (abbreviation) Mula sa ingles na salitang Pinalikling salita para sa
“starves” “Starbucks”
Triggered Dahilan ng isang partikular Dahil sa isang bagay na
na bagay o sitwasyon na nagpapainis sa isang tao
maaaring magpa-alala ng
masasamang bagay sa iyo
Uwu (expression) Ginagamit kapag
nagpapacute; tunog ng
nagpapacute
Vebs Ppangtawag sa kaibigan
Vevelavs Tawag sa taong
nagugustuhan
Xori Mula sa salitang sorry;
humihingi ng tawad
Yarn Sinulid Ayan/yan
Zigzag Linyang paliko liko ng Isaw
pakanan at pakaliwa

III. Conclusion
Ang wika ay malaking bahagi ng ating kasaysayan at maging sa panahon ngayon ay napakalaki
ng silbi nito sa ating buhay. Mula sa mga umusbong na mga makabagong salita ay napagtanto
ng grupong ito na maging ang wika, ay nagkakaroon ng ebolusyon at distinksiyon mula sa iba't
ibang henerasyon ng mga tao at kasabay na lumilipas ng panahon ang iba't ibang wika. Sa
panahon ngayon, sagana ang pagbabago, pagkakaltas at pagpapalit ng tunog sa mga salita
upang makalikha ng panibagong mga salita. Nakita ng grupong ito na ang mga umuusbong na
mga salita ay ginagamit upang magbigay aliw, magpahayag ng ekspresyon, at mapadali ang
komunikasyon. Ginagamit ito ng karamihan ng mga kabataan o ang henerasyon na tinatawag
na "Gen Z". Ngunit hindi lahat ng kabilang sa henerasyon na iyon ay nakakasabay sa mga
makabagong mga salita maging ang mga mas nakababata at nakatatandang mga henerasyon
ay nahihirapan at hindi gaanong naiintindihan. Ang iba't ibang umuusbong na salita ay
maaaring nakakatulong magpaunlad ng wika dahil ito ay nagagamit ng karamihan, ngunit ito ay
nagiging dahilan ng kalituhan sa kung ano ba ang ibig sabihin o nais iparating ng nagsasalita.
Sa pagkakaroon ng mga bagong salita, higit na nakakalimutan o naglalaho na ang mga
malalalim na salita kaya't ang mga kabataan ay hindi na alam o nahihirapan makaintindi ng mga
lumang salita. Ang mga umusbong na salita noong pandemya ay hindi gaano kaaya-aya
sapagka't hindi ito magagamit sa mga pormal at importanteng bagay. Walang masamang
makisabay sa uso ngunit dapat ay may limitasyon din ito bagama't hindi lahat ay nakakaunawa
at nakakalimutan ng nakararami kung ano ang tama. Mahalaga pa din ang pagkakaroon ng
tamang baybay at bigkas ang mga salita upang magkaroon ng maaayos na kahulugan at hindi
lamang palaisipan. Sa kabila ng pag-usbong ng mga bagong salita, mahalaga pa din na
sanayin natin ang ating sarili na pairalin ang standardisadong wikang Filipino o gamitin ang
pormal na mga salita na kinakailangang may angkop na baybay at bigkas sa kadahilanang ito
ay importante dahil ito ang ginagamit sa mga mahahalagang bagay at ang paggamit ng mga
pormal na salita ay nagdudulot ng mas komprehensibong pagkakaunawaan ng bawat
indibidwal.

Sanggunian:

http://dlslfilipino.blogspot.com/2015/09/simulan-ang-ebolusyon-sa-wikang-naaayon.html?m=1

https://youtu.be/pcOpw0Y8rB4
https://hzlaustria.wordpress.com/

You might also like