You are on page 1of 21

Modyul ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA

1 MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA

Maligayang pagdating sa unang modyul para sa semestreng ito! Sa modyul na ito ay bibigyang
konteksto ang komunikasyon sa Filipino sa pamamagitan ng paglalahad ng makasaysayang
pangy ayari ukol sa pakikibaka ng Tanggol Wika laban sa CMO No. 20 Series of 2013.
Matutunghayan dito ang kronolohiya ng kanilang pakikibaka kalakip ng mga posisyong papel na
simbolismo ng pagpapatibay ng saloobin ng bawat miyembro ng mga Pamantasan.

Sa huling parte ng talakayan ay may mga gawain at pagsasanay na nakalaan para sa mga mag-
aaral. Ngayon ay umpisahan nyo na ang pagbabasa at ihanda na ninyo ang inyong mga kaisipan
para sa panibagong kaalaman na inyong makakamtan.

BABASAHIN

May angking katangian ang bawat tao na makipag-ugnayan sa kanilang sariling


pamamaraan upang matalos ang mas malalim na pag-unawa. Ngunit ang pakikipag-ugnayan
ng bawat isa ay hindi magiging posible kung walang kaisahan at kaangkupan ang mga
pamamaraang taglay nila. Ito ang saysay ng pagkakaroon ng isang wikang palasak na
makapag-uugnay sa lahat ng mamamayang may iisang identidad. Sang-ayon nga kay San
Buenaventura (1985), “ang wika ay isang larawang binibigkas at isinusulat. Isang kahulugan,
taguan, imbakan o deposito ng kaalaman ng isang bansa.” Isang ingat-yaman ng mga
tradisyong nakalagak dito, sa madaling salita ang wika ay kaisipan ng isang bansa kaya’t
kailanman ito’y tapat sa pangangailangan at mithiin ng sambayanan. Nangangahulugan lamang
na ito ang magsisilbing daan tungo sa kaunlaran at marapat lamang na ito ay hubugin at mas
lalong paunlarin. Ngunit paano na lamang kung nalilimitahan ang paglinang dito? May
hangganan ba ang pagtuklas natin sa mga araling may kaugnayan dito? Bago tayo tumungo sa
ating leksyon ay unawain muna natin ang maikling kasaysayan kung bakit may asignaturang
Filipino sa kasalukuyan.
Mahalagang maintindihan ang kasaysayan ng Wikang Pambansa – kung paano ito
nagsimula bilang Tagalog (kung saan umalma ang mga Bisaya), naging Pilipino, at ngayon nga
ay Filipino. Noon pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa
sa mga umiiral na katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel
Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang

│1
pambansa. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral,
at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong
Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang
batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni
Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng
Wikang Pambansa." Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang
Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles
at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa
lahat ng mga paaralang-bayan at pribado sa buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si
Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino
ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Kinalaunan ay tinawag itong Filipino bunga ng ating
panghihiram sa Alpabetong Ingles.

Naging malinaw ba sa inyo kung bakit pinag-aaralan ang asignaturang Filipino sa lahat
ng paaralan sa buong bansa? Kung oo ay maaari ninyo nang sagutan ang Gawain 1.

GAWAIN 1. Ilahad Mo
1. Sa iyong palagay, bakit Tagalog ang naging batayan ng wikang pambansa gayong
marami namang ibang wika sa Pilipinas?
2. Bakit kinakailangang magkaroon ng asignatura na kinapapalooban nang pagtalakay sa
wikang pambansa gayong ito ay umiiral na at unti-unti nang malalaman ng nakararami?

Ano ang Tanggol Wika?

Ito ay isang alyansang nabuo upang labanan ang pagnanais ng Commission on Higher
Education (CHED) na paslangin ang mga asignaturang Filipino, Panitikan at Philippine
Government and Constitution subjects sa kolehiyo at kapatid na organisasyon ng Alyansa ng
mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan), ang huli ay ang grupong
nagtataguyod ng pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine
History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul at paglalatag ng mga susing argumento at mga
dokumento kaugnay nito.

│2
Noong Hunyo 21, 2014 ay nabuo ang Tanggol Wika sa
pamamagitan ng isang konsultatibong forum na ginanap sa
De La Salle University, (DLSU)-Manila. Kung kaya’t
sinasabing makasaysayan ang taong 2014 sa larangan ng
pagtataguyod ng wikang Filipino. Nilahukan ito ng 500
delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad,
organisasyong pangwika at pangkultura. Kasama sa mga
tagapagsalita sa forum na iyon si Dr. Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining. Ang forum na iyon ay
kulminasyon ng mga nauna pang kolektibong inisyatiba mula
pa noong 2012. Ang mga nasabing inisyatiba ay epekto ng
pagtatangka ng ng Commission on Higher Education (CHED)
sa pamamagitan ng CHED Memorandum Order (CMO) No. 20,
Dr. Bienvenido Lumbera Series of 2013 na alisin ang mga asignaturang Filipino at
Pambansang Alagad ng Sining
Panitikan sa kolehiyo.

Bakit kinakailangang alisin ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo?


Para di umano’y mabawasan at mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo. Ililipat ang
mga ito sa Senior High School upang mas mabigyang daan at pokus ang mga asignaturang
kinakailangan at kahingian sa kanilang kurso sa kolehiyo.

Naging malaki at makabuluhan ang papel ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng


asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bagay na lubhang mahalaga sa pagtataguyod ng
wikang pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon.

GAWAIN 2. Opinyon Mo
Sa iyong pananaw, sang-ayon ka ba na alisin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa
kolehiyo? Bakit oo/hindi? Ipaliwanag.

