You are on page 1of 7

3RD GRADING WEEK 1

Uri ng Pang-abay
 

Uri Kahulugan Halimbawa

- pang-abay na nagsasaad
kung kailan ginanap, - Ayon sa aklat ng búhay ay
1. Pamanahon ginaganap, o gaganapin ang ugaliin nating magsimba tuwing
sinasabi ng pandiwa sa araw ng pangilin.
pangungusap.

- pang-abay na tinatawag na
- Sa buong mundo ay laganap
pariralang sa. Kumakatawan ito
2. Panlunan ang iba't ibang uri ng aklat ng
sa lugar kung saan ginagawa
búhay.
ang kilos.

- pang-abay na sumasagot sa - Unti-unting basahin at


tanong na paano unawain ang mga aral sa aklat
3. Pamaraan ginanap, ginaganap, ng buhay.
o gaganapin ang sinasabi ng
pandiwa sa pangungusap.
WEEK 2

Iba Pang Uri ng Pang-abay 

Uri Kahulugan Halimbawa

- lto ang pang-abay


na nagsasaad ng pagsang-
- Totoong nakalalayo sa
ayon. Ang ilan sa ganitong uri ng
1. Panang-ayon kasamaan ang pakikinig sa payo
pang-abay ay oo, opo, totoo,
ng matatanda.
tunay, talaga,walang duda, at
iba pa.

- lto ang tawag sa mga pang-


- Hindi maikakaila na ang
abay na nagsasaad ng
pagsunod sa tama ay
2. Pananggi pagtanggi o di pagsang-
nagdudulot ng katagumpayan at
ayon tulad ng hindi, ayaw, wala,
kapayapaan sa bühay.
at iba pa.

- lto ang pang-abay


na nagpapahayag ng di
katiyakan sa kilos na - Marahil madali mong maaabot
3. Pang-agam ipinahahayag ng pandiwa. Ang ang pangarap sa bühay kung
ilan sa mga pang-abay na ito ay susunod ka sa tamang payo.
ang mga salitang gaya ng tila,
marahil, bakä, siguro, at iba pa.
WEEK 3

                                     Iba Pang Uri ng Pang-abay  

Uri Kahulugan Halimbawa

- pang-abay na nagsasaad ng
kondisyon para maganap ang - Mapatutunayan ni Phaethon
kilos na isinasaad ng pandiwa. na anak nga siya ni Araw kung
1. Kondisyonal
Ito ay mga sugnay na pupunta siya sa palasyo ng
pinangungunahan ama.
ng kung, kapag o pag, at pagka.

- pang-abay na nagsasaad ng
dahilan sa pagkakagawa ng kilos - Dahil sumumpa si Helios sa
2. Kusatibo sa pandiwa. Binubuo ito ng llog Styx ay hindi na niya
sugnay na pinangungunahan mabawi ang pangako sa anak.
ng dahil o dahil sa.

- nagsasaad ng benepisyo para
sa tao dahil sa pagkakaganap sa
- Ang pagpapatakbo ni Phaethon
kilos ng pandiwa o ng layunin ng
3. Benepaktibo ng Karwahe ng Araw ay para sa
kilos ng pandiwa. Binubuo ito ng
sarili.
pariralang pinangungunahan
ng para sa.
 
WEEK 4

Pagkakaiba ng Pang-abay at Pang-uri


            Ang pang-uri at ang pang-abay ay parehong naglalarawan o nagbibigay-turing sa mga
salita ngunit ang mga ito ay nagkakaiba dahil sa bahagi ng pananalitang kanilang tinuturingan.
 
 Ang pang-uri ay salitang nagbibigay-turing
sa pangngalan o panghalip.

Halimbawa:

 Ang pang-abay ay salitang nagbibigay-turing


sa pandiwa, pang-uri, at kapwa pang-abay.

Halimbawa:

 
WEEK 5
Pang-ugnay
            Mga pang-ugnay ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang
salita, ng dalawang parirala, o ng dalawang sugnay at pangungusap.

1. Pangatnig—tawag sa kataga o salitang nag-uugnay ng dalawang salita,


parirala, o sugnay na pinagsunod sa pangungusap.
2. Pang-angkop —ang mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Napagaganda

                                  at napadudulas nito ang pagbigkas sa pinaggagamitan nito.

Halimbawa:
 na—inaangkop sa mga salitang nagtatapos sa katinig tulad
ng b, k, p, at iba pa

Halimbawa: hukom na tapat                        


mahusay na abogado
 ng—ginagamit ang ng kung ang inaangkupan ay nagtatapos
sa patinig at n

Halimbawa: mabuting tao                            


totoong tapat

Kapag nagtatapos sa n ang salita ay napapalitan


ang n ng ng.

3.Pang-ukol—tawag sa kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita


sa pangungusap tulad ng ng, ni/nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, ukol sa/kay,

                           tungkol sa/kay, hinggil sa/kay, alinsunod sa/kay.

    Halimbawa:
 Ang katarungan at kapayapaan ay para sa mga inosente at
walang sala.

