You are on page 1of 2

ANEKDOTA SA BUHAY NI NELSON MANDELA

BUOD
Si Nelson Mandela ay isang political lider, pilantropo at aktibista para sa mga
taong itim na naapi dahil sa kanilang kulay. Siya ang kauna-unahang president ng
South Africa, ang bansang pinangalingan niya. Kilala siya sa kanyang aktibong papel
sa pagtataguyod sa pagkakapantay- pantay ng mga tao sa South Africa na noo�y
pinamumunuan ng isang �racist�. Siya rin ang pumawi sa �apartheid� system na
naging balakid para sa mga South African upang mamuhay ng mapayapa at maayos,
malayo sa diskriminasyon.

Si Nelson ay pinanganak noong July 18, 1918 sa Transkei, South Africa. Parte siya
ng Tembu tribe bilang anak ng kanilang lider. Di tulad ng kanyang ama, siya ay
takatangap ng pagkakataong mag-aral sa University Collage of Fort Hare. Dahil sa
pagiging matalisik na estudyante, siya ay nakakuha ng law degree noong 1942. Sa
panahon niya sa unibersidad, naging madilat na siya sa isyung racism na laganap sa
kanyang bansa. Kaya naman sa 1943, nag desisyon siyang sumali sa ANC o African
National Congress at tumulong pabagsakin ang apartheid system. Pero noong 1956, si
Nelson, kasama ang ibang miyembro ng ANC, ay ikinulong dahil sa kasong treason. At
pagkatapos ng mahabang proseso sa hukuman, sila�y pinalaya na. Dahil ipinagbawal na
ang ANC, naisipan ni Nelson na gumawa ng panibagong grupo na tinawag na � Umkhonto
we Sizwe� na naging �guerrilla act movement�. Ngunit, nalaman ng iba ang kanyang
plano na pabagsakin ang gobyernong apartheid. Ito ang naging dahilan ng muli niyang
pagkakulong noong 1963 dahil sa pagtangkang isabotahe ang apartheid system.

Nung siya�y lumabas sa kanyang pagkakabilango, ipinagpatuloy ang kanyang


pakikipaglaban para pabagsakin ang apartheid system. Kaya naman sa 1993, siya at si
President FW de Klerk ang nanalo ng Nobel Peace Prize dahil sa kanyang
pagsasawalang bias sa �apartheid� system at sa paglalagay ng pundasyon para sa
makabagong demokratikong South Africa. Hinahangaan siya ng mga tao dahil sa kanyang
kabutihan, pagkumbaba at pagiging tunay na maginoo.

Ang mga sumusunod na anekdota ay ipinapakita kung bakit minamahal ng madaming tao
si Nelson Mandela:

Ayon kay John Carlin :


Si John Carlin ay isang kilalang manunulat at dating nagging �Independent�s South
Africa Bureau Chief�. Ayon kay John, walang empleyadong ipinatalsik si Nelson sa
nagdaang administrasyon. Lahat sila�y nanatili at mas napamahal at hinangaan siya
kaysa sa ibang nagging pangula ng South Africa.
Ayon kay Jessie Duarte :
Si Deputy Secretary-General Jessie Duarte ay nagging personal assistant ni Mandela
mula 1990-1994. Ayon sa kanya, hindi ninanais ni Nelson na kahit sino man ay sumama
ang loob o masaktan dahil sa kanya.
Ayon kay Matt Damon :
Si Matt Damon ay isang tanyag na actor sa Amerika. Nakikila niya si Nelson Dahil sa
South Africa naganap ang shooting ng pelikulang ginanapan niya na �Invictus�. Doon
nakita ni Matt at ng kanyang pamilya ang tunay na kabaitan ni Nelson.

