You are on page 1of 2

FILIPINO 10: Panitikan at Wika

Pangalan: Tandingan, Ma. Sharlaine Anne Petsa: 21/10/21


M.
Guro: Bb. Gem S. Gamboa
Seksiyon at Klaster: 10 TOPAZ B

EDITORYAL

Sa simula ay bigyang-pansin muna natin ang mga “speech bubble” o ang mga sinasabi ng
mga karakter sa editoryal ang mag-asawang si Matilde at si Ginoong Loisel, kung saan
nagpapasalamat si Matilde sa binigay o pinaghirapan makuhang kasuotan ng kanyang
asawa. Tumingin sa mga ginamit na salita upang mailarawan ang kanyang kasuotan,
magarbo at mahahahalin, Ito ay upang ipakita ang kanyang gusto at tingin sa mga
mamamahaling mga kagamitan at binabase rito ang kwalidad o kagandahan ng produkto.
“Lalo na sa kumikinang na kwintas na ito!”, Sa generalidad ay masasabi nating ang pinaka-
nagustuhan niya ay hindi galing sa kanyang asawa kundi sa kaibigan nito porket dahil ito’y
galing sa mataas na posisyon sa lipunan ay matataas rin at mamamahalin ang mga ginagamit
at sinusuot nila. Sa tingin ko, kahit wala itong presyo ay makikita ni Matilde na mukhang
mahal ay di basta-basta nakukuha dahil sa ning-ning ng kwintas. Tayo’y sumunod naman sa
sinabi ng asawa, mayroon rin kasi akong mga hula patungkol sa kanyang karakter dahil
bilang naman ang asawa ni Matilde, ang rason kung bakit ginagawan niya ng paraan upang
makapunta sa pagdiriwang ang kanyang kaakit-akit na kagandahan ay gusto niyang
maipakita ito sa madla at maranasan ang magkaroon ng mamamahalin na kagamitan.
Kalapit-lapit sila ng asawa niya kaya niya nagawang bigyan siya ng magandang kasuotan
dahil sa tingin ko ay alam niya ang sitwasyon ng kanyang asawa na nakapanganak sa maliit
at pobreng tirahan at ginawa ang kanyang makakaya upang mahalin ng puno ang kanyang
asawa, kaya kung makikita natin sa salamin ay “hindi nabibilang sa Pranko”, dahil ang
kanyang puso ay hindi mapapalitan ng pera porket di ito natatapos at mawawala sa kanyang
pagmamahal para sa kanyang asawa.

Makikita mo rin sa salamin ang mga ibang presyo ng mga kagamitang sinusuot ni Matilde,
hanggang sa kanyang kwintas hanggang sa kanyang damit, at parang ito ung nagbibigay ng
punto paliko sa opinion ni Matilde na porket ito’y mamahalin ay maganda na ang kalidad.
Isang magandang halimbawa ay ang kanyang sarili, Gusto ko rin ikumpara ang kwintas sa
ating tauhan dahil parehas silang pobre ang kinaroroonan, ung kwintas galing sa pwet daw
ng baboy o ang presyong mababa nito tulad ni Matilde na kahit galing sa mababang
posisyon ay mataas pa rin ang kanyang kalidad at nagnining-ning ng kasing silaw ng kanyang
nawalang kwintas.

You might also like