You are on page 1of 31

PANAHON NG PAGKAMULAT, HIMAGSIKAN, AMERIKANO, HAPONES, BAGONG

KALAYAAN, BAGONG LIPUNAN AT MAKABAGONG PANITIKAN


Layunin
Sa pagtatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naipaliliwanag ang naging pag-unlad ng panitikan sa iba’t ibang panahon.
b. Natutukoy ang iba’t ibang akdang pampanitikang umusbong sa bawat yugto ng panahon.
c. Nasasagot ang mga katanungan hinggil sa mga akdang nalimbag at naisulat sa bawat panahon.

Paunang Pagsusulit
PANUTO: Sagutin ang mga katanungang nasa ibaba. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________1. Itinuturing na pinakamabngis na akda ni Marcelo H. Del Pilar na tumutuligsa sa aklat-dasalan.
_____________2. Inilantad sa akdang ito ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga Pilipinong nakapangasawa ng
isang Kastila.
_____________3. Isang akdang tula ni Andres Bonifacio na pumapatungkol sa pag-aalay ng buhay at
pagtatangggol ng kalayaan ng bayan.
____________4. Pahayang pinamatnugutan ni Antonio Luna.
____________5. Itinuturing na pinakamagaling na tulang naisulat ni Procarpio Solidum.
____________6. Sumulat ng akdang Warm Hand.
____________7. Gumamit ng sagisag-panulat na Kintin Kulirat.
____________8. Siya nanguna sa pagpapasigla ng mga manunulat sa sining at kultura noong Panahon ng
Bagong Lipunan.
____________9. Akda ni Salazar na nagtamo ng karangalan sa Gawad Palanca sa kategorya ng tula.
____________10. Siya ang sumulat ng nobelang Gapo.
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG PAGKAMULAT (1872-1896)
 Ang maging malaya ay nasa puso ng bawat Pilipino. Simula nang payagan ng Espanya
ang Pilipinas na makipagkalakalan sa labas ng bansa, ang mga isipan at damdaming
liberal mula sa Europa ay pumasok sa ating bansa. Nagbukas din ang Suez Canal noong
1896. Ang idiolohiya ng mga pag-aaklas ng Amerikano at Pranses at ang mga pananaw
sa panulat nina Montesquieu, Rosseau, Voltaire, Locke at iba pa ay nagpasigla sa
hangarin ng mga Pilipino na magkamit ng kalayaan.
 Matatalino may angking katapangan at lakas ng loob, nangagsipag-aral at may
damdaming makabayan-mga katangiang taglay ng mga propagandista. Marami sa kanila
ay nabibilang sa mariwasang pamilya o nakakaangat sa buhay. Ang kanilang mga
simulain ay ay naipalaganap sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang Masonarya at La
Liga Filipina. Nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat, at babasahin kung saan ang
kanilang mga artikulo ay tumutuligsa sa pamamahala at pagmamalabis ng mga kastila.
 Hindi tahasang naghihimagsik ang mga kabataan. Humihingi lamang sila ng mga
pagbabago tulag ng :
(1) Gawing pantay-pantay ang mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas.
(2) Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
(3) Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Korte ng Espanya.
(4) Pairalin ang sekularisayon sa mga parokya.
(5) Kalayaang pangkatauhan tulad ng pamamahayag, pananalita at pagtitipon.

Mga Manunulat
Dr. Jose Rizal – manggagamot, makata, mananalaysay, dalubwika.

Noli Me Tangere
 Isa mga aklat ni Jose Rizal.“Huwag Mo Akong Salingin” ang ibigsabihin nito. Inilimbag sa
Berlin noong 1887 at ipinagkaloob kay maximo Violo ang orihinal na manuskrito na
tumulong sa kanya sa paglimbag.

El Filibusterismo
 Karugtong ito ng Noli Me Tangere. “Ang Pagsusuwail” ang ibig sabihin nito. Inihandog ito
ni Jose Rizal sa tatlong pari na sina Gomez, Burgos at Zamora.

Sobre La Indolencia de los Filipino (Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino)


 Ito ay isang malalim na pagsusuri ni Rizal sa mga dahilan kung bakit sinabi ng dayuhang
kastila na tamad ang mga Pilipino. Ipinagtanggol ang mga Pilipino sa paninirang-puri na
ito.

Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos (Pebrero 22, 1889)


 Isinulat ito ni Rizal upang pasiglahin pang lalo ang nag-aalab na damdamin ng mga
babaing taga Malolos para sa kanilang paninindigan at pagnanais na matuto. Binati at
itinagubilin ni Rizal ang pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, pagtitimbang sa
pananampalataya, paggalang sa sarili at kapwa , paalala sa gampanin ng isang kabiyak
at ina ng tahanan.

El Consejo delos Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala, 1880)


 Isang dulang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

Brindis
 Isang talumpating inihandog ni Rizal sa dalawang pintor na nagkamit ng gantimpala sa
Madrid, sina Juan luna para sa kanyang ipinintang “spolarium” at Felix Resurrccion
Hidalgo sa kanyang “Mga Dalagang Kristyanong Itinambad sa Nagkakagulong mga tao”.

Mi Piden Versos
 Nang dumating si Rizal sa espanya, sumapi siya sa Circulo Hispano- Filipino (isang
samahan ng Kastila at Pilipino). Ito ang tulang isinulat ni Rizal at di niya naitago ang
kanyang kalungkutan sa mga taludtud ng kanyang tula.

Kundiman
 Isa itong tula na sinulat ni Rizal sa wikang Tagalog na nagpapahayag na ang bayang
inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak man ang dugo.

Sa aking mga Kababata


 Isinulat ni Rizal ang tulang ito para sa kanyang mga kababata noong siya’y walong taong
gulang pa lamang.

A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Pilipino)


 Isinaad dito ang katangian ng mga kabataan para sa pag-unlad ng baying tinubuan.
Sinulat niya ito noong 1879 habang nag-aaral sa UST. Nagkamit ito ng gantimpala sa
timpalak ng pagsulat ng tula.

Filipinos Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon)


 Isang sanaysay na nagpapahiwatig na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan, samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos ay nararandaman.
Ang hula ni Rizal: kung may bansang sasakop uli sa Pilipinas, yon ay ang Estados
Unidos.

Junto al Pasig ( Sa Tabi ng Pasig)


 Isinulat niya ito noong siya’y labing apat na taong gulang pa lamang.

Notas a la Obra Sucesos de las Filipinas por el Dr. Antonio de Marga(1889)


 Ito’y mga tula mula sa akdang “Mga Pangyayari sa Pilipinas” ni Dr. Antonio de Marga.

P. Jacinto : Memorias de un Estudiantes de Manila ( 1882)


 Akda ni Rizal hinggil sa mga gunita ng isang mag-aaral sa Maynila.

Mi Ultimo Adios (Huling Paalam o Pahimakas)


 Isinalin sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas maging sa iba’t-ibang lenggwahe sa mundo. Si
Andres Bonifacio ang kauna-unahang nagsalin nito.

Herminihildo Flores
 Kilala siya sa kanyang tulang Hibik ng Pilipinas sa Inang Espanya -1888; isinasaad niya
rito ang mga pangangailangan ng baying inihihi bik sa itinuturing na Inang España.

Marcelo H. del Pilar (Plaridel)(1850-1896)


 Taga-kupang, San Nicolas , Bulacan siya. Sagisag panulat niya ang Plaridel, Piping Dilat
at Dolores Manapat. Abogado at mamamahayag

 Itinatag niya ang Diaryong Tagalog (1882). Siya ang patnugot nito. Dito inilathala ang
kanyang mapusok at makabagong damdamin. Nang magtungo siya sa Espanya,
nahalinhan niya sa patnugot ng La Solidaridad si Graciano Lopez Jaena.

Caiingat Cayo
 Isang tulang nangangantiyaw sa ginawang pagbaba ni Padre Jose Rodriguez sa
pagbabasa ng Noli Me Tangere. Sinabi ni Padre Jose na ang pagbabasa ng NOli Me
Tangere ay katampalasan sa pangalan ng Diyos at ng Santa Iglesia.

Kalayaan
 Binigyang diin ditto ni Marcelo H. del Pilar ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
Itinagubilin din niya ang kanyang huling habilin sa mamamayang Pilipino. Di niya natapos
ang nobelang ito dahil siya ay pumanaw na.

“La Frailocracia sa Filipinas” at La Soberaña Monacal en Filipinos”


 Mga sanaysay ito na nagpapakita ng dinaranas na kaapihan, mga katiwalian at di makat-
wirang pamamalakad ng pamahalaang kastila sa mga Pilipino.
Dupluhan…Dalit…Mga Bugtong 1907
 Ito’y kalipuhan ng mga maiigsing tugma at tula ni Marcelo H. del Pilar na inilathala ni
Cagingin sa akdang “life of Marcelo H. del Pilar”.

