You are on page 1of 161

1

Sa katapusan ng aralin ang mga mag aaral ay inaasahan:

Nakapaglalahad ng kahulugan at kahalagahan ng wika At Natutukoy ang iba’t


ibang teorya sa pinagmulan ng wika.

Nakapagbibigay ng kahalagahan sa tungkulin at antas ng wika At


Nakapaglalahad ng batayang kaalaman ukol sa barayti ng wikanat teoryang
pangwika.

Malalaman ang kahulugan, uri, elemento at teorya ng Diskurso.

Mga kagamitang na kinakailangan

Ang mga kagamitang na kailangan ay ang sumusunod;

Laptop, projector, papel at ballpen

Paunang pagtataya:

Panuto: Tukuyin kong ito ba ay (antas Ng Wika o tungkulin Ng Wika).


2

1. Balbal

2. Regulaturi

3. Pormal

4. Pagkontrol sa kilos o gawi

5. Imaginative

6. Lalawiganin

7. Impormatibo

8. Pagbabagi o pagkuha ng impormasyon.

9. KOLOKYAL

10. Pangangarap at paglikha

11. Lingua franca

12. Pampanitikan

13. Pagbabahagi Ng damdamin

14. Gay lingua

15. Personal
3

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN

TEORYA AT IBA PANG TEORYA SA PINAGMULAN NG WIKA

TUNGKULIN NG WIKA

ANTAS NG WIKA

BARAYTI NG WIKA

TEOTYANG PANGWIKA

Kahulugan at kahalagahan

Ano nga ba amg kahulugan ng wika?

Depinisyon ng wika

Ayon kay Henry Allan Gleason Jr.


4

Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos


sa paraang arbitraryo na ginagamit sa kuminikasyon ng tao nnabibilang sa iisang
kultura.

Ayon naman kay Charles Darwin

Ang wika ay bisang singing tulad ng paggawa ng serbesa, pagbebake ng cake


o pagsulat.

 Kahalagahan ng wika

1. Ito ay midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon.

2. Ginagamit ito upang malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at


kaisipan ng tao.

3. Sumasalamin ito sa kultura at panahon kanyang kinabibilangan.

4. Isang taong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kalaaman.

 Teorya at iba pang teorya sa pinagmulan ng wika

 Tore ng Babel- Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong
unang panahon kaya’t walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao.
 Bow-wow- Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao
diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit.
 Ding-dong - Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika
ang tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na
5

nalilikha ng mga bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay


hindi limitado sa mga kalikasan lamang kungdi maging sa mga bagay
na likha ng tao.
 Pooh-pooh - Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang
ito, nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing
damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla
at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa
sakit.
 Yo-he- ho - inaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel,
2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang
pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag
tayo’y nag- eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha
natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y
sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga ina ay
 Yum-yum - Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay
tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na
nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng dila. Katulad halos ng
teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa
pinagmulan ng
 Ta-ta- Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng
tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya
ng dila at naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at
kalauna’y
 Sing-song- Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa,pagbulong sa sarili, panliligaw at iba
pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na taliwas sa iba
pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal,
at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
 Hey you! -Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng
linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa
kanyang kapwa tao ang wika. Ayon kay Revesz, nagmula ang wika sa
6

mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at


pagkakabilang (Tayo!). Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya
ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong
 Coo Coo-Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng
mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa
paligid, taliwas sa paniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ng mga matatanda.
 Babble Lucky - Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga
walang kahulugang bulalas ng tao. Sa pagbubulalas ng tao, sinuwerte
lamang daw siya nang ang mga hindi sinasadya at walang kabuluhang
tunog na kanyang nalikha ay naiugnay sa mga sa bagay bagaypaligid
na kalaunan ay naging pangalan ng mga iyon.
 Hocus Pocus -Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan
ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong
aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Maaari raw kasing noo’y
tinatawag ng mga unang tao ang mga hayop sa pamamagitan ng
mga mahikal na tunog na kalaunan ay naging pangalan ng bawat
hayop.
 Eureka! -Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw
na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang
ang mga ideyang iyon ay nalikha, mabilis na iyong kumalat sa iba pang
tao at naging kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay-bagay
(Boeree, 2003).
 La-la- Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na
nagtutulak sa tao upang magsalita.
 Ta-ra-ra-boom-de-ay -- Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal.
Sila ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma,
pagtatanim, pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa
nagkasala, panggagamot, maging sa paliligo at pagluluto.
7

 Mama - Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga


pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin
nga naman ang mga bata. Sa una’ y hindi niya masasabi ang salitang
mother ngunit dahil ang unang pantig ng nasabing salita ang
pinakamahalaga diumano, una niyang nasasabi ang mama bilang
panumbas sa salitang mother.

Plato - Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of


all invention. Sa paniniwalang ito, gaya ng damit, tirahan at pagkain,
pangunahing pangangailangan din ng tao ang wika kung kaya;t naimbento ito
ng tao.

Wikang Aramean -Wikang ArameanMay paniniwalang ang kauna-unahang


wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga
sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na
Aramaic ang kanilang wika.

Haring Psammatichos - Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto,


gumawa ng isang eksperimento si Psammatichos kung paano nga ba
nakapagsasalita ang tao. May dalawang sanggol siyang pinalaki sa loob ng
kuweba at mhigpit na ipinag-tos na hindi ito dapat makarinig ng anumang salita.
Sa tagal ng panahon nakapagsalita raw ng “Bekos” ang dalawang bata na ang
ibig sabihin ay tinapay. Sa maikling sabi, likas na natututuhan ng tao ang wika
kahit hindi ituro ang pinanghahawakan ng teoryang

 Tungkulin ng Wika

Ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan. Ito ay ating ginagamit sa


lahat Ng oras sa atong pakikipagkapwa at pakikipagtalastasan. Ayon kay
8

M.A.K Halliday. Isa sa nagbigay ng kategorya nito ay si M.A.K Halliday na


naglahad sa pitong tungkulin ng wika na mababasa sa kanyang aklat na
Explorations in the Functions of Language (Explorations in Language Study).

 Instrumental – ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga


pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba.

Halimbawa: Liham

 Regulatori – Iio ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol o sa


paggabay ng ugali ng iba.

Halimbawa: pagbibigay babala

 Interaksyonal – ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-


ugnayan ng tao sa kaniyang kapwa.

Halimbawa: pakikipagbiraun, pakikipagpalitan ng kuro-kuro

 Personal – nakakapagpahayag ng sariling damdamin, emosyon o


opinyon.

Halimbawa: pagsulat ng diary o talaarawan.

 Heuristiko – ang tungkuling ito ay ang pagkuha o ang paghahanap ng


impormasyon o datos.

Halimbawa: Panonood sa telebisyon ng mga balita

 Impormatibo/representasyunal - ito ang kabaligtaran ng heuristiko. Ito


ang pagbibigay ng impormasyon o datos sa paraang pasulat at
pasalita.

Halimbawa: Talaan ng Nilalaman pagbibigay ulat


9

 Interaksyunal- ginagamit di tang wika sa pakikisalamuha sa kapuwa


upang mabuo ang panlipunang ugnayan sa pagitan ng bawat tao.

Halimbawa: pagbibiro, pormularyong panlipunan.

 Imaginative – nakapagpapahayag ng imahinasyon sa sariling paraan,


kung kaya karaniwang makikita sa nga gawaing masining- panitikan.

 Antas ng Wika

Ang antas ng wika na madalas na ginagamit ng isang tao ay isang


mabisang palatandaan kung anong uri ng tao siya at kung sa aling antas-
panlipunan siya kabilang.

Ayon kay Tumangan (1986), “ang wika ay mahalagang bahagi ng lipunan sa


dahilang ito ang kasangkapang kailangan sa pakikipagtalastasan.”

Wikang Pambansa o lingua franca- Ito ang mga salitang karaniwang ginagamit
sa mga aklat pangwika sa lahat ng mga paaralan. Ito rin ang wikang kadalasang
ginagamit ng pamahalaan at itinuturo sa mga paaralan.

Halimbawa ng Pambansang Wika

 Anak,
 Asawa
 Ina
 Ama
 Sambayanan
 Experto
 Baliw
 Eskwelahan
10

 Pagsusulit

Pormal – ang standard at ginagamit ng nakararaming tao. Ginagamit ito sa mga


pag-aaral, saliksik, mga peryodiko, aklat, at iba pang mahahalagang babasahin
at sulatin.

Pampanitikan o Panretorika – ito ang mga matayog, malalim, masining, at


makulay na pagkagamit ng wika.

Pampanitikan – Ito naman ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa


kanilang mga akdang pampanitikan. Ito ang mga salitang karaniwang
matatayog, malalalim, makulay, talinghaga at masining.

Halimbawa ng Pampantikang Wika

 Kabiyak ng aking puso – “Si Teresa ang kabiyak ng akin puso.” Ang ibig
sabihin nito ay kasintahan niya si Teresa.
 Ilaw ng tahanan – “Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-gagabay sa
paglaki ng mga anak.” Ang ilaw at ay tumutukoy sa ina.

Impormal na Wika – Mula sa pagsilang ng isang tao mayroon na tayong mga


unang salita na natututunan. Nauuri ang mga salitang ito bilang mga impormal
na wika. Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng mga salita na karaniwang
ginagamit na pang araw-araw.

 Lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa


Pilipinas ang Filipino ang lingua franca ng mga tao.
 Lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya
ng Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi
talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin
ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan.

Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)


11

Nakain ka na? (Kumain ka na?)

Buang! (Baliw!)

 Balbal

May katumbas itong slang sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng


wika. Singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita.
Ito ang nagpapatunay ng pagiging dinamiko ng wika. Itinuturing din itong
pinakamababang antas

Mga Halimbawa:

Parak (pulis)

Eskapo (takas ng bilangguan)

Istokwa (naglayas) Juding (bakla).

 KOLOKYAL

Ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga


salita. • Nagtataglay ng kagaspangan ang mga salitang ito subalit maaari rin
namang maging repinado batay sa kung sino ang nagsasalita gayon din sa
kanyang kinakausap.

Halimbawa:

 Pa’no- paano,
 P’re- pare,
 Te’na- tara na,
 Kelan- kailan,
 Meron- mayroon,
 Nasan- nasaan
12

Ang gay lingo, at ang mga salitang konyo ay karaniwan din nating naririrnig lalo
na sa mga grupo ng mga bakla. Nauuri ang pananalita ng gay lingo ayon sa
antas ng buhay na kanilang kinalakihan at kinabibilangan. Ang mga ibang gay
lingo na wika ay may halo pang mga banyagang salita at mga karakter para
lamang maiba ang dating ng kanilang mga salita.

Halimbawa:

“Chaka chaka ng junakis mo.” – ang ibig sabihin nito ay ang pangit naman ng
anak mo.

“Naku baka ma Miss Colombia ka,” – Naalala mo pa ba ang pangyayari noong


Miss Universe 2015, kung saan nagkamaling kinoronahan si Miss Colombia? Buhat
noon ay nauso ang kasabihan na ito. Ang ibig sabihin ay baka magaya ka kay
Miss Colombia na umasa sa wala.

BARAYTI NG WIKA

Maraming uri ng ating wika sa pilipinasAng wika ay bahagi ng kultura at


kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa pagkakakilanlan
ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o napapahayag
natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa
natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.

Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng
lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon,
edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa
pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang
baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba
ng mga indibidwal.

Kahulugan at mga Halimbawa


13

1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at


pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na
paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito
ay mga salitang namumukod tangi at yunik.

Mga halimbawa ng Idyolek:

“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza

“I shall return” ni Douglas MacArthur

“P%@#!” ni Rodrigo Duterte

2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito


ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na
kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na
kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:

Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)

Dayalek na Tempora (batay sa panahon)

Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)

Mga halimbawa ng Dayalek:

 Tagalog = Bakit?
 Batangas = Bakit ga?
14

 Bataan = Baki ah?


 Ilocos = Bakit ngay?
 Pangasinan = Bakit ei?

3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang


barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang
mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian
ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

Mga halimbawa ng Sosyolek:

 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)


 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya
ay pangit ng gelpren mo)
 Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
 May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay
lasing na ako kaibigan/kapatid

4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga
etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko
sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi
nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

Mga Halimbawa ng Etnolek:

 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa


kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan.
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng
Mountain Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
15

 Kalipay – tuwa, ligaya, saya

5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.


Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga
nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na
pakikipagtalastasan.

Mga Halimbawa ng Ekolek:

 Palikuran – banyo o kubeta


 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina

6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay


binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit
ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika.
Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-
shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.

Mga Halimbawa ng Pigdin:

 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)


 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.
Bibigyan kita ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti
upang mataas ang iyong grado.)

7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong


salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging
pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita
16

ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang


Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

Mga Halimbawa ng Creole:

 Mi nombre – Ang pangalan ko


 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi

8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang


espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn.

Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.

a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga
taong gumagamit nito.

b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.

c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Mga Halimbawa ng Register:

 Mga salitang jejemon


 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks

Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor

Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa


pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.
17

Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga


iba’t-ibang bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng
hidwaan dahil sa maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay
buhay.

Karagdagang Kaalaman:

Gamit Ng Wika Sa Lipunan

Heterogeneous Na Wika

Homogeneous Na Wika

Talumpati Tungkol Sa Wika

 Teoryang Pangwika

Sosyolingwistikong teorya: ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at


ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang wika ay isang instrumento
o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal
ay hindi iiral kung wala nito.

Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at


magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga
gawaing pangwika na nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at
maintindihan, at ang signified(parole). Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng
pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang indibidwal at grupo.
Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng
komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang
18

magkakaibang kultura. Dito ngayon lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang
idyolek, dayalek, at sosyolek.

Teorya ng akomodasyon: tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang


linguistic convergence at linguisticdivergence, Ang mga ito’y mga teorya mula
sa SLA (second language acquisition).

Tinatalakay ang teoryang ito sa convergence sinasabi na nagkakaroon ng


tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-
halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o
kaya’y pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic
divergence sinasabing pilit nating iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong
pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.

Teoryang interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo


ng tao pagdating ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang
wika.

Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating ginagamit, na dahil sa


sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay
binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag,
pagbabawas at pagbabago ng mga alituntunin.

Teoryng etnograpiko- pagtatangkang tuklasin ang pagkakahulugan ng tao o


grupo ng tao sa mga baagy sa pamamagitan ng pag-oobserba sa mga
gawaing pantao.

Speech Act Theory- teoryang batay sa aklat na “How to do Things with Words” ni
J.L Austin (1975). Ang teoryang ito ay ang yunit ng komunikasyong linggwistik
nagsasabing hindi ito simbolo,salita o ang pangungusap mismo, kundi ang
produksyon o paglikha ng mga simbolo,salita o pangungusap sa pagganap ng
kanilang tinatawag na speech act
19

Samakatuwid, ang speech act theory ay ang salitang ginagamitan ng aksyon


upanglalong maipaunawa at maintindihan ang nais sabihin tungkol sa isang
bagay.

Tatlong Komponent

 Lukyusyonari- ito ang akto ng paggamit ng referring expression (pariralang


pangngalan) at predicating expression (pariralang pandiwa) upang
magpahayag ng proposisyon.

Halimbawa: Pagtatanong, Panghihikayat, Pagbibigay impormasyon, atbp.

 Ilokyusyonari- ito ang pagganap sa akto ng pagsasabi ng isang bagay.


Abilidad ng isang ispiker upang piliin ang angkop na varayti ng wika para
sa isang tiyak na sitwasyong sosyal.

Halimbawa: Pagsagot sa tanong, Nahikayat, Pagbibigay ng dagdag na


impormasyon, atbp.

 Perlokyusyonari- ang panghuling component ay ang pagsasabi sa isang


bagay na kadalasang nagdudulot ng mga konsikwens sa damdamin at
isipan ng tagapakinig.

Halimbawa:“Bea, mag-usap tayo mamaya!” (dahil sa tonong ginamit,


nagkaroon ng konsikwens sa isip ng tagapakinig na kung bakit sila mag-uusap
at kung emosyon ang ipinakikita o ipinahihiwatig ng nagsalita).

Teoryang Pragmatiko

Pinangunahan ni Paul Grice (1967), pilosopo ng wika na may


impluwensya sa pag-aaral ng semantika sa dulog pilosopikal. Teoryang tutukoy
20

sa kakayahan ng tagapagsalita na magamit ang wika sa diskurso na


mauunawaan agad ng tagapakinig o tagatanggap.

May iba’t ibang salik pa na dapat isaalang - alang sa pag-unawa,


kasama na rito ang intelektwal na kalagayan ng decoder, kalinawan ng encoder
at ang pagtatagpo ng kani-kanilang interpretasyon.

Nililinaw ang relasyon sa pagitan ng intensyon at kahulugan.

Kakayahang Pragmatiko- tumutukoy sa pag-aaral sa paggamit ng wika sa siang


particular na konteksto upang magpahayag sa paraang diretsahan o may
paggalang. Ibig sabihin ang isang taong may kakayahang pragmatiko ay
mabisang nagagamit ang yaman ng wika upang makapagpapahayag ng
intension at kahulugan na naayon sa konteksto ng usapan gayundin natutukoy
ang ipinahiwatig ng sinasabi, di-sinasabi, at ikinikilos ng kausap.

Mga salitang kaugnay ng pahiwatig (Maggay 2002) Mga salitang di-tuwirang


pagtukoy o palihis na pagpupunterya/pagpapatama.

pahaging- isang mensaheng mapangmintis at ipinaalingawngaw lamang sa


paligid.

padaplis- isang mensaheng sadyang lihis sa layuning matamaan nang bahagya


ang kinauukulan.

Mga salitang ang pinatatamaan ng mneshae ay hindi ang kausap kung hindi
ang mga taong nasa paligid at nakaririnig ng usapan.

parinig- malawakang ginagamit upang maiparating ang naisasaloob, hindi sa


kaharap na kausap kundi sa sinumang nakikinig sa paligid.

Pasaring- mga verbal at di-berbal na pagpaparating ng puna, paratang, at iba


pang menaheng nakasakit sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan

Mga salitang kumukuha ng atensyon sa pamamagitan ng pandama:


21

paramdam- isang mensaheng ipinaabot ng tao, o maging ng espiritu, sa


pamamagitan ng ekspresyong nararamdaman gaya ng pagdadabog,
pagbabagsak ng mga kasangkapan, malakas na pagsara ng pinto, kaluskos at
iba pa.

papansin- mensaheng may layuning humigin ng atensyon na kadalasan ay


naipapahayag sa pamamagitan ng pagtatampo, pagkakabalido sa
pananamit at pagkilos, sobra-sobrang pangungulit, at iba pang kalabisang
kumukuha ng pansi.

Mga salitang nagtataglay ng kahulugan na ang dating sa nakaririnig ay


napapatamaan siya.

sagasaan – pahayag na lumalagpas sa hangganan sa pakikipag-usap na


karaniwan tinututulan ng nakikinig bilang isang paalala na maaaring may
masaktan Hal: “ Dahan-dahan at baka makasagasa ka.”

paandaran- mekanismo ng pahiwatig na kadalasang nakapokus at umiikot sa


isang paksa na hindi tuwirang maipahayag subalit paulit-ulit na binabanggit
tuwing may pagkakataon at kadalasang kinaiinisan ng nakikinig sa pagsasabing
“ Huwag mo akong pandaran”.

Kaakibat ang paglinang sa kakayahang pragmatiko ang konsepto ng speech


act. Ang pakikipag-usap ay hindi lamang paggamit ng mga salita upang
maglalarawan ng isang karanasan kung hindi “ paggawa ng mga bagay gamit
ang mga salita o speech acts.

Halimbawa nito ay pakikuusap, pagtanggi, pagpapaumanhin, pangangako at


iba pa
22

I. PAGTATAYA

GAWAIN 1

Panuto : Pagtatapat-tapat , hanapin sa hanay B ang sagot ng nasa hanay A.


Letra lamang ang isulat sa inyung papel.

Hanay A Hanay
B

1. Isang teoryang ginagaya ang mga tunog na nililikha ng mga hayop


2. Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang tao ay
natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal.
3. Ayon kay si Jesperson tinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay
sa kapaligiran tulad ng tsug-tsug ngtren o tik-tak ng orasan.

4. Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya't
walang suliraninsa pakikipagtalastasan ang tao

5. Ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na


nangangailangan ng aksiyon

7. Sinasabi sa paniniwalang ito na bilang hari ng Ehipto.

8. Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na
nilikha sa mga ritwal.
23

9. Nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!)


at pagkakabilang (Tayo!).

10. Ayon kay Boeree (2003), Naniniwala ang pambansang bayani na kaloob
at regalo ng Diyos ang wika sa tao

11. Nakikipagsalaparan ang tao kung kaya't nabuo ang wika

12. Mga salita o sanaysay na may kinalaman sa paggamit ng mga pang


romansa.

13. Nalikha ang wika bunga ng pangangailangan. Necessity is the mother of all
invention

14. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula samga tunog nalilikha ng mga
sanggol.

15. Ang grupo ng tagapagsalita na nagkaunawaan dahil may magkaparehong


interes o hilig, maypamantayan o norms sa sinusunod sa loob ng grupo.

16. Isang set o kabuuan ng mga sagisag na ginagamit sa komunikasyon.

18. Tawag sa wikang ginagamit ng bawat particular na grupo ng tao sa isang


lipunan.

Ito ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo.

hango ito sa mga pangyayaring nagpapakita ng kapangyarihanng


Diyos. Ang wika ay kaloob ng Diyos

sosyolek
24

Pilipilo

Hokus Pokus

Jose Rizal

La-la

Coo-coo

Pooh-pooh

Dingding

Tore ng babel

Sing song

Plato

haring phammatichos

Yo-he-yo

Wika

Yum-yum

Speech community

Teoryang biblikal

Charles Darwin

Hey you!

ta-ra-ra boom de ay
25

Gawain II:

Panuto :Tukuyin kong ito ba ay (antas Ng Wika o tungkulin Ng Wika ).

1. Balbal

2. Regulaturi

3. Pormal

4. Pagkontrol sa kilos o gawi

5. Imaginative

6. Lalawiganin

7. Impormatibo

8. Pagbabagi o pagkuha ng impormasyon.

9. KOLOKYAL

10. Pangangarap at paglikha

11. Lingua franca

12. Pampanitikan

13. Pagbabahagi Ng damdamin

14. Gay lingua

15. Personal
26

Mga Layunin ng Diskurso

❖ Makalikha ng imahe sa isipan ng kanyang mambabasa, upang maging sila


ay maranasan din ang naranasan ng manunult.

❖ Pagbibigay ng malinaw ng imahe ng isang tao, bagay, pook, damdamin o


teorya upang makalikha ng impresyon o kakintalan.

❖ Makahikayat ng tao sa isang isyu o panig.

❖ Makapagbigay ng sapat at matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o


panig upang mahikayat o maengganyo ng mambabasa o tagapakinig.

❖ ay ang pagsusulat at pagsasalita na may katagalan o kahabaan.

❖ ay mula sa wikang Latin na discursus na nangangahulugang “running to


and from” na maiiugnay sa pagsalita at pagsulat na komunikasyon.

Webster(1974)

❖ ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng


kumbersasyon.
27

Diksyunaryo Ingles-Filipino(1984)

❖ ito ay nangangahulugang magsulat at magsalita nang may katagalan o


kahabaan.

Sa Webster’s New World Dictionary (1995)

❖ ito ay isangpormal na pagtalakay sa isang paksa, pasulat man o pasalita.

Sa pasalitang diskurso,mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-


usap ngunit minsan ay naaapektohan angkahulugan kung hindi bibigyang-
pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t
mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo.

Dapat na iangkop ang sasabihin sa panahon, sa lugar at maging sa taong


kausap upang makamit ang layunin. Sa pasulat na diskurso,mas nakatuon ang
atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak
namalinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe
dahil maaaring magingiba ang pakaunawa ng tatanggap nito. Ngunit sa
pagsulat, mayroon ding mga salik na dapat isaalang-alang tulad ng anyo ng
sulatin o format, uri ng papel at iba pa. Mahalagang wasto ang gramatika
dahil ito ay nakasulat at mayroong ebidensya ng teksto kaya’t maaaring
ikapahiya o di kaya ay maging ugat ng gulo. Nagbabago ang anyo at
pamamaraan ng diskurso maging ang daloy nito depende sa konteksto ng
diskurso.

ANO ANG PASALITANG DISKURSO?

Ang masining na pagpapahayag ng iyong ideya sa paggamit ng berbal na


pamaraan. Halimbawa: Debate

Pagbigkas, Tono, Diin at Kilos

2 Uri ng Pasalitang Diskurso

❖ Ang Privadong pasalita na diskurso

❖ Ang Pampublikong diskurso


28

TEKSTO AT KONTEKSTO NG DISKURSO

Teksto – binubuo ng mga pangungusap na isinasaayos upang maghatid ng


mensahe sa iba’t ibang paraan.

Konteksto – Pagbibigay mensahe na nais ipahiwatig ng teksto.

URI NG DISKURSO

 Narativ (pagsasalaysay) – pangungusap na naglalahad ng isang


katotohanang bagay. Dapat bigyan ng katuturan ang sinabi.

 Deskriptiv (paglalarawan) -isang anyo ng diskurso na


nagpapahayag ng sapat na detalye o katangian ng isang tao,
bagay, pook o damdamin upang ang isang mambabasa ay
makalikha ng isang larawan na naayon sa larawan.

 Expositori (paglalahad) – isang anyo ng pagpapahayag na


naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan,
bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa.

 Argumentative (pangangatwiran) – may layuning manghikayat at


magpapaniwala sa pamamagitan ng makatwirang mga pananalita.

4K DIMENSYON NG DISKURSO

1. Konteksto – inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory, tungo sa


ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang
kabuuang konkonteks.

Mga konteksto ng Diskurso

 Kontekstong Interpersonal -usapan ng magkaibigan

 Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang


samahan pangmag-aaral

 Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo


ng isang kumpanya sa lahat ng empleyado
29

 Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa


harap ng mga botante

 Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng


mga bansang ASEAN

 Kontekstong Pangkasarian - usapan ng mag-asawa

2. Kognisyon – tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng


mga nag-uusap.

3. Komunikasyon – ng dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at di-berbal na


paghihinuha ngmga impormasyon.

4. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa


pakikikinig, pagsaasalita, pagbasa at pagsulat.

