You are on page 1of 14

Q2W10

1. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto.
Tomas de Aquino?
a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos.
b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran.
c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
2. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang
papel ng kilos-loob?
a. Umunawa at magsuri ng impormasyon.
b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip.
c. Tumulong sa kilos ng isang tao.
d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos.
3. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya?
a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na
ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan.
b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang
kilos-loob.
c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng
isang kilos.
d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos.

4. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay


manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano
kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos
at bagong masamang hangarin sa masamang kilos.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama.
d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama.
5. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay
kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi
lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng
iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene?
a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan
Gawain B.
Madali lang yung limang bilang diba? Ngunit itong pangalawang gawain ay
mayroong sampung puntos ka kung mabubuo ang mga pangungusap gamit ang mga
salitang nasa kahon ay magaling. Kaya, isip-isip. Okay?
paraan sirkumstansya layunin sino ano paano makataong-kilos
kahihinatnan pagkatao saan

1. Ito ang pinaka_____ o pinatutunguhan ng kilos.


2. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat.
3. Mayroong apat na salik ang __________.
4. Ang Makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin
ang ating _______.
5. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang
layunin.
6. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring
maapektuhan ng kilos.
7. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos.
8. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may
kaakibat na pananagutan.
9. Ito ang tumutukoy sa lugar kung ____ ginagawa ang kilos.
10. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o
nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

Q2W9

1. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na
mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga
tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha
niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni
Jimmy?

a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.

b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.

c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos.

d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob
na kilos

2. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa
kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera
nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong
kasamaan ang kaniyang ginawa dahil_______.
a. kinuha niya ito nang walang paalam
b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang
c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang
d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto.

3. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng
asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa
babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop
sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon?

a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o


masama.
b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama
d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos.

4. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya.
Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-
araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang
prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito?
a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama.
b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama.
c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama.
d. And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos.
5. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka
nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa
iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito?
a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita.
b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya.
c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit.
d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa
pagsusulit.

Q2W6

1. Ilan lahat ang yugto ng makataong kilos?

a. 10 c. 12
b. 11 d. 13

2. Sa anong kategorya nabuo ang mga yugto ng makataong kilos?

a. Isip at kilos-loob
b. Intensiyon at layunin
c. kilos-loob at paghuhusga
d. dignidad at layunin

3. Anong kategorya ang napalooban ng pagkaunawa ng isip?

a. Kilos-loob c. layunin
b. isip d. kalayaan

4. Ilang yugto mayroon ang kilos-loob na kategorya?

a. 4 c. 7
b. 5 d. 6

5. Anong yugto na ang ibig sabihin ay resulta ng pagpili ng isang tao.

a. layunin c. bunga
b. paghuhusga d. paraan

6. Sinong manunulat ang may akda ng mga yugto ng makataong kilos?

a. Santo Tomas de Aquino c. Aristoteles


b. Immanuel Kant d. Agapay

7. Isang proseso kung saan malinaw na nakikilala ng isang tao ang mga pagkakaiba ng
mga bagay-bagay.

a. Paraan ng pagpili c. Makataong kilos


b. Mabuting pagpapasya d. Layunin

8. Sino ang nagsabi na simula ng magka isip ang tao hanggang sa kamatayan niya ay
nagsasagawa na siya ng pagpapasiya sa araw-araw?

a. Immanuel Kant c. Fr. Neil Sevilla


b. Aristoteles d. Santo Tomas

9. Ilang hakbang mayroon ang moral na pagpapasya?

a. lima c. anim
b. apat d. pito

10. Anong hakbang ng moral na pagpapasya ang may mga halimbawa na tanong bilang
gabay para sa mabuting pagpapasya?

a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban


b. Isaisip ang posibilidad d. Magsagawa ng pasya

11. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa mga hakbang ng moral na pagpapasya?

a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban


b. Isaisip ang posibilidad d. Pagpili

12. Anong hakbang ang nagsasabi na kailangan makita kung ano ang mabuti at
masamang kalalabasan nito?
a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad d. Magsagawa ng pasiya

13. Anong hakbang ang nagsasabi na kailangan makita kung ano ang mabuti at
masamang kalalabasan nito?

a. Magkalap ng patunay c. Tingnan ang kalooban


b. Isaisip ang posibilidad d. Magsagawa ng pasiya

14. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam ng pinakamabuti para sa atin. Anong
hakbang ng moral na pagpapasya ito?

a. Magkalap ng patunay c. Umasa at magtiwala sa


b. Isaisip ang posibilidad tulong ng Diyos
d. Magsagawa ng pasiya

15. Anong hakbang ang ipinapahiwatig sa katanungan na: Ano ang nararamdaman ko
ukol sa sitwasyon?

a. Tingnan ang kalooban


b. Isaisip ang posibilidad
c. Magkalap ng patunay
d. Magsagawa ng pasiya
Q2W4
1. Ano ang kategorya na bumubuo sa 12 na yugto ng makataong kilos?
a. Isip at kilos-loob c. Paghuhusga at Pagpili
b. Intensiyon at Layunin d. Sanhi at Bunga