Dasalan at Tocsohan
 Tinuturing na pinakamabangis na akda ni Marcelo H. del Pilar na gumigising sa
damdamin ng Pilipino. Tinuligsa niya ang mga aklat-dasalan , kaya tinawag na Filibustero
si Marcelo H. del Pilar.

Isang Tula sa Bayan


 Tulang inihandog niya sa bayan.

Paciong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa

Ang Cadaquilaan ng dios


 Isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at nagpapaliwanag ng kanayang sariling
pagkakakilala sa kadakilaan ng Dios.

Sagot ng España sa Hibik ng Pilipinas (1889)


 Binubuo ito ng 82 taludtud. Naglalaman ng kasagutan ni M. H. dela Pilar sa “Hibik ng
Pilipinas sa Inang Espanya” na isinulat ng kanyang guro na si Herminihildo Flores. Sinabi
niyang di na makapagkakaloob ng tulong ang Inang Espanya dahil sa kapabayaan na rin
ng mga Pilipino.

Graciano Lopez Jaena


 Isang matapang na mamamahayag ,mananalumpati (orador) at kritiko si Lopez Jaena.
Siya ang unang naging patnugot ng La Solidaridad. Ang “Fray Botod” ang kinikilalang
pinakamahusay niyang isinulat na tumuligsa sa kamangmangan at pagmamalabis ng
mga prayle. Nagsulat din siya sa mga pahayagang Los Dos Mundos, Circulo Hispano
Filipino, El Parveni, España en Filipinas. Namatay siya noong Enero 20,1896.

La hija del Fraile (Ang Anak ng Prayle)


 Inilantad niya rito ang pang-uuyam sa mga kayabangan at kahalayang ginagawa ng mga
prayle. Inilahad niya ang magiging kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipino kung
magpapaksal sa isang kastila.

Ang Lahat ay Pandaraya


 Lathalain ito hinggil sa isang mayamang Pilipina na ipinagmamalaki ang kanyang
pagiging kondesa kapag napakasal sa isang konde na buhat sa maharlikang pamilya at
lahing kastila , ngunit ang ama pala nito ay isang sapatero at nakatira lamang sa isang
abang lugar sa isang distrito ng Madrid.

Sa Mga Pilipino (1891)


 Isang talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan ng Pilipino sa pagiging
maunlad, malaya, nagtatanggol at nagtatamasa ang kanilang karapatan.

Mga Kahirapan Sa Pilipinas


 Tumutuligsa ang akdang ito sa maling pamamalakad ng pamahalaang Espanya at maling
sistema ng edukasyon sa pilipinas.

En Honor del Presidente dela Assosacion Hispano Filipino


 Pinapurihan ni Jaena si Heneral Morayta sa pantay-pantay na pamamalakad niya.

En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas)


 Talumpating nagbibigay-pugay sa tatlong Pilipinong nagwagi sa Paris noong Mayo 6,
1889-sina Juan Luna at Felix Resurreccion Hidalgo(mga pintor) at Joaquin Pardo de
Talavera (iskultor)

Fray Botod
 Isang nobelang naglalarawan hinggil sa isang prayleng payat na payat nang dumating sa
Pilipinas at pagkaraa’y naging mukhang tao. Tinuligsa niya ang mga kaasalang di kanais-
nais ng mga prayle. Ang mga bisyo, pagsingil ng mahal sa pagpapalibing at pagpapatubo
ng malaki sa mga utang at iba pang gawaing mahahalay ay inilalarawan rito.

Antonio Luna
 Isang parmasyotiko at mananalaysay. Ginamit niya ang sagisag-panulat na Taga-ilog.
Dinakip siya at ipinatapon sa Espanya. Sumanib sa Propaganda at nag-ambag sa La
Solidaridad.Naatasan siya ni Heneral Emilio Aguinaldo na maging Kalihim Pandigma ng
Republika ng Malolos.
 Sa digmaang Pilipino’t Amerikano noong Hunyo 7, 1899, nabaril siya di umano sa isang
labanan sa Cabanatuan, Nueva Ecija.

Noche Buena
 Naglalarawan ito ng aktwal na buhay ng Pilipino. “La Tertulla Filipina” (Ang Paging na
Pilipino)-nagsasaad ito ng kabigtan at kabutihan ng kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.

La Maestra de Mi Pueblo
 Namintas ito sa sistema ng edukasyon para sa kababaihan.

Todo Por El stomago


 Tumuligsa ito sa patakaran ng pagbubuwis.

Impresiones
 Inilalarawan ditto ang kahirapang naranasan ng isang mag-anak nang maulila sa amang
kawal.

La Tertulia Filipina (Ang Piging Pilipino)


 Inilalarawan ditto ang ilang kaugaliang Pilipino na sa palagay ni Luna ay mas mabuti sa
kaugaling Kastila.

Se Divierten (Naglilibang Sila)


 Isa itong pagpuna sa sayaw ng Espanya na parang di mahulugang sinulid ang
nagsasayaw dahil sa labis na pagdikit ng mga katawan ng mananayaw. Sinabi niyang
magaganda ang mga Española subalit sila’y haluang anghel at demonyo.

Por Madrid
 Isang pagtutuligsa ito sa mga kastilang nagsabing ang PIlipinas ay isang lalawigan ng
Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo.

Dr. Pedro Paterno


 Dramaturgo, iskolar, obelista at mananaliksik si Dr. Paterno. Sumapi siya sa kapatiran ng
mga Mason at Assosacion Hispano-Pilipino upang itaguyod ang layunin ng mga
repormista.

A Mi Madre (Sa Aking Ina)


 Nagpapahayg ng kalungkutan kung wala ang ina.

Ninay
 Kauna-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na isinulat ng isang Pilipino.

El Cristianismo y la Antugua Civilization Tagala


 Nagsasaad ng impluwensya ng Kristyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga
tagalog bagamat sinabi rin niyang marami pa ring kaugaliang Pilipino ang hindi nababago
ng Pilipino.

La Civilization Tagal, El Alma Filipino at Los Itas


 Ito’y mga pananaliksik tungkol sa katutubong kultura ng Pilipino.

Sampaguita y Poesias Varias


 Ito ang koleksyon ng kanyang mga tula.

Pascual Poblete
 Kilala siya bilang “Ama ng Pahayagan”. Nagtatag siya at naging patnugot ng
pahayagang El Resumen. Ipinatapon siya sa Africa dahil sa panunuligsa niya sa
ginagawang pang-aapi at katiwalian ng pamahalaang kastila. Nang bumali siya sa
Pilipinas noong dumating ang mga Amerikano, itinatag niya ang mga pahayagang El
Grito del Pueblo at Ang Tinig ng Bayan. Siya ang kauna-unahang nagsalin sa tagalog ng
Noli Me Tangere.
 “Ang Code ni Monte Cristo” (Salin mula kay Alexander Dumas)
 “Buhay ni San Isidro Labrador” ( Salin mula kay Francisco Bautina)
 “Lucrecia Triciptino”
 “Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan Soldado
 “Mga Manunulat sa Wikang Tagalog”

Mariano Ponce
 Tikbalang, Nanading at Kalipulako ang kanyang panulat-sagisag. Katuwang siya nina Rizal, Del
Pilar at Lopez Jaena. Naging tagapamahalang patnugot, manunulat at mananaliksik sa Kilusang
Propaganda. Gamit niya ang wikang Kastila, Ingles at Taglog sa kanyang pagsulat. Namatay siya
noong 1918.
 Mga Alamat ng Bulakan-Kalipunan ng mga alamat ay kuwentong bayan ng Bulakan.
 Patnugot Kay Longino- Isang dulang nahihinggil kay Longino
 Sobre Filipinos
 Ang mga Pilipino sa IndoTsina
 Historical Study of the Philippines
 Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda

Pedro Serrano Laktaw


 Isa sa pangunahing mason na nakasama ni Antonio Luna na umuwi sa Pilipinas upang itatag ang
Masonarya. Itinatag niya nag Lohiyang “Nilad”. Unang sumulat ng Diccionario Hispani-Tagalog na
nalathala noon 1889. Naging batayan ni Lope K. Santos sa kanyang pagsulat ng Balarila ng
wikang Tagalog ang Estudios Gramaticales at Sobre La Lengua Tagala ni Laktaw.
Jose Ma. Panganiban
 Jomapa ang kanyang sagisag-panulat. Nakilala siya sa pagkakaroon ng Memoria Fotograpica.
Nagtapos siya ng Batsilyer sa Agham sa San Juan de Letran at nag-aral ng Medisina sa UST.

