You are on page 1of 1

Panuto: Dugtungan ang mga pahayag.

Isulat ang wastong isyung personal o isyung panlipunan batay sa


hinihingi ng pahayag. Isulat ang iyong sagot sa likod ng pahinang ito. 
1. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng tatay at nanay ni Pilar dahil dito ay maaaring mahirapan sa
pag-aaral si Pilar at ang kanyang dalawang kapatid sapagkat nawalan ng trabaho ang kaniyang
ama at ina at maaaring hindi matustusan ng kanilang mga magulang ang kanilang mga
pangangailangan sa pag-aaral. Maaaring ding huminto sa pag-aaral sila Pilar dahil hindi sapat ang
kaya ng kanilang pamilya para bayaran ang mga gastusin sa paaralan.

2. Tambak ng basura ang bubungad sa Barangay 219, ang umaapaw na basura na ito ay nagdudulot
ng polusyon sa hangin at mga respiratory diseases. Isa sa mga resulta ng umaapaw na basura ay
ang polusyon sa hangin, na nagdudulot ng iba't ibang respiratory diseases tulad ng asthma,
chronic obstructive pulmonary disease (COPD) , at iba pang masamang epekto sa kalusugan dahil
ang mga contaminant ay naa-absorb mula sa mga baga patungo sa ibang bahagi ng katawan. Hindi
lamang nito nadudumi ang ating paligid, ngunit nagdudulot din ito ng masasamang amoy at
naghihikayat sa pagpasok ng mga ipis, langaw at iba pang mga insekto.

3. Lubhang malaki ang epekto ng COVID-19 sa bansang Pilipinas, sa unang 3 buwan ng Pandemya,
bumaba ang ating ekonomiya dahil maraming tao ang nawawalan ng trabaho at negosyo dahil sa
quarantine, kaya bumaba ang productivity ng bansa natin. Sinarado rin ang mga mall kaya sobrang
naapektuhan ang mga taong may entrepreneurial micro-business. Ang isa pang hamon para sa
mga taong kailangan pang mag-commute para magtrabaho ay dahil kakaunti lamang ang mga
pampublikong transportasyon, tumaas pa ang pamasahe. Nang nagpatuloy na ang pag-aaral,
kailangan kong manatili sa bahay. Kaya mahirap iyon dahil halos nag-aaral ako at sinusubukang
kong balansehin ang aking mga gawain sa paaralan at bahay. Malaking tulong na narito ang
pamilya ko, ngunit mahirap pa rin ang walang pagitan ang oras ng trabaho at oras ng pamilya.

You might also like