You are on page 1of 1

Sa kasalukuyan, ang ating mundo ay nahaharap sa iba’t-ibang uri ng suliranin/hamon.

Ilan sa mga
pandaigdigang suliranin na kinkaharap natin ay ang problema sa bumubulusok na ekonomiya, ang
patuloy na pagbaba ng moralidad ng ating lipunan, ang patuloy na pagtaas ng gasolina at ng mga
pangunahing bilihin, pagtaas ng talaan ng krimen, pagtaas ng suliraning pangkalusugan bunsod ng
nararanasang pandemya maging ang mga iba’t-ibang uri ng karamdaman na tila walang katapusan.

Dahilan sa mga bagay na ito, ang atIng mga puso at isipan ay nababahala. Nagkakaroon tayo ng mga
agam-agam at alalahanin kung ano na nga ba ang maaaring mangyari o mangyayari pa sa hinaharap.
Sadyang ang ating bukas ay hindi natin tanto at tila baga ito ay nakakatakot sa kadahilanang ang mga
kasalukuyang nangyayayri sa ating mundo ay tila tubig na hindi natin maaaring mahawakan o makontrol
sa ating mga kamay. Ang lahat ay walang kasiguruhan at marami pang iba.

Ngunit sa kabila ng mga bagay na ito, tayo ay maaaring makasumpong ng pag-asa, kasiguruhan at
kapayapaan o kapanatagan sa Salita ng Dios. Ang ating Panginoong Jesus ay nagwika sa Mateo 24 na ang
mga palatandaang ito ay tunay na magaganap sa mga huling araw ng sanlibutang ito. Nakakatuwang
isipin na ang mga pangyayaring ito ay mga palatandaan pala ng napakalapit na Niyang muling pagdating.
Nagpapahayag lamang ang mga bagay na ito na ang bawat isa sa atin ay maghanda para sa Kaniyang
pagbabalik. Ipinapaalala sa atin ng mga nararanasan natin na tayo ay hindi kailangang mabagabag
bagkus tayo ay kailangang magalak at masabik sapagkat malapit nang matupad ang Kaniyang pangakong
tuluyan ng wakasan ang kasalanan, kahirapan, karamdaman, kalungkutan at maging ang kamatayan.

Isang napakagandang pangako ang iniwan ng Panginoong Jesus sa Kaniyang mga alagad sa Juan 14:1-3
at ang pangakong ito ay maaari rin nating mapanghawakan. Ang Panginoon ay naghahanda ng tahanan
para sa bawat isa sa atin at nasusulat din sa Kapahayagan 21:4 na sa Kaniyang pagbabalik ay papawiin
Niya ang lahat ng mga luha sa ating mga mata, wala ng kamatayan o kalungkutan man, o pag-iyak, at
wala na ring mararamdamang sakit. Ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus ang ating tanging
mapalad na pag-asa!

You might also like