You are on page 1of 1

Sa pangalan ng bugtong na sugo na si Father Lahi, sa pinakamaliit na lingkod na si Elder Ver kasama si

Bro Ruel, at lalong higit sa tunay at nag-iisa, ang may-ari ng walang katulad, walang kapantay, walang
katapat, kataka-taka, kagulatgulat at kagila-gilas na kapangyarihan, ang Bugtong at Buhay na dios ng mg
adios Panginoong Jesukristo na Pinakamakapangyarihan sa lahat.
Bakit nga ba tayo nag-aalinlangan?
Bago natin nakilala ang daang ito tungo sa katotohanan, bawat isa sa atin ay madalas makaramdam ng
pag-aalinlangan.
Anon ga ba pag sinabi nating pag-aalinlangan?
Ito ay maihahalintulad sa salitang pagdududa o di naman kaya ay kawalan ng tiwala sa isat isa.
Gaya ng nangyari sa panahon ni Eva at Adan, sa aklat ng Genesis tres, Kung saan ipinakita doon ang
sinapit ng dalawa dahil kanilang pinagdudahan ang sinabi ng Panginoong Jesukristo tungkol sa
ipinagbabawal na puno….
Ganun din ang nangyari kay Pedro sa aklat ni Mateo katorse disasais hanggang trenta’y tres ng muntik na
siyang lumubog sa kaniyang kinatatayuan dahil sa liit ng kaniyang pananampalataya sa Panginoong
Jesukristo..
Bilang isang mananampalataya, mahalaga na iwaksi natin sa ating isipan ang pag-aalinlangan sapagkat
ito’y lason na maaring ikapahamak ng sinuman..
Kaya ang tanong: Bakit ka pa nag-aalinlangan kapatid ko?
Sa mga panahong pinagaling ka sa iyong karamdaman,
iniligtas ka sa bingit ng kamatayan,
tinupad ang iyong matagal na kahilingan,
mayroon pa ba tayong natitirang dahilan
upang mag-alinlangan pa sa piniling daan tungo sa katotohanan?
Wala na kapatid ko! Wala ng dahilan pa upang malayo tayo sa piling ng tunay at nag-iisa, ang Bugtong at
Buhay na dios ng mg adios Panginoong Jesukristo na Pinakamakapangyarihan sa lahat.
Muli nga ay ating saksihan ang kagila-gilalas na kapangyarihan ng Panginoong Jesukristo sa aklat ni
Mateo disisyete: katorse hanggang bente-uno. Kung saan pinagaling niya ang batang sinapian ng
masamang espirito.
At tinanong ni Jesus ang ama ng bata “ Kailan pa nagkakaganyan ang batang iyan?”
At sumagot ang ama ng bata, “ Jesus, simula pa po noong maliit siya! Gusto po siyang patayin ng
masamang espirito. Madalas inihahagis po siya nito sa apoy at itinatapon siya sa tubig. Subalit kung may
magagawa kayo, kami po ay kaawan at tulungan Ninyo!”
At sumagot ang Panginoong Jesukristo, “Kung may magagawa ako?” “Maniwala ka, mangyayari ang lahat
sa sinumang may pananampalataya!”
Kaya naman hindi sa lahat ng oras ay tama ang sinasabi ng isang pahayag sa wikang Ingles na, “To see is
to believe”.
Hindi naman talaga natin kailangang hawakan ang apoy upang malaman na mainit ito, o di naman kaya
languyin ang dagat upang malaman kung malalim ito.
Sabi nga sa aklat ni Hebreo onse uno, “Ngayon ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga
bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita” Sa madaling salita, ang
pananampalataya ay magbibgay sa atin ng pag-asa sa inaasam natin at tiwala sa mga bagay na hindi natin
nakikita.. Ang mga taong taimtim na naghahanap sa Diyos ay hindi siya nakikita, ngunit alam nila na siya
ay totoo at buhay sa pamamamagitan ng kanilang pananampalataya. Maraming salamat po.

You might also like