You are on page 1of 5

Unibersidad ng Pilipinas Diliman

Kolehiyo ng Arte at Literatura

Departamento ng Aralin sa Sining

ARTS I – THZ-2

Bagabag 1: Ang GE para sa Pilipino at ang Kahon ng Sining.

Propesor: Prop. Rose Angelie M. Hernandez

Ann Dominique S. Cuisia

2020-10518
ANG GE PARA SA PILIPINO AT ANG KAHON NG SINING

Mula sa isinulat at sinabi ni Guillermo ukol sa General Education (GE), sumasang-ayon

ako na nararapat bigyan ng pantay na pagpapahalaga sa pangkalahatan at espesyalisadong mga

kurso. Esensyal ang mga kursong ito upang ihubog ang bawat estudyante hindi lamang maging

produkto na sasabak sa trabaho kundi upang matutunan maging kritikal sa lipunan, magkaroon ng

lakas ng loob makapagsalita, at iba pang kakayang pangmatagalang magagamit sa buhay.

Halimbawa na lamang, tinitignan ng ibang tao na hindi na kinakailangan pang mag-aral ng Fil40

o mga sabjek ukol sa Filipino sa pangkabuuan, dahil halos lahat naman ng trabaho rito sa Pilipinas

ay nakasentro sa paggamit ng Ingles. Ngunit sa mga sabjek lamang tulad ng Fil 40 natin

matututunang tignan at siyasatin ang wikang ginagamit halimbawa ng mga tumatakbo sa eleksyon.

Sa pagsisiyasat na ito, matututo tayong maging kritikal base sa kanilang plataporma at hindi na

tayo madadaan ng popularidad ng tao o ang kakayanan niyang sumayaw sa kaniyang sa kaniyang

commercial. Sa madaling salita, tama ang iginigiit ni Guillermo (14) na ang GE ay may malaking

gampanin upang turuan tayo hindi lamang upang makapagtrabaho kundi maging edukado. Isa pang

halaga ng GE sa kolehiyo ay kung paano nito mas naipalalalim ang pagkatuto sa edad na mas

marami ng karanasan ang estudyante. Halimbawa, sa usaping sining bilang sabjek, mula

elementarya hanggang Senior High School, ang naranasan kong pag-aaral para rito ay ukol sa

kasaysayan ng sining sa buong mundo at sa Pilipinas, ano ang mga tamang paraan ng pagkukulay,

pagpipinta, at iba pa. Ngunit ngayon lamang sa kolehiyo nagkaroon ng mas malalim na atake ng

sining kung saan ang pokus ay pagiging kritikal. Nasa antas ng kolehiyo mas napapaigting ang

interdisiplinaryong pagkatuto ng mga estudyante.

Subalit malinaw ang kahalagahan ng GE, patuloy na usap-usapin ang pagbabawas ng

minimum na units na kinakailangnan para sa kolehiyo. Marahil sa panig ng mga estudyante, paulit-

2
ulit na lamang ito, mula Senior High School pa-kolehiyo, halos walang pinagkaiba ang mga sabjek

na ito kung kaya’t maraming estudyante ang nanghihinayang sa dagdag na dalawang taon ng K-

12. Ang sistema ng edukasyon natin ngayon ay mayroong pangggigiit sa mga estudyante mula

bata pa lamang na “kaya sila nag-aaral para makapagtrabaho” kung kaya’t hindi nakapagtataka na

maraming estudyante ang sumasang-ayon sa pagbabawas ng units na ito. Ngunit sa kabilang

banda, hindi naman natin masisisi ang bawat batang Pilipinong nag-aapura lalo na’t marami

sakanila ang tumatakbo sa isang karera upang maiahon ang pamilya sa kahirapan (Bernardo and

Fernando Resurreccion 3). Nakaugat din ang pag-aapurang ito sa mahal na gastusin upang

makapag-aral ang estudyante at ang pagdadagdag ng mga taon ng pag-aaral para sa mga sabjek na

uulitin lamang din nila ay tunay nga naming nakakapanghinayang. Sa mga sinabing itong dahilan,

hindi nangangahulugan na dapat nang bawasan ang GE, dahil mahirap para sa panig ng estudyante,

bagkus magkaroon dapat ng mas mabisang sistemang pang-edukasyon kung saan may akses ang

bawat Pilipino sa isang kalidad na edukasyon. Hindi natin tuluyang maigigiiit ang kahalagahan ng

GE sa isang lipunang nagmamadali rin ukol sa globalisasyon nang walang pagtingin kung may

naiiwanan.

