You are on page 1of 1

Enano, Cathleen Gale C.

BA HISTORY 2B

DEVELOPMENT AMONG THE MANGYANS OF MINDORO

Ang artikulong ito ay naglalaman na ang mga Mangyan ay nagbebenta ng mga produkto na
kanilang mga ginawa na karaniwang nakikita natin sa mga palengke kung minsan ay nasa daan o kalsada.
Binabanggit din dito ang kanilang mga sariling gawa pagdating sa fashion, mga kagamitan sa bahay tulad
ng walis tambo, walis tingting, atbp. Natutunan ko dito na, dapat nating tangkilikin ang mga produktong
gawa ng ating mga kamangyanan sapagkat hindi natin maitatanggi na maganda at matibay ang kanilang
mga gawa, kitang kitang na pinaghihirapan nila ito.

Sa artikulong ito masasabi ko na, may improvement talaga ang ating mga kamangyanan. Sila ay
masisipag sa paggawa ng mga produkto nila para ibenta at masipag sa pagtatanim. Hindi dapat natin
makalimutan ang kanilang mga tradisyon dapat pa nga natin itong pahalagahan at pag aralan pa.
Nadagdagan nito ang aking kaalaman sapagkat, sa artikulong ito binanggit ang pag-unlad ng ating
kamangyanan sa pagawa ng kanilang mga produkto. Simula sa pinakauna unahang sibilisasyon hanggang
sa modernong sibilisasyon malaki ang naging pag- unlad ng ating mga kamangyanan ngunit ang iba sa
kanila ng dahil sa modernong sbilisasyon ay maraming mga kamangyanan ang naglalasing, nagsusugal at
nagbibisyo na hindi naman masyadong kinauugalian nila noon. Kaya kasabay ng pag-unlad ng ating mga
kamangyanan may mga bagay din na nagkaroon masamang epekto sa kanila. Madaling intinidihin ang
mga ginamit na jargons sa artikulo nito. At hindi ito naging dahilan para mabago ang pagtingin ko sa mga
kamangyanan sapagkat, ipagmamalaki ko pa nga ito dahil mas umunlad pa ang kanilang kaalaman sa
paggawa ng kanilang sariling produkto, at hindi nila kinalimutan ang kanilang tradisyon simula sa
kanilang kinanununuan. Madami mang nagbago o dumagdag, hindi pa din nila nakakakalimutan ang
kanilang kinagawaan ngunit mas pinatibay pa nila ito at mas pinaunlad.

You might also like