You are on page 1of 1

Ang Kultura ng Pilipino sa wikang Filipino

Ang wika ang kaluluwa at saligan na bumubuo at humuhubog at nagbibigay diwa sa kultura.Ang
kulturang Pilipino ay dapat taglayin ng isang wikang nagpapaloob at nagpapahayag dito. Ang kulturang
nakapag-angkin ng kaalaman mula sa lahat ng dako sa pamamagitan ng kaniyang wika bilang umpukan-
kuhanan ay siyang nabubuhay, namamalagi at nagpapanatili ng kaniyang kabuuan. Ang wika ang
natatangi at pangunahing hakbang upang mapasakultura ang isang indibidwal bago pa man kailanganing
makisalimuha, makiugali at pumaloob sa isang kultura. Ang tao’y maaring matuto ng maraming wika at
maaring mapasama sa ibat ibang uri ng kultura.

Ang wika ang tanging paraan upang mapayaman mapalawak at mapaunlad ang sariling kultura.
Walang makapagpapakilala ng isang kultura kundi ang nilikha nitong sariling wika. Ang wikang Filipino,
tulad ng alinmang wika sa daigdig, ay may sinilangang lugar. Sa lugar na ito, gumamit ang mga tao ng
wikang magbubuklod sa kanila. Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na pagyabong nito, bunga
ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na may naiibang kultura -
ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita. May mga salitang hiram
at ligaw na ganap nang inangkin. Ang mga ito, na kultura sa kabuuan, ay nagpasalin-salin sa bawat
henerasyon sa pamamagitan din ng wikang yaon. Sa patuloy na pag-unlad ng wika, sa patuloy na
pagyabong nito, bunga ng pakikisalamuha ng mga katutubo sa mga dayuhan-mananakop o kaibigan na
may naiibang kultura - ang wikang ginagamit na kasangkapan sa pakikipamuhay ay yumaman sa salita.

Ang wikang Filipino ay dapat sanayin bilang pang- una o pangalawang wika ng bawat Pilipino.
Bilang isang mag aaral, tungkulin natin na mahalin at pagnilayan ang tungkol dito upang maimulat ang
sarili sa nakasanayanang Kultura at huwag itong kalimutan ng lubusan. Kahit na medyo natatabunan na
ito ng mga teknolohiya sapagakt ito ang mas inuuna ng kabataan, hindi parin huli ag lahat na balikan at
ipokus ang ating mg isipan sa kultura at wika na minsang nagsalba at nagmulat sa atin sa katotohanan
bilang isang Filipino.

You might also like