Isa sa mga GE courses ay patungkol sa sining. Mula sa isinulat ni Stecker (137) ukol sa

depinisyon ng sining, makikita natin na marami ng sumubok mula sa iba’t ibang parte ng mundo

na bigyang depinisyon ang sining. Isa sa mga naging depinisyon ng sining ay ang kakayahan

nitong maging isang representasyon at magpakita ng emosyon ng artista. Sinabi rin na mayroong

mga sining na nagpapakita ng madamdaming emosyon habang walang representasyon. Ngunit,

totoo nga bang may mga ganitong pagkakataon? Hindi ba’t nakaakibat din ang emosyon na

maryoon tayo sa lipunan o kalikasang pinapalagyan natin? Halimbawa na lamang, ang isang pintor

3
na nakatira sa isang mundong puro dagat lamang at walang kahit anong matataas na gusali o

kabundukan. Upang ipakita niya ang kalungkutan niya sa kaniyang mga sining, gagamit siya ng

mga bagay, kulay o element mula sa mundong kaniyang nakikita upang irepresenta ang kaniyang

nararamdaman. Hindi ba’t sapat isipin na ang kaniyang pintang dagat na nagpapakita ng kaniyang

kalungkutan ay isa ring representasyon na tanging dagat lamang ang mayroon sa kaniyang

tinitirhan? Gayunpaman, ibinasura ang depinisyong ito dahil mayroong mga sining na hindi raw

nagpapakita ng emosyon ng artista. Sa kabuuan ng binasa, andoon ang tanong, tulad ng sinabi sa

babasahin na ano nga ba ang gusto nating makuha o makamit mula sa pagbibigay depinisyon ng

sining? Sa pagbibigay depinisyon natin, hindi ba’t katulad ng pagbibigay ng depinisyon ng

pilosopiya, magreresulta ito ng pagkakakulong nito? Kung ikakahon natin siya sa mga istandard

na nais natin o batay sa mga sining na makikita natin ngayon, hindi ba’t tinatanggalan natin ang

sining ng kapangyarihan mas maging malalim at maging makabuluhan sa kaniyang panahon?

Hindi ba’t ang sining, napatunayan na sa paglipas ng panahon, ay progresibo at patuloy na

nagbabago, patuloy na winawasak ang nakagawian, at patuloy na nagbubukas ng panibagong

anyo? Nararapat din ba na mayroong istandard o depinisyon ang sining upang malamang kung

sining ang isang obra o hindi? Hindi ba’t ang artista ang tanging makakapagsabi kung ang

kaniyang ginawa ay sining o hindi? Kung sa ganyon, sino ang mga artista? Masasabi ba natin na

ang bawat tao ay artista o may kakayahang maging artista dahil sa kakayahan nating gumawa,

mag-isip at maging malikhain? Sa napakalawak at napakalalim na aspeto ng sining, baka hindi

natin napapansin na ang bawat bagay na nakikita o nararamdaman natin sa ating lipunan ay

nakakabit at nagmumula sa sining.

4
SANGGUNIAN

Bernardo, Allan, and Katrina Fernando Resurreccion. “Financial Stress and Well-Being of Filipino

Students: The Moderating Role of External Locus-of-Hope.” Philippine Journal of

Psychology, vol. 51, no. 1, 2018, https://doi.org/10.31710/pjp/0051.01.03.

Guillermo, Ramon G. “Interdisiplinarisasyon Ng General Education (GE): Salungat Sa Layunin

Ng GE Mismo?” Philippine Humanities Review, vol. 17, no. 1, 2016.

Stecker, Robert. “Definition of Art.” In The Oxford Handbook of Aesthetics, 136-154, edited by

Jerrold Levinson. New York: Oxford University Press, Inc. (2003).

You might also like