Mga konteksto ng Diskurso

Kontekstong Interpersonal -usapan ng magkaibigan

Kontekstong Panggrupo – pulong ng pamunuan ng isang samahan pangmag-


aaral

Kontekstong Pang-organisasyon – memorandum ng pangulo ng isang


kumpanya sa lahat ng empleyado

Kontekstong Pangmasa – pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga


botante

Kontekstong Interkultural – pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang


ASEAN

Kontekstong Pangkasarian - usapan ng mag-asawa

Mga Batayang Kaalama sa Diskurso at Pagdidiskurso

Wika – ay isang behikulo at instrumentong ginagamit ng tao at institusyon sa


lipunan.
30

Kumbersasyon – isang verbal na pagpapalitan ng mga ideya na pwedeng


maganap sa mga sosyalang pampamilyaridad.

Diskurso – ay ang pagbabatid ng iniisip at ng nadarama sa hangaring


maunawaan at unawain ang kausap na maaring isagawa ng pagsulat at
pasalita.

MGA TEORYA NG DISKURSO

Speech Act Theory -ang pananalita o diskurso ay kaugnay ng aksyon.

Ethnography of Communication – tumutukoy sa pag-aaral ng komunikasyon


kaugnay sa sosyal at kultural na pag-uugali at paniniwala.

Pragmantic Theory – Ang relasyon sa pagitan ng wika at ng tao na


gumagampaniniwala

Communication Accomodation Theory – ang mga tao ay nagtatangkang


iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap sa iba.

Narrative Paradigm – Nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang


ispiker batay sa kohirens at pideliti ng kanilang istorya.

Variation Theory – nakapokus sa baryasyon ng wikang ginagamit sa


pagdidiskurso.

SANGGUNIAN:

Babasahin sa Filipino 209


31

ARALIN 1.

Komunikasyon

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na


kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na
pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang interaksiyon ng mga tao sa
isa’t isa.

Ang komunikasyon (galing sa salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig


sabihin ay “ibahagi”) ay aktibidad ng pagpapahiwatig ng kahulugan batay
sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon sa
biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo,
o sa biyokimikal na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba
dahil sa malawak na gamit ng wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon
naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.

Ang hindi pasalitang komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng


paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga mensahe na hindi
kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang
komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic),
komumikasyong kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan,
pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at kung paano manamit ang
isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento ng
hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. Ritmo,
intonasyon, tempo at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao
ay pangungusap ng mukha at ang iba pa ay 38% na mistulang wika o
paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay naglalaman din
ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa
pagsulat at ang paggamit ng emoji” upang maipahayag ang
nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng mga imahe.
32

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Unawain at piliin ang tamang sagot. Ilagay ang inyong sagot sa
espasyo bago ang bilang.

Ito’y isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na


ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo.

Diyalekto

Komunikasyon

Berbal

Commute

Ayon sa kaniya ang komunikasyon ay isang paraan ng Pagbibigay o


paghahatid ng impormasyon o ideya sa mga Tao?

Agree

Brown

Shake spear
33

Webster
Ito’y uri ng komunikasyon na ginagamit Ng wika?
Berbal
Di berbal
Komunikasyon
Action

4. Ginagamit dito ang di-berbal na kilos sa halip na salita.

A. PAGPAPABULAAN

B. PAGBIBIGAY-DIIN

C. PAGPAPALIT

D. PAGKOKONTROL

5. Ang kilos dito ay ginagamit upang maging lubos ang pagtatapos o


pagpapaliwanag.

A. PAG-UULIT

B. PAGPAPALIT

C. KOMPLEMENTING

D. PAGKOKONTROL
34

KOMUNIKASYON

- Ang komunikasyon ay ang pakikipag-usap,paglalarawan,


pagpapahayag, pakikipag-ugnayan atpakikipagtalastasan sa mga tao.
Sa pamamagitan ngkomunikasyon makakamit ng tao ang kahalagahan
ngbuhay at nailalabas niya ang kanyang saloobin tungkolsa isang isyu.

Ang salitang komunikasyon ay galing sa salitang Latin na Commūnicāre


na ang ibig sabihin ay “ibahagi”

Narito ang pakahulugan ng komunikasyon mula sa Iba’t Ibang eksperto.

Lorenzo ,et al ( 1994) .

- SA pakikipag-komunikasyon nabubuo sa isipan ng tatanggap ng mensahe


ang isang ideya o larawang katulad ng nasa isip ng nagpapadala ng
mensahe . Sa ganitong sitwasyon Ang dalawang panig ay
nagbabahagian ng kanilang ideya sa paraang kasangkot Ang
pagsasalita, pakikinig ,pag-unawa pagbasa at pagsulat.

Webster Dictionary ( 1987) .


- Ang komunikasyon ay ang pagpapalitan ng ideya o
opinyon ,pagsasabi ,pagbubunyag , pagpapahayag ,Pagbibigay
impormasyon,pakikipag ugnayan at isang sistema o paraan ng
paghahatid at pagtanggap Ng mensahe sa pamamagitan ng telepono ,
telegrama ,radyo , Telebisyon at kompyuter .

Agree (1987)
- Ang komunikasyon ay Paraan ng Pagbibigay o paghahatid ng
impormasyon o ideya at pag-uugali o attiyud Mula sa ibang Tao tungo sa
kaniyang kapwa.

F.E Dance
35

- Ang komunikasyon ay isang prosesong dynamiko, tuloy-tuloy at


nagbabago.

Espina at Borja (1999) .


- Ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid,at Pagbibigay ng
mensahe sa isang mabisang paraan. Ito ay isang paraan Ng pagtatamo
Ng pagkakaunawaan, samakatuwid Mahalagang salik Ito sa
pagtatagumpay Ng mga pangarap at mithiin .

Brown (1980).
- Ang komunikasyon ay isang serye o pagsusunod-sunod Ng mga aktong
komunikatibo o speech act na maparaan . ginagamit upang
maisakatuparan ang mga tiyak na Layunin.

Barker at Barker (1993) .


- Isang proseso Kung saan ang dalawa o higit pang elemento Ng isang
sistema ay nagkakaroon ng interaksyon upang matamo Ang ninanais .

KOMUNIKASYONG BERBAL AT KOMUNIKASYONG DI BERBAL

KOMUNIKASYONG BERBAL - Ito ang komunikasyong gumagamit ng wika na


maaring pasalita o pasulat. Ang pasalitang komunikasyon ay tinatawag ding
oral na komunikasyon. Karaniwang magkaakibat o magkasama dito ang
verbal at di verbal na komunikasyon. Madalas na ginagamit sa pang araw-
araw na interaksyon natin ang paraang pasalita.

KOMUNIKASYONG DI-BERBAL - Ito ang komunikasyon hindi ginagamitan ng


wika. Karaniwang kilos o galaw ng katawan o bahagi ng katawan ang
ginagamit sa pakikipagtalastasan.

TUNGKULIN NG KOMUNIKASYONG DI-BERBAL

1. Pag-uulit

2. Pagpapalit o paghalili

3. Komplementing
36

4. Pagkokontrol

5. Pagbibigay-diin o empasis

6. Pagpapabulaan/pagbubunyag

Mga Uri ng Komunikasyon Di Berbal

1. Ekspresyon ng mukha –

-mukha ang kadalasan kakikitaan ng komunikasyon di- berbal. Madalas


mukha ang tinitingnan kapag gusting malaman ang sinseridad ng tao kausap
natin.

2. Galaw ng Mata

Ang mata raw ang siyang “pintuan ng ating kaluluwa” sapagkat sa


pamamagitan nito ay maari tayong makipag-ugnayan nang makahulugan
sa taong nais makaugnayan.2.Galaw ng Mata

Ang mata raw ang siyang “pintuan ng ating kaluluwa” sapagkat sa


pamamagitan nito ay maari tayong makipag-ugnayan nang makahulugan
sa taong nais makaugnayan.

3. Kinesics/galaw ng katawan- kinesics ang tawag sa pag-aaral ng galaw o


kilos ng katawan. Sangkot ditto ang kabuuan ng katawan; ang galaw ng
balikat,kamay,paa at maging ang tindig, paraan ng pag-upo o paglakad.

4. Oras/Kronemika(Chronemics- ito ay pag-aaral kung paano naapektuhan


ang komunikasyon. Ang oras ay maaaring uriin sa sariling kategorya ayon kay
Peter A. Anderson:

4. Oras/Kronemika(Chronemics- ito ay pag-aaral kung paano naapektuhan


ang komunikasyon. Ang oras ay maaaring uriin sa sariling kategorya ayon kay
Peter A. Anderson:

5. Prosemika - ito ay makahulugang distansiya om layo ng pag-uusap. Ang


espasyo ng pakikisalamuha ay may katimbas na pakahulugan.

6. Pandama o Paghawak (Haptics)


37

-ang pandama ang pinakaunang nadebelop sating senses. Bago


makakita, makarinig, makalasa, o makaamoy ang sanggol, ang kanyang
balat ay tumugon at nakatugon sa stimuli ng kapaligiran. Sa lahat ng senses
ang pandama ang pinakamahihirapan tayo kung wala ito.Pandama o
Paghawak (Haptics)

-ang pandama ang pinakaunang nadebelop sating senses. Bago


makakita, makarinig, makalasa, o makaamoy ang sanggol, ang kanyang
balat ay tumugon at nakatugon sa stimuli ng kapaligiran. Sa lahat ng senses
ang pandama ang pinakamahihirapan tayo kung wala ito.

7. Tono(Vocalics)- tinutukoy nito ang tono ng tinig(pagtaas at pagbaba),


pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita.

Halimbawa : pagsutsot, ungol, halinghing at hikbi.

Tono(Vocalics)- tinutukoy nito ang tono ng tinig(pagtaas at pagbaba),


pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita.

Halimbawa : pagsutsot, ungol, halinghing at hikbi.

8. Simbolo(Iconics)

ito ay ang paggamit ng mga larawan,simbolo, o mga sagisag na


nagpakita ng pakikipagkomunikasyon, ito ay makikita sa mga corrigdor ng
paaralan o mga gusali, sa mga daanan, lansangan o kahit sa mga tahanan.
Mga simbolo na nakikita sa paligid.

HaSimbolo(Iconics)

ito ay ang paggamit ng mga larawan,simbolo, o mga sagisag na


nagpakita ng pakikipagkomunikasyon, ito ay makikita sa mga corrigdor ng
paaralan o mga gusali, sa mga daanan, lansangan o kahit sa mga tahanan.
Mga simbolo na nakikita sa paligid.

Ha

9.Pang-amoy(Olphatorics)- binibigyang –kahulugan ang amoy bilang isa sa


mga di-berbal. Maaring nakapagpapaala ito ng nakaraanlalo’t ang amoy ay
naging bahagi ng karanasan.

10.Kulay(Colorics)

- Ang mga kulay nagpapakita ng rin ng komunikasyong di-berbal na mensahe.


38

Halimbawa:

kapag ikaw ay nasa lansangan at nakita mo ang kulay ng traffic light


ay pula, ito ay nanganga-hulugang hinto.

11. Katahimikan/ Hindi Pag-imik

- may mahalagang tungkulin ding ginagampanan ang di pag-imik/


katahimikan p

agbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at


bumuo at mag-organisa ng kaniyang sabihin

-sandata rin ng katahimikan

- tugon sa pagkabalisa o pagkainip, pagkamahiyain o pagkamatakutin

12. Kapaligiran

- tumutukoy sa pinagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang


pulong, kumperensya, seminar at iba pa. Mahihinuha ang intensiyon ng
kausap batay sa kung saang lugar niya nais makikipaggusapKapaligiran

- tumutukoy sa pinagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang


pulong, kumperensya, seminar at iba pa. Mahihinuha ang intensiyon ng
kausap batay sa kung saang lugar niya nais makikipaggusap

13. Bagay /Objectics- tumutukoy sa paggamit ng mga bagay sa


pakikipagtalastasan. Ito ay mga bagay at0o mga biswal na material sa ating
kapaligiran na naghahatid o kumakatawan ng impormasyon.

14. Kumpas “Galaw ng Kamay”

Ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa.

Kumpas “Galaw ng Kamay”

Ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa.

15. . Tindig o Postura


39

Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong


klaseng tao ang iyong kaharap o kausap

LEARNING ACTIVITY 1PAGLINANG SA KASANAYAN

Bumuo ng sariling kahulugan Ng komunikasyon batay sa ating tinalakay


ngayon .
40

TAYAHIN

Piliin ang letra ng tamang sagot. Bilugan ang titik lamang


ito ay ang paggamit ng mga larawan,simbolo, o mga sagisag na nagpakita
ng pakikipagkomunikasyon?
a. Simbolo
b. Tono
c. Haptics
d. Galaw ng mata

2. tumutukoy sa pinagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,


kumperensya, seminar at iba pa.

a. Galaw ng mata

b. Simbolo

c. Kapaligiran

d. Tono

3. Siya ang nagsabi na ang komunikasyon ay isang prosesong dynamiko ,


tuloy-tuloy at nagbabago.

a. Brown

b. Agree

c. Webster

d. F.E. Dance

4.ito ay binibigyang kahulugan ang amoy bilang isa sa mga di-berbal.


