You are on page 1of 9

Working Title:

Memento Mori

Dramaturgical Packet by:


Jared Klein Garcia.
Unang Bahagi:
Karakter at kanilang katangian.
Emerald
Si Emerald ay mas kilala sa ampunan bilang Mira, isang batang
may maliwanag na pagtingin sa kinabukasan, malakas ang loob at
parating nais na mapasaya ang ibang tao. Siya rin ang naging best
friend ni Ema. Parati siyang binibigyan ni Ema ng drawings at
sinasabi niya ang mga ito sa loob ng silid nilang tatlo.
Subalit, nitong mga nakaraang araw lamang, parati nang
nakatitig si Mira sa labas, sa mga drawings ni Ema, at mga bagay
na parati niyang nakikita sa loob ng kuwarto. Hindi lingid sa
kaalaman ng iba, si Mira ay parating iniisip kung ang kinabuksan
nga ba niya ay magiging malinaw kagaya ng kung paano niya ito
nakikita sa kaniyang imahinas’yon. Mas’yado na siyang matanda para
maapon pa, bulong niya sa sarili. Gayunpaman, kahit alam niyang
walang kasiguraduhan ang kinabukasan, sinubukan niya pa ring maging
positibo sa buhay.
Simula noong nagkaroon na siya ng muang, alam niyang wala na
siyang magulang. Patay na raw ang magulang niya simula noong
pinanganak siya kaya tinanggap niya na lamang na hindi na niya
makikita pa ang mga magulang niya.
Maraming mga pagkakataon ang sumubok sa kaniya, subalit hindi
siya natinag nito, lumaban siya’t ginawa ang lahat para
mapagpangibabawan ang lahat ng bagay na walang kasiguraduhan.
Tama ‘yan, ‘wag kang panghinaan ng loob!
Lastly, ang paburito
niyang sabihin ay “Magiging
maayos din ang lahat!” Dahil
naniniwala siyang magiging
maayos din ang lahat kahit
na maraming mga suliranin
ang mga nakaharang sa
kaniyang kinabukasan. Ang
kinabukasang hindi siya
siguradong darating.
Flaw: Ang pinaka malaki
niyang flaw ay ang pagiging
toxic positive, sa puntong hindi niya na kayang magbigay ng opinion
na makakatulong sa tao sa totoong paraan at hindi sa dreamy at
optimistic na paraan.
Gumamela
Nakuha ni Ema ang kaniyang
palayaw mula sa kaibigang si
Lambong, ang tawag nito sa kaniya
noong bata pa lang sila ay “Gumamema”
at ang naging tawag sa kaniya ng mga
tao sa loob ng ampunan ay Ema. Si Ema
ay isang masiyahing bata, parating
naglalaro sa labas, nagpupulot ng
mga kung anu-anong bagay para i-
display sa kanilang kuwarto. Kahit
na buhay na bato, boteng walang
laman, mga patay na halaman, parati
niya pa rin itong kinukulekta. Siya
lang ata ang nag-iisang babaeng happy-go-lucky sa ampunan. Para sa
kaniya, ang pinaka mahalagang pangyayari sa buhay ay wala sa
nakaraan o hinaharap, bagkus ay matatagpuan sa kasalukuyan.
Nang bahagyang lumaki si Ema, nagsimula na rin siyang mag-
drawing. Parati niyang binibigyan ng mga drawings noon sila Mira
at Lala. Laging nilalagay ni Mira ang drawings niya sa pader, si
Lala naman, itinatago ito. Akala ni Ema ay itinatapon lang. Dahil
sa pagtanda, nagsimula nang hindi maintindihan ni Ema ang sarili,
akala niya lahat ng bagay ay parating lumalaban sa kaniya, kahit
mga pinaka maliliit. Doon na siya nagsimulang magkaroon ng pag-
aatubili sa sarili,at nagsimula ring mag-fantasize ng kamatayan.
Sinubuan niya itong labanan sa parang alam niya, ang pag-dodrawing
ng mga saloobin. Gayunpaman, wala itong talab sa kaniyang malamlam
na isipan at damdamin, nais niya pa ring mawala nang walang kahit
sinong nakaka-alala. Subalit dahil ayaw niyang malungkot sa
kasalukuyan ang mga kaibigan, sinusubukan niya pa ring maging
kagaya ng kung ano siya noon. Isang masiyahing happy-go-lucky.
Hindi magtatagal, makikita nila Lala ang sketch pad ni Ema,
subalit huli na.
Ang paburito niyang sabihin ay “Ang mahalaga, masaya tayo!”