2. Habang naglalakad si Fe sa mall, nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gusting


magkaroon ng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan kukuha ng pambili
nito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Fe?
a. Intensiyon ng Layunin
b. Nais ng Layunin
c. Pagkaunawa ng Layunin
d. Praktikal na Paghuhusga sa Pagpili

3. Gamit ang halimbawa sa bilang 2. Pinag-iisipan ni Fe ang iba’t-ibang paraa upang


mabili niya ang sapatos, hihingi ba siya ng pers sa kaniyang mga magulang, mag-
ipon, o magnakaw. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Fe?
a. Intensiyon ng Layunin
b. Pagka-unawa sa Layunin
c. Paghuhusga sa nais makamtan
d. Masusing pagsusuri ng paraan

4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamng naidudulot ng pasiya?


a. Dahil nagsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay
b. Dahil makakatulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos
c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan at pananagutan
d. lahat ng nabanggit

5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao?


a. Upang magsilbing gabay sa buhay
b. Upang magsilbing paalala sa mga gawain
c. Upang magkaroon ng sapat napamantayan sa pagpipilian
d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili

6. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya?


a. Tingnan ang kalooban
b. Magkalap ng patunay
c. Isaisip ang posibilidad
d. Maghanap ng ibang kaalamn

7. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakhuling hakbang na iyong
gagawin?
a. Isaisip ang posobilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Umasa at magtiwala sa Diyos
d. lahat ng nabanggit

8. Niyaya si Jay ng kanyang kaklase na huwag pumasok at pumunta sa computer shop.


Hindi kaagad siya sumagot n goo bagkus ito ay kaniyang pinag-iisipang mabuti kung
ito ba ay tama o mali at ano ang maging epekto nito kung sumama siya. Anong
proseso ng pakikinig ang ginamit ni Jay?

1
a. Isaisip ang posibilidad
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Magkalap ng patu

9. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binigyang halaga


mo kung ang iyong pasiya makapagpapasiya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng
hakabang sa moral na pagpapasiya?
a. Magkalap ng patunay
b. Maghanap ng ibang kaalaman
c. Tingnan ang kalooban
d. Umasa at magtiwala sa Diyos

10. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Joy ang pagpapasiya, palagi niyang tinatanong ang
kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan. Sa
iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Joy?
a. Tingnan ang kalooban
b. Isaisip ang posibilidad
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. b at c

11. Sino ang may akda ng mga yugto ng makataong kilos?


a. Santo Tomas de Aquino c. Immanuel Kant
b. Aristoteles d. b at c

12. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng makataong kilos?


a. Pagiging tsismosa c. Pagkurap ng mata
b. Pangongopya sa katabi d. Lahat ng nabanggi

13. Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa moral na pagpapasiya maliban sa:

a. Magkalap ng patunay
b. Isaisip ang posobilidad
c. Maghanap ng ibang kaalaman
d. Paggawa ng layunin
14. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga yugto ng makataong kilos?

a. Pagkaunawa sa layunin
b. Nais ng layunin
c. Pagpili
d. Pagpapasiya
15. Sa paggawa ng moral na pagpapasiya, ilan lahat ang hakbang na pagbabatayn nito?
a. lima
b. anim
c. pito
d. walo

2
e.
PAGKILALA: Basahin at kilalanin kung ano ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isulat ang sagot sa
patlang.

__________ 1. Mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng


buhay sa araw-araw.
__________ 2. Ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na
gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kalooban.
__________ 3. Ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng
pagbabanta sa kaniyang buhay.
__________ 4. Ito ay ang masidhing pag-asam na makaranas ng kaligayahan o kasarapan
at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap.
__________ 5. Ito ay tumutukoy sa kawalan ng kaalaman na dapat taglay ng tao.
__________ 6. Ito ay ang uri ng kamangmangan na may pagkakataong magkaroon ng
tamang kaalaman.
__________ 7. Ang kilos na may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.
__________ 8. Uri ng kamangmangan na walang posibleng paraan upang magkaroon ng
kaalaman.
__________ 9. Ito ay isang sangkap o elemento sa isang sitwasyon o pangyayari na
maaaring magkaroon ng impluwensiya sa kahihinatnan ng makataong kilos.
__________ 10. Ito ay nangangahulugang responsibilidad, tungkulin o obligasyon.
__________ 11. Ang pag-ibig, pagkamuhi, pagnanais, pagkasuklam, galit at iba pa ay mga
halimbawa ng anong salik?
__________ 12. Ang isang taong tumawid sa kalsada kahit na ipinagbabawal ay apektado
ng anong salik?
__________ 13. Sa sobrang galit, napalo ka ng iyong ama dahil hindi ka pumapasok sa
paaralan. Siya ay apektado ng anong salik?
__________ 14. Sumakit ang iyong tiyan at uminom ka ng gamot na hindi man lang binasa
kung para saan ito. Apektado ang iyong kilos ng anong salik?

3
__________ 15. Kumuha ka ng pagkain sa canteen kahit na labag sa iyong kalooban dahil
inutusan ka ng iyong kaklaseng basagulero. Apektado ang iyong kilos ng anong
salik?

