You are on page 1of 1

Del Rosario, Alexon N.

Panitikang Fillipino

BSCE 2-4 Ma’am Mary Joy Sawa-an

Pagtataya Blg. 1 Resistance Literature


Panuto: Bigyan ng kritisismo ang naging “ending” ng dagli.
“Walang ano-ano, matapos niyang halikan ang palaka, naging prinsipe ito. Isang makisi
g na prinsipe.
At dahil doon, pinakasalan siya ng prinsipe at sila’y nagkaanak ng maraming magagand
a, malulusog at mababait ng mga butete.”
The Frog Prince
Dagli mula kay Eros Atalia
sa aklat na Wag lang ‘di Makaraos

Sagot:

May mga tao na biniyayaan sa itsura, may tama lang at meron din na hindi
masyadong nabiyayaan, at kahit ano pa ang itsura maganda man o hindi, marami parin
sa atin ang hindi nagiging kontento sa kung anong itsura ang meron tayo. Kaya marami
sa mga tao sa ngayon ang nagpapadagdag at nagpapabawas ng parte ng kanilang
katawan upang gumanda ang kanilang itsura. Ngunit kahit anong pagbabago ang gawin
natin sa ating katawan, ganon padin ang magiging itsura ng mga magiging anak at apo
natin, sabi nga nila “kung ano ang puno, siya rin ang bunga”, na kagaya ng palaka sa
dagli na naging prinsipe, umibig sa isang prinsesa at nag bunga ang kanilang
pagmamahalan ng malulusog, magaganda at mababait na butete. Kahit naging isa
siyang prinsipe, hindi parin maiaalis ang katotohanan na siya ay isang palaka kaya ang
naging anak nila ng prinsesa ay mga butete. Kung ihahalintulad natin ito sa totoong
buhay, ang ating panlabas na kaanyuan ay talagang mamamana o nakukuha natin sa
ating mga magulang na gaya sa dagli, may ipabago o ipadagdag man sila sa kanilang
katawan, kung ano ang panlabas o pisikal na kaanyuan nila dati ay ganon ang
mamamana ng kanilang mga anak.

This study source was downloaded by 100000828785304 from CourseHero.com on 11-19-2022 09:02:47 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/157694432/Del-Rosario-Alexon-N-BSCE-2-4-Pagtataya-blg-1-Panitikang-Filipinodocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like