Una ay totoo ang kaniyang mga salita, subalit sa pagtagal ng
panahon, nawawalan na ito ng ibig sabihin para sa kaniya.
Flaw: Ang pinaka malaki niyang flaw ay ang pagsasarili ng problema
at pagkubli sa paraang wala nang nakakaalam. At dahil dito,
magkakaroon na siya ng matinding laban sa loob niya’t walang ibang
nakaka-alam kung anong nangyayari.
Lambong
Si Lambong ay mas kilala bilang
Lala, sa tatlong magkakaibigan, si
Lala ang pinaka matanda. Subalit hindi
siya ganoong ka mapagmahal na tao
marahil, dahil wala lang siyang lakas
ng loob para ipakita ang pagiging
mahina sa ibang tao. Marahil, dahil
ito sa kaniyang pinagdaanan bago
mapunta sa ampunan, at sa mga ala-
alang iniwan nito sa kaniya, na, sa
kasamaang palad, ay parati niyang
binabalikan. At madalas niya itong
ginawa kapag nakatitig sa kaniyang lumang dreamcatcher na ibinigay
ng kaniyang isang kaibigan, si Jojo (Ang karakter mula sa Styrofoam
na Jupiter).
Si Lala ay pinanganak sa isang mahirap na pamilya, mapang-
abuso ang ama, at martyr naman ang ina. Subalit kahit ganoon, hindi
sila natinag ng pang-aalipusta. Mas lumakas pa sila, tinig sa
kanila ng kaniyang ina. Subalit hindi ito nagtagal dahil sa isang
insidente, ang pagpatay ng ama niya sa kaniyang ina. Dito nagsimula
ang pag-ikot pababa ng kaniyang buhay kasama ng kaniyang kuya. Sa
una ay kinaya nila, subalit hindi nagtagal ay lumayas rin siya sa
nagkupkop sa kanila ng kaniyang kapatid sa loob ng dalawang taon,
iniwan niya ang kaniyang kapatid, ang dala lang ay mga damit.
Sa gitna ng kalungkutan at walang kasiguraduhan, nahanap niya
ang ampunan na aampon sa kaniya. Akala niya’y rito magsisimula ang
kaniyang bagong buhay, subalit hindi, dahil matatali lamang siya
sa kaniyang mga nagawa noon. At ang unang hakbang niya na paglayo
sa kaniyang nag-iisang pamilyang minamahal ay magiging unang
hakbang sa pagbalik rito.
Ang paburito niyang sabihin ay “’Wag mo nang subukan.” Dahil
prino-project niya ang kaniyang kahinaan sa mga taong may lakas ng
loob para mahalin siya. At nalulungkot siya dahil dito, na hindi
niya kayang gawin.
Flaw: Hindi niya kayang sabihin na mahal niya ang isang tao dahil
natatakot siyang makitang mahina, naging malakas siya noon at ito
ang naging sandigan niya para mapagpangibabawan ang isang
suliranin, bakti niya pa kailangang magbago? Mahilig din siya sa
mga stuff toys.
Ikalawang Bahagi:
Ang Pagbuo Sa Kuwento.
Setting:
Isang lumang ampunan. 2019.
Main Theme:
Mga dumaraang kamatayan na hindi napapansin ng lipunan at mga
tao sa loob nito.
Dramatic Question:
Makikita ba nila ang kahalagahan ng buhay?
General Plot:
Sa unang bahagi ay ipapakita ang buhay ng tatlo. Hindi
magtatagal ay ang pagkakaroon ng rebelas’yon o pagsubok, at
darating ang pagbabago. Ang pagbabagong ito ang magtatapos ng
kuwento.
Basically, iikot ang k’wento sa kung paano lulubog at mamatay
si Ema, babalik sa kaniyang kapatid si Lala, at ang pag-ampon kay
Mira.
Semiotics:
Ang mga pangalan ng mga karakter
ay malaki ang gampanin sa kanilang
karakter. Si Emerald, dahil ang bago
na emerald ay ang batong nagbibigay ng
lakas para makita ang kinabukasan,
ganoon din ang naging karatker ni
Emerald. Mayroon siyang lakas ng loob
para harapin ang dagok ng kinabukasan.
Sa kabilang banda, si Gumamela
naman ay kinatawan ng salitang
“ephemeral” na ang direktang salin ay
‘hindi nagtatagal.’ Ito ang dahilan
kung bakit siya lang ang mamamatay sa tatlo at kung bakit niya
sobrang pinapahalagahan ang nangyayari sa kasalukuyang pagkakataon
at hindi nakakulong sa hinaharap o sa nakaraan.