Ang kanyang mga tula:


 A Nuestro Obispo
 Noche de Mambulao
 Ang Lupang Tinubuan
 Sa Aking Buhay

Ang kanyang mga sanaysay:


 El Pensamiento
 La Universidad de Manila
 Su Plan de Estudio

Isabelo Delos Reyes


 Itinatag niya ang Iglesia Filipina Independiente. Nagtamo siya ng gantimpala sa exposisyon sa
Madrid sa kanyang akdang “El Folklore Filipino”. Napalibang siya sa tatlong panahon ng
Panitikang Pilipino: Panahon ng Propaganda, Himagsikan at Amerikano.

Ang kanyang mga akda:


 “Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista”
 “Historia de Ilocos”
 “La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipino”

Hindi maikakalinag ang kanilang mga panitik ang naghawan ng landas tungo sa kamalayang pambansa.
Napukaw ng panitik nila ang nahihimbing na diwa ng mga Pilipino.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN (1896-1900)


 Nahahati ang Panahon ng Himagsikan sa Himagsikan Laban sa Kastila at Himagsikan
Laban sa mga Amerikano. Sa lubhang napakaikling panahon, napakaraming naganap na
makasaysayan sa kapuluan. Nagkaroon ng pagpapalit ng administrasyon.

A. HIMAGSIKAN LABAN SA MGA KASTILA


 Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang
mabalitaang ipapatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Valentin
Diaz, Teodoro Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may diwang
makabayan ay lihim na nagpulong noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa
Acarraga (Claro M. recto , malapit sa Elcano, Tondo). Itinatag nila ang Kataas-tasang
Kagalang-galangan na Katipunan nang manga Anak ng Bayan (K.K.K) o katipunan.
Nagsanduguan sila at inilagda sa pamamagitan ng kani-kaniyang dugo ang kanilang
pangalan bilang kasapi ng samahan.
 May tatlong layunin ang katipunan: (1) political (maihiwalay ang Pilipinas sa España), (2)
moral (maturuan ng katatagan at kagandahang asal ang mamamayan ng malayo sa
pagiging panatiko) , (3) sibiko (maging mapagtanggol sa mga mahihirap at naaapi.
 Ang panitikan ng panahong ito ay pawang mapanghimagsik at tumuligsa sa pamahalaan
at simbahan. Ang mga nanguna sa paglalatag ng mga akdang umaantig ng damdaming
makabayan ay sina:

Andres Bonifacio
 Siya si Agapito, Bagumbayan, at Maypag-asa sa kanyang mga sulatin. Ginamit niya ang mga
pangalang ito bilang sagisag-panulat upang ikubli sa sensura at mga kastila ang kanyang tunay
na pangalan. Siya ang nagtatag ng Katipunan na lalong kilala sa tawag na KKK.

Ang kanyang mga akda:


 “Katapusan Hibik ng Pilipinas”- puno ng galit/poot laban sa mga sumakop sa bansa ang tulang ito
.
 “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog”- ito’y isang panawagan sa mga Pilipino na buksan ang isip
at hanapin ang katwiran.
 “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”- tula hinggil sa pag-aalay ng buhay kung kinakailanagn s
pagtatanggol ng kalayaan ng bayan.
 “Katungkulang Gagawin ng mga Ang ng Bayan”- isinulat niya ito upang gabay at kautusan ng
mga kaanib ng Katipunan , ngunit bilang paggalang kay Jacinto ang Kartilya ni Jacinto ang
isinaalang-alang.
 “Katipunan Mararahas na Anak ng Bayan”- ito ay kanyang panawagan sa mga kababayan upang
ihanda ang sarili sa pakikihamok.
 “Tapunan ng Lingap”- humihiling siya sa Maykapal ng paglingap upang mapagtagumpayan ang
pakiipaglaban sa mga Kastila at makamit ang kalayaang inaasam.

Emilio Jacinto
 Tinawag siyang “Utak ng Katipunan”. Siya ang naging patnugot ng Kalayaan, ang pahayagan ng
Katipunan. Dimas-ilaw ang kanyang naging sagisag-panulat.
Ang kanyang mga naisulat:
 “Sa May Nasang Makisanib sa Katipunang Ito”- ang akdang ito’y isang pamatayan para sa dapat
ugaliin at iasal ng mga sasapi sa Katipunan, binubuo ito ng labintatlong aral sa Katipunan.
 “Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan”- Kalipunan ng dapat sundin ng mga kasapi ng
Katipunan. Ito ang Kartilya ng Katipunan.
 “Liwanag at Dilim”- ito ang kodigo ng rebolusyon. Kalipunan ito ng mga sanaysay na may iba’t-
ibang paksa gaya ng “Ang Ningning at Ang Liwanag”, “Ako’y Umaasa”,”Ang Kalayaan”,”Ang
Tao’y magkakapantay”,“Ang Pag-ibig”, “Ang Gumawa”, “Ang Bayan at Ang mga Pinuno”, at “Ang
Maling Pananampalataya”.
 “Sa Aking Bayan”- isang nagpapahayag ng pag-aalaala sa mga kababayan.
 “Pahayag”- ito’y manipesto na naghihikayat sa Pilipino na ipaglaban ang kalayaan at humiwalay
sa Espanya.

Pio Valenzuela
 Sumulat din si Pio Valenzuela ng nakkapukaw na panitik . Katulong siya ni Emilio Jacinto sa
pamamatnugot ng Kalayaan. Isang sanaysay na alay sa bayan ang isinulat niya na pinamagatang
“Catwiran”.

MGA PAHAYAGAN NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN


 Hindi naging mabisa ang noong panahon ng HImagsikan ang mga katha. Ang mga sanaysay at
pahayagan ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa
kapaligiran. Ilan sa mga pahayagan noon ang mga sumusunod:
 Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni Pio
Valenzuela. Unang araw ng Enero lumabas ang unang bilang nito.
 Diario de Manila- ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t
may katibayan sila sa mga plano ng mga katipunero.
 El Heraldo de la Revolution- Makalawa sanlinggo kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito
ng Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang
lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at
Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang ito mula ika-28 ng Setyembre 1898 hanggang
kalagitnaan ng 1899. Layon nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga
naunang pahayagan.
 La Independencia- Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika-3 ng
setyembre,1898.
 La Republica Filipina- Pinamatnugutan at itinatag ito ni Pedro Paterno noong 1898.
 Ang Bayang Kahapis-hapis- Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
 Ang Kaibigan ng Bayan- Lumabas noong 1898.
 Ang Kalayaan- Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.
B. HIMAGSIKAN LABAN SA MGA AMERIKANO
 Patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila. Ang Gobernador-Heneral noo’y si
Primo de Rivera. Hindi niya makumbinsi ang mga Pilipino upang magsalong ng sandata.
Nagkaroon ng tinatawag na Biak-na-Bato. Si Aguinaldo ang pangulo. Si Mariano Trias ang
pangalawang pangulo. Ang Saligang Batas nito’y nilagdaan noong unang araw ng Nobyembre
1897.
 Pebrero 15, 1898- pinasabog ang Maine sa daungan ng Havana , na ikinasawi ng 246 katao,
ipinahayag ang pakikidigma sa Espanya. Pormal na ipinahayag ito noong Abril 25.
 Hulyo 12,1898- itinatag ang unang Republika. Narinig ang unang Marcha Nacional Filipino ni
Juan Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hongkong nina Marcela Agoncillo.
 Disyembre 1898- Naganap ang Kasunduan sa Paris na ang Pilipinas ay sasakupin ng mga
Amerikano.
 Hindi tumutugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat ay mabisa pa ring sandata ng
mga nillob ng sambayan at sa panahong ito, ang pangalan ni Mabini ang natampok.

Apolinario Mabini
 Siya ang kanang kamay ni Heneral Emilio Aguinaldo nang itatag ang Republika ng Malolos. Isa
siyang paralitiko. Marami siyang sinulat sa Kastila at sa Taglog , subalit kahit maningning ang
kanyang pangalan at tinawag siyang “Dakilang Lumpo” at “Utak ng Himagsikan” ay hindi sadyang
pampanitikan , kungdi hinggil sa pulitika, pamahalaan,lipunan at pilosopiya ang kanyang mga
naisulat.Ang sinulat niyang kasaysayan na binasa ng marami, sa wikang Kastila at Ingles ay ang “
El Desarollo y Caida de la Republica Filipino”(Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang
Pilipino). Ang pinakmalupet na pamapanitikang kanyang sinulat ay ang “El Verdadero
Decalogo”( Ang Tunay na Sampung Utos) na ang hangarin ay ang pagpapalaganp ng
nasyonalismong Pilipino. Ang “Verdaderp Decalogo” ay sinulat ni Mabini sa kastila.

