You are on page 1of 1

MAIKLING KWENTO AT NOBELANG PILIPINO

📝Sa isang artikulo, sinasabi sa mga sangay ng panitikan na "ang maituturing na


pinakaanak-isip ng pagsasamang Pilipino at Amerikano ay ang maikling kuwento". Ang mga
Amerikano ang nagdala ng sining na ito sa Pilipinas o masasabi natin na ito ay bunga ng
amerikanisasyon . Dahil likas sa ating mga pinoy ang pagtuklas at pagpapalalim sa ating mga
bagong karanasan ay lubusan itong yinakap bilang bahagi ng ating kultura hanggang sa
kasalukuyan. Umusbong sa larangan na ito ang iba't ibang kwento mula mismo sa panahon na
kinabibilangan ng may akda.
kahusayan

📝Sa mga sangay ng panitikan, sinasabi na ang maituturing na pinakaanak-isip ng


pagsasamang Pilipino at Amerikano ay ang maikling kuwento. Ang Amerika nang sakupin nila
ang Pilipinas, ang nagdala ng sining na ito rito o ang maikling kwento ay bunga ng
Amerikanisasyon. Dahil likas sa ating mga Pinoy ang pagtuklas sa mga bagong kaalaman ay
tinangkilik hanggang tuluyang nakahiligan, nakasanayan at naging bahagi ng ating kultura.Ang
kauna-unahang lumikha at nagpakilala sa anyo ng pagsusulat ng maikling kuwento sa panitikan
ay si Edgar Allan Poe na ngayon ay kinilala bilang “Ama ng Maikling Kuwento.” Samatala sa
Pilipinas, si Deogracias A. Rosario ang binigyan turing dito dahil sa kahusayan niya sa sining
ng pagsulat ng maikling kuwento.

📝Ang maikling kuwento ay isang masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang


maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan at aral sa isip ng mga mambabasa. Sa pamamagitan
ng maikling kwento, malalaman natin ang iba't ibang kultura at pinagmulan ng bawat pangkat o
indibidwal. Mula sa mga kuwento ay masasalamin natin ang paniniwala, pagpapahalaga, uri ng
pamumuhay mayroon ang isang pangkat, pananamit, at kanilang tradisyon. Malaking tulong ito
upang maunawaan natin kung bakit ganito ang perspektibo ng isang tao at kung bakit ganyan
siya kumilos o magsalita. Sa isang upuan lamang mababasa natin ang maikling kwento subalit
ang laman nito'y magbibigay na sa atin ng bagong mundo habang ito'y sinusuri. Tulad ng sa
isang partikular na panahon, kahit hindi pa tayo pinapanganak ay nananatili pa rin ang ating
kamalayan sa mga mahahalagang pangyayari, mga sikat na tao at kanilang kontribusyon, at uri
ng kanilang pagkabuhay. Sa pangkalahatan, maituturing natin na masining, malaman, at
malalim ang maikling kwento. Ang kontent ng isang maikling kwento ay hindi lamang
basta-basta nagbibigay katatawanan o nagsisilbing libangan. Kailangan mayroon na kwenta
ang isang kwento.

You might also like