Kronolohiya ng Pakikibaka
Sa taong 2011 pa lamang ay nagsimula nang kumalat ang balita ukol sa plano ng
gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagama’t wala pang
inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong iyon, ngunit kinalaunan ay nakumpirma din ito.
Tunghayan natin ang ginawang pakikibaka ng mga samahang may inisyatiba upang ipaglaban
ang mga asignaturang may malaking bahagi sa buhay ng mga mag-aaral.

│3
Agosto 29, 2012
Nagkaroon ng presentasyon si DepEd Assistant Secretary Tonisito
M.C. Umali, Esq. na pumapatungkol sa posibleng kawalan ng asignaturang
Filipino sa bagong RGEC para sa antas tersyarya. Bagay na ikinapangamba
ng marami—ang posibilidad ng pagpapaliit o pagkalusaw sa mga
Departamento ng Filipino sa mga unibersidad.

Oktubre 3, 2012
Sinimulan ng mga instructor ng Filipino sa kolehiyo ang
pagpapalaganap ng isang petisyon na humihiling sa CHED at sa Department
of Education (DepEd) na ipahinto ang implementasyon ng senior high
school/junior college at ng Revised General Education Curriculum (RGEC) sa
ilalim ng Kto12 na maaaring makapagpaliit o tuluyang lumusaw sa mga
Departamento ng Filipino sa mga unibersidad.

Disyembre 7, 2012
Naglabas ang Departamento ng Filipino ng DLSU ng “Posisyong Papel
para sa bagong CHED Curriculum” na may pamagat na “Isulong ang Ating
Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang Konstitusyonal na Karapatan ng
Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang larangan at Asignaturang may
Mataas na Antas”. Ang may akda ng nasabing posisyong papel ay si Prop.
Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang tagapangulo ng Departamento ng
Filipino ng DLSU.

Noon pa man ay binibigyang-diin na ng mga maka-Kto12 na babawasan ang mga


asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior high school. Gayunpaman, tila
pangunahing target ng mga maka-Kto12 ang Filipino sapagkat isang asignaturang Filipino
lamang ang nakatala sa listahan ng mga asignatura sa senior high school na nasa “K to 12
TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators, School Administrators, and Teachers
(2012)” na inilabas ng SEAMEO-INNOTECH at may imprimatur ng DepEd gaya ng
pinatutunayan ng panimulang mensahe roon ng noo’y kalihim ng DepEd na si Br. Armin Luistro,
FSC. Sa dokumento ring ito ay nakasaad na opsyonal lamang ang asignaturang Filipino for

│4
Specific Purposes, habang bukod sa asignaturang English na Oral Communication ay mayroon
pang required na Philippine Literature at World Literature, bukod pa sa optional na English for
Specific Purposes.

Hunyo 28, 2013


Inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013 na nagtakda ng core
courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa ilalim ng K to 12.

Core Courses sa K to 12 Curriculum


Understanding the Self Purposive Communication
Readings in Philippine History Art Appreciation
The Contemporary World Science, Technology and Society
Mathematics in the Modern World Ethics
Pigura 1
Makikita sa Pigura 1 ang mga core courses sa antas tersyarya sa ilalim ng K to
12, dito nakumpirma ang dating balita na walang Filipino sa isinulong na bagong kurikulum ng
CHED. Kumpara sa anim hanggang siyam nay unit ng asignaturang Filipino, alinsunod sa CMO
No. 04, Series of 1997 bukod pa sa dati-rati’y tatlo hanggang anim nay unit ng Panitikan. Mula
sa dating mandatoring wikang panturo nito sa ilalim ng CMO No. 59, Series 0f 1996 ay naging
opsiyonal na lamang ito sa ilalim ng CMO No. 20, Series of 2013.

Marso 3, 2014
Gumawa sina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas mga batikan
at premyadong manunulat na kapwa faculty member ng DLSU, ng isang liham
petisyon na naka- address sa CHED.

Nakipagtulungan sina Prop. Jonathan Geronimo at Prop. Crizel Sicat- De Laza ng UST
sa iba’t ibang unibersidad upang maisakatuparan ang petisyong nabanggit.
Mga unibersidad at samahang nakiisa sa nasabing petisyon:
University of Philippines-Diliman (UPD)
University of the Philippines-Manila (UPM)

│5
Ateneo de Manila University (ADMU)
Philippine Normal University (PNU)
San Beda College Manila (SBC-Manila; ngayo’y San Beda University)
Polytechnic University of the Philippines-Manila (PUP)
National Teachers College (NTC)
Miriam College (MC)
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)
Pambansang Asosasyon ng mga Tagapagtaguyod ng Salin (PATAS)

Hunyo 2, 2014
Nagkaroon ng inisyatiba si Dr. Antonio Contreras ng DLSU upang
makipagdayalogo sa dalwang komisyuner ng CHED na sina Commissioner
Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista kasama ang mga propesor
ng iba’t ibang unibersidad: DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque
State University.

Hunyo 16, 2014


Agad nilang ipinadala ang liham sa CHED. Ang liham na ito ay
naglalaman ng kanilang napag-usapan upang pormal na i-reconvene ang
Technical Panel/Technical Working Group sa Filipino at ang General
Education Committee, kasama ang mga kinatawan ng mga unibersidad na
naggigiit ng pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.

Hunyo 21, 2014


Nabuo ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba na
magsisilbing katugunan sa CMO No. 20, Series of 2013.