Maaring nakapagpapaala ito ng nakaraanlalo’t ang amoy ay naging bahagi
ng karanasan?

a. Pang-amoy

b. Tono

c. Galaw

d. Mata
41

5. ito ay pag-aaral kung paano naapektuhan ang komunikasyon.

a. Iconic

b. Mata

c. Oras

d. Cronics

SANGGUNIAN:

Babasahin sa Filipino 306

SUSI SA PAGWAWASTO:

Paunang
Pagtataya
Tayahin
1. B

2. A
1. A
3. A
2. C
4. B
3. D
5. C
4. A

5. C
42

Ang pagsusulat ay isang paglalarawan ng wika sa tekstuwal na


tagapamagitan sa pamamagitan ng paggamit ng isang pangkat ng mga
tanda o sagisag (kilala bilang sistema ng pagsulat). Iniiba ito sa larawang-guhit,
katulad ng mga larawang-guhit sa yungib at pinta, at ang pagtatala ng wika
sa pamamagitan ng hindi-tekstuwal na tagapamagitan katulad ng
magnetikong teyp na awdyo.

Ang modyul na ito ay tutugon sa pangangailang ng kursong “Malikhaing


Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina na magagamit ng mga mag-aaral na kasalukuyang
kumukuha ng kursong ito. Ito ay nagpapaliwanag hinggil sa iba’t ibang
pagpapakahulugan ng Kahulugan/dipinisyon ng Pagsulat at kalikasan ng pagsulat,
Iba Pang Kahulugan ng Pagsulat ayon sa Dalubhasa, Sosyo-kognitibong pananaw sa
43

pagsulat, Layunin ng Pagsulat, maging ang Elemento ng pagsulat. Ang mga


ginawang gawaing/pagsasanay sa modyul na ito ay itinakda upang masubok ang
kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral.
44
45

PAUNANG PAGTATAYA
Panuto: Tama o Mali Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung
hindi wasto ang ipinahihiwatig. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Ang pagsulat ay ang pagsasatitik ng naiisip at nararamdaman gamit ang


wika.
Ang pagsulat ay kapwa isang pisikal at mental na aktibiti ayon kay Bernales.
Ang sulatin ay maaring pampersonal at pang-akademiko.
Malikhain o masining ang pagsusulat kung ang pokus nito ay ang
imahinasyon ng manunulat.
Ang pag-aaral ng pagsulat ay may bentahe para sa isang kapaki-
pakinabang na indibidwal
Ang pagsulat ay personal na gawain na may layuning panlipunan o kung
nasasangkot sa pakikipag-ugnayan sa iba pang tao sa lipunan.
Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.
Ang pagsulat ay mahalaga sa pagrereserba ng ating kasaysayan, kultura at
kalinangan.
9.Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa sariling
pananaw ng isang indibidwal
Gumagamit ng kahit anong klaseng salita o wika sa pagsulat ng
akademikong sulatin.
46

KAHULUGAN/DEPINISYON NG PAGSULAt AT KALIKASAN NG PAGSULAT

Ang pagsulat ay ginagawa upang maipahayag ang mga ideya kaisipan sa


kapwa sa ibat ibang kadahilanan. Maaring nagsusulat tayo upang
maiparating ang ating nararamdaman hinggil sa isang paksa o ideya,
upang libangin ang sarili at ang kapwa, upang magturo at magbahagi ng
kaalaman o makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na
opinion.

Pagsulat – ay artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at


nararamdaman na ipinapahayag sa paraang pagsulat, limbag at
elektroniko (sa kompyuter).
Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha
at makagawa ng maayos na sulatin: isang kasanayan.

IBA’T – IBANG KAHULUGAN NG PAGSULAT AYON SA DALUBHASA

Bernales, et al – ang pagsulat ay isang pagsalin sa papel o sa anumang


kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong
salita.
 Isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman, at
damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag ng mga tunog
ng salita sa paraang paglimbag kapwa mental, pisikal, at emosyonal
na gawain.
Ang kasanayan sa pagsulat sinasabing higit pa sa paggamit ng mga
simbolong ortografik.

Arapoff (1975) - ang pagsulat ay isang proseso ng pag-iisip na inilarawan sa


pamamagitan ng mahusay na pagpili at pag-oorganisa ng mga karanasan.
 Dinidevelop nito ang isang tao ang kanyang kakayahang isaayos ang
kanyang mga ideya kung saan nagagawa niyang piliin kung ano ang
mahalaga at kapaki-pakinabang sa kanyang layunin.
47

Smith (1976) – ay naniniwalang ang pagsulat ay isang tao – sa – taong


komunikasyon. Hindi lang ito pagsasabi ng isang bagay kundi ang
pagpapahayag nito sa isang partikular na sitwasyon ng isang tao. Kung
gayon kinakailangang pinipili ang mga salita at isinasaayos ang istruktura
upang maging malinaw ang mensahe.

Florian Coulmas – ito ay isang set ng nakikitang simbolo na ginagamit upang


kumakatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan,
na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o
magbigay ng kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginagamit at
mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda.

SOSYO – KOGNITIBONG PANANAW SA PAGSULAT

Maituturing itong isang paglalakbay-isip ng hindi alam ang destinasyon


sapagkat madalas na ang ating pag-iisip ay hindi pa tiyak at patuloy na
gumagalugad sa iba’t-ibang paraan kung paano isusulat ng isang paksa at
kung ano ang pinakaperpektong paraan upang mapagsama-sama ang
lahat ng kaisipan.

Royo, (2001) – ang pagsulat ay paghubog ng damdamin at isipan ng tao.


Naipararating niya ang kanyang mga mithiin, pangarap, damdamin,
bungang-isip, at mga agam-agam. Higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.

Grabe at Kaplan (1996) “Four Stage Division sa kasaysayan ng proseso ng


pagsulat”
Ekspresiv na pagsulat – nakapokus sa pangangailangan ng manunulat na
malayang maipahayag ang kaniyang sarili gamit ang sariling pamamaraan.
Walang ginagamit na teorya ngunit nakaimpluwensya sa inobasyon sa
pagtuturo ng pagsusulat.
Kognitiv – na tumitingin sa pagsulat bilang pag-iisip at isang kompleks na
gawain. May makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito’y isang pabalik-
balik na gawain.
Sosyal na antas – sa pananaw ito, ang mga manunulat ay hindi lamang
kumikilos ng mag-isa kung hindi bilang isang kasapi ng isang sosyal at kultural
na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung ano at paano sila sumulat.
Komunidad ng diskurso – nadedebelop mula sa paniniwalang ang pagsulat
ay isang gawaing sosyal.
- ang pagkaunawa ng mambabasa at ang genre ay napakahalaga
rito.
48

- Ang atensyon ay nakatuon sa pantersyaryang pagsulat kung saan


kailangang makasulat ng katanggap-tanggap sa akademik na
komunidad.

White and Arndt (1991) Dayagram sa proseso ng Pagsulat

Ang dayagram na ito ay nagpapahiwatig ng paulit-ulit at hindi linyar na


kalikasan ng pagsulat. Ang mga gawaing tulad ng Brainstorming ay
nagpapalabas ng ideya na nakatutulong sa mga manuulat na masasabi
ang nasa kanyang iskema.

Pagfofokus – tulad ng mabilis na pagsulat ay nauugnay sa pangkalahatang


layunin sa pagsulat tungkol sa isang paksa.

Pag-iistruktura – ay ang pag-oorganisa at muling pag-aayos ng teksto upang


mailahad ang ideya sa paraang tatanggapin ito ng mga mambabasa.

Paggawa ng Burador – ang transisyon ng kaisipan mula sa manunulat (writer-


based thought) patungo sa tekstong para sa mambabasa (reader-based
49

thought). Sa bahaging ito, maraming burador ang maaaring mabuo batay


na rin sa fidbak mula sa mga guro at/o kasama.

Pagtataya o evalwasyon – makatutulong ang paggamit ng tseklist upang


makakuha ng fidbak at mga pun ana makatutulong upang maisaayos ang
binuong burador.

Muling Pagtingin – ang muling pagtingin sa teksto ay ginagawa upang


matiyak kung tama ang ginawa. Layunin nitong makalikha ng makabuluhan
at mabisang pagsulat na makadedebelop sa kasanayan ng manunulat.

Gamit ang teorya ni Freeman(1987)na tinawag na sosyo-kognitibong teorya


sa pagsulat.Sa pananaw na ito,ang kaalaman sa pagsulat ay may
batayang panlipunan at itinuturing na isang prosesong interaktiv.Malaki ang
ginagampanang papel ng iskema ng isang mag-aaral at ang konteksto sa
kanyang pagkatuto.Gayundin pinaniniwalaan ni Royo(2001),na sa kanilang
pagsulat,pumapasok sila sa isang sa isang diskursong pangkomunidad kung
saan,nakabubuo sila ng kanilang layunin sa pagsulat at nakatutukoy kung
sino ang target na mambabasa.

MGA LAYUNIN SA PAGSULAT

Ang layunin kung bakit nagsusulat ay mahalaga upang magkaroon ng


direksyon o fokus ang gawaing ito.May dalawang pangunahing layunin sa
pagsulat:
Ekspresiv – pangunahing layunin nito ang maipahayag ang nararamdaman
at nasasaloob.Ang mga damdamin tulad ng
lungkot,galit,kabiguan,tampo,tuwa at iba pang personal na damdamin ay
maaring maging dahilan kung bakit siya’y nakakasulat.
 Kinapapalooban ito ng sariling karanasan at mga pala-palagay ng
manunulat hinggil sa ilang pangyayari sa paligid.Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang jornal,talaarawa,personal na liham at mga
reaksyon.
Transaksyunal – Sa layunin ito ng pagsulat,nagbibigay ng interpretasyon,
nangangatwiran,naghahatid ng impormayon,nagsusuri,nanghihikayat o dili
kaya’y nakikipagpalitan ng mga ideya sa iba ang manunulat.
 Gumagamit ito ng mas formal at kontroladong paraan sapagkat may
format o istilo na dapat isaalang-alang upang maihatid ang mensahe
sa target niyang mambabasa.
Mga halimbawa: artikulo,sulating-pananaliksik,editorial,ulat,revyu,mga
sanaysay na pampanitikan,dokumentaryo,memorandum.
50

ELEMENTO NG PAGSULAT
Paksa
 Ayon kay Bernales (2006), ang imbensyon ay isa sa limang
pangunahing kategorya ng retorika.
 Ang imbensyon ay salitang latin na nangangahulugang “to
find”.
 Maari rin itong tukuyin bilang paksa.
 Ang paksa ay dapat na naangkop sa sitwasyon at
mambabasa,napapanahon,at kawili-wili.
Layunin
 Lahat ng ating ginagawa ay tungo sa isang tiyak na layunin.
Bawat tao ay may ninanais na makamtan.karaniwan na ang
pamamaraan ang ating pakikipag-ugnayan ay nadidiktahan ng
ating layunin o ninanais na makamtan sa katapusan na
gawain.Sa tuwing tayo ay nagsusulat,isang simpleng liham
pangkaibigan man ito o isang pananaliksik,mayroon tayong
ninanais na maiparating sa ating kausap.
Pagsasawika ng ideya
 Ang ideya ay ang kaisipan ng isang tao tungkol sa isang paksa
at ito ay mananatiling kaisipan lamang hangga’t hindi ito
nalalapatan ng mga kongkretong salita na siyang magbibigay
kabuuan dito.
 Sa pagsasawika mabubuo ang isang teksto.
 Sa mga salitang ating sariling damdamin kaugnay ng
paksa,kung tayo ba ay natutuwa onaiinis,nawiwili ba tayo o
naaasiwa.
Mambabasa
 Sa isang diskurso o ano mang proseso ng pakikipagtalastasan
lagging may dalawa o higit pang bilang ng participant.
 Ang isang akda ay hindi makakaroon nang kabubuluhan kung
ito ay walang mambabasa.
 Maging tayo sa ating pagbabasa nagiging mga kritiko tayo at
gumagawa ng ating magkomento upang mapabuti ang ating
sinulat.
 Malaki ang papel na ginagampanan ng mambabasa sa ating
pagsusulat.
51

TAYAHIN
Panuto:
 Bumuo ng isang tula na nagpapatungkol sa kahalagahan ng
pagsulat. (15 puntos)
52

Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

Nalalaman ang pangangailangan sa Pagbuo ng isang sulatin

Nakapagtatala ng tamang pagbabalangkas

Makabubuo ng sariling sulatin

Mga kagamitang na kinakailangan

Ang mga kagamitang na kailangan ay ang sumusunod:

Laptop, projector, papel at Ballpen

Panuto: Unawain at piliin angbtamang sagot. Ilaagay ang inyung sagot sa


espasyo bago ang bilang.