UGNAYAN SA ISYUNG PANLIPUNAN


Ang kwentong ito ay maganda sapagkat ipinapakita nito ang determinasyon niya na
ipaglaban ang karapatan ng mga tao sa South Africa. Ang apartheid system na
ipinatupad noong 1940�s ay nagdulot ng karahasan sa mga South African. Marami ang
nawalan ng mga bahay at napilitang lumipat sa mga hiwalay na lugar. At dahil ditto,
nahirapan silang i-access ang mga pangpublikong serbisyo tulad ng mga hospital at
paaralab. Sila ay hindi nabigyan ng respeto ng sinaunang gobyerno sapagkat kinuha
sa kanila ang karapatan na mamuhay ng maayos. Kinuha sa mga South African ang
kanilang mga karapatan bilang tao. Pero sa kabila ng kanyang pagkabilango, nagawa
parin ni Nelson na ipagpatuloy and kanyang adbokasiya. Ang racism ay patuloy na
nagiging isyu sa kasalukuyang lipunan. Halos kalahati ng populasyon sa mundo ang
nakakaranas nito. Dahil sa racism, marami ang nakakaranas ng kalupitan at
karahasan. Marami ang hindi nabibigyang ng pantay na pagtrato. At hindi lahat ay
nagkakaroon ng mga pantay na opportunidad sa buhay. Pero tulad ni Nelson, dapat
ipaglaban ang karapatan at pagkakapantay ng bawat isa. Dapat tayo�y hindi maging
parte ng problema, kundi ng solusyon. Matuto tayong respetuhin ang pagkakaiba ng
isa�t isa. Dapat nating maintindihan na ang kulay natin ay mas malamin pa sa kung
ano talaga tayo bilang tao.

SIMBOLISMO
Nelson Mandela :
Si Nelson Mandela ay sumisimbolo para sa katarungan, pagkakapantay-pantay ng mga
tao, at ang pagkakaroon ng dignidad. Kahit madaming paghihirap ang kanyang
naranasan, patuloy niyang ipinaglaban ang karapatan at hustisya para sa nga South
African. At ipinakita niya ang kanyang dignidad sapagkat handa siyang ibuwis ang
kanyang buhay para sa kanyang pinapaniwalaan. Siya rin ay simbolismo ng pagkakaroon
ng pagmamalasakit at sakripisyo para sa kapwa.
Apartheid System :
Ang systemang ito ay sumisimbolo sa mga isyung napapanahon sa ating kasalukuyang
lipunan, at ito ay ang diskriminasyon at racism tungo sa mga South African. Dahil
sa �apartheid� system na ipinatupad, marami ang nakaranas ng pagmamalupit at
panghuhusga sa National Party noong 1948.
South Africa :
Ang bansang South Africa ay sumisimbolo sa mga taong nakakaranas ng racism.

PAHAYAG NG PAGSANGAYON
Ako ay sumasaludo sa mga ginawang kabutihan ni Nelson Mandela sapagkat siya�y
nagpakita ng pagsisikay upang makamit ang pagkakapantay-pantay ng mga tao sa South
Africa. Pinatunayan niya na maabot natin an gating ninanais kung tayo ay may tiwala
sa ating sarili at patuloy na lalaban. At kahit mayroon paring racism sa ating
mundo, masasabi kong hindi para sa wala ang kanyang ginawa dahil patuloy siyang
nagiging inspirasyon sa ibang tao upang gumawa ng tamang pagbabago sa ating mundo.
Dapat nating gawing motibasyon ang kwento ni Nelson Mandela upang magsimulang
gumawa ng tama para sa ikabubuti ng lahat sa ating mundo. Maituturing bayani ng
Africa si Nelson Mandela.

PANANAW AT PAANO NAIPAPAKITA?


Ang akdang ito ay ipinapakita ang sosyolohikal na pananaw sapagkat ipininakita sa
kwento ni Nelson ang estado ng kanyang lipunan noon. Trinato ng gobyerno noon na
mas maliit ang mga South African kaysa sa kanila. Patuloy na lumaban si Nelson
kasama ang iba pang South Africans upang ipasawalang bias ang naging systema ng
bansa nila noon. At dahil sakanilang pakikipaglaban, ang mundo ay nasaksihan ang
dinaranas ng mga tao sa South Africa. Ipinapakita din ng akdang ito ang katapangan
ni Nelson Mandela sa mga panahong pinahirapan siya. Nagpakita siya ng tunay na
kabaitan at pagmamalasakit para sa kanyang naaaping kapwa. At sa kabila ng mga
suliraning dinanas niya, nagsumikap parin siyang kamitin ang kalayaan para sa mga
tao ng South Africa.

You might also like