You are on page 1of 6

PAGSAGOT SA MAGULANG:

KAWALANG-GALANG BA KAHIT IKAW TAMA?

Isang Pag-aaral
Na Iniharap sa Guro ng Komunikasyon at Pananaliksik
sa Wika at Kulturang Filipino
Mataas na Paaralan ng San Pedro Relocation Center NHS – Main
San Pedro, Laguna

MGA PANGALAN

ALEXANDER RHAINE Q. BUTIAL


EDJAY BRYLLE E. MENIL
ADRIAN PAJARILLO
AARON D. CEZAR
JHON ROBERT O. VILLEGAS
MENGFEE OMBROG JR.
JUDY CHEN MAJAIT

SEKSYON
TVL - G
2023
RASYONAL AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Masakit para sa magulang ang pagsagot ng bata sa kanila sa paraang

nakababastos at hindi maganda.Kung saan ang mga pagsagot ng pabalang ng anak

ay nag-iiwan ng sugat sa puso ng bawat magulang,pero kung ating iisipin ano nga

ba

ang posibleng dahilan upang magawa nila ito?Marahil ba’y tama sila sa kanilang

pananaw kung kaya’t nagagawa nilang magrason o mangatwiran?

Ang pagsagot sa magulang ay di kataka-takang sakit na ng mga kabataan sa

kasalukuyang panahon.Itinuturing itong kawalang-galang at kawalang-respeto na

gawain.Hindi natin basta-basta sinasagot ang ating magulang dahil sila ang taong

humuhubog at naglilinang sa pagkatao natin.Sila rin ang nagsisilbing gabay kapag

tayo ay nagkukulang at tuwing may dumadating na pasubok sa ating buhay.Alam din

natin na sila ang may mas kaalaman sa kung ano ang tama at mali,pero paano kung

isang beses ay ang anak ang tama at ang magulang ang mali?Hindi naman natin

masasabi na perpekto ang mga magulang para hindi magkamali.

Ayon kay Badayos (2001) ang pangangatwiran ay isang pagpapahayag na

nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang panukala ay maging

katanggap-tanggap o kapani-paniwala.Layunin nito na hikayatin ang mga

tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ng kanilang pananalig o paniniwala sa

pamamagitan ng makatwirang pamamahayag.


Ayon naman kay Arogante (1994) sa pangangatwiran,ang katotohanan ay

pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason.Ang mga

pahayag na ito ang magiging basehan kung ang pangangatwiran ng isang kabataan

ay katanggap-tanggap at wasto para makipagargumento sa kaniyang magulang.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang

sumusunod na katanungan:

1.Kawalang-galang nga ba ang pagsagot sa magulang kahit ikaw ang tama?

2.Kailan masasabing katanggap-tanggap ang pagsagot sa iyong magulang?

3.Ano ang batayan para maging wasto ang pangangatwiran sa magulang?


LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay may pangkalahatang layunin na mabatid ang


Pagsagot sa magulang:Kawalang-galang ba kahit ikaw ang tama?
___________________________________________________________________.

Ang mga tiyak na layunin ay ang sumusunod:

1.Upang matanto kung ang pagsagot sa magulang ay kawalang-galang kahit ikaw

ang tama.

2.Upang matiyak kung kailan masasabing katanggap-katanggap ang pagsagot sa

magulang.

3.Upang malaman kung anong batayan ang gagamitin para sa kawastuhan ng

pangangatwiran sa magulang.
REBYU NG KAUGNAY NA LITERATURA

Ang pagsagot sa magulang ay batid nating hindi maiiwasan sa pangaraw-araw

na pamumuhay.May mga iba’t ibang dahilan para tayo ay maimpluwensiyahan na

gawin ito.May mga sitwasyon na nagtutulak sa atin upang mapunta tayo sa punto na

kailangan nating makipagsagutan.Ang pakikipagtalo ay alam nating masakit sa

kalooban lalo na kung mahal mo sa buhay ang iyong kaaway.Ito ay masasabi nating

problema na kailangan nating hanapan ng solusyon.Ang pakikipagsagutan ay

maaaring mahantong sa hidwaan sa loob ng pamilya.Pagkakaroon ng di

pagkakasundo at di pagkakaintindihan sa isa’t isa.

Ayon kay Kira Birditt (2013) ang magulang-anak na relasyon ay isa sa

pinakamahabang pangmatagalan na ugnayang panlipunan ng tao.Masasalamin

natin dito na walang makapapantay sa relasyon na mayroon ang magulang sa anak

nito.Hindi basta natitibag ito at dito masusukat kung gaano kalalim ang pagmamahal

ng isang pamilya sa isa’t isa.Kung kaya’t huwag hayaang mawala ang relasyon sa

iyong magulang dulot lamang ng pakikipagsagutan.Kahit na tama ka man o mali ay

mariing iwasan ang pakikipagsagutan o argumento bagkus pagusapan ito sa

mahinahong paraan.
SANGGUNIAN

Badayos (2001)

Arogante (1994)

https://www.coursehero.com/file/p3n3e5us/Ayon-kay-Badayos-2001-ang-
pangangatwiran-ay-isang-pagpapahayag-na-nagbibigay-ng/#:~:text=Ayon%20kay
%20Badayos%20(2001,katwiran%20o%20rason

Kira Birditt (2013)

https://www.bing.com/search?
q=kira+birditt+about+parent+child+relation&cvid=0fd5cb204c14461e811cc0ec41206
bf3&aqs=edge.0.69i59l2j69i57.5717j0j1&pglt=41&FORM=ANNTA1&PC=NMTS#:~:t
ext=Date-,The%20parent%20%2Dchild%20relationship%20is%20one%20of%20the
%20longest%20lasting%20social%20ties%20human%20beings%20establish%2C
%20said%20Kira%20Birditt%2C%20lead%20author%20of%20the%20study%20and
%20a%20researcher%20at%20the%20University%20of%20Michigan%20Institute
%20for%20Social%20Research%20(ISR).,-EMOTIONAL%20STABILITY%20AND

You might also like