Ang huli naman ay si Lambong. Ang pangalan niya ay hango sa
salitang synonymous sa sapot. Sapot ang naging pangalan ni Lala
dahil sa paniniwala ng mga Native American na ang Dream Catcher ay
ang nag-lilinis o namimili ng mga panaginip. Ang dream catcher ay
gawa sa pabilog na kagamitan at pinaliligiran ng mga linyang kagaya
ng sapot. Paminsan-minsan ay nilalagyan ng iba pang mga gamit. Dito
nakuha ang pangalan ni Lala, ang sapot na hugis sa isang dream
cather. Subalit, ironically, hindi niya nakikita o napipili ang
mabuting nakaraan, bagkus ay masama lamang ang nakikita.
Gayunpaman, hindi lamang sa pangalan ng karakter umiikot ang
mga semiotics, nariyan din ang mga bagay na parati nilang nakikita
sa loob ng kuwarto. Ang mga bote, na walang laman, ang sketch pad
ni Ema, at marami pang iba. Isa-isahin natin ito.
Si Lala ay binigyan ni Jojo ng isang dreamcatcher, subalit
hindi talaga. At ala-ala lang ni Lala na ibinigay ito sa kaniya ni
Jojo, dahil hindi naman talaga, nais lang ipakita ng bahaging ito
na ang kalungkutan niya ay ang nagpapabago sa kaniyang memoria.
Ang mga boteng may lamang mga ginupit na plastic ay
nagpapakita ng bagay na may bagong meaning subalit sa maling paraan
at hindi na nagawa o nagamit pa sa kung ano dapat talaga ang dapat
gawin.
Ang mga drawings naman ni Ema ang nagpapakita ng kaniyang mga
saloobin, padilim ito nang padilim.
Ang subtitle ay isa sa mga pinaka mahalang aspekto ng kuwento.
Sa iilang pagkakataon, ang subtitle ay lumilipat ng mga lugar para
maipakita ang naratibo at execution ng truamacore, dreamcore,
surrealism.
Ang mga shot din na may malalaking angulo at may kakaibang
size ng frame ang magpapakita ng lalim ng bawat scene. Mahalaga
ang asymmetrical at imbalance sa mga shots.
Note: Ang listahang ito ay hahaba pa habang ginagawa ang script,
hanggang maaaring ay ‘wag munang i-print.
Inspiration for script and
general aesthetic:
Matapos kong masimulan ang
unang bahagi ng mga karakter,
nag-tungo agad a o sa kung anong
kagandahan mayroon ang mabubuong
film. Ano bang ibig sabihin ng
mga bagay na kailangan makita sa
film? Isa rito ay ang kamatayan
na walang nakaka-alam.
Nakakatakot at maganda. Walang
mag-aalala sa ‘yo subalit wala
rin makakaalala.
Kaya ang naging working title ng script ay “Memento Mori” ang
direktang salin ay “tandaan mong mamamatay ka.” Ito ang napili ko
dahil sa pilosopiya nito ukol sa hindi maiiwasang kamatayan.
Ang sumunod na ideya para
mabuo ang script at kabuuan ng
mga karakter ay ang mga lugar na
hindi mo pa napupuntahan
subalit mayroon ka nang alaala:
Liminal Spaces. Ang ibig-
sabihin ng ‘liminal’ ay isang
lugar, o bagay, na naghahati sa
dalawang lugar. Halimbawa ay
pinto.
Ang liminal spaces ay
parang déjà vu, o parang memory
mula sa past life pero ang
setting ng lugar ay hindi nanggaling sa nakaraan dahil sa modern
style ng isang lugar. Ang mga halimbawa nito ay school kapag wala
nang tao at madilim na ang paligid, o swimming pool sa gabi kapag
wala nang tao.
Isa sa mga naging pundas’yon ko rito ay ang Weird Core. Isang
uri ng Liminal Spaces na tumatalakay sa mga bagay na mahirap
intindihin at hindi gaanong nakikita sa mga araw-araw na
pangyayari. Ang mga halimbawa nito ay ang mga ala-alang nahahagilap
mo bago magising mula sa isang panaginip, mga boses kapag ika’y
natutulog, o mga ala-alang tumatakbo sa isipan mo kapag natutulog
ka na.
Ang inspiras’yon ko para kay Lala ay ang tinatawag na
Trumacore. Surreal naman ang para sa mga walang saysay na
kagustuhan ni Mira. At Dreamcore naman para kay Ema.

You might also like