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno sa
asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 (EsP 10).

1. Alin sa sumusunod ang walang pananagutan dahil sa kamangmangan?


a. Pagtawid sa kalsada kung saan ipinagbabawal ang pagtawid, ng isang taong
baguhan pa lamang nakarating sa siyudad.
b. Pagbasag sa salamin ng sasakyan ng isang taong wala sa matinong pag-iisip.
c. Pagkakaroon ng bagsak sa mga asignatura dahil sa pagiging working student.
d. Pananahimik sa isang krimen na iyong nasaksihan.

2. Alin sa mga ito ang kilos dahil sa takot?


a. Ang pagliban sa klase at naglaro ng computer games
b. Ang pagsisinungaling sa bagsak na marka sa paaralan
c. Ang pagbigay ng lahat ng koleksiyon mo bilang Treasurer ng klase, sa isang
holdaper
d. Ang pagsagawa ng self quarantine laban sa COVID 19

3. Ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapanagutan ang kilos dahil sa karahasan?
a. Kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan upang labanan ang karahasan
b. Kung napilitan lang ang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang
kilos- loob at pagkukusa
c. A at B
d. Wala sa nabanggit

4. Ito ay tumutukoy sa mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi


na ng sistema ng buhay sa araw-araw.
a. Takot
b. Gawi
c. Karahasan
d. Masidhing damdamin

5. Alin sa mga sumusunod ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?

4
a. Pagbibigay ng regalo sa napupusuan
b. Pagsugod sa nakaalitan ng iyong nakakabatang kapatid
c. Pagsuntok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
d. Panlilibre sa mga kaibigan dahil pagiging honor student
B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang
ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.

__________6. Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan
nang mas mataas na kakayahan-ang isip upang mawala ang sidhi ng damdamin.
__________7. Ang kamangmangan ay tumtutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na
dapat taglay ng tao.
__________8. Kung ang kamangmangan ay kayang baguhin sa pamamagitan ng isang
masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, walang kapanagutan sa kanyang
kilos.
__________9. Nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot.
__________10. Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang
kaguluhan ng isip at mawala ang kakayahang makapag-isip ng wasto, ang pananagutan ay
nawawala.
__________11. Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nawawala ang pananagutan
ng isang tao.
__________12. Ang karahasan ay pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang
isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kanyang kilos-loob at pagkukusa.
__________13. Hindi maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may
impluwensiya ng karahasan.
__________14. Ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa
kahihinatnan ng makataong kilos.
__________15. Ang masidhing damdamin ay normal na damdamin kaya walang pananagutan
ang tao sa kahihinatnan ng kanyang kilos.

5
1. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos?
a. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung makikita sa kilos na hindi
isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
b. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa
malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip.
c. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang
kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos.
d. Lahat ng nabanggit sa itaas

2. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang
mag-aaral na biglang humikab ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro?
a. kusang-loob
b. Walang kusang-loob
c. Di kusang-loob
d. Kilos-loob

3. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama


kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay;
a. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob
b. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan
c. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob
d. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama

4. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o


kasamaan)?

6
a. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip
b. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa
c. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng
konsensiya
d. Lahat ng nabanggit sa itaas

5. Nasampal ni Martha si Noel dahil sa palagiang pagkindat ni Noel sa kanya. Sa


imbestigasyon na isinagawa ng guidance counselor, napag-alaman na
manerismo ni Noel ang palagiang pagkindat ng kanyang mga mata. May
kapanagutan ba si Noel sa kanyang kilos?
a. Oo, dahil ang kanyang kilos ay kusang-loob, may kaalaman at pangsang-ayon
b. Oo, dahil ang kanyang kilos ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang lang
sa pagsang-ayon
c. Wala, dahil ang kanyang kilos ay walang pagkukusa, walang pagsang-ayon na
gawin iyon dahil iyon ay kanyang manerismo
a. Wala, dahil ang kanyang kilos ay isang manerismo at wala naman siyang gusto
kay Martha

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang
ipinapahayag ay tama at sagutin ng MALI kung ang ipinapahayag ay mali.

__________6. Ang makataong kilos ay sinadya gamit ang isip kaya pananagutan niya ang
kahihinatnan ng kanyang kilos, kabutihan man o kasamaan.
__________7. Ang kilos ng tao ay ginagamitan ng isip at kilos-loob.
__________8. Ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging mabuti o masama.
__________9. Ang makataong kilos ay ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may
kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito.
_________10. Kung mataas ang digri ng pagkukusa mas mababa ang pananagutan.
_________11. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kanyang
piniling kilos.
_________12. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong
kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa.
_________13. Kapag ang kilos ay kusang-loob ibig sabihin ang kilos na ito ay walang
kaalaman ngunit may pagsang-ayon.
_________14. Ang kilos na di kusang-loob ay may paggamit ng kaalaman at pagsang-ayon.
_________15. Ang kilos na walang kusang loob ay kilos na walang kaalaman at walang
pagsang -ayon sa kilos.

7
8
9

You might also like