Jose Palma
 Tubong Tondo si Jose Palma. Kapatid niya si Rafael Palma na naging pangulo ng Unibersidad ng
Pilipinas. Nag-aral sa Ateneo kung saan niya nakatagpo si Heneral Gregorio del Pilar. Kumatha
siya ng mga tulang liriko at pinahanga ang marami nong siya’y labimpitong taong gulang pa
lamang dahil sa nakagawa ng isang aklat ng mga tula. Siya ang pumapawi ng lungkot ng mga
kawal sa pamamagitan ng kanyang mga kundiman.
 Ang “Melancholias” (Mga Panimdim) ay katipunan ng kanyang mga akdang tula. Ang kanyang
dakilang ambag sa Panitikang Pilipino ay ang titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas na nilapatan
ng musika ni Julian Felipe. Sinulat niya ang mga titik ng Pambansang Awit habang siya at ang
mga kawal ay nakahimpil sa Bautista, Pangasinan.
 “De Mi Jardin” (Mula sa Aking Hardin) ang pinakamadamdaming tula niya.
ANG PANITIKAN SA PANAHON NG MGA AMERIKANO
 Matapos ang mahigit na talong daang taon na pananakop ng kastila, nakatikim ng kaunting
kaluwagan ang mga manunulat na Pilipino. Kahit sila’y naging malaya, ginapusan pa rin sila ng
kadena ng batas sedisyon. Lumawig na ang kanilang mga paksaat hindi sila maaaring magsulat
nang lantaran o pahiwatig man lang na magpaalab sa damdaming makabayan laban sa
Amerikano at mag-uudyok na labanan ang pagmamalabis at mga patakarang hindi para sa
kapakanan ng Pilipino.
 Ang mga sumikat na makatang Pilipino noong Panahon ng Amerikano ay sina: Amado V.
Hernandez, Alejandro G. Abadilla, Manuel Mar Santiago, Aniceto F. Silvestre, Brigido
Batungbakal, Liwayway Arceo-Bautista, Pedro Dandan at Antonio Rosales.

Panitikan sa Ingles
 Sa simula , ang sulatin sa Ingles ay formal at mapanggaya (Ma. Ramos, Panitikang
Pilipino , 1984). Ginagamit pa tin ang Wikang Kastila paminsan-minsan. Nakatulong ang
mga pahayagan tulad ng: The Philippine Herald, Philippine Education Magazine, The
Manila Tribune, Graphic, The Woman’s Outlook, The Woman’s Home journal, at Free
Press. Samantala ang mga samahang tumulong sa pagpapatingkad ng panitikang Ingles
ay “The Philippine Writers’ Association” at “ The Writers Club” ng UP.
 A Child of Sorrow, ni Zoilo M. Galang ang kauna-unahang nobelang nasaulat sa Ingles.
Ang Visions of a Sower ang sumunod noong 1924 at Nadia noong 1929.

Katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano


 Hangaring makamit ang kalayaan
 Marubduob na pagmamahal sa bayan
 Pagtutol sa kolonyalismo at imperyalismo

Diwang nanaig sa Panahon ng Amerikano


 Nasyonalismo
 Kalayaan sa pagpapahayag
 Paglawak ng karanasan
 Paghanap at paggamit ng bagong paraan

Mga Pahayagang Makabansa


 El Nuevo Dia- Sergio Osmeña
 El Grito del Pueblo at Tinig ng Bayan- P. Poblete
 El Renacimiento (Muling Pagsilang)-Rafael Palma
 Manila Daily Bulletin-1900

Tatlong Pangkat ng Manunulat


 Maka-Kastila
 Maka-Ingles
 Maka-Tagalog

Mga Impluwensya sa Pananakop ng mga Amerikano


 Pagpapatayo ng mga paaralan
 Pagbabago ng sistema ng edukasyon
 Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan
 Paggamit ng Wikang Ingles
 Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
 Pagkakaroon ng kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan.

Mga manunulat ng sanaysay:


Jorge Bocobo
 Naging pangulo siya ng UP at miyembro ng gabinete ni Pangulong Quezon. Iginagalang
siyang edukador. Ang kanyang mga mahuhusay na sanaysay ay ang Filipino Contact
with America, College Uneducation, at A Vision of Beauty.

Francisco Benitez
 Siya ang nagtatag at unang editor ng Philippine Journal of Education . Ang
pinakamaganda niyang naisulat ay pinamagatang “What is an Educated Filipino”.

Maximo M. Kalaw
 Naging editor siya ng “College Folio”-ang unang pahayagan ng UP. Ang isa sa isinulat
niya ay”My Ideal University”. Tungkol sa pamahalaan at pulitika ang kanyang mga
naisulat.

Jose Garcia Villa


 Kinikilala sa buong mundo bilang pamosong manunulat sa wikang Ingles. Naging
kontrobersiyal ang kanyang tulang “Man Songs” na pinagtalunan nang matagal at
sinabing naging dahilan ng kanyang pagkakaalis sa UP. Nagkamit ng nakaparaming
gawad at gantimpala si Villa dahil sa kahusayan ng kanyang panulat. Naging “National
Artist” siya noong 1973 dahil sa kanyang mga akda sa larangan ng Panitikang Pilipino sa
Ingles. Ang “Doctor of Humane Letters, honoris causa” ay ipinagkaloob sa kanya ng UP.

Angela Manalang Gloria


 Lumabas ang kanyang tula sa The Philippine Herald at The Philippine Magazine.
Dalawang ulit siya nagpalimbag ng kanyang aklat ng tula (1940 at 1950). Ang kanyang
mga tula ay maromansa at nagpapahayag ng mga damdaming pansarili.
Procapio Solidum
 Never mind and Other Poems ang kanyang aklat na mga tula na nalathala noong 1920.
Ang Fair Rosario of Sacay ang tinuturing na pinakamagaling niyang tula.

Marcelo de Gracia Concepcion


 Ang Azucena at Bamboo Flute ang katipunan ng kanyang mga tula. Pagkamagiliw sa
guniguni at mapangarapin ang kanyang mga paksa bagama’t nahalukan sin ng mga
kalungkutan, sindak, lagim ang ilan sa kanyang mga akda.

Zulueta dela Costa


 “Like the Molave” ang kanyang tula na nagkamit ng unang gantimpala noong 1940 sa
Commonwealth Literary Contest. “First Leaves” ang titulo ng kanyang aklat ng mga tula.

N.V.M Gonzales
 Labis na hinangaan ang Warm Hand, isang kwento na isinalin sa Wika ng Indonesia.
Nalathala rin ito sa pahayagang “Siasit” sa Jakarta. Ang Children of the Ash-Covered
Loom, isang kwento niya ay nalathala sa iba’t-ibang pahayagan sa India. Samantala, ang
kanyang mga tula ay nailathala sa New York Times Magazine at Pacific Spectator.

Aurelio S. Alvero
 “Magtanggol Asa” ang ginamit niyang sagisag-panulat. Dalawang ulit siyang tinanghal na
“Makatang Laureado sa UST noong 1933 dahil sa kanyang tulang, Ad Astra at dahil sa
pagtatanggol sa paksang “Today” noong 1934. Moon Shadows on the Waters ang unang
kalipunan ng kanyang mga tula. Pagkatapos ay isinunod niya ang isa pang kalipunan ng
mg tula, Nuances. Dahil sa dalawang aklat na ito, binigyan ng tatak ang kanyang mga
tula “Stilo Adveroni”. Ang Only the Bannerful ang itinuturing na Obra Maestra ni Alvero.
Una siyang nagtagalog ng mga kautusang military. Isa siyang lider estudyante noong
kanyang kapanahunan. Nanalo rin siya ng medalyong ginto sa gawad Padre rector
Tamayo.

 Samantala, sa panahong ito, ang mga manunulat ay napabilang sa dalawang samahang


naitatag. Ang Aklatang Bayan (1900-1921) at Ilaw at Panitik (1922-1934)

Mga manunulat ng Tula sa panahon Aklatang Bayan


 Patricio Mariano
 Pedro Gatmaitan
 Carlos Gatmaitam
 Cirio H. Panganiban
 Iñigo Ed Regalado
 Florantino Collantes
 Francisco Laxamana
 Corazon de Jesus
 Lope K. Santos

Panahon ng Ilaw at Panitik


 Nagsimulang lumitaw ang samahang ito ng manunulat nang lumabas ang Liwayway
noong 1922. Photo News ang itinawag ditto sa simula. Ito ang itinuring na Panahon
ng pagpapalaganap o popularisayon.Namalasak ang romantisismo sa mga maikling
katha hanggang sa dumating ang Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo. Sinala
niya at piniling mabuti ang akdang mapapabilang dito.

Mga kathang nabigyang karangalan sa panahong ito:


 Paghahangad – Arsenio R. Agan (1927)
 Hiwaga- Arsenio R. Agan (1928)
 Lihim ng kumbento – Juan Rivera Lazaro(1929)
 Panata ni Pilar –Amado V. Hernandez (1930)
 Sugat ng Alaala- Fausto J. Galauran (1931)
 Walang Lunas- Amad0 V. Hernandez (1932)
 Manila ni Takyo- Deogracias A. Rosario (1933)
 Ang Dalagang Matanda- Deogracias A. Rosario (1934)
 Ay, Ay- Rosalia L. Aguinaldo (1935)

Mga manunulat ng Tula


 Ang karamihan sa mga nasulat na tula ng panahong iyon ay tulang liriko na naging popular at
naging libangan ng mga makata.

