You are on page 1of 5

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO – GRADE 11

ANG WIKANG PAMBANSA, WIKANG OPISYAL AT WIKANG PANTURO

Marami ang nahihirapan sa paggamit ng purong Filipino lalo na pagdating sa pag-angkop ng mga teknikal na ideya
at salitang hiram mula sa Ingles. Bagaman umuunlad ang wikang Filipino sa pagdami ng mga akdang nasusulat
dito, nananatili pa ring problema angistandardisasyon nito at ang pangingibabaw ng wikang Ingles na lumalabas
maging sa paggamit ng Taglish o paghalo ng Filipino at Ingles. Marami din ang hindi alam ang kasaysayan ng
wikang pambansa, opisyal at panturo ng Pilipinas at kung paano ito nagsimula at paano napagyabong.

Ang WIKANG PAMBANSA ay isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran
ng isang bansa. Kinikilalang pangkalahatang midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Kadalasan, ito ang wikang
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ng lahat ng mamamayan ng isang bansa. Ayon sa Saligang Batas ng
Biak na Bato - Ang Tagalog ang magiging opisyal na Wika ng Pilipinas.
Sa pagpili ng wikang pambansa, ang Konstitusyon ng 1935, Artikulo XIV, Sek. 3 ay nagsasaad na "Ang Kongreso ay
gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa mga
na umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nag tatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila ang patuloy
ng gagamiting mga wikang opisyal".

May Walong Pangunahing Wika sa Bansa ang


1. Tagalog, *
2. Cebuano, *
3. Ilokano, *
4. Hiligaynon, *
5. Bikolano,
6. Samar-Leyte o Waray,
7. Pampango o Kapampangan, at *
8. Pangasinan o Pangalatok. A*
ng Suriang Wikang Pambansa (SWP) ay itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas Pambansa Blg. 184 (binuo
ng Saligang Batas Pambansang Asamblea). Pinili ang Tagalog bilang batayan ng bagong pambansang wika at
ipirinoklama ito ng Pangulong Quezon. Pinili ang Tagalog bilang Wikang Pambansa dahil ito ay malawak na
ginagamit sa mga pag-uusap ng mga Pilipino at marami din sa bansa ang nakakaintindi ng wikang ito. Ayon sa
Saligang Batas ng 1973 - Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at
pormal na adapsyon ng Wikang Pambansa na tatawaging FILIPINO.

Ang WIKANG OPISYAL ay isang wika o lenggwahe na binigyan ng bukod-tanging istatus sa saligang batas ng mga
bansa, mga estado, at iba pang teritoryo. Ito ang wikang kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng
bansa, bagama't hinihiling din ng batas sa maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng
gobyerno. Bago maging opisyal ang isang wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung ano ang
pinaka karapat dapat na wika para sa bansa. Tiniyak ng gobyerno na tama ang pagpili ng wika para sa buong
kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik. Ayon kay Virgilio
Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Ang wikang pambansa ay ipinahayag bilang opisyal na wika simula Hulyo 4, 1946. Ayon sa Konstitusyon ng 1973
(Artikulo XV, Sek. 3), “Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal
na wika.”, Ayon naman sa Kasalukuyang Konstitusyon (Konstitusyon ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 & 7), “Ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig
sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Ukol sa mga layunin ng komunikasyo n at pagtuturo, ang
mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles.

Ang WIKANG PANTURO ay ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Ito ang wika ng talakayang
guro-mag- aaral na may kinalaman sa mabisang pagkatuto dahil dito nakalulan ang kaalamang matututuhan sa
klase. Ito ang wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitang panturo sa mga silid aralan. Sa pangkalahatan ay
FILIPINO at INGLES ang mga opisyal na wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa K to 12 Curriculum, ang
mother tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang
Grade 3. Ayon kay DepED Secretary Brother Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan
sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo- kultural”. Sa Proklamasyon Blg. 19 (Agosto1988), idineklara
ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13 hanggang 19 ng Agosto kada taon. Sa Proklamasyon Blg. 1041
(Enero 1957), idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang
Buwan ng Wika. Ang Memorandum Sirkular Blg. 59 (Disyembre 1996) ay nagtadhana na ang Filipino ay bahagi na
ng kurikulum na pangkolehiyo, ayon sa CHED.