1.Nakapokus sa pangangailangan ng manunulat na malayang maipahayag


ang kanyang sarili gamit at ang sariling pamamaraan. Walang ginagamit na
teorya ngunit nakakimpluwensya sa inobasyon sa panturong pagsulat.

a. Ekspresiv

b. Kognitib

c. Sosya
53

d. Wakas

2. Tumingin sa pagsulat bilang isang pag-iisip at kompleks na gawain. May


makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito'y isang pabalik-balik na ito,

a. Ekspresiv

b. Social

c. Kognitib

d. Katawan

3. Ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang
kasapi ng isang sosyal at kultura na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung
ano at paano sila sumulat.

a. Sosyal

b. Wakas

c. Ekspresiv

d. Kognitiv

4. Ito ay nagsisilbing panimula ng isang teksto na kung saan ito ay


nanghihikayat sa mga mambabasa.

a. Una

b. SImula

c. Wakas

d. Katawan

5. Ito ay ang panghuling bahagi ng teksto na kung saan dito makikita ang
buod ng ispisipikong isyu na tinatalakay sa katawan.

a. Simula

b. Wakas

c. Kognitib
54

d. Ekspresiv

APAT NA DIBISYON NG KASAYSAYAN NG PAGSULAT

PANGANGAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN

DIBISYON SA PAGSULAT, TEKSTO, AT PAGBABAKANGKAS

Apat na Dibisyon ng Kasanayan ng Pagsulat:

1. Ekspresiv

Nakapokus sa pangangailangan ng manunulat na malayang maipahayag


ang kanyang sarili gamit at ang sariling pamamaraan. Walang ginagamit na
teorya ngunit nakakimpluwensya sa inobasyon sa panturong pagsulat.

2. Kognitiv

Tumingin sa pagsulat bilang isang pag-iisip at kompleks na gawain. May


makalayuning oryentasyon at naniniwalang ito'y isang pabalik-balik na ito,

3. Sosyal

Ang mga manunulat ay hindi lamang kumikilos nang nag-iisa kundi bilang
kasapi ng isang sosyal at kultura na pangkat na nakakaimpluwensya sa kung
ano at paano sila sumulat.
55

Komunidad ng Diskurso

Nadebelop mula sa paniniwalang ang pagsulat isang gawaing sosyal. Ang


pagkakaunawa ng mambabasa at ang genre ay napakahagala rito.

DIBISYON SA PAGSULAT, TEKSTO, AT PAGBABAKANGKA:

Ang isang sulatin o teksto ay bunga ng pag-iisip, ang pagsusulat at


pagrerebisa. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi, panimula, katawan, at
wakas.

Katangi-tangi ang isang teksto na ang panimula pa lamang ay napupukaw


na ng interes ng mambabasa. Mahalaga ang bahaging ito ng teksto dahil
ito sa makatawag-pansin sa isang mambabasa.

Narito ang mga bahagi ng teksto

1. SIMULA- ito ay nagsisilbing panimula ng isang teksto na kung saan ito ay


nanghihikayat sa mga mambabasa. Dito din makikita ang pasilip na
impormasyon tungkol sa nilalaman ng isang teksto.

2. KATAWAN- ito ay nagsisilbing buhay ng isang teksto na kung saan dito


makikita ang mga impormasyon, sariling pananaw, karagdagang kaalaman
at mga argumentong nabibilang sa isang isyu na napapaloob sa isang
teksto.

3. WAKAS-ito ay ang panghuling bahagi ng teksto na kung saan dito makikita


ang buod ng ispisipikong isyu na tinatalakay sa KATAWAN. Ito din ay
nagbibigay ng mga babala, aral at aksyon na makakatulong sa buhay ng
mambabasa.

MGA ANYO NG TEKSTO

1. Tekstong Akademiko ang anyo ng tekstong ito ay hindi tiyak sapagkat


nakabatay ito sa kanyang lipunang kinasasangkuta.

2. Tekstong Propesyunal - ito ay nauukol sa bagong tuklas na datos at


nangangailangan ng masusing pagpili ng salita.
56

3. Tekstong Literari - ito ay tumatalakay sa batay sa karanasan at damdamin


ng isang manunulat. Maari itong batay sa totoong buhay o likha lang ng
isipan.

PAGBABALANGKAS

Ang pagbabalangkas ay pagbuo ng sistematikong paghahanay ng


mga ideya upang malinaw ang kanilang ugnayan. Madalas itong tukuyin
bilang gulugod ng isang papel sapagkat nasasalamin sa isang mahusay na
papel ang masinop at masinsing pagbabalangkas ng mga ideya. Sa
pamamagitan ng pagbuo ng isang maayos na balangkas ng mga ideya,
inaasahang magagabayan ang pagsasaayos ng mga ideya mula sa
pinakamalawak hanggang sa pinakatiyak na ideyang bahagi ng
isinasagawang pagsisiyasat. Sa pagbabalangkas ng mga ideya, inaasahan
ding makalilikha ng masinop na paghahanay at pag-uugnay ng mga datos
na magiging batayan sa pagbuo ng mga obserbasyon at kongklusyon.

Sa pangkalahatan, nakikilala ang balangkas sa lalong popular na


kaayusan nitong may mga ideyang nasa ilalim ng higit na malawak na ideya
at may punong ideya o panimulang hakbang ginagamit na gabay sa
pagtitiyak ng kahustuhan ng hanayan ng mga ideya. Maaari itong makilala
sa ganitong anyo ayon kay Bernales.

Pansamantalang Balangkas

Pamagat ng Pananaliksik/Papel

Punong-ideya o Panimulang Haka

Balangkas

I. (Unang Ulo ng Balangkas)

A. (Suportang Ideya)

1. (Kaugnay na Ideya)
57

2. (Kaugnay na Ideya)

B. (Suportang Ideya)

1. (Kaugnay na Ideya)

2. (Kaugnay na Ideya)

II. (Pangalawang Ulo ng Balangkas)

A. (Suportang Ideya)

1. (Kaugnay na Ideya)

2. (Kaugnay na Ideya)

B. (Suportang Ideya)

1. (Kaugnay na Ideya)

2. (Kaugnay na Ideya)

Ang ulo ng balangkas ay tumutukoy sa pinakamalawak na


konsepto sa pananaliksik. Sa pangkalahatan, itinutukoy itong introduksyon,
katawan ng papel at pagtatapos/konklusyon ng pananaliksik.
Gayunpaman, hindi pa ito inilalagay bilang ulo ng balangkas. Sa halip ang
inilalagay ay ang konsepto o paksaing nilalaman ng introduksyon, katawan
ng papel at konklusyon ng papel. Mangyari, maaari maging higit pa sa
tatlong bahagi ang balangkas, depende sa dami ng pangunahing ulo ng
balangkas kung tungkol saan ang mga bahaging ito upang maging tiyak din
ang suportang ideya at kaugnayan na ideyang kasunod nito.

Sa paghahanay ng ulo ng balangkas, isinasaalang-alang ang


pinakamalawak o pangunahing konsepto bahagi ng pananaliksik kaya't
nasa bahaging itong maaari pang lagyan ng suporta at kaugnayan ng
suporta. Ang suportang ideya at kaugnayan na ideya laging dalawa
sapagkat kung isa lamang ang suportang ideya o kaugnay na ideya ay
mangangahulugang hindi ito sing-lawak o sing-halaga ng ulo ng balangkas.
Sa pinakamahigpit na kaayusan ng balangkas, suportang ideya sa bawat
ulo ng balangkas sa numerong Romano ay kinakailangang pantay pantay.
58

Ibig sabihin, kung ang suportang ideya sa unang numerong Romano ay


tatlo, dapat ay tatlo rin ang suportang ideya sa susunod pang numerong
Romano. Batay ito sa prinsipyo sa paralelismo ng bilang ng suportang ideya.
Gayunpaman, nangyayari kung minsan na mahirap ang laging tapat na
bilang ng suportang ideya kaya't mahalagang mapanatili ang laging
dalawa ang suportang ideya at kaugnay na ideya sa bawat bilang upang
matiyak na sapat ang lawak nito bilang pangunahing konsepto sa
paghahanay ng ideya sa balangkas.

Ang lalim at detalye ng mga ideyang nakapaloob sa balangkas ay


tinitiyak na bilang ng antas ng balangkas. Ang halimbawang nauna ay
tinatawag na tatlong antas ng balangkas. Tatlong antas ito sapagkat tatlo
ang dala ng ideyang nakahanay. Maaaring isang antas lamang ang
balangkas, ibig sabihin ay hanggang numerong Romano lamang; kung
dalawang antas naman ay hanggang malaking titik lamang ng alpabeto;
kung tatlo ay hanggang sa numero Arabic at kung apat gagamit na ng
maliliit na titik ng numero Romano. Muli, ang lalim ng ugnayan ng nakalap
matapos ang maaaring magtakda ng bilang ng antas ng
balangkas.Pansinin ang mga kasunod na kalansay na balangkas sa iba't
ibang antas.

balangkas na nililikha. Sa pangkalahatang, tatlo ang uri ng balangkas- ang


Gayunpaman, ang anyo ng balangkas ay higit na tinitiyak ayon sa uri ng
balangkas na talata, ang balangkas na paksa at ang balangkas na
pangungusap. Ang katangian ng pagkakahanay ng mga ideya ang siyang
nagtatakda ng anyo ng balangkas na sinusunod ito.

Samantala, ang balangkas na talata ay paghahanay ng isa-isang mga


ideya. Sabalangkas na talata, iniisa-isa lamang ang mga ideya at walang
gasinong pansinibinibigay sa ugnayan at isang ideya sa kasunod pa.
Makikilala ito sa anyo paghahanay at pag-iisa-isa ayon sa bilang. Hindi ito
sumusunod sa karaniwanganyo ng balangkas na nagpapakita ng kung ilang
antas at kung ilang suson angkaugnayan ng ideya. Ang mga ideya ay
inahahanay lamang sa pamamagitan ngmga buong pangugusap na nasa
anyong pasalaysay (deklaratib).

Ang balangkas na paksa naman ay gumagamit ng karaniwang anyo


ng balangkas na nagpapakita ng antas at suson ng kaugnayan ng mga
ideya. Nakikilala ito sa gamit ng mga salita o parirala sa paghahanay ng
mga datos at konsepto. Katulad ngkaraniwang pangungusap, ang mga
salita, parirala ay nagsisimula sa malaking titik at hindi gumagamit ng tuldok
sa pagtatapos ng talata.
59

Ang balangkas na pangungusap ay gumagamit ng buong


pangungusap sa paghahanay ng mga datos at konsepto sa balangkas.
Maaring gumamit ng pangungusap na pasalaysay, kung tiyak na ang datos
na ilalagay o di kaya ay pangungusap na patanong, kung nasa antas pa
lamang ng pagbuo ng mga datos na nais kalapin. Kailangan lamang ay
maging sa gamit ng uri ng pangungusap. Hindi maaring paghaluin ang mga
pangungusap. Mainam din kung magagawang ito na pormulasyon ng
pangungusap. Kailangan maipakita rin ito ang wastong gamit ng malaki at
maliit na letra at wastong pagbabantas.

MGA KAILANGAN SA PAGBUO NG SULATIN

1. Paksa

-kailangan ng isang sulatin ang sapat na kaalaman o impormasyon sa


paksang sulatin. Ang mga kaalaman o impormasyon ay maaring galling sa
mga sangguniang aklat, dyuornal at iba pa.

2. Layunin

- dapat na malinaw sa isipan ng manunulat ang dahilan kung bakit siya


nagsusulat. Malaki ang magiging epekto nito sa kanyang paraan ng
pagsulat. Kaya ang kaibahan sa anyo o porma ng isang sitin ay nakabatay
nang malaki sa layunin.

3. Interaksyon at isang pagbuo sa Kamalayan ng Awdyens

dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa


pagsulat. Kung minsan, ang manunulat ay nag-iinterak sa kanyang sarili,
halimbawa, kapag nagsulat siya ng dyornal, pero sa maraming
pagkakataon ang interaksyon ay sa ibang tao. Kailangang linangin din ng
isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin
niya kung sino ang sinusiatan, ano ang maaring gusto niyang malaman, ano
ang lawak ng kanyang pang-nawa at anong uri ng wika ang angkop na
gamitin.

4. Wika

ang isang manunulat ay kailangang mayroon ng kaban ng wikang maaring


gamitin ayon sa pangangailangan, Dapat alam niya ang istilo ng wikang
angkop na gamitin sa lahat ng pagkakataon,
60

5. Konbensyon

-dapat isaalang-alang ang mga konbensyon sa pagsulat na tinatangkilik sa


isang pamayanan. Halimbawa may sariling pormat ng adbertisment na
kaiba sa pagsulat.

6. Mga kasanayan sa pag-iisip

- ang isang manunulat ay dapat magtaglay ng iba't ibang kasanayan sa


pag-iisip. Kailangang may taglay siyang kasanayan sa pagtanggi ng mga
bagay at pangyayari upang madesisynan niya kung alin ang mahalaga o
hindi; kailangan din niya ang kaalaman sa lohikal upang makapangatwiran
siya nang mabisa; kailangang alam din niyang pagalawin ang kanyang
imahinasyon at maging malikhain para sa kawiling-wiling paglalahad,
kailangang mayroon din siyang kakayahan sa pagbibigay ng sariling
pagpapasiya at iba pa.

7. Kasanayan sa Pagbubuo

- isa sa mga tunguhin ng manunulat ang makabuo nang maayos na


talataan na naglalahad nang malinaw na ideya at mga pansuportang
detalye. Nagagawa rin ng isang mahusay na mannlat na lohikal na
mailalahad ang pagkasunud-sunod ng mga ideya sa pagbo ng isang
magkakaugnay na teksto sa pamamagitan ng paggamit na mga angkop
na pang uugnay.