Pedro Gatmaitam
 Kinikilalang pinakabuting makata sa liriko. “Tungkos ng Alaala” ang kalipunan ng kanyang mga
tula. Naging editor siya ng alitaptap. Ginamit siya ng 16 at 18 pantig. Ang “Kasal” ay tula niyang
nagpasimula ng mga tulang pasalaysay.

Iñigo Ed Regalado
 Nagkamit ng unang gantimpala ang kanyang tulang “Laura”. Ang kanyang tulang “Kahapon” ay
tulang isinulat para sa balagtasan na ang pinagtatalunang paksa ay aking panahon sa
kasaysayan papanigan mo”Kahapon, Ngayon o Bukas”.
Lope K. Santos-
 Ama ng Balarila.
 Tinipon niya ang kanyang tula sa tatlong aklat na pinamagatan niyang Puso at Diwa. Ilan sa
kanyang mga tula ay “Kalansay”, “Butil”, “Abo”, “Aso’t” , “Sinulid” at “Bagting”. Gumamit siya ng
dadalawampu’t piyong pantig. Kilala siya sa tawag na Ka Uping at “Ang Panggingera” sa isa sa
kinikilalang tula niyang pasalaysay.

Julian Cruz Balmaceda


 “Bukas” at “Ulila” aang dalawa sa kanyang tula. “Sa Bayan ni Plaridel” ang kanyang tulang
pasalaysay at “Anak ni Eva” na may 6,600 na taludtud.

Jose Corazon de Jesus


 Kauna-unahang “Hari ng Balagtasan”. Ginamit niya ang “Huseng Batute” bilang sagisag-panulat.
Ang ilan sa kanyang mga kilalang tula ang mga sumusunod: “Ang Manok Kong Bulik”; “Itinatapon
ng Kapalaran”;”Ilaw sa Kapitbahay”;”Ang Bato”; “Ang Pamana”;”Ang Pagbabalik”; “Sa Halamanan
ng Diyos”. Ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang aklat na tinatawag na “Mga Dahong Ginto”.

Ildefonso Santos
 Ginamit niya ang sagisag panulat na “Ilaw Silangan”. Kauna-unahang nagturo ng Pilipino sa
National Teacher’s College. Hindi lamnag siya makata kungdi naging tagapagsalin din.
Naglathala siya ng kanyang mga akda sa babasahing Ang Mithi. Ang “Gabi” ay isa sa kanyang
inakdang tula.

Teodoro Gener
 Naging pangulo ng “Ilaw at Panitik”. Kinilala ang kanyang mga tulang “Ang Guro”, “ang
Masamang Damo”,”Ang Buhay” at “Pag-ibig”.

Florentino Collantes
 Sumulat ng pahayagang “Buntot Pagi”, “Pagkakaisa”,”Watawat”,”Palakol”,”Ang Bansa” at iba pa.
 Kuntil-Butil ang ginamit niyang sagisag-panulat. Isa siyang batikang duplero.
 Tinawag na “Tatak Collantes” ang kanyang istilo sa pagtula.
 “Buhay Lansangan” ang kanyang mapanudyong tudling. Siya ang unang makata na gumamit ng
tula sa panunuligsang pampolitika sa panahon ng mga Amerikano. Naputungan din siya ng
titulong”Hari ng Balagtasan” katulad ni Jose Corazon de Jesus. Ang kanyang tulang pasalaysay
ay tinawag na “Ang Lumang Simbahan” na isinalin sa pelikula.

Amado V. Hernandez
 “Ka Amado” ang taguri sa kanya. Siya kilala bilang “Makata ng Manggagawa”. Noong 1932,
tumanggap siya ng medalyong ginto mula sa “Ilaw at Panitik”bilang “Kuwentista ng Taon”.
 Ang katipunan ng mga tula niya na may pamagat na “Pilipinas” (1935) ay pinagkalooban ng
“Gantimpalang Komonwelt”.
 Pinutungan siya ng 25 ulit ng titulong “Makatang Laureado” dahil sa pagwawagi sa iba’t-ibang
timpalak panitik. Tatlong ulit siyang nagkamit ng gantimpalang Palanca. Noong 1962,
pinagkalooban siya sa kanyang aklat na “Isang dipang Langit”.
 Pinarangalan siya ng National Press Club dahil sa dalawampu’y limang taong paglilingkod niya sa
pahayagan. Naging pangulo siya ng ULO, ang pinakamalaking samahan ng manggagawa.

Cirio H. Panganiban
 Ipinanganak noong Agosto 21,1895. Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa
noong 1948, at puno ng Kagawarang Filipino sa Far Eastern University. Ang lalong napabantog
sa kaniya ay ang mga tulang Sa Likod ng Altar, Hiwaga ng Buhay, Ang Panday, Manyika at
Karnabal ng Puso.

Manunulat ng Prosa o Tuluyan sa Kastila


Enrique Laygo
 Siya ang naglathala ng katipunan ng maikling kwento na pinamagatang Idolo Con Pies De Barro (
Ang Diyus-Diyosang May Mga Paang Luwad). Ito ay nagtamo ng Premio Zobel noong 1925.

Macario Adriatico
 Siya ay batikang mananalumpati. Siya ay naging kinatawan ng unang Asemblea Filipina, at
naging patnugot ng Aklatang Pambansa. Ang kaniyang pinakmahusay na alay sa panitikang
Filipino sa Kastila ay ang Alamat ng Mindoro na may pamagat na La Punto de Salto (Ang Pook
na Pinagmulan).

Epifanio de Los Santos


 Siya ay mas kilala sa tawag na Don Panyong. Ang karunungan niya ay sinasabing parang
ensyklopidya. Kinilalang pinaamahusay na mamumuna, mananalaysay, mananalambuhay, at
mananaliksik ukol sa bagay na Pilipino.

Trinidad H. Pardo de Tavera


 Siya ang naging patnugot ng Lupon ng surian ng Wikang Pambansa. Utang natin sa kanya ang
pagkakapasok ng mga titik na w at y sa otograpiyang Tagalog na ginagamit ngayon. Umabot sa
63 ang mga akdang naisulat ni Dr. de Tavera, na isinalin sa iba’t-ibang wika, tulad ng Aleman,
Pranses at Ingles.

Rafael Palma
 Siya ang kapatid ng Ang ng Pambansang Awit ng Pilipinas na si Jose Palma. Siya ay sumulat sa
mga pahayagang Revista Catolica noong 1894, sa La Independencia noong 1894, at sa El Nuevo
Dia noong 1900. Siya ay naging director ng Academia Filipina noong 1923, at
 naging pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang kanyang mga akda sa larangan ng panitikan ay
ang Alma Mater, ang LA Luneta, ang Historia de Filipinas at ang Biografia de Rizal.

Mga Pangunahing Mandudula

Severino Reyes
 Isinilang noong Pebrero 11, 1861 sa Sta. Cruz Maynila. Siya ay nagtamo ng titulong Batsilyer sa
Pilosopiya at Letra sa Sto. Tomas. Naging patnugot din siya ng magasing Liwayway noong 1922.
Siya ay sumulat din ng maikling kwento, tula at dula sa nasabing magasin sa sagisag-panulat nan
a Lola Basyang. Siya ay kilala sa tawag na Don Binoy noong kapanahunan.

Hermogenes Ilagan
 Siya ay isinilang sa Bigaa, Bulakan noong Abril 19,1873. Siya ay hindi gaanong nakapag-aral
tulad ng kaniyang mga naging kapanahunan sa dulaan. Ang kaniyang mga natutunan sa sining
ng dula ay pawing aral sa sarili niyang karanasan, na ang kaniyang naging puhunan ay sipag at
tyaga.
 Ang kaniyang Samahang Ilagan ay umani ng papuri at tagumpay sa mga lalawigan at bayan-
bayang pinagtanghalan ng dula. Ang Dalagang Bukid, ang isa sa kanyang dulang tinangkilik. Ang
iba pang dula na kaniyang isinulat ay Lucha Elctoral, Despuez de Dios, El Dinero, Dalawang
Hangal, Biyaya ng Pag-ibig.

Aurelio Tolentino
 Isinilang sa Guagua,Pampanga noong Oktubre 13, 1867. Siya ay unang nag-aral sa Malolos,
Bulakan at nagpatuloy sa San Juan de Letran. Dito niya tinapos ang Sgunda Enseñanza.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral sa Sto. Tomas at nakamit niya ang titulong Batsilyer sa Pilosopiya.

