You are on page 1of 1

Sean Benedict B.

Dazo 12 – Innocent III


Ms. Mia Huendia 08/11/2022
Ang wika ng isang bansa ay isang importanting bagay na dapat alam ng lahat, na dapat inaaral ng
lahat, at dapat hindi tinatakwil ng lahat dahil ang wika natin ay sobrang importante sa bansa
natin kasi dito tayo lahat nagkakaintindihan at nagkakaugnayan. Kung wala ang ating wika, wala
rin ang ating bansa at kultura, kasi kasama ang wika natin sa kasaysayan natin at hindi ito
nawawala kasi pinaglaban ito ng ating mga kababayan tulad nila Jose Rizal at Andres Bonifacio.
Sa ating wika nakakapagusap tayo sa mga tao kilala natin, nagkakasayahan, at nakakapagsabi ng
mga ideya na pwede natin sabihin sa iba. Kung wala ito hindi tayo magkakaintindihan at ang
ating bansa ay magiging isang isla lang ng ibang bansa ngunit dahil sa kultura natin at dahil sa
pinaglaban ng mga filipino noon tayo ay naging isang bansa. Sa panahon ng pandemya
nahirapan tayo makipagkita at makipag-usap sa personal sa mga pamilya, at kaibigan natin na
nasa ibang bahay ngunit dahil sa internet, nakapag-usap tayo sakanila at nagkaintindihan dahil sa
ating wika, at dahil sa pandemya napagtanto ng maraming tao kung gaano ka-importante ang
wika natin, kung wala ito, iba din ang ating kultura at paano tayo gumalaw sa ating bansa. Ang
wika natin ay dapat mahalin kasi hindi biro ang pinagdaanan nito.

You might also like