│6
Sino ang nakaisip sa pangalan ng bagong tatag na alyansang ito?
Walang iba kundi si Dr. Rowell Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino ng
DLSU at Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT). Malaki ang papel na
ginagampanan ng ACT sa mabilis na pagpapalawak ng Tanggol Wika sa akademya at lagpas
pa.
Mula noong maitatag ang Tanggol Wika, naglabas na rin ng kanya-kanyang posisyong
papel laban sa CMO No. 20, Series of 2013 ang mga Departamento ng Filipino at/o Panitikan
sa iba’t ibang unibersidad gaya ng UPD, PUP, PNU, ADMU, NTC, Mindanao State University,
Iligan Institute of Technology (MSU-IIT), Xavier University (XU) at marami pang iba.

Hulyo 4, 2014
Nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa demand ng Tanggol
Wika. Simula lamang iyon ng napakarami pang pakikipangtunggali ng Tanggol
Wika sa diyalogo sa mga opisyal ng CHED na noo’y hindi pa kumbinsido sa
pangangailangang mapanatili ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

Nakatulong sa pagbilis na pagsulong at paglaganap ng pakikibaka ng Tanggol Wika ang


maagap na Media Reports gaya ng:
Ulat ni Mark Angeles (2014) at Amanda Fernandez (2014)- GMA News Online
Steve Dailisan (2014)- State of the Nation
Jee Geronimo (2014)- Rappler.com
Anne Marxze Umil (2017)- bulatlat.com
Mga dokumentaryong inupload sa Youtube ng mga guro ng UPD gaya ng:
“Sulong WIkang Filipino” (Panayam kay Dr. Bienvenido Lumbera)
”Sulong wikang Filipino: Edukasyong Filipino, Para Kanino?”
“Sa MAdaling Salita: Kasayasayan at pag-unlad ng Wikang Pambansa”
Patuloy pa rin ba ang pakikibaka ng Tanggol Wika?
Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunod-sunod ang mga forum at asembliya, diyalogo
at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa para ipaliwanag at ipalaganap ang mga
adbokasiya nito, ngunit nagbibingi-bingihan lamang ang CHED.

│7
Abril 15, 2015
Sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, katuwang ang ACT Teachers
Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando Hicap, Kabataan
Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100 propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo
unibersidad ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol Wika. Ang
nasabing petisyon ay binubuo ng 45 pahina na nakasulat sa Filipino (ang kauna-
unahang buong petisyon sa wikang pambansa) opisyal itong nakatala sa G.R. No.
217451 (Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs
Pangulong Benigno Simeon Aquino III, at Punong Komisyoner ng Komisyon sa
Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education (CHED) Dr.
Patricia Licuanan).

Mga Probisyon sa Konstitusyon na nilabag ng CMO No. 20, Series of 2013:


Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987.
Probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa
na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng Konstitusyong 1987.
Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-aaral ng
Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng
Konstitusyong 1987
Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo sa
kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na
nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan, na nasa Artikulo II, Seksyon 17; at
Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 ng Konstitusyong 1987
Probisyong pampaggawa (labor provisions) na nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo
XIII, Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.
Probisyon ng “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the
Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and
For Other Purposes”) o Batas Republika 7104
Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas Pambansa Bilang 232.
Probisyon sa Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for
Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts,
and For Other Purposes.”

│8
Abril 21, 2015
Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan ng Korte
Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglalabas ng Temporary
Restraining Order (TRO).

Ano-ano ang mga naging epekto ng TRO?

Pinahihinto ang pagtatanggal ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo


Binibigyan ng sampung araw ang CHED at Malacanang upang magbigay ng pahayag
ukol ditto
Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad nang hindi isinasama ang Filipino at
Panitikan sa kurikulum
Epektibo ang TRO hanggang sa maglabas ng bagong pasya ang Korte Suprema
Magpapatuloy pa din ang laban upang ipagtanggol ang mga asignaturang nakaliligtaang
isama sa bagong kurikulum hanggang wala pang pinal na desisyon ukol dito.
Sa press release ng Tanggol Wika kaugnay ng tagumpay na ito ay hinihikayat nito na
tuloy-tuloy na suriin ang “other aspects of the K to 12 program, and help align current educational
reforms to the country’s needs and the Filipino people’s welfare, so as to further contribute to
the country’s historical anti-neocolonial and anti-imperialist struggle in the arena of culture and
education” (Ayroso, 2015). Kaugnay nito ay tumulong din ang Tanggol Wika sa pagbubuo ng
kapatid na organisasyong Tanggol Kasaysayan.
Ano naman ang Tanggol Kasaysayan?

Ito ay tinatawag ding Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Kasaysayan, nabuo ito noong
Setyembre 23, 2016 sa PUP. Kung ang Tanggol Wika ay ipinaglalaban ang pagpapanatili ng
Filipino at Panitikan sa kolehiyo, ang Tanggol Kasaysayan naman ay naglalayong itaguyod ang
panunumbalik ng asignaturang Philippine History sa hayskul (sa ilalim ng K to 12 ay wala nang
required na Philippine History subject) at ng mas malawak na pormasyong Kilos na Para sa
Makabayang Edukasyon (KMEd) na itinatag noong Agosto 25, 2017 sa PUP din.
PUP ang itinuturing na pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte ng tanggol wika,
lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang asembliya at kilos-protesta, dahil na rin sa sigasig
ng Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin
ang papel ng Departamento ng Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa
pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa asembliya ng forum ng Tanggol Wika.
Masasabing naging matagumpay sa pangkalahatan ang adbokasiya ng Tanggol Wika dahil
ngayon ay may Filipino at Panitikan pa rin sa kolehiyo, alinsunod na rin sa CMO No. 4, Series
of 2018.