Patricio Mariano
 Siya ay isinilang sa Sta. Cruz Maynila noong Marso 17, 1878. Siya ay isang pintor,
mamamahayag at nobelista, ngunit nakahihigit ang kaniyang pagkamandudula.
 Lakambini, ang kaniyang obra maestro, ito ay isang trahedyang may tatlong yugto. Ito ay hango
sa kasaysayang hinango sa unang pagsapit ng mga kastila sa Kamaynilaan.

Julian Balmaceda
 Ipinanganak sa Udyong, Bataan noong Enero 28,1885. Ang unang dulang sinulat niya sa gulang
na 14 ay “Ang Sugat ng Puso”. Ang kanyang dulang “Ang Piso ni Anita”, isang dulang may tatlong
yugto ukol sa kahalagahan ng pagtitipid, ay nagtamo ng unang gantimpala.
 Siya ay naging patnugot ng Surian ng Wikang Pambansa.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG HAPON (1942-1945)


 Disyembre 8, 1941, binomba ng mga Hapon ang Pearl Harbor, Hawaii.
 Pinasarhan ang mga palimbagan ng Tribune at Free Press at ang lingguhang Liwayway ay
inilagay sa mahigpit na pagmamatyag ng mga Hapones.
 Sa panahong ito itinatag ang HUKBALAHAP ( Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon), sa
pangunguna nina Luis Taruc, Castro Alejandro at Juan Feleo. Layunin ng samahan na mapabuti
ang kalagayan ng mga dukha at ang paglaban sa pamumuno ng mga Hapon.
 Nakilala sa larangan ng sanaysay sina Juan Cabreros Laya, Maria Luna Lopez at Maria Kalaw
Katigbak.
 Si Laya, sumulat ng dulang batay sa Ingles na His Native Soil (Sa Sa Sriling Lupa)
 Sa bahaging pampanitikan ,walang gaanong pag-unald sa dulang Tagalog.
 Ang Dramatic Philippines na isang samahan ng mga mandudulang Pilipino ay itinatag nina
Narciso Pimentel, Jr., Francisco “Soc” Rodrigo, alberto Canio at iba pa. Sa pagkakatatag nito,
nakilala sa dula Sa Pula, Sa Puti si Francisco “Soc” Rodrigo na tunay na kinagigiliwan ng marami.

SANGGUNIANG BANSA AT PAMAHALAANG TAGAPAGPALAGANAP NG PILIPINAS

Primyer Hadeki Tojo


 Hapon na nagpahayag ng isang talumpati sa Japanese Diet o Batasang Pambansa noong ika-21
ng Enero, 1942 na ang Pilipino raw ay makiisa sa pagtatag ng “Greater East Asia Co-Prosperity
Sphere”.

PAMAHALAANG TAGAPAGPALAGANAP NG PILIPINAS

1. Jose Vargas- tagapangulo


2. Benigno Aquino Sr. – komisyoner na panloob
3. Antonio De Las Alas- komisyoner ng pananalapi
4. Jose P. Laurel- komisyoner ng karatungan
5. Rafael Alunan- komisyoner ng pagsasaka at pangangalakal
6. Claro M. Recto- komisyoner ng pagtuturo, kalusugan,at kagalingang bayan
7. Quintin Paredes- komisyoner ng gawaing bayan at pahatiran.
 Ang Pamahalaang Tagapagpalaganap ng Pilipinas ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Punong
Komandante ng Imperial Japanese Forces (IJF). Bawat komisyoner ay inatasang tagapayo ng
Hapon. Ang komisyon ay laging nagbabago.

Kempetai(lihim na Hapong Pulis)- sila ang tagapayo na patayin ang tao ng walang paglilitis.
KALIBAPI
 Kautusang tagapagpaganap. Ang Bilang 109 ay lumikha ng KKALIBAPI, isang kapisanan sa
paglilingkod sa bagong Pilipinas.

Katangian ng Maikling Katha sa Panahon ng Hapon


1. Matimpi ang pagpapahayag ng paksa
2. Nagsasalaysay ng madudulang pangyayari
3. Walang balangkas ang kwento
4. Ang paksa ay nauukol sa iba’t ibang karanasan sa buhay ng tao
5. Gumagamit ng mga payak na pangungusap kaya madaling maunawaan.

Ang 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943


 Ang pinakamahusay na kathang Pilipino. Ito ay napalimbag sa panlukbutang laki ng papel, at
peryodikong malutong at marupok.

Panahon ng Pamumulaklak
 Iti ang tawag sa Panahon ng Hapon sa panitikang Filipino. Ayon sa mga istoryador at kritiko ay
tumpak tawagin itong “Gintong Panahon”.

Kinichi Isikawa
 Siya ang maawaing namumuno noong Panahon ng Hapon.

Mga Tulang Namalasak

Haiku
 Isang tulang binubuo ng 17 pantig na nahahati sa tatlong taludtud. Ang una ay may limang
pantig,ang ikalawa ay may pitong pantig, at ang ikatlo ay may limang pantig. Maikling-maikli ang
haiku, ngunit nagtataglay ng malawak na kahulugan, kagandahan at damdamin.

Tanaga
 Binubuo ng apat na taludtud na bawat isa ay may pitong pantig. Ito ay maikli ngunit may sukat at
tugma sa hulhang pantig.

Singkian
 Binubuo ng isang pangalan o pangngalan sa unang taludtud;dalawang pang-uri sa
pangalawa;tatlong pandiwa sa ikatlo;isang parirala sa ikaapat at isang pangalan o pangngalan sa
ikalimang taludtud.

Mga Katangian ng Tula


1. Maikli, lalo na ang mga nalathala sa Liwayway noong 1943.
2. Maraming gumagad sa haiku.
3. May talinghaga.
4. Namayani ang malayang taludturan-walang sukat at wala ring tugma.

Mga Tula at Sanaysay na inilabas ng Philippine Publication


 Lupang Tinubuan- Narciso G. Reyes
 Uhaw ang Tigang na Lupa – Liwayway A. Arceo
 Lunsod at Nayon at Dagat-Dagatan –N.V.M Gonzales

Ang Nobela
 Hindi umunlad ang nobela sa panahong ito. Dahil marahil sa kakapusan ng papel kaya walang
gaanong naisulat.

Mga nobelang nasulat sa Panahon ng Hapon:


 Dalisay – Gervasio Santiago
 Pamela – Adriano P. Laudico
 Tatlong Maria- Jose Esperanza Cruz
 Zenaida- Adriano P. Laudico
 Ako’y Maghihintay- Gervasio Santiago
 Lumubog ang Bituin- Isidra Zarraga-Castillo

Mga dulang natanghal sa Metropolitan Theatre na isinulat ni Julian Cruz Balmaceda:


 Ang Palabas ni Suwan
 Dahil sa Anak
 Higanti ng Patay
 Sino Ba Kayo
 Libingan ng mga Bayani
Mga Anyo ng Panitikang Kinagiliwan noong Panahon ng Hapon
1. Tula
2. Maikling Kwento
3. Sanaysay
4. Pangulong Tudling

Dalawang Istilo ng Pagsulat


1. Free Verse o Malayang Taludturan –tulang walang sukat at tugma.
2. Flashback- paggunita sa nakaraang pangyayari.

Mga Katangian ng Tulang Tagalog


1. Sentimental at maligoy
2. Tungkol sa palasintahan
3. Kulang sa orihinalidad
4. Walang malalim na pilosopiya

Mga Uri ng Libangan Pagkatapos ng Liberasyon


1. Pelikula- Silent Movies tampok ni Charlie Chaplin
Ang Punyal na Ginto- gawa ng Malayan studios; unang pelikulang Tagalog
 Jose Nepucemo- Ama ng Pelikulang Pilipino
2. Stage Show- drama/musical
3. Bodabil- awit,tugtog, at sayaw

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG KALAYAAN


 Sa pagbabalik ng mga amerkano ay masasabing nabigyan lalo ng pagpapahalaga ang wikang
Ingles.
 Nagkaroon ng tatlong wikang opisyal-Tagalog, Ingles at Kastila.
 Liberasyon(1945-1950)- nawala’t lumitaw ang babasahing tagaloggaya ng Sinagtala, Malaya at
Kayumanggi, sa ilalim ng pamatnugot Clodualdo del Mundo, Teodoro Agoncillo at Alejandro
Abadilla.
 Ang Maikling Kwentong Tagalo (1886-1948)-pinamatnugutan ni Teodoro Agoncillo.

Mga Kilala at Natanyag sa Larangan ng Panulaan

Valeriano Hernandez Peña


 Isinilang noong Diyembre 12, 1858 sa San Jose Bulacan, Bulacan. Gumamit siya ng
sagisag-panulat na “Kintin Kulirat” sa kanyang pitak na “Buhay Maynila sa pahayagang
Muling Pagsilang.