8. Sariling sistema ng Pagpapahalaga

-dapat isaalang-alang ang mga pagpapahalagang pinanaligan ng isang


manunulat at handa siyang panindigan ang mga ito. Binibigyan pansin niya
sa pagsulat ang mga sumusunod:

a. Ano ang mahalaga sa paksa?

b. Ano ang maganda o mahusay na pagsulat?

c. Ano ang angkop na paraan ng pakikipagtalastasan sa isang taong may


edad kaysa sumusulat?

d. Sino ang awdyens o pinaglalaanan ng sulatin?

9. Mekaniks
61

- So sa mekaniks dapat isaisip natin na ang maayos na pagkakasulat ng


sulatin ay isang pangangailangan na dapat isaalang alang sa pagsulat,
kailangan din na ang lahat ng salitang gagamitin sa pagsulat ay may
wastong baybay, hindi rin natin dapat kaligtaan ang wastong pagbabantas
at angkop na anyong teksto na gagamitin sa pagsulat.

Mahalagang Sangkap sa Pagsusulat

1. Manunulat- nagpapadala ng mensahe naencoder kung tawagin.

2. Teksto-nakasatitik na mensahe na pinuprodyus ng manunulat.

3. Mambabasa-nag-linterpreta at ang umiintindi sa teksto ng decoder


naman kung tawagin

Proseso ng Pagsusulat.

1. Imbensyon o Pag-aasinta-paglikha ng iyong paksa,

Brainstorming- paglalahad ng mga ideya sa papel pang maibigay ang


posibleng maging paksa,

Paglilista-paglista ng mga ideyang ikaw ay interesadong gawin. Klaster-


pagmamapa ng mga ideya.

2. Pangangalap ng impormasyon o Pagtatanong at Pag-uusa

Pangangalap ng mga ideya

Paghahanap at pagsusuri ng mga pananaliksik

Pagsasagawa ng pakikipanayam Maari ring mabuo rito ang paksa

3. Pala-palagay

Habang wala pang tiyak nabalangkas at daloy ng pagtalakay sa paksang


susulatin, naghahain muna ng haka-haka ang manunulat lisa-isahin ng
manunulat ang sanhi at bunga ng pangyayari habang nag-iisip kung paano
bubuuin ang balangkas ng paksang napili Nakararamdam ng pagkabalisa
ang manunulat sa yugtong ito dahil patuloysiyang naghahanap ng
62

kasagutan sa kanyang mga tanong at maari pang biglang sumulpot ang iba
pang tanong Kadalasan ito ang pinakamahabang bahagi sa proseso ng
pagsulat

4. Pag-oorganisa

-paglalahad ng mga impormasyon sa isang balangkas

Balangkas-maituturing na pinakakalansay ng isang sulatin. Lubha


itongmahalaga upang maiwasan ang paglayo sa pagtalakay sa isang
paksang napili.

May dalawang klase ang pagbabalangkas:

(1.) Pangungusap na Balangkas nakatuon sa mga makadiwang


pangungusap na siyang kumakatawan sa mahalagang bahagi ng isang
sulatin.

(2) Talatang Balangkas nakapokus sa mga pinag-uugnay-ugnay na


mgakaisipan, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Pagsasaayos ng mga Datos:

1. Dalwang uri na mapagkukunan ng mga Datos:

a. Pangunahing Datos

- Nagmumula ang mga impormasyon sa mgaindibidwal na tao, mga


akdang pampanitikan, mga pribado o publikong organisasyon, batas,
dokumento at iba pang orihinal na talaan.

b. Sekondaryang Datos:

Kinalap ang mga datos mula sa mga manuskrito, ensayklopidya, tesis,


disertasyon, magazinw, pahayagan, at iba pang aklat na naisulat ng mga
awtor.

2. Tatlong istratehiya sa paghahalo ng sariling pag-aaral sa pinagkunang


material
63

(1.) Direktang Sipi- eksaktong salita o pahayag ng isang awtor. Kinopya nang
direkta, salita-sa-salita, mula sa sanggunian.

Gamit ito ng mananaliksik kapag nais niyang

i. Nais pabulaanan o hindi sang-ayun ang argument ng awtor.

ii. Idagdag ang kapangyarihan ng salita ng awtor upang suportahan ang


argument.pahayag o sipi.

iii. Bigyang-diin particular ang isang malinaw o makapangyarihang

iv. Naghahambing ng mga ispesipikong punto de vista.

(2) Parapreys o Hawig: pagsasabing muli ng nakuhang ideya mula sa ginamit


na sanggunian gamit ang sariling pangungusap.

Ginagawa ang pagpaparapreys kapag:

i. Nais gumamit ng mga impormasyon sa nowtkard at umiwas sa


panggagaya o pangongopya.

ii. Nais iwasan ang masyadong paggamit ng direktang sipi.

iii. Nais gamitin ang sariling boses sa paglalahad ng impormasyon.

3. Sinopsip o Buod- pinagsama-sama ang pangunahing ideya ng isa o


maraming manunulat gamit ang sariling pangungusap. Mas maikli ito kaysa
sa orihinal at naglalaman ng kabuuang kaisipan ng pinagkunang material.

Gumagawa ng synopsis kapag:

i. Nais magbigay ng bakgrawnd at pananaw hinggil sa isang paksa.

ii. Nais maglarawan ng pangkalahatang kaalaman mula sa maraming


sanggunian tungkol sa paksa nais na determina ang pangunahing ideya ng
pinagbatayang teksto.
64

5. Pagsulat ng Burador

-Bigyan ng sapat na panahon ang iyong sarili na magawa ang iyong sulatin.

-Humanap ng komportableng kugar na mapagsusulatan.

- Iwasan ang distraksyon o abala.

-Magpahinga

Panuto: Bumuo ng isang sulatin gamit ang pangangailangan sa pagbuo


nito.( Malaya kayong pumili kung ano ang paksa) 50 puntos.
65

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Bilugan ang titik lamang.

1. Ang isang manunulat ay kailangang may mapagkunan ng kanyang


isusulat. Ito ay maaaring manggaling sa sariling karanasan, mga nabasa,
narinig, namasid o napanood.

a. Layunin b. Kombensyon c. Paksa d. Proseso

2. Kinakailangan sa may dahilan ang pagsulat ; ninanais mo bang magbigay


impormasyon, magsalaysay, magpaliwanag o mangatwiran

a. Layunin b. Paksa c. Wika d. Awdyens

3. Tulad ng pagsasalita, ang pagsulat ay nangangailangan na alam ng


manunulat ang interes at pangangailangan ng mambabasa.

a. Awdyens b. Wika c. Mekaniks d. Paksa

4. Nararapat na iakma ang wikang gagamitin sa uri ng sulatin;bawat uri ng


manunulat ay may tiyak na wika na dapat gamitin

a. Wika b. Kasabayan sa pagbubuo c. Layunin d. Proseso

5. Ang isang sulatin ay nararapat na umayon sa tamangformat, gramatika at


retorika;bawat sulatin ay may kanya-kanyang format ng pagsulat ;ang
pagsulat ng kwento ay iba sa format ng pagsulat ng liham pangangalakal

a. Interaksyon at isang pagbuo sa kamalayan ngawdyens

b. Mga kasanayan sa pag-iisip

c. Kombensyon

d. Layunin
66

Sanggunian:

Aklat sa Malikhaing Pagsusulat

https://www.scribd.com/document/471671419/Mga-kailangan-sa-Pagbuo-
ng-Sulatin

Susi sa Pagwawasto:

Paunang Pagtataya Tayahin

1.a 1.c

2.c 2.a

3.a 3.a

4.b 4.a

5.b 5.c
67
68

Ano ang nalaman mo

Panimulang pagtataya

Alamin natin kung gaano kalawak ang inyong kaalaman sa nilalaman ng


modyul na ito. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng Impormasyon para sa


teknikal o komersyal na layunin.
a. Teknikal b. malikhain c. akademik d. referensyal

2. Pagkaklasipika sa mga detalye sa ayos na tila magkakasunod,


samantalang maari ring magkabaliktaran o walang tiyak sinusundang ayos

a. Definisyon o kahulugan b. Pagsusunod sunod

c. Enumerasyon o pag isa isa d. Paghahambing o Pagkokontras

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi uri ng pagsusulat.

a. malikhain b. dyornalistic c. teknikal d. pagkokontras

4. Lahat ng nabanggit ay halimbawa ng akademik maliban sa isa.

a. Kritikal na sanaysay b. Lab report c. Eksperimento d.


Bibliography

5. Ang pangunahing layunin nito ay magkwento o magsalaysay ng mga


pangyayari batay sa magkaugnay at tiyak na pagkakasunod-
sunod.

a. pamaraang naratibo b. pamaraang ekspresibo c. pamaraang


impormatibo
69

Tuklasin

Iba’t –ibang uri ng Pagsusulat

1. Akademik

- ito ay Intektuwal na pagsulat


 Kritikal na sanaysay
 Lab report
 Eksperimento
 Term paper o pamamanahong papel

Term paper o pamamanahong papel


o Introduksyon
o Layunin ng pag aaral
o Kahalagaan ng Pag aaral
o Saklaw at limitasyon

Hal.

IBAT IBANG PAMAMARAAN NG PAGKONTROL

NG PAGKAHAPO NG MGA MAG AARAL SA UNANG TAON

NG UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS SA

KOLOHIYO NG NARSING
70

2. Teknikal

-Isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng

Impormasyon para sa teknikal o komersyal na

layunin
 Ulat panlaboratoryo
 kompyuter

3. dyornalistik

saklaw nito pagsulat ng balita, kolum, anunsyo at Mga


pahayagan na makikita sa magasin.

4. Referensyal

Ito ay hinngil sa pagrerekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa


isang paksa.
 Bibliography
 Index

5. Malikhain

-Ang pokus nito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat


maaring fiksyonal at di fiksyonal ang akdang isinusulat.
 Pagsulat ng tula
 Nobela
 Maikling katha

Hulwarang organisasyon sa pagsulat

Hulwarang organisasyon sa pagsulat


71

Ayon kina pangkalinawan, lethicia Et. Al (2008) Sa pagbuo ng teksto


upang maging organisado o maayos Ang pagkakabuo, may ibat ibang
hulwarang organisasyon Na tiyak na magagamit. Ito ay ang paggamit
Definisyon o kahulugan,enumerasyon o pag isa isa, Pagsunod sunod,
paghahambin g o pagkakatulad Problema at solusyon at paggamit ng sanhi
at bunga.

1. Definisyon o kahulugan
-Binubuo ng mga pahayag na nagpapaliwanag ng katangian
,kinabibilangan,saklaw ng isang termino, nagbabago ng isang kahulugan ng
isang salita batay sa reperensya nito.
Hal.
Ilawan mo ang aking daraanan patungo sa iyong tahanan.
Dipinisyon: ilawan- bigyang liwanag
Napakaganda ng ilawan ng iyong binili
Dipinisyon: ilawan-palamuti.

Ang anumang terminong gagamitin ay maaring bibigyang kahulugan


paliteral o patalinghaga.
 Paliteral nakabatay sa kahugang pa diksyunaryo na kadalasan ay
karaniwan lamang batay kung paano nasulat.
 Patalinghaga binibigyang kahulugan batay sa malalim na
pagkakahulugan at nakatagong pahiwatig na maaring Ihalintulad o
taglay ng termino.

Resurrecion dinglasan (2001)


-Ang wastong pagbibigay ng kahulugan ng mga salita ay nakakatulong sa
pagpili at paggamit ng angkop salita sa pagpapahayag ng mga kaisipan.
-napakahalagang taglay ng isang mambabasa ang kasanayan sa pagtukoy
ng kahulugang

Literal o denotasyon at patalinghaga o konotasyon.


Denotasyon konotasyon
tungkod- isang uri ng may gamit na tungkod-kapangyarihan
kapansanan
walang panginoon- walang kinikilalang walang panginoon: walang
Diyos kinatakutan.

2. Enumerasyon o pag isa isa


72

-Ay pagkaklasipika sa mga detalye sa ayos na tila magkakasunod,


samantalang maari ring magkabaliktaran o walang tiyak sinusundang ayos.
.
3.Pagsusunod sunod
Pagsasaayos ng mga detalye batay sa tamang hakbang .
 Kronolohikal –
hal. Mga sinaunang taong dumating sa pilipinas.
 Prosidyural-
hal. pagluluto
4. Paghahambing o Pagkokontras
Pagkokompara o pagpapakatulad o pagkakaiba ng dalawa o
higit pang tao,kaisipan o ideya o ibang mga bagay bagay.

5. Problema at solusyon
- ito ay paglatag ng suliranin na may kaakibat na sulosyon sa
mga ito.

6.sanhi at bunga.

-Ito ay mailalahad ang dahilan ng isang pangyayari o bagay at ano


ang magiging resulta nito.

Pamamaraan ng pagsulat may limang paraan ng pagsulat upang


mailahad ang kaalaman at kaisipang manunulat batay na rin sa layunin o
pakay sa pagsusulat.
Paraang impormatibo - layunin nito magbigay ng bagong imporamsyon o
kabatiran sa mga mambabasa.
73

b.) Paraang Ekspresibo - ang manunulat ay naglalayong magbahagi


ng sariling opinyon,paniniwala, ideya, obserbasyon at kaalaman
hinggil sa isang tiyak na paksa batay sa sariling karanasan o pag aaaral.

c.) Paramaraang naratibo - ang pangunahing layunin nito ay magkwento o


magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod.

d.) Pamaraang deskriptibo - ang pangunahing pakay ng pagsulat ay


maglarawan ng katangian,anyo, hugis ng mga bagay o
pangyayari batay sa mga nakikita,naririnig natunghayan,naranasan at
nasaksihan. Ito ay maaring obhitibo at subhitibo.
e.) Pamaraang argumentatibo - naglalayong manghiyakat o mangumbinsi
sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng
argumentong dapat

Mga Pamamaraan ng Mabisang Panimula

Ang simula ang pinakamukha ng sulatin kaakit- akit na


nakakapukaw,nakakahatak ng kuryusidad ang pinakalayunin sa pagsulat na
napapaloob dito. Umisip ng pinakamabisang pamamaraan sa pagkakakilala
ng akda.