│9
Mainam na balikan ang nilalaman ng iba’t ibang posisyong papel na maka wikang Filipino
upang patuloy na maipalaganap ang kahalagahan ng wikang Filipino sa iba’t ibang antas ng
edukasyon.

GAWAIN 3. Tukuyin mo
Ang mga nangyayaring pagbabago sa edukasyon ay bunga ng globalisasyon, ano sa
tingin ninyo ang posibleng mangyari kung tuluyan ng mawala ang Filipino at Panitikan sa
antas tersyarya?

MGA POSISYONG PAPEL HINGGIL SA FILIPINO AT PANITIKAN


SA KOLEHIYO

Bago tayo dumako sa talakayan ukol sa mga posisyong papel na nilikha ng mga
kinatawan sa iba’t ibang unibersidad at samahan ay alamin muna natin kung ano ba ang
posisyong papel?
Ang posisyong papel ay mahalagang gawaing pasulat na nililinang sa akademikong
pagsulat. Isa itong sanaysay na naglalahad ng opinyon na naninindigan hinggil sa isang
mahalagang isyu patungkol sa batas, akademiya, politika, at iba pang mga larangan.
Karaniwang isinusulat ang isang posisyong papel sa paraang mapanghimok sa mambabasa
upang maunawaan at sang-ayunan nito ang paninindigan ng nagsulat hinggil sa isyung pinaksa.
Isang mabuting pagsasanay naman para sa mga mag-aaral ang pagbuo ng posisyong
papel sa pagpapatibay ng paninindigan. Isang proseso rin ang pagbuo nito ng pagpapahusay
sa paglalahad ng mga suportang ideya, pagtitimbang ng opinyon at katotohanan, at pagsanggi
sa mga antitheses o sumasangging mga ideya mula sa paninindigan ng mga mag-aaral upang
magdepensa.
Ngayon, handa na ba kayong malaman ang mga unibersidad at samahan na nagbigay
ng kani-kanilang mga persepsyon ukol sa CMO No. 20, series of 2013? Kung oo ay ipagpatuloy
na natin ang pagbabasa.

Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)


“PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS
TERSYARYA” – Dr. Lakandupil Garcia (isa sa mga opisyal noon ng PSLLF)

│10
Ito ang resolusyon ng humigit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso
ng PSLLF noong Mayo 31, 2013. Sa ilalim ito ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag, dating director
sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang
paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat “sa
antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa
pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at
kaalamang pangmidya.

Inilalahad din ng PSLLF ang mga argumentong maka-Filipino ss konsteksto ng globalisayon sa


isang bukod na posisyong papel na inilabas noong 2014 .Ayon sa PSLLF:
sa panahon ng patuloy sa globalisisasyon at ng napipintong Association of Southeast
Asian Nations (ASEAN) integration, nararapat lamang sa patibayin ng mga Pilipino ang sariling
wika at panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na
integrasyong sosyo-kultural.Samakatwid, ang pagpapalakas ng wika at panitikang Filipino sa
lahat ng antas na edukasyon sa paghahanda rin para sa ASEAN Integrayion at sa patuloy na
globalisasyon.Mahalagang ambag sa edukasyong sosyo-kultural ng ng maraming estudyanteng
inaasahang darating at mag-aaral sa Pilipinas mula sa mga kasapi ng ASEAN at iba pang bansa,
ang asignatura sa wika, kultura at identidad ng Pilipinas.Sa panahong ito ng globalisasyon, higit
na kailangan ang pagpapanatili ng wika at panitikang Filipino sa lahat ng antas sa pag-aaral
upang patatagin at pagyamanin ang ating pagka-Pilipino.
Idinadagdag din ng PSLLF ang ugnayan ng wikang pambansa at ng holistikong paghubog sa
mamamayang Pilipino:
lagpas sa pag-aambag sa kultura ng daigdig, ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino
ay paggigiit ng espasyo para sa humanidad ng mga Pilipino.Ang ating wika at panitikan ay
salamin at tagapagpahayag ng ating mga hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan, hinanakit,
sama ng loob, pangarap, pag-asa, at iba pang damdaming nagbigay sa atin ng lakas upang
humakbang mula rito patungo sa dako ng roon ng hinaharap.Ang pagkakait ng espasyo para sa
wika at panitikang Filipino ay pagkakait ng espasyo para sa ating pagkatao at pagiging
tao."Inilalahad din ng PSLLF na "...ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang required na
asignatura sa kolehiyo, bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing wikang panturo ay
ginagawa rin sa iba pang bansang nagpapatupad ng sistemang K to 12 gaya ng Malaysia,
Indonesia, at Estados Unidos.
Detalyado ring ipinaliwanag na PSLLF ang historikal na paninindigan para sa blinggwalismong
pabor sa wikang pambansa:
Naninindigan ang aming organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory
na wikang panturo sa 12 yunit sa bagong General Education Curiculum (GEC), bukod pa sa
asignaturang Rizal.Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa
edukasyon na ipinatutupad sa pamamagitan ng Deparatment Order No.25, Series of 1974 ng
Delartment of Education, Culture, and Sports (DECS) na hanggang ngayo'y operatibo at may

│11
bisa mula baitang 4 hanggang antas tersyarya.Alinsunod sa nasabing dokento, ang wika ng
pambansa ang dapat maging wikang panturo sa 'social studies/social sciences, music, arts,
physical education, home economics, practical arts and character eduxcation.'Katunayan,
maraming asignatura sa larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal nang itinuturo
sa Filipino. Iminumungkahi namin na palawakin pa ang saklaw ng Filipinisasyon ng wikang
panturo sa kolehiyo sa pamamagitan nito sa 12 yunit sa bagong GEC.Ang pagpapalawak sa
paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo alinsunod din 'sa Artikulo XIV, Seksyon
3 ng Konstitusyong 1987...Hinggil naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang
mandatory core course sa kolehiyo, sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 9 na yunit ng
asignaturang Filipino na may multi/interdisplinaring disenyo.