Amado V. Hernandez
 Tinaguriang “Ama ng Makatang Manggagawa”. Isinilang sa Tondo,Maynila noong
Setyembre 13,1903. Ang kanyang mga tula ay nagtataglay ng pagpapahalaga at
pahmamahal sa maliliit at duking manggagawa.

Alejandro G. Abadilla
 Siya ang makata ng bagong panahon na nakapagbago sa tulang Tagalog. Isinilang siya
sa Cavite ngunit sa Maynila higit na nakilala dahil sa mapanghimagsik na impluwensiya
niya sa anyo at nilalaman ng tulang Tagalog. Ipinakilala niya ang malayang taludturan at
ang mapanghimagsik na diwa ng imperyalismo.

Teo S. Baylen
 Marami siyang natamong karangalan, kasama rito ang pagiging Makata ng Taong
1964,ayon sa Talaang Ginto na pinagtibay ng Surian ng ng Wikang Pambansa. Nagtamo
ng Gantimpalang Pangkalinangan sa Panitikan noong 1963(Republic Cultural Heritage
Award) dahil sa aklat-katipunan ng kanyang mga tula,ang Tinig na Darating;Palanca
Memorial Awardee(1965). Kabilang sa kanyang aklat-katipunan ng mga tula ang Pinsel
at Pamansing, at ang Kalabaw at Buffalo.

Virgilio S. Almario
 Isa sa pinakamahusay na makata ng bagong panahon. Gumamit siya ng mga tauhan sa
mga katutubong epikong Pilipino, sa mga kuwentong bayan, kurido, at kasaysayan nang
pasagisag upang mapalutang ang kaniyang nais tuligsain.

Ildefonso Santos
 Tubong Malabon, Rizal at isinilang noong Enero 23, 1897. Nagtapos siya ng pag-aaral sa
Philippine Normal University at nagturo sa Paaralang Bayan ng Malabon. Naging
superbisor din siya ng Wikang Bansa sa kawanihan ng pagtuturo, kilala sa tawag na
DepEd ngayon.
 Gumamit siya ng sagisag-panulat na “Dimas-Ilaw” at “Dimas Silangan”. Hinangaan ng
marami ang kanyang mga tula: Ang Ulap, Panghulo, Ang Mangingisda, Gabi at iba pa.

Aniceto F. Sivestre
 Nagtamo siya ng maraming karangalan sa panulaan, kabilang na rito ang apat na unang
gantimpala bago magkaroon ng digmaan,ikatlong gantimpala sa Panahon ng
Malasariling Pamahalaan,unang gantimpala noong ika-10 taon ng Republika, at unang
gantimpala sa Palanca noong 1969.
Iñigo Ed. Regalado
 Kilalang mamamahayag,apynugot,kuwentista, nobelisat at makata. Siya ay may aklat-
katipunan ng mga tula na kung tawagi’y Damdamin. Ito ay nahahati sa limang uri: Sa
Pag-ibig, Sa Panibugho, Sa Talambuhay, Sa Bayan, at Sa Buhay.

Teodoro A. Agoncillo
 Kilalang manunulat ng kasaysayan. Tinawag siyang “Madamdaming Mananaysay” ni
Carmen Guerrero Nakpil, isang kilalang manunulat sa Ingles. Marami siyang nasulat na
mga salaysay na pangkasaysayan sa iba’t-ibang magasin gaya ng Panitikan, Diwang
Pilipino,at iba pa. Nagsulat din siya ng mga maikling katha at sanaysay. Siya rin ay
iginagalang sa patnugot na may uring magasing Malaya na nanuklas ng mga bagong
manunulat sa kasalukuyan.

ANG PANITIKAN SA PANAHON NG BAGONG LIPUNAN


 Nang inulunsad ng Pangulong Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21, 1972,
sumilang ang Bagong Lipunan.
 Ang wikang Pilipino ay mabilis na umunlad sa panahong ito dahil sa isipan at damdamin
ng mga kabataang Pilipino ay ipinahahayag sa sariling wikang Pilipino.
 Sa panahon ding ito inilunsad ang bagong palatuntunan ng MInistri ng Edukasyon at
Kultura, ito ay ang bilinggwalismo. Ito ay ang pagtuturo sa pamamagitan ng dalawang
wika: sa Pilipino at Ingles.
 May tatlong mahalagang layunin ang bansa sa ilalim ng Bagong Lipunan:
(1) Kaunlarang pangkabuhayan
(2) Kaunlarang panlipunan
(3) Kaunlarang pangkalingangan

Katangian ng Panahon
 Pansamantalang natigil ang lahat ng babasahin sa buong kapuluan nang ipahayag ang Batas
Militar.
 Pinanagot ang mga naglimbag at nagbili ng mga malalawasng babasahin.
 Ipinasara ang mga sinehang nagtatanghal ng mga pelikulang maaaring makasira sa moralidad ng
mga Pilipino lalo na sa kabataan.
 Ipinasunog ang mga duguang pamphlet na ikinalat ng mga kabataang aktibista at inusig ang mga
may kinalaman sa paglalathala ng maruruming akdang pampanitikan.
 Nang muling pahintulutan ang paglalathala, ang mga manunulat at mga makata ay naharap sa
malaking pananagutan..isang pananagutan kung paano sila makakatulong sa pagpapaunlad ng
mga pamayanan sa buong kapuluan.
 Nagtaguyod ang pamahalaang ng mga seminar ukol sa paglalathala.
 Nagbigay ang pamahalaan ng guidelines o bagay sa dapat taglayin sa paglalathala ng mga
pahayagan, magasin, komiks, at mga pahayagang pampaaralan.
 Nagpatuloy ang Liwayway at mga komiks sa kanilang layuning magbigay ng aliw sa kanilang
pagtatangkilik.
 Iniwasan ang mga artikulong nakasisirang-puri sa isang pangkat o indibidwal, buhay man o patay.
 Muling umusbong ang panitikang kapupulutan ng magagandang aral sa buhay.
 Dumami ang mga kabataang manunulat sa Ingles at Filipino, na ang mga panulat ay
kababasahan ngayon ng buhay Pilipino, damdaming Pilipino at diwang Pilipino.

Unang Ginang Imelda Marcos


 Siya nanguna sa pagpapasigla ng mga manunulat sa sining at kultura noong Panahon ng Bagong
Lipunan.
 Nagkaroon ng mga pagtatanghal sa konsiyerto at dula sa Cultural Center of the Philippines.
 Sa pagpapasigla ng sining ng pagsulat ay muling nabuhay ang maikling kwento,nobela at tula na
may temang pagkamakabansa at paglaban sa inaapi.
 Ang samahan ng mga mandudula ay naitatag gaya ng PETA at Students Dramatic Guild.

Tatlong Bagay na Mababakas sa mga Katha ng Bagong Lipunan


1. Diwang Pilipino
2. Buhay Pilipino
3. Damdaming Pilipino

Mga kahalagahan ng Komiks


1. Mabisang pampalipas oras
2. Nagbibigay kaalaman at impormasyon
3. Nakatutulong sa hanapbuhay
4. Nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga kapus-palad
5. Nag-uugnay sa watak-watak na damdamin ng mg Pilipino
6. Nakatutulong sa madaking pag-unawa ng binasa at sa pagbasa

Mga Akdang Unang Nagtamo ng Gawad Palanca


(Naitatag noong 1950 at pinakamataas na karangalang pampanitikan)
1. Sa Kuwento- Kuwento ni Mabuti- Genoveva Edroza
2. Sa Tula – Alamat ng Pasig- ni Fernando “Batubalani” Salazar
3. Sa Dulang 1 yugto- Hulyo 4,1954 A.D- ni Dionisio Salazar
4. Sa Dulang 3 yugto- Alipato- ni NOnilon Queaño
5. Sa Dulang Ingles- The World is an Apple- ni Alberto Florentino, Jr.
6. Sa Sanaysay Ingles- Literature and Society: Essays on Life and Letters- Salavador Lopez

Mga Pangunahing Manunulat


A. Sa Komiks
1. Carlo J. Caparas
2. Elena M. Patron
3. Pablo S. Gomez
4. Jim Fernandez
5. Nerissa Cabral
6. Mars Ravelo (Ama ng komiks)

B. Sa Nobela at Maikling Kuwento(Liwayway)


1. Efren Reyes Abueg
2. Bienvenido Ramos
3. Liwayway Arceo
4. Juan Cruz Reyes
5. Virgilo almario (Rio Alma)

C. Sa Pahayagan
1. Teodoro P. Valencia- Dekano ng Peryodismong Pilipino Over A Cup of Coffee sa Harap ng Salamin
2. Ruther Batuigas- Tempo
3. Ligaya Perez
4. Narciso del Rosario- Sisong Kantanod (Taliba)
5. Miguel Genoveva- Daily Express

D. Sa Tula
1. C.C Marquez, Jr- Pangulo ng Taniw-Taliba ng Inang Wika at Pangunahing samahang pangwika
ngayon.
2. Ponciano Pineda- Direktor ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
3. Domingo Landicho
4. Teo S. Baylen

E. Sa Dula
1. Nick Joaquin (Quijano de Manila)- A Portrait of the artist as Filipino tampok na akda.
2. Wilfredo Ma. Guerrero- U.P Mobile Thetre
3. Lino Brocka at Soxy Topacio- PETA
4. Zenaida Amador- Repertory Philippines
5. Orlando Nadres- Flor de Luna

Mga manunulat ng nobela:


1. May Tibok ang Puso ng Lupa- Bienvenido A. Ramos
2. Ginto ang Kayumangging Lupa- Dominador B. Mirasol
3. Gapo- Lualhati Bautista-dela Cruz
 Nagkamit ng tanging gantimpala sa nobela na iginawad ng Palanca Memorial Awards for
Literature noong Setyembre 1980.