Sa panahon ngayon, kailangan talaga nating malaman ang kasaysayan ng ating wika, ng sa ganun ay mas
maintindihan pa natin kung bakit sa dinami-dami ng wika sa ating bansa ay ang wikang FILIPINO ang napiling
gawing wikang opisyal.

HOMOGENOUS AT HETEROGENEOUS NA WIKA

Homogenous - Ito ang pare- parehong magsalita ang lahat na gumagamit ng isang wika.

Heterogeneous - Ito ang pagkaiba- iba ng wika sanhi ng iba’t- ibang Salipanlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o
trabaho, antas ng pinag- aralan, kalagayang lipunan, rehiyon o lugar, pangkat- etniko o tinatawag ding
etnolingguwistikong komunidad.

Linggwistikong Komunidad

Isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan ng isang lugar ang wika. Ito ang nagsisilbing tatak at
simbolismo ng pagkatao ng bawat indibidwal na nakatira dito. Sa pamamagitan ng wika ay naipapahayag ng bawat
tao ang kanyang saloobin at opinyon.

Nakalilikha tayo ng mga awit, tula, mga kwento at pati ng mga kanta gamit ang ating wika. Ang wika ay sandata ng
kahit sino mang tao sa ating lipunan.

Kahulugan ng Linggwistikong Komunidad


Sa paglipas ng iba’t-ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng
maraming barayti at baryasyon ng wikang Pilipino. Linggwistikong komunidad ang tawag sa sa mga wikang ito.

Sa isang komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat tao o grupo ng tao ay may kanya-
kanyang dayalekto na ginagamit. May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na kanilang
pinanggalingan.

Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain province,
Ilocano ng mga taga rehiyon ng Ilocos, at Zambal ng mga taga Zambales.
May mga ibang grupo naman na ang gamit ay ang mga makabago at naimbento lamang na mga salita. Meron ding
gumagamit ng pinaghalong Ingles at Tagalog o mas kilala sa tawag na “konyo”. May ilang ding mga kabataan na
gumagamit ng jejemon at bekimon naman ang linggwahe ng mga bading.
Idagdag pa rito ang progresibo at makabagong paggamit ng internet na nagdudulot ng paglaganap ng mga salitang
naimbento ng mga gumagamit sa sosyal media. Andiyan ang pagamit ng acronyms tulad ng HBD para sa happy
birthday, LOL para sa laugh out loud, ATM para sa at the moment at iba pa. Sadyang napakabilis at napakarami ng
pgbabago ng ating wika.

iba't ibang uri ng linggwistikong komunidad - Sa larangan din ng mga propesyonal sila ay meron din sariling
linggwistikong komunidad. Ang mga doctor, abogado, enhiyenero at iba pa ay gumagamit ng partikular na salita
ayon sa grupo ng propesyon na kanilang kinabibilangan.

Bawat indibidwal ay may natatanging uri ng wika na kung saan ay sila-sila rin lang ang nagkakaintindihan. Naiiba
rin ang uri ng linggwistikong komunidad ang gamit ng mga tao na nasa mataas na antas ng ating sociodad.

Sadyang napakarami na ng uri ng wika ang umusbong at ginagamit ng bawat indibidwal sa bawat komunidad. May
mga permanenteng wika, may mga kusa namang nawawala sa sirkulasyon sa pagdaan ng panahon. Magkakaiba
man, ang mahalaga ay ang dulot nitong pinagbuting pagkakaunawaan at pagkakaintindihan ng bawat tao or grupo
ng tao na gumagamit nito.

Souce: https://takdangaralin.ph/linggwistikong-komunidad/

UNANG WIKA
Ang unang wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika (kilala rin bilang inang wika or arterial na wika) ay ang
wika na natutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa pagkakilanlang sosyolinggwistika ang
unang wika ng tao.

PANGALAWANG WIKA
Ang pangalawang wika ayon sa dalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos
niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang kanyang unang wika.