National Commission on Culture and the Arts-National Committee on Language


Translation/NCCA-NCLT
Noong Mayo 23, 2014 ay pinagtibay ng NCCA-NCLT ang isang resolusyon na humihiling
sa Commission on Higher Education (CHED), kongreso at senado ng republika ng pilipinas na
agarang magsagawa ng hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC)
sa antas tersyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino.
Ang nasabing resolusyon ng NCLT sa ilalim ng NCCA (2014) ang naging titis ng
malawakang media coverage tungkol sa tangka ng CHED na paslangin ang Filipino at Panitikan
sa Curriculum.

“puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa paggamit ng Filipino bilang


midyum ng opisyal na komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang asignaturang Filipino…”

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)


Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas ng KWF ang “kapasiyahan ng kalupunan ng mga
komisyoner blg. 14-26 serye ng 2014… na naglilinaw sa tindig ng Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF) hinggil sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Blg. 20, s. 2013.”
Katulad ng NCCA ay nakatuon sa sitwasyon ng Filipino bilang wikang panturo ang
resolusyon ng komisyoner ng KWF na naggigiit ng “pagtuturo ng siyam nay unit sa Wikang
Filipino, na hindi paguulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas sekundarya, kundi
naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina—na pagkilala sa Filipino
bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang
pagpapatuloy ng intelektwalisasyon ng Filipino” at pagtiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang
Core Courses, bukod sa kursong Rizal, na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013
ay ituro gamit ang wikang Filipino.

│12
Ang kabuuang layunin ng resolusyon ng KWF: suportahan ang panawagan ng mga
samahang pangwika hinggil sa pagbuhay ng mga asignaturang Filipino sa kolehiyo sa paggamit
din ng Filipino bilang wikang panturo sa iba pang asignatura.

De La Salle University Manila


Noong Agosto 2014 ay inilathala ng Departamento ng Filipino ang posisyong papel na
pinamagatang “Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.”
“ang pagkakaroon ng asignaturang Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng
community engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa
ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran. Ang pagpapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga ordinaryong
mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan Bautista De La Salle na nagsikhay sa
paggamit ng wika ng mga ordinaryong mamamayan sa edukasyon. Dapat bigyang-diin na ang
Filipinisasyon ng mga pananaliksik ng iba’t ibang departamento at kolehiyo sa pamantasan ay
makatutulong din ng Malaki sa pagtitiyak na an gating mga pananaliksik ay higit na magiging
kapaki-pakinabang sa ating mga kababayan.”
Inilahad din nito ang praktikal na kabuluhan ng pag-aaral ng Filipino para sa
komunikasyong akma sa sitwasyon ng bansa:
“…sa pamamagitan ng asignaturang Filipino sa DLSU, inaasahang may sapat na
katatasan sa wikang pambansa ang sinumang gradweyt ng pamantasang ito sa
pakikipagtalastasan sa iba’t ibang pangangailangan o kontekstong pangkomunikasyon pang-
akademiko man o pangkultura, tulad ng nililinang sa ibang pamantasan.”
Sa kongklusyon, iginiit ng Departamento ng Filipino ng DLSU, Manila na “ang
adbokasiyang ito ay pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa
daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon na huhubog
ng mga estudyanteng magiging mga kapaki-pakinabang na mamamayan ng ating bansa.”

Ateneo de Manila University


Naglabas din ang unibersidad na ito ng posisyong papel na pinamagatang: Ang
paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning
Pangwikang Umuugat sa CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.” Binigyang-pansin
dito na ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din ng espasyo para sa iba pang wika
ng bansa: “Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng
sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at
labas ng akademya. Dapat patuloy itong ituro sa antas tersiyaryo at gradwado bilang integral na
bahagi ng anumang edukasyong propesyonal… Ang banta na alisin ang Filipino sa
akademikong konteksto ay magdudulot ng ibayong pagsasalaysayan o marhinalisasyon ng mga

│13
wika ng kultura ng bayan. Hindi dapat mawala ang wikang panrehiyon sa diskursong akademiko.
At lalong hindi dapat pagsabungin ang mga wika. Sa halip, dapat maging mapagmatyag laban
sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itanggi ang sarili
at kanilang mga interes.”

Unibersidad ng Pilipinas-Diliman
Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng Kolehiyo ng Arte at
Literatura ay naglabas din ng papel sa isyung ito.
“nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal—mga kaalamang patuloy na hinubog at
humuhubog sa bayan. Sariling wika din ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang
dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Layunin dapat ng edukasyon ang
humubog ng mga mag-aaral na tutuklas ng dunong-bayan na pakikinabangan ng bayan. Gawain
ng mga guro sa Filipino sa antas tersyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang
wikang Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pangaraw-araw
na buhay ng mga mamamayan. Ganito ang karanasan ng mga mag-aaral sa UP Manila sa
pagbibigay nila ng serbisyong pangkalusugan sa mamamayan. Kailangan nilang matutong
magpaliwanag at makipagtalastasan sa wikang Filipino upang mapakinabangan ng
mamamayan ang kanilang kaalaman.”
Gaya ng posisyong papel ng DLSU, Manila, binigyang tuon din ng posisyong papel ng
UP ang kahalagahan ng Filipino sa komunikasyong panloob bilang “susi ng kaalamang bayan.”
Polytechnic University of the Philippines-Manila
Inilathala ng iba’t ibang yunit at organisasyon nito ang “Paninindigan ng Kagawaran ng
Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa
Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa
Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong
2014.
“Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at
ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng wikang
Filipino, tinanggal na rin natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo,
iyon ang identidad mo.”
Philippine Normal University
Naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito ang mga guro sa unibersidad na ito.
“isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang isalin ang hindi magmamaliw na
karunungan na pakikinabangan ng mga mamamayan para sa pambansang kapakanan. Ang