Pasaklaw na Pahayag - Sa panimulang ito, ang resulta o kinalabasan na


muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong
mahalaga hanggang sa pinakamahalaga ang detalye.
Halimbawa: Isang binatang guro na dumalo sa kaarawan ng kanyang
kaibigan ang brutal
na pinatay makaraang saksakin ng apatnapu't pitong beses ng apat na
estudyante na nainis sa ginawang pagbati ng una kamakailan sa Santo.
74

Pagbubuod – Ang panimulang ito ay naghahayag muna ng pinakadiwa


bago tuntunin

ang sadyang talakay.

Mga Halimbawa: a. Ang kinabukasan ng bayan ay nasa kasipagan ng bawat


mamamayan

Pagtatanong- Ang panimulang ito'y kalabisan nang ipaliwanag pa.

Mga Halimbawa: a. Langis at tubig nga ba ang interes ng kaguruan at ng


ibang kawani ng

Pamantasan? Ito ang susing tanong sa mga pagtatalo. (Philippine Collegian,

Pebrero 5, 1991).

. Tuwirang Sinabi – Ang panimulang ito ay karaniwang nakikitang nakapanipi


sapagkat

mula ito sa tapat na pagsipi sa tiyak na pahayag ng isang taong bantog,


dalubhasa, awtoridad, at maari din namang karaniwang tao lamang ngunit
ang sinabi'y naghahayag ng mahalagang bagay na magagamit na
lundayan sa pinakapaksa.

Mga Halimbawa: a. Isang sundalo ng Tumugang, Vietman ang


nagpapahayag kamakailan na,

"Kung mamamatay ako'y tiyak na mapupunta ako sa langit, sapagkat tulad


ng sa impyerno ang buong buhay ko rito sa lupa." (Gemiliano Pineda,

"Impyerno sa Lupa," Laging May Bituin, 1971). b. "They're liars!" Ito ang mariing
sinabi kahapon ni Senador Wigberto Tanada

sa mga U.S officials (Abante, Nobyembre, 1991).

. Panlahat na Pahayag- Isang uri ito ng panimula at nagtataglay ng


kahalagahang

unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain, sa mga kawikaan, at


maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang kaalaman
ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
75

Mga Halimbawa: a. Minsan pang napatunayan ang matandang pamahiin na


"huwag tumuloy sa

pupuntahan kapag may bumagtas na pusang itim sa dinaraanan. (Tonight,

Setyembre 23, 1982).

. Paglalarawan- Ang panimulang ito'y ginagamit kapag nagtatampok ng tao.


Sapagkat

nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.

Mga Halimbawa: a. Baliw raw si Mercy, ang babaeng may bigote't balbas,
marusing pero hindi

marumi. Nakatali ang manipis na buhok na lampas - balikat ang haba.


Hanggang tuhod ang pantalon kaya kapansin-pansin ang malago at kulot na

balahibo sa mga binti. (Philippine Collegian, Enero 31, 1991).

. Pagkakaligiran – Ito naman ang ginagamit na panimula kung ang


bibigyang-larawan ay

pook.

Mga Halimbawa: a. Namamayani pa ang dilim, halos wala nang patlang ang
tilaukan ng mga

tandang sa silong ng mga dampang nangakatirik sa tabing dagat.

Pagsusumbi- Bihira ang panimulang ito. Maikli lamang, na karaniwan nang


binubuo ng

isang salita. Masorpresa itong parang suntok kung tumimo sa kuryusidad ng


bumabasa.

Mga Halimbawa: a. Sa Luneta- Sa Luneta natagpuan ni Deo ang kanyang


sarili, Natutulog siya

sa damuhan mistulang pulubi

. Pagsasalungat- Sa panimulang ito, ang binibigyang-diin ay ang pagkakaiba.


76

tuntuning sinusunod dito ay mas malaki ang pagkakaiba, mas matindi ang
bisa.

Mga Halimbawa: a. Noong basketbolista si Jaworski, pikon, marumi, nananagi


ng kalaban

maglaro. Ngayon, kapag ganito ang gawa ng kanyang basketbolista, dahil

coach na siya, sinisibak niya.

. Pagsasalaysay- Ang panimulang ito'y anyong malumanay na


pagkukukwento.

Mga Halimbawa: a. Bago pa dumating ang jeans at Levi's uso na ang


maong.ka-9 pa lamang ng umaga ay napaupo na ako sa kama para sagutin
ang

telepono."Kasi po hindi ko gusto ang ginagawa ng paring 'yan."


77

Pamamaraan sa Pagsasaayos ng Katawan

Pakronolohikal- tamang pagkasunod-sunod ng pangyayari mula sa


pinakamatagal hanggang sa kasalukuyan.

Paanggulo- batay sa personalna masasabi o reaksyon ng bawat tao


tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhetibong paglalagom.

Paespesyal o Paagwat- paglalahad mula sa pinakamaliit o ang alam na


alam ang paksa hanggang sa pinakamalayo o ang hindi na masyadong alam
na paksa.

Paghahambing- isinasaayos ng paseksyon. Unang sekyon ay ang


pagkakaiba. Ang pangalawang seksyon ay ang pagkakatulad. Maari ring
silang magkapalit.

Patiyak o Pasaklaw- isinasaayos naman ito sa paraang sinasabi muna ang


mga particular o definidong detalye bago ang pagkalahatang mga
pahayag o vice versa.

Palamang o Pasahol- sinimulan sa mga bagay na mahalaga bago ang di-


gaanong mahalaga o vice versa.

Papayal o Pasalimoot- sinisimulan io sa mga bagay na komplikado kasunod


ang mga bagay simple o vice versa.
78

Tayahin

Gawain 1. Isulat sa inyong Papel ang tama kung ang pahayag ay tama,
mali kung ang pahayag ay mali.

1. Ang pamaraang argumentatibo ay naglalayong manghiyakat


o mangumbinsi sa mga mambabasa.

2. Enumerasyon o pag isa isa Pagsasaayos ng mga detalye batay sa


tamang hakbang .
3. Ayon kina pangkalinawan, lethiciaEt. Al (2008) Sa pagbuo ng teksto
upang maging organisado o maayos Ang pagkakabuo, may ibat ibang
hulwarang organisasyon Na tiyak na magagamit. Ito ay ang paggamit
Definisyon o kahulugan,enumerasyon o pag isa isa, Pagsunod sunod,
paghahambing o pagkakatulad Problema at solusyon at paggamit ng
sanhi at bunga.
4. Ang teknikal ay isang uri ng pagsulat halimbawa nito ay ang
Bibliography at Index.
5. Ang malikhaing pagsulat ay pokus nito ay ang imahinasyon ng
manunulat bagamat maaring fiksyonal at di fiksyonal ang
akdang isinusulat.

Gawain 2. Isulat ang iyong sagot sa espasyo bago ang bilang.

1. Isa sa pamamaran ng pagsulat na layunin nito magbigay ng bagong


imporamsyon o kabatiran sa mga mambabasa.
2. Ito ay isang pagkaklasipika sa mga detalye sa ayos na tila
magkakasunod, samantalang maari ring magkabaliktaran o walang tiyak
sinusundang ayos.
3. Ang pokus nito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaring
fiksyonal at di fiksyonal ang akdang isinusulat.
79

4. Tukuying kung anong uri ng pagsulat ang ulat panlaboratoryo at ang


Kompyuter.

5. ang pangunahing layunin nito ay magkwento o magsalaysay ng


mga pangyayari batay sa magkaugnay at
tiyak na pagkakasunod-sunod.

6. Magbigay ng isang halimbawa ng malikhaing pagsulat.

7. Nakabatay sa kahugang pa diksyunaryo na kadalasan ay karaniwan


lamang batay kung paano nasulat.

8. Binibigyang kahulugan batay sa malalim na pagkakahulugan at


nakatagong pahiwatig na maaring Ihalintulad o taglay ng
termino.

9. Ito ay hinngil sa pagrerekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa


isang paksa.

10. Ito ay mailalahad ang dahilan ng isang pangyayari o bagay


at ano ang magiging resulta nito.

Susi sa pangwawasto

Panimulang pagtataya

1. A

2. C

3. D

4. D

5. A
80

Tayahin

Gawain 1

1.Tama

2.Mali

3.Tama

4.Mali

5.Tama
81

Ang isang simbolo ay isa sa mga lihim na pamamaraan ng pagtutugma.


Mula sa iba pang katulad na mga kagamitang pampanitikan - metapora,
hyperbole at iba pa, ang mga ito ay nakikilala sa pamamagitan ng kalabuan.
Ang sinumang tao ay nakikita ang mga ito hangga't gusto niya, at bilang
personal niyang naiintindihan ang mga ito. Sa isang tekstong pampanitikan,
ang mga simbolo ay ipinanganak hindi lamang dahil sa sinadyang pagnanais
ng may-akda na makilala ng mambabasa ang isang bagay na abstract sa
kanila, kundi dahil din sa mga likas na kadahilanan. Kadalasan ang mga ito
ay pinagsama sa lubhang metapisiko na asosasyon ng manunulat na may
paggalang sa iba't ibang salita, bagay, at aksyon. Sa ilang lawak, ang mga
simbolo ay nagsisilbing magsiwalat ng pananaw ng may-akda, gayunpaman,
dahil sa kalabuan ng kanilang pang-unawa, kadalasan ay imposibleng
gumawa ng anumang tunay na konklusyon.

Ang modyul na ito ay tutugon sa pangangailangan ng kursong Malikhaing


Pagsulat sa iba’t ibang Disiplina na magagamit ng mga mag-aaral na
kasalukuyang kumukuha ng kursong ito. Ito ay nagpapaliwanag hinggil sa
Pagbuo/Paggamit ng mga Imahe o Simbolo, ang pagsasalita, wastong
pagbigkas at tamang pagpapakahulugan. Ang mga ginawang
gawaing/pagsasanay sa modyul na ito ay itinakda upang masubok ang
kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral.
82
83

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang kahulugan o sumisimbolo sa mga larawan.


Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1.

2.

3.

4.

5.
84

Imahe ay representasyon ng isang bagay, tao o ideya, larawan na binubuo


ng isang akdang pampanitikan at larawang gingamit para maging sentral na
representasyon ng isang akdang pampanitikan.

Simbolo ay mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa


mambabasa pero dapat na di-nalalayo sa kaniyang interpretasyon sa nais
ipaabot ng may-akda. Bagay na kumakatawan, tumatayo o
nagpapahiwatig ng isang ideay, larawan, paniniwala o aksiyon.

Halimbawa:

* Itim na pusa- malas, may mangyayaring masama o hindi maganda

* Kalapati- kapayapaan o pakikiisa

* Ahas- mang-aagaw, tukso, hindi mapagkakatiwalaan, traydor o taksil

* Buwaya- katiwalian o mga masamang gawain

Iba pang halimbawa:

* Kalantungang viva- kaibigan, kasama

* Pag-igpaw- paglaya, pag-alpas, kapanganakan

* Pilusang kulandong- ulap

* tsinang dilaw- buwan

* bathalang buntala- minimithing bisita


85

* babaing paniki- mga babaing nagtatrabaho sa gabi

Diksyon ay ang mg salitang pinipiling gamitin ng makata o kahit sinong


manunulat. Ang diksyon ay nakabuhol kung paano mo bibigkasin ang isang
salita kung ito ba ay madiin.. mabagal o mabilis.

Ang Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Interpretasyon

Iniinterpreta sa pagbasa ang lahat ng uri ng teksto. Ang teksto ang


ginawang pasulat na mensahe na ipinatatanggap sa bumabasa ng awtor.
Ito rin ang bagay na pinakakatuunang-abala ng atensyon ng bumabasa.
Binubuo ang teksto ng mga kataga, salita, parirala, pangungusap, hanggang
sa maging talata at maging ganap na komposisyon. Para mapadali ang pag-
intindi sa binabasa, may isang tanging batas na dapat sundin. Kilalanin ang
pagkakagamit ng mga salita para agad mahinuha ang ipinagkakahulugan.

May dalawang paraan ng pagpapakahulugan sa mga salita: denotasyon at


konotasyon.

Denotasyon

Ito ay ang kahulugan ng salita na nakukuha sa diksyunaryo, ang literal


na kahulugan, wika nga, kaya’y tinatawag ding “aktuwal na kahulugan”

Sa denotasyon tulad sa nakikitang mga indikasyon sa disyunaryo,


nakapaloob ang mga sumusunod:

ang bigkas- kung paano ang salita isinasatunog o isinasaayos pag sinabi

ang bahagi ng panalita- kung nominal ito (pangngalan o panghalip), kung


pandiwa, kung panuring, (pang-uri o pang-abay), pang-ugnay (pangatnig o
pang-angkop), atb.
86

ang etimolohiya o pinagmulan o pinanggalingan ng salita- nagpapahiwatig


na ito ng kultural na ring kahulugan.