ANG PANAHON MAKABAGONG PANITIKAN(1986)


 Pebrero 22-25,1986, Peoples Power Revolution o EDSA Revolution. Naluklok si Corazon C.
Aquino at inalis si Ferdinand Marcos sa pagkapangulo.
 Tila mga ibong nakalaya sa hawla ang mga komemtarista sa radio at telebisyon sa paglalahad ng
pros and cons sa pamahalaan.
 Namayani ang mga babasahin na ang laman ay tungkol sa kalagayan ng kabuhayan,pulitika at
iba pa.
 Naging malaya ang mga pahayagang pampaaralan na naglalaman ng mga impormasyon sa iba’t-
ibang bagay sa paaralan, mga lathalain, at mga akdang bunga ng umusbong na talino ng ng
mga kabataan.
 Mataas ang rating ng mga palabas na gumamit ng wikang pambansa tulad ng TV Patrol, Public
Forum, Tele-Aralan, Ating Alamin, Batibot at Mel and Jay.
 Naging maningning ang bukas ng panitikan ng lahi. Ang mga manunulat na Pilipino ay nakarating
sa luklukan ng mga kilalang manunulat sa buong daigdig.

PANULAAN
 Ang mga tulang naisulat mula 1986 hanggang kasalukuyan ay nakapaglarawan ng kabuuang sistema ng
panahong kinapalooban.

Teo Antonio
 Sumulat ng tulang “Panahon ng Papukasa Atbp. Pakikidigma”- pagbibigaypugay sa ilang mamamahayag
na pinaslang sa ilalim ng panunungkulang demokratiko. Unang gantimpala sa Palanca noong 1986
 “Taga sa Bato: Mga Piling Tula (1973-1988)- na inilunsad ng Ateno Press ng taong 1991.

Ruth Mabanglo
 Isa sa mga nagungunang makatang kinikilalang feminist ang kang unang tulang tumutukoy sa sariling
malungkot na nakaraan tulad ng “Mga Batang Taludtud” at Ako’y Naghihintay”
 “Mga Liham ni Pinay at Iba Pang Tula”- unang gantimpala sa Palanca 1987.

Joi Barrios
 Sumulat ng “Babae Akong Namumuhay Nang Mag-isa”(Pangalawang Gantimpala sa
Palanca ,1988)
 “Gahasa”-nagwagi sa CCP Literary Contest,1990
 “Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma- inilimbag ng Pima Printing Press at
lumabas ng taong 1990.
Ligaya Robin
 “Paano Tumutula ang Isang Ina”- Nagwagi ng pangalawang gantimpala sa Talaang Guinto noong
1989.

Lilia Quindoza Santiago


 “Sa Ngalan ng Ina, ng Anak, ng Diwatat’t Paraluman”- nagwagi ng unang gantimpala sa Talaang
Guinto noong 1989.
 Tinagurian siyang Makata ng Tao.

Ariel Valerio
 Itinaghal na makata noong 1990 sa kanyang tulang “Babaylan”-isang matalas na pagpuna at
pagtatasa ng mga panlipunang pangyayari sa ilalim ng pamamahala ng isang babaeng pangulo.
 Ilan din sa mga isinulat niya ay ang “Napakaramot na Balita”(pangalawang gantimpala sa
Talaang Guinto ,1988), “Himig ng Paglikas”, “Mga Ligaw na Berso sa Enero ng Madaling Araw”,
“Wala man sa Listahan an gating Pangalan”.

Virgilio Almario
 Isang beteranong makata. Sumulat ng “Parikala: Mga BAgong Tula’, “Mga Bagong Makata”.
Inilimbag ito ng Kalikasan Press na kilala na sa pagsuporta sa mga bagong manunulat.

Maikling Kwento

Jun Cruz Reyes


 Sumulatng “Syeyring” (mula sa Ingles na sharing), nagwagi ng unang gantimpala sa Palanca
taong 1986. Sumasalamin sa pag-aangkop ng salitang Ingles sa konteksto ng paggamit ng
Filipino at maging ssa kuwento ng pag-aangkop ng isang aktibista sa kanyang
pakikipamuhay(tinatawan na kolektiv) sa mga sundalong rebolusyunaryosa isang bundok sa
kabisayaan.

Fidel Rillo Jr
 Sumulat ng “Talinghaga ng Talahib ng Los Indios Barvos” , ito ay isang romantikong monologo
ng kuwentistang gumugunita ng mga ginituang taon ng minsang kilalang indios Bravos, ang
tagpuan ng mga magigiting na artista ng bayan.

Cyrus Borja
 Sumulat ng “Sugat sa Dagat”(unang gantimpala sa Palanca ,1988), obhetibong inilarawan nito
ang marahas at mapanganib na kondisyon ng mga busero sa gitna ng dagat.
Noel Salonga
 Sumulat ng “Minero” (unang gantimpala sa Palanca sa sumunod na taon at nagbigay halaa rin sa
isang uri ng gawaing mapanganib).

Fernando Cao
 Sumulat ng “Isang Hindi Malilimutang Tanghali sa Buhay ng mga Ginoo’t Ginang ng Bitukang
Manok” na tumalaay sa magkaibang pananaw at gawi ng mga pesante at mga naghaharing uri
ukol sa dalawang matingkad na element sa EDSA-relihiyon at pulitika.

DULA AT DULAAN
1. “Moises,Moises” ni Rogelio Sikat
2. “Ni Minsa’y isang Gamugamo” ni Nora Aunor
3. “Ang Mga Tatto ni Emmanuel Resurrecion” ni Reynaldo Duque (Unang gantimpala sa Palanca,1986)
4. “Alimuom” ni Reuel Aguila (Pangatlong gantimpala sa Palanca taong 1986)
5. “Kaaway sa Sulod” ni Rene Villanueva ( unang gantimpala sa CCP Literary Contest,1987)
6. “Kuwerdas” ni Catherine Calzo (pangalawang gantimpala sa Palanca taong 1988)
7. “Gamugamo sa Kanto ng East Avenue” ni Rolando dela Cruz (unang gantimpala sa Palanca, 1989)
8. “Bulong-bulngan sa Sangandaan”,”Totoy Adobe”,”Minsang Isang Aswang”,”Banwa-Anon(Sa Di nakikitang
Daigdig)” ni Ramon Jocson
9. “Mga Abong Pangarap at Iba Pang Dula” ni Ruth Elynia Mabanglo
10. “Ang Tatlo sa Tanghalan” nina Rogelio Sikat, Nicolas Pichay, Chris Martinez

Sanaysay
 Marami ang mga nagwaging sanaysay noong 1986.

1. “Si Eduardo M. Reyes:ang Manunulat ,Kanyang Akda at Panahon” ni Rogelio Mangahas, unang
gantimpala sa Palanca,1986)
2. “Ang Tiyanak sa Landas ni Rio Alma” ni Fidel Rillo,Jr, pangalawang gantimpala sa Palanca,1986)
3. “Ang Pagdadalaga ng mga Batang Taludtod: Ang Pulitika sa Personal naPaghihimagsik” ni Glecy Atienza.
4. “Ang Mito ng Pagkalalaki ni Richard Gomez” ni Roland Tolentino
5. “Ang Sinderelang hindi Sinderela” ni Joi Barrios
6. “Ang Pagbaklas sa Imahe ni Superman Mula sa Mata ng mga Sinasagip” noong 1990 ni Glecy Atienza
7. “Lakas ng Libro/Lakas ng Tao:Pagdidikonstrak sa Tukso ng Pebrero”(Unang gantimpala sa
Palanca,1987) ni Isagani Cruz
8. “Musika at Ideolohiya” ni JJ Alvarez dela Rosa
9. ”Bulkan, Bundok,Baha” ni Eduardo Maranan

You might also like