│14
paaralan bilang institusyong panlipunan ay mahalagang domeyn na humuhubog sa kaalaman
at kasanayan ng bawat mamamayan ng bansa. Kaakibat sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto
ng wikang Filipino upang lubos na maunawaan at mailapat sa paaralan ng buhay ang mga
araling hindi lamang nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan.”

Bukod sa mga nabanggit na paaralan ay marami pang mga unibersidad sa buong bansa
ang nagpahayag ng pagsuporta sa adbokasiya ng Tanggol Wika, gaya ng NTC, MSU-IIT, ang
noo’y SBC-Manila,Technological University of the Philippines (TUP) – Manila, De La Salle –
College of St. Benilde (DLS-CSB), Xavier University, Pamantasang Lungsod ng Marikina
(PLMar), Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling Filipino (DANUM), League
of Filipino Students (LFS), University Student Government (USG) ng DLSU.

FILIPINO: WIKA NG KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO AT


MAS MATAAS NA ANTAS

Sa ating pagtalakay ay malinaw na ang Filipino ang wikang magagamit natin sa paglinang
ng “isang edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang
mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami” (Lumbera et
al., 2007).
Ngayon ay balikan naman natin ang mga prosesong pinagdaanan upang makamit ang
wikang pambansang hanggang sa kasalukyan ay ating ginagamit.
Si Dr. Wilfrido V. Villacorta ay sa mga Komisyoner ng 1986 Constitutional Commission at
siya ang nagpanukala ng mga probisyong kalauna’y naging Artikulo XIV sa Saligang Batas ukol
sa edukasyon, wika at sining na “ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang
makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan. Ngunit higit sa
karaniwang pangkulturang muhon, ang isang wikang pambansang nagsisilbing pahatiran ng
komunikasyon sa pagitan ng mga etno-linggwistikal na grupo at uri ay magbibigay-daan sa
pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan,” batay ito sa pagbanggit
sa petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema (2015). Ang wikang Filipino ay hindi lamang
mahalaga sa dimensyong kultural kundi pati na rin sa aspektong ekonomiko. Ayon kay San Juan
(2014), ang wikang pambansa lamang ang makapagtitiyak na ang sistemang pang-edukasyon
ng bansa ay nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga Pilipino: “Retaining Filipino in the
tertiary level is just one step toward aligning our education system with our goals as a nation.
We can change the subjects as often but we should emphasize inculcating values for national
development and international solidarity, rather than subscribing to dependency on failed foreign
frameworks and the race-to-the-bottom doctrine preached by global capital.”

│15
Masasabi natin na malayo na ang narating ng wikang pambansa sapagkat naging bahagi
ito ng kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon. Ginagamit ito sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa pamphlet ng KWF na inihanda ni Almario (2014). Hindi ito kataka-taka dahil sa
intelektwalisasyon na nagaganap sa ating wika. Pinag-aaralan ang kasaysayan nito at ginagamit
din ito upang lumikha ng bagong kaalaman. Hindi maglalaho ang wika kung patuloy lamang ang
ang paggamit nito hanggang sa maipasa natin ito sa mga susunod pang henerasyon, isang
bagay na dapat ay layunin ng bawat isang Pilipino.
Ayon sa mga pambansang senso mula 1939 hanggang 1980 ay dumami na ang
nagsasalita ng Wikang Pambansa mula 4, 068, 535 hanggang 12, 019, 193, o mula 25. 4%
hanggang 44.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Noong 1989, sa survey ng Ateneo de
Manila University ay lumitaw na 92% ang nakaiintindi ng Tagalog sa buong bansa, 83% ang
nakapagsasalita nito, 88% ang nakababasa, at 81% ang nakasusulat gamit ito. Malaki ang
agwat nito sa sinasabing 51% na nakaiintindi ng Ingles at 41% nakakaintindi ng Sebwano. Dahil
sa padami nang padami ang gumagamit ng Filipino ay nangangahulugang isa ito sa mga
itinuturing na “wika ng bayan” o lingua franca, at ito din ang ginagamit na wika ng sinumang
dalawang tao Filipino na may magkaibang wikang katutubo at nais mag-usap.
Sa datos na ipinakita ay hindi kataka-taka na Tagalog ang napiling batayan ng wikang
pambansa sapagkat mas marami ang nakakaunawa at may kayang gumamit nito, isa sa mga
pamantayan na kanilang pinagbatayan.
Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa EDSA noong 1986, nagkaroon ng
bagong saligang Batas ang ating republika. Isa sa mainit na tinalakay ng mga delegado ay ang
usapin ng wikang pambansa. May ilang rehiyunalista na nagnanais ng unibersal na dulog sa
pagpili ng wikang pambansa: ang amalgamasyon o paghahalo-halo ng talasalitaan mula sa iba’t
ibang wika ng Pilipinas. Maalab ding nakipagtagisan ng talino ang mga ultra-konserbatibo na
nagpanukala namang Espanyol ang dapat maging wikang opisyal. Pinakamasugid na kalaban
ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa ang mga delegadong Amerikinista.
Gayunpaman, dahil sa magigiting na tagapagtanggol ng wikang pambansa na nagmula sa iba’t
ibang rehiyon at nagsasalita ng iba’t ibang wika, nanaig ang consensus na ang wikang
pambansa na nagmula sa iba’t ibang rehiyon at nagsasalita ng iba’t ibang wika, nanaig ang
consensus na ang wikang pambansa ay ang wikang Filipino na ang nukleyo ay ang wikang
Pilipino, sa pasubaling ito’y patuloy na lilinangin salig sa mga umiiral na mga katutubong wika
sa Pilipinas at handa ring humiram ng mga salitang banyaga. Sa pagpapalit ng pangalan mula
“Pilipino” tungong “Filipino” ganap na napatahimik na ang protesta ng mga rehiyunalista. Hindi
simpleng pagpapalit ng titik ang nangyari: testament ito na an wikang pambansa ay hindi na
lamang sa Tagalog nakasandig, sapagkat wala namang “F” sa abakadang Tagalog. Ito ang
nagpapatunay nang pagyakap nito ng wikang pambansa sa iba iba pang mga katutubong wika
ng Pilipinas na may mga tunog na wala sa Tagalog.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 – Nilagdaan ito ni Pangulong Corazon C. Aquino noong
Agosto 25, 1988. Pinasigla ng kautusang ito ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na
transaksyon, komunikasyon at korespondensa]ya ng gobyerno. Bagay na makakapagpasidhi
lalo ng paggamit ng wikang Filipino.