WEEK 6

Pangungusap at Mga Bahagi Nito


            Ang pangungusap ay salita o pangkat ng mga salitang may buong
diwang nagsisimula sa malaking titik at nagtatapos sa tamang bantas.
 
Ang pangungusap ay kadalasang binubuo ng simuno at panaguri.
 
 Paksa o Simuno—lto ang bahaging pinag-
uusapan na maaaring payak o tambalan.

Halimbawa:
 Ang anak at ang tatay ay nag-uusap.

(Ang anak at tatay ang paksa, ang pinag-


uusapan. Dalawa ang pangngalan
kaya tambalan ang paksa o simuno).
 Sila ay nag-uusap.

(Sila ang paksa. Ito ay payak na paksa


dahil iisa lamang ang pinag-uusapan dito.
 Ang nag-uusap ay malulungkot.

(Nag-uusap ang paksa. Ito ay payak na paksa


dahil iisa lamang ang pinag-uusapan.)
 Nagpasiyang mangibang-bayan ang malungkot at ang sawi.

(Malungkot at sawi ang paksa. Dalawa ang


pinag-uusapan kaya tambalan ang paksa.)

Ang pang-uri o pandiwa kapag ginamit bilang simuno o paksa ay magiging pangngalan


atmaaaring simuno ng pangungusap.

  Panaguri – lto ang bahaging nagsasabi tungkol sa paksa. Ito ay maaaring payak o


tambalan din. Halimbawa:
 Si Adel ay anak at kapatid.

(Anak at kapatid ang panaguri, dahil ang mga


ito ay nagsasabi tungkol sa simuno o paksa.
Dalawa ang panaguri kaya ang mga ito
ay tambalan. Pangngalan ang mga panaguring
anak at kapatid.)  
 Ang ama at anak ay nag-uusap.

(Nag-uusap ang panaguri. Ito ay payak na


panaguri dahil iisa lamang ang nagsasabi
tungkol sa paksa. Pandiwa ang panaguring
nag-uusap.)
 Ang nag-iisip ay siya.

(Siya ang panaguri. Ito ay payak na panaguri


dahil iisa lamang ang nagsasabi tungkol sa
paksa. Panghalip ang panaguring siya)
 Matapang at pursigido si Adel.

(Matapang at pursigido ang
panaguri. Dalawa ang nagsasabi tungkol sa
paksa kaya tambalan ang panaguri. Pang-
uri ang mga panaguring matapang at
pursigido.)

 
WEEK 7

Bahagi ng Pananalita Bilang Simuno at Panaguri


            Ang
ilang bahagi ng pananalita ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-
uri, at pang-abay. Ang mga ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo
ng dalawang bahagi ng pangungusap— ang simuno at panaguri. 

 
 Ang simuno ay bahaging nagsasabi kung ano o sino ang pinag-
uusapan sa pangungusap. Ang payak na simuno ay nag-iisang
pangngalan o panghalip Ang buong simuno ay binubuo
ng pangngalan o panghalip (payak na simuno) at iba pang salitang
kasama nito. Ang pangngalan o panghalip ang pinakamahalagang
simuno.

Halimbawa:
 Kampeon ng masa si Ramon.

(Pangngalan ang simuno)
 Siya ay minahal ng mga Pilipino.

(Panghalip ang simuno)
 Ang panaguri naman ay nagsasabi tungkol sa simuno. Ang payak
na panaguri ay maaaring pangngalan, pandiwa, panguri, pang-
abay, o panghalip. Ang buong panaguri ay binubuo ng pangngalan,
pandiwa, pang-uri, o panghalip (payak na panaguri) at iba pang
salitang kasama nito.

Halimbawa:

 
 Si Monching ay bata.

(Pangngalan ang panaguri)
 Mabuti at maalalahanin si Monching.

(Pang-uri ang panaguri)
 Ang mabuting kaibigan ay siya.
(Panghalip ang panaguri)

 
WEEK 8

Bahagi at Ayos ng Pangungusap


 
Ang pangungusap ay salita o pangkat ng mga salitang may buong diwang nagsisimula sa
malaking titik at nagtatapos sa tamang bantas.

May pangungusap na binubuo ng dalawang panlahat na sangkap: ang panaguri at ang


simuno.

 Simuno —Tinatawag ding paksa. Ang bahaging pinagtutuonan ng pansin sa loob ng


pangungusap. Nåsa simuno ang pokus na sinasabi sa loob ng pangungusap.

Ang simuno ay payak kung ito ay basal samantalang buo kung isinasama ang lahat ng mga


salitang tumutulong sa simuno.
 Panaguri – Ito ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol
sa simuno. Sinasabing ang panaguri ang nagsasabi tungkol sa paksa o simuno. Maaari din itong
payak o buong panaguri.

Halimbawa:

Ang malusog na baka ay may maraming pakinabang.

Buong simuno:                       Ang malusog na baka

Payak na simuno:                   baka

Buong panaguri:                    ay may maraming pakinabang

Payak na panaguri:                pakinabang

You might also like