Source: https://www.slideshare.net/ArJayBolisay/unang-wika-at-pangalawang-wika

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

Ang wikang Filipino ay kunwari na tinatawag nating salamin ng kultura ng ating bansa at ang tanging puso ng ating
bayan dahil ito mismo ay nagbibigay-buhay sa kasarian ng ating bayan, Pilipinas. Ang isang bansang walang
sariling wika at hindi matapat na tinatangkilik ng mamamayan ay isang bayang walang sariling bandila at walang
kultura. Sa ganon, tayo, mga Pilipino, ay may ating sariling wika at yun ay tinatawag nating wikang Filipino.
Syempre, bawat bayan rin naman ay may kani-kanilang wika rin. Sa pag-gagamit ng sariling wika, tiyak na
magpupuyos ang kalooban ng isang tao kunwari may kommunikasyon sa isa’t isa na mga Pilipino sa kanilang mga
emosyon. Sa sariling wika, dito maibahagi at mapagunawan sa kung ano ang mapapahayag ng isang tao.

Ang wikang Filipino rin ay may maraming kani-kanilang gamit. Lahat ng mga wika sa isang bansa ay hindi lang
basta-bastang ginagamit sa pagbibigay kommunikasyon kundi ito’y magagamit rin sa ibang aspekto. Ang mga
aspetong ito ay tinatawag na gamit ng wika na kung saan ay may maraming mga halimbawa nito.

Pito sa mga halimbawa ng gamit ng wika ay:


· 1. Instrumental
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na
kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay
tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang,
pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:
§ Ipinakain ko yung aso ko ng pagkain.
§ Nandoon sa likod ng Gaisano Mall ang bahay ni Joseph.

· 2. Regulatoryo
Ang wikang Regulatoryo ay gumagabay sa kilos at asal ng iba. Itinuturi ring instruksiyon o ang pagkokontrol sa
anong rapat gawin tulad ng pagtakda ng mga regulasyon, direksiyon o proceso sa kung paano igawa ang isang
partikular na bagay, pag-ayon, pagtutol, at iba pa.

Halimbawang pangungusap:
§ “Kailangan inomin ang gamot na ito ka-apat sa isang araw.”
§ “Magbawas ng bilis kung ika’y nagmamaneho sa mabato na bukid.”

· 3. Interaksyonal
Ang wika ay Interaksyonal kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkaroon ng kontak sa iba at bumuo ng
pagkakaugnayan sa pamamagitan ng pakikipagtalakayan ng tao sa kanyang kapwa. Mga halimbawa wikang
Interaksyonal ay tulad ng pagpapaalam, pagbibigay-galang o pagbati, paggawa ng liham para sa isang tao, at iba
pa.

Halimbawang pangungusap:
§ Kita tayo mamaya!
§ Salamat po!

· 4. Personal
Ang wika ay sinasabing Personal kung ito’y tinatamaan sa personal na damdamin tulad ng pagpapahayag ng
sariling opinion o niramdaman. Ang wikaing ito ay impormal at walang tiyak na balangkas. Halimbawa sa mga
gawaing ito ay ang panglalait o pagmumura, pagsisigaw, pagsusulat ng editoryal, pagsusulat ng dyaryo at iba pa.

· 5. Heuristiko
Ang wika ay Heuristiko dahil sa wikang ito ay naghahanap ng mga impormasyon at gamit madalas ay mga
impormasyon makakatiwalaan na makamit sa mga propesyonal at akademikong libro o pinanggalingan.
Halimbawa sa mga ito ay ang pagtatanong, pagnanaliksik, pag-eeksperimento, panonood ng mga balita sa
telebisyon o dyaryo, at iba pa.

· 6. Imahinatibo
Ang wika ay Imahinatibo ay may kaugnayan sa pag-iisip kahit anumang imahinatibo na bagay. Madalas itong
kinukwento sa paraang pagsusulat o pagsasalita na produkto. Halimbawa sa wikang ito ay ang pagtula, pagawit,
pagkukwento ng kwento, pagbabasa ng nobela, at iba pa.

· 7. Representasyunal o Representatibo
Ang wikang Representasyunal ay ginagamit sa pagbibigay impormasyon sa paraang pagsusulat at pasalita.
Halimbawa nito ay ang paggawa ng mga artikulo tulad ng tesis, research paper; pagsasaysay o pag-uulat,
pagtuturo, at iba pa.

Source: http://tungkolwika.blogspot.com/2016/07/ang-pitong-gamit-ng-wika.html

You might also like