│16
Ang wikang Filipino ay hindi lamang namutawi sa paraang berbal at aktuwal na
pakikipagtalastasan, naisulong din ito nang gamitin sa mga mass media. Ginamit ito sa mga
public affairs at news program. Naging susi din ito sa de-Amerikanisasyon ng mga Pilipino
sapagkat karamihan sa mga napapanood sa telebisyon ay nakaangkla sa gawa ng banyaga.
Wikang Filipino sa mass media:
(Batibot, At Iba Pa, Hiraya, Manawari, at Bayani) – pagtatangka ng makabayang
TV Producers
(Pong Pagong, Manang Bola, Kikong Matsing, at Kuya Bodji) pantapat sa Sesame
Street, kay Barnie at Dora The Explorer.

Mga isinaFilipinong cartoon:


Huck Finn
Tom Sawyer
Julio at Julia
Si Mary at ang Lihim na Hardin
Mga Munting Pangarap ni Romeo
Cedie
Voltes V
Filipinisadong mga programa sa telebisyon ang namalasak sa panahong ito:
Popularisasyon ng mga radio dramang Tagalog
Filipinisasyon sa dyaryo (tabloid)

Mas naging maningning ang panahong ito sa pagsulong ng wikang Filipino sa pamamagitan ng
mga naisulong na batas:
Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991)
Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) bilang pagsunod sa itinatadhana
ng Saligang Batas ng 1987, Seksyon 9. Ito ay pamalit sa dating SWP at LWP. Ito ang
pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na pag-unlad at
paglinang ng wikang pambansa at ng iba pang mga wika sa Pilipinas.
Batas Pangkagawaran Blg. 53, serye ng 1987
Mas lalong pinagtibay ni dating Pangulong Corazon Aquino ang bilinggwalismo.
“Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at
Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang
midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas.”

│17
Nangangahulugan lamang ito na ang adbokasiya ng Tanggol Wika ay nasimulan na noon
pa lamang at magpapatuloy pa para sa ikauunlad hindi lamang ng ating wikang pambansa kundi
pati na rin ng ating kultura na dapat mamutawi sa lipunang ito.

Nabasa mo na ba ang lahat ng paksa sa


modyul na ito? Kung ganoon ay mahusay,
binabati kita! Maaari mo nang simulan ang
iyong mga gawain. Matapos ang mga iyon ay
maaari mo nang ipagpatuloy ang pagbabasa
ng kasunod na modyul.

BUOD
Ang ating kasarinlan at identidad ang mga patunay ng ating paglaya, ngunit tila naulit
na naman ang kasaysayan. Hindi man tayo nasakop ngunit ang ating mentalidad dahil sa
daluyong ng globalisasyon na umiiral sa kasalukuyan. Ang adbokasiya ng Tanggol Wika ay
dapat mahiwatigan at maitaguyod ng bawat Pilipino sapagkat ito ang magpapatibay sa ating
wikang pambansa na nagsisilbing ating pagkakakilanlan. Ang kinabukasan ng ating bansa ay
nakasalalay sa mga taong patuloy na gumaganap sa tungkuling pangalagaan at itaguyod ito na
responsibilidad ng bawat Pilipino.
 Tanggol Wika- alyansang nabuo upang itaguyod ang pagpapanatili ng Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.
 CHED Memorandum Order no. 20, s. 2013 – naglalayong alisin ang pag-aaral ng Filipino
at Panitikan sa kolehiyo at ilipat ito sa mas mababang antas.
 2011 – nagsimulang magkaroon ng mga balita ukol sa gagawing pagbabawas ng CHED
ng mga asignatura sa kolehiyo at nasundan na ito ng madami pang pagpupulong.
 Hindi mandatory ang pagkakaroon ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo, nakadepende ito
sa bawat unibersidad kung kanilang nanaisin.
 Ang mga unibersidad at samahan na nagpahayag ng kanilang saloobin sa pamamagitan
ng posisyong papel at kinatigan ang Tanggol Wika laban sa CMO no. 20, s. of 2013 ay
ang mga sumusunod: PSLLF, NCCA-NCLT, KWD, DLSU-Manila, ADMU, Polytechnic
University of the Philippines, PNU, Technological University of the Philippines (TUP) –
Manila, De La Salle – College of St. Benilde (DLS-CSB), Xavier University, Pamantasang
Lungsod ng Marikina (PLMar), Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng
Araling Filipino (DANUM), League of Filipino Students (LFS), University Student
Government (USG).

 Ang Filipino ay magagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyon na


nagtataguyod ng: kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang-mapagtanong at

│18
mapanlikha; at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami.

PAGSASANAY
Punan ang patlang ng tamang sagot.
_______________ 1. Ito ang alyansang itinatag upang tugunan ang kagustuhan ng CHED na
tanggalin ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.
_______________ 2. Siya ang nagbunsod ng pangamba sa marami dahil sa ideyang maaring
malusaw ang Departamento ng Filipino batay sa kanyang presentasyon.

_______________ 3. Petsa kung kailan nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol
Wika laban sa CHED.
_______________ 4. Ang pangunahing ahensya ng gobyerno na nangangalaga sa patuloy na

pagpapaunlad sa paggamit ng wikang pambansa.


_______________ 5. Ito ang wika na naging batayan ng wikang pambansa.
_______________ 6. Makasaysayang taon sa larangan ng pagtataguyod ng wikang Filipino.

_______________ 7. Pangulong lumagda sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335


_______________ 8. Siya ay nagkaroon ng inisyatiba upang makipagdiyalogo sa dalawang
komisyuner ng CHED.

_______________ 9. Ito ang alyansang nabuo noong Setyembre 23, 2016 sa PUP.
_______________ 10. Siya ang nakaisip ng pangalan ng alyansang Tanggol WIka.

GAWAIN

A. Paglikha ng Poster na may temang “Pagtatanggol ng Filipino at Panitikan sa


Kolehiyo: Tungkulin ng Bawat Pilipino”
Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Indikador Puntos (5) Natatamong Puntos
Nilalaman Naipakita at
naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan
ng lahat ng konsepto

│19
sa paggawa ng
poster
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop
konsepto ang mensahe sa
paglalarawan ng
konsepto
Pagkamapanlikha Orihinal ang ideya sa
paggawa ng poster
Kabuuang Malinis at maayos
Presentasyon ang kabuuang
presentasyon
Pagkamalikhain Gumamit ng tamang
kombinasyon ng
kulay upang
maipahayag ang
nilalaman, konsepto
at mensahe
Kabuuan

B. Paglikha ng Video Hinggil sa Adbokasiyang Pangwika


Kayo ay mamamayan ng bansang Pilipinas na may natatanging saloobin hinggil sa pag-
aalis ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo. Maaari kayong kumatawan sa kahit anong uri ng
mamamayan dito sa Pilipinas (mag-aaral, guro, etc.) Siguraduhin na sa paggagawa ng video ay
sa tahanan lamang ito kukunan, hindi kinakailangan pang lumabas ng bahay para dito. Maaaring
gumamit ng musika, mga larawan, infographic, at iba pa upang higit na maging malikhain ang
video. Sa pangkalahatan ay kailangang nagkikintal ito ng makabuluhang kaisipan ukol sa
adbokasiyang pangwika.
Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Di-mahusay Marka
mahusay
Paksa/ Nakaangkla sa Nakaangkla Nakaangkla Hindi
Nilalaman ibinigay na tema sa ibinigay na sa ibinigay na nakaangkla
(60%) ang video tema ang tema ang sa ibinigay na
60 malaking ilang bahagi tema ang
bahagi ng ng video malaking
video (30-49) buong ng
(50-59) video
(0-29)
Kasiningan/ Masining/ Masining/ Masining/ Hindi
Pagkamalikhain malikhain ang malikhain ang malikhain ang masining/
(40%) kabuuan ng malaking ilang bahagi malikhain ang
buong video bahagi ng ng video kabuuan ng
(40) video (20-34) video
(35-39) (0-19)
Kabuuan

│20
SANGGUNIAN
Ayroso, Dec. 2015. “Victory”│Filipino Language Defenders lsid SC for TRO on Ched Memo
Order 20.” April 22, 2015. http://bulatlat.com/main/2015/04/22/victory-filipino-language-
defenders-laud-sc-for-tro-on-ched-memo-order-20/

Fleming. G. (2020). Pagbasa sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Retrieved from:


https://elcomblus.com/pagsulat-ng-posisyong-papel/

GMA News Online. (2009, August 31). Kasaysayan ng Wikang Filipino. Retrieved from
https://www.gmanetwork.com/news/news/nation/171158/kasaysayan-ng-wikang-
filipino/story/

Lumbera, Bienvenido et al. vs. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, at Punong Komisyuner
ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon/Commissioner on Higher Education
(CHED) Dr Patricia Licuana. G. R. No. 217451. http://www.act-teachers.com/wp-content
/uploads/2015/05/Petisyon-ng-Tanggol-Wika-laban-sa-CMO-20.pdf

San Juan, D.M.M. (2014). Posisyong Papel ng PSLLF-Filipino sa Kolehiyo. Retrieved from:
https://www.academia.edu/7677979/Posisyong_Papel_ng_PSLLF_Filipino_sa_Kolehiyo

San Juan, D.M.M., et al. (2018). Piglas Diwa. Malabon City. Mutya Publishing House, Inc.

│21

You might also like