You are on page 1of 2

“BUHAY KO”

Sa kawalan ng oportunidad sa pangangailangan,

Aking iniwan bayang kinalakihan.
Hawak ang pag-asang makahanap ng trabaho,
Upang aming pamumuhay ay magbago.
Sa abroad, pamumuhay hindi magaan.
Lahat ng hirap aking pinagdadaanan.
Wala akong masasandalan
Sa oras ng aking kalungkutan.
Ang masidhing pangungulila,
Kayakap ko hanggang umaga.
Mga mahal sa buhay, aking gustong makita.
Ngunit ito’y maaari lamang sa ala-ala ng mga iniwanang sinta.
Naranasang ‘di matulog, sikmura’y kumakalam.
Minsan pa’y nakaririnig ng salitang maaanghang.
Tingin sa katulad ko’y isang maliit na langgam.
Lahat ay ililihim sa kanila, sasabihing “Okey lang”
Para sa kinabukasan,
Ang sakrispisyong nilalaan.
Para sa aking pamilya
Hangad ko'y kanilang saya.
Sa lahat ng OFW na katulad ko,
Ako po sa inyo’y saludo.
Tinuturing na bayani sa mata at puso.
Buhay OFW pinagmamalaki namin sa inyo.

Ainah Janiel L. Dela Cruz

10 – Zara
Ainah Janiel L. Dela Cruz “BUHAY KO”
10 - Zara

You might also like