Ang kayarian ng salita kaya nakasulat ito nang pabahagi para ipakita ang
istruktura kung paano nabuo sa pamamagitan ng panlapi, salitang-ugat at
kung anupang kumbinasyon.

Ang kasalungat na kahulugan o antonym.

Konotasyon

Ito naman ang paghihiwatig o asosyativong kahulugan na maaaring


nagsasaad ng kultural o pangkaranasang kahulugan, gayundin ng
pragmatikong kahulugan ayon sa pagkakagmit ng salita sa pangungusap.
Tinatawag din itong kontekstwal na kahulugan kaya pinakatitingnan ang
salita ayon sa pagkakasama nito sa iba’t ibang salita na kolokasyon naman
ang tawag. Sa isang akda namang may kaisahang tinatawag,
nangangahulugan itong nagka-kaugnay-ugnay ang mga ginagamit na salita
sa pakikibahagi sa pagbuo ng pangunahing diwa, kaya dito naman
matatagpuan ang tinatawag na klaster.

Mga halimbawa:

Kolokasyon

Mahaba ang lubid na itinali niya sa kahoy

Mahaba ang dila ng kanilang kapitbahay

Mahaba ang kamay ng bisitang isinama mo

Mahaba ang buhay ng pusa

Makati ang alipunga

Makati ang dila niya


87

Makati siya

Klaster

Pagmamahal pag-ibig

Magulang lalaki/babae

Mapagbigay makasarili

Mapagparaya mapang-angkin

Walang malisya sekswal

Matapat salawahan

Mapagkumbaba palalo

Mapag-alala pabaya

Walang hanggang limitado

Pasensoyo bugnutin

Kultural at pangkaranasan

Habang nakasakay sila sa paragos na pausod na hinihila ng kalakian,


nasasamyo nila sa simoy ang bulaklak ng papaya, sumasabay sa pakawag
na kaway ni Ingkong na abot-tenga ang ngiti.

Ayon kay Resurreccion Dinglasan (2001) “Ang wastong pagbibigay ng


kahulugan ng mga salita ay nakakatulong sa pagpili at paggamit ng angkip
na salita sa pagpapahayag ng mga kaisipan” dagdag pa niya “Ang
pagtukoy sa wastong kahulugan ng mga salita ay mahalaga sa ganap na
pagkaunawa sa isang teksto o sitwasyon.” Napakahalagang taglay ng isang
88

mambabasa ang kasanayan sa pagtukoy ng kahulugang literal o denotasyon


at ang kahulugang patalinhaga o konotasyon.

Denotasyon konotasyon
Tungkod- isang uri ng gamit na may Tungkod- kapangyarihan
kapansanan
walang Panginoon- walang kini- walang Panginoon- walang
kilalang Diyos kinakatakutan

TAYAHIN

Panuto: Piliin ang salitang sumisimbolo sa loob ng panaklong. Gawin ito sa


iyong sagutang papel.

YAMAN=

(alahas, pera, anak)

KALINISAN=

(puti, itim, asul)

ITIM=

(maganda, masama, malinis)

MABANGO=

(rosas, dalaga, damit)

PAGLUBOG NG ARAW=

(sanggol, matanda, dapit-hapon)


89

SUSI SA PAGWAWASTO:

Unang Pagtataya

Bawal manigarilyo

Lugar o puwesto na maaaring apakan

Palikuran ng babae at lalaki

Bawal pumarada

Upuan para sa may kapansanan

Tayahin

Anak

Puti

Masama

Rosas

Dapit-hapon
90
91

5) Siya ang nagsabi na pagsulat ay karugtung ng wika at mga


karanasan na nasalo at natamo ng isang tao sa ka niyang
pakikinig,pagbasa,panonoodatpagmamasid.

6.ito ay isang sistema Ng humigit kumulang na permanenting panandang


ginamit

7.ito ay isang Set nakikitang simbolo na ginagamit

8.ang pagsulat ay pasalin sa o sa anumang kasangkapan.

9.Ang ating kultura, mga tradisyon pati ang batas ay ginagamit ng pagsulat.

10.Nabubuhay tayu sa daigdig na punong puno ng mga titik at salita


92

Kahulugan ng pagsulat

Artikulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala at nararamdaman na


inapahayag sa paraang pagsulat.

Peter T Daniels, ito ay isang sistema Ng humigit kumulang na permanenting


panandang ginamit.

Florian coulmas ito ay isang Set nakikitang simbolo na ginagamit.

Bernales,et al ang pagsulat ay pasalin sa o sa anumang kasangkapan.


Nagpapahayag ng pag ibig,kaalamanat damdamin.

Kahalagahan ng pagsulat Ang ating kultura, mga tradisyon pati ang batas
ay ginagamit ng pagsulat.

Bakit kailangan sumulat Nabubuhay tayu sa daigdig na punong puno ng


mga titik at salita.
93

Sa malikhaing pagsulat, kalimitam, sa umpisa pa lamang nakikita na ang


kahirapan sa nararanasang pagkalito at pagdududa.

Sa pagsulat, laging may ideyang sasabihin. Maaaring unti unting mawala


ang daloy ng mga ito.

Sa patuloy na pagsulat, lumilinaw ang mga sulatin. Dito lumilitaw pa ang


ibang ideya at pamapaibabaw na talagang intension

B. MGA GABAY SA PAGSULAT

(Buckingham at Peck)-Ang pagsulat ay karugtung ng wika at mga


karanasan na nasalo at natamo ng isang tao sa kaniyang
pakikinig,pagbasa,panonood at pagmamasid.

(Prop. lalonio) naglahad na ang pagsulat ay isang prosesong


panlipunan o sosyal na ito ay bunga ng interaktibong proseso ng mga
mag-aaral.

MGA HAKBANG BAGO SUMULAT-

1. BUMASA- Ang pagiging palabasa ay nagdudulot Ng kapakinabang


sapgkat maaaring lumawak ang kaalaman at bokabularyo. Ang mga
salitang di niya karaniwang naririnig ay natutunan Niya.

2. MAGSANAY - pagsasanay sa pagsusulat sa anumang oras ay


nagdudulot ng Pagkabihasa sa pagsulat. Ang mahusay at epektibong
manunulat ay minsang nagsabi na siya bilang manunulat ay walang
inaalang-alang ng Oras Ng pagsulat.
94

3. Pagbibigay pagkaktaon/pagtuturo sa sarili- dumalo sa mga klace o furom


na kung saan may pag-aaral ukol dito at tumatalaky sa pagsasanay Ng
pagsulat.4. Tumuklas ng mga papaksain at bigyan ng pansin ang paglinang
PANONOODNASAKSIHANNARANASANNABASA

5. May layunin ang manunulat di lamang para sa kaniyang sarili at higit


sa lahat para sa kaniyang mambababsa.
6. MAGPLANO - Planuhing maigi ang susulatin. Magkaroon ngmarami at
sapat na dami ng materyales upang maging malaman ang susulating
gagawin upang maikumpara.

7. MAGBALANGKAS o OUTLINE- Bumuo Ng maayos na balangkas o


pagkasunod-sunod.

8. PORMA NG SUSULATIN O URI NG SUSULATIN- Anong klase Ang susulatin


ito ba ay kanta,tula o kwento.

Ang INTRODUKSYON at KONGKLUSYON

Ang introduksyon o panimula ay dapat naghahayag ng hikayat sa


mambabasa.

Ang kongklusyon naman ay ang palatandaan na ang akda /sulatin ay


malapit na sa pagwawakas at may matinong wakas.

PAGKATAPOS NG PAGSULATgumawa ng pag-eedit at magreserba ng draft.

Mga Gabay:

A. PAGPILI NG PAKSA E. Pagpapaikli ng pangugusap

B. PAGTALAKAY SA PAKSA f. Paggamit ng mga makukulay


na salita

C. Iwasan ang mga nilalaman G. Angkop na mga


makukulay na salitang gagamitin. na alam ng lahat.
H . Huwag gumamit ng mga walang kulay na salita

D. MAGDESISYON SA SASABIHIN o SUSULATIN PAGTATAYA


95

Paunang pagtataya: Multiple Choice: Bilugan ang tamang sagot.

1.Alin sa mga sumusunod ang unang dapat gawin sa pagsulat ng sinopsis o


buod?

a. pagbuo ng balangkas

b. Pagbasa sa buong seleksiyon o akda

c. Paghahanay ng ideya ayon sa orihinal

d. Pagsusuri ng pangunahin at di pangunahing kaisipan

2.Ang nobela ay akdang maaaring gawan ng lagom. Anong uri ng lagom


ang dapat isagawa rito?

a. Abstrak b. Bionote

c. Sinopsis d. Paglalagom

3.Sa pagsulat ng sinopsis, huwag kalimutang isulat ang __________ na ginamit


kung saan hinango ang orihinal na sipi ng akda.

a. awtor b. aklat

c. lagom d. sanggunian

4. Ano ang tawag sa pagpapahayag na maaring pasalita o pasulat ng iba't


ibang kaalaman na bunga ng maingat na pagsasaliksik ?
96

a. Anunsyo b. Panayam

C. Ulat D.editoryal

5. Ito ay pagpapahayag ng mga balitang may kaugnayan sa mga


pangyayari sa mundo ng palakasan.

A. Balitang isport B.editoryal

C.balitang pandaigdig D. Anunsyo klasipikado

Ano ang personal na sulatin?

Ang personal na sulatin ay isang impormal, walang tiyak na


balangkas at pansarili. Ito ang pinakagamiting uri sa mga mag-aaral
dahil nagagawa nilang iugnay ang anumang paniniwala, damdamin, pag-
iisip, o di kaya’y tungkuling taglay nila sa kanilang sarili.

Anu-ano ang mga personal na sulatin?

a. Dyornal

b. Talaarawan

c. Lakbay sa Sanaysay/Travelogue

d. Bionote

e. Anekdota

f. Awtobayograpi

g. Talambuhay
97

Ang dyornal ay para sa pagtatala ng ating obserbasyon o mga


pangyayaring nasaksihan. Ayon naman kina James L. Kinneavy at John E.
Warriner sa kanilang aklat na “Elements of Writing”, ang dyornal ay pagsulat
para sa sarili mo lamang. Malaya kang sumulat tungkol sa mga pangyayari,
isiwalat ang iyong iniisip, at ipahayag ang iyong galit at iba’t ibang
damdamin o emosyon.

Ang dyornal or journal ay isang komposisyong personal. Ang ibig sabihin nito
ay isang talaan ng mga pansariling gawain at repleksyon ng mga kaisipan o
damdamin ng isang tao. Ito’y kadalasang naglalaman ng mga bagay na
hindi kayang sabihin sa iba. Maaari rin namang tagumpay o pagkabigo ang
isulat. Ito’y nagiging hingahan ng saloobin ng isang tao.

Halimbawa ng Pagsulat ng Dyornal

Hindi pangkaraniwang karana


san, damdamin, kaisipan, kat
angian, o gawi na naipamalas Mahalagang pagdedesisyon
o naranasan na ginawa
Petsa Aral na natu

sto 1, 2022 Nakapagsalita ako nang mas Ipinangako ko sa aking sarili n Dapat na maging
akit sa aking kaibigan. a agad humingi ng tawad ka kahit na may p
pag ako ay may nasaktan.
98

Ito ay ang pagsulat sa mga pang araw-araw na pangyayari sa buhay ng


isang tao. Ang talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-
bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw,
na sumusunod sa porma ng kalendaryo.

Ang kahulugan nito’y isang talaan na aklat na naglalaman ng mga


pangyayari, saloobin o kaisipan na nagaganap sa araw-araw. Ito’y personal
at maaaring naglalaman ng lihim ng isang tao kaya hindi kadalasang
pinababasa sa iba. Sa ingles, ito ay diary.

Halimbawa ng Talaarawan:

Lunes, Agosto 3: Maghapon akong nasa aking paaralan, ang Paaralang


Brgy. Tahimik. Nagsasanay kami para sa pagdiriwang ng Buwan ng
Wika.Martes, Agosto 4: Lumiban ang pangunahing tauhan, si Ana, dahil sa
isang karamdaman. Pinalitan kaagad ni Gng. Austria si Ana. Ako ang napili.
Sinaulo ko kaagad ang mga linya ni Tandang Sora.Miyerkules, Agosto 5:
Natuwa si Gng. Jovita Austria sa aking pagganap na Tandang Sora kaugnay
ng unang himagsikan ng mga Pilipino.

Ito ay maaaring isang sulatin na maaaring nasa libro na kung saan nilalaman
ang mga karanasan ng isang tao sa paglalakbay sa iba’t-ibang lugar.
Maaari din itong video na kung saan nakapaloob ang mga eksena o kuha
ng paglalakbay ng isang tao. Ang halimbawa ng mga travelogue ay
makikita sa mga vlogs sa youtube. Sila ay mga travelers na
nagdodokumento ng mga pangyayari at karanasan sa kanilang “get away
adventure.”
99

ANO ANG BIONOTE?

Nakasulat gamit ang puntode bistang pangatlong panauhan Ò Ang


bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa
kung sino ka o ano-ano na ang mga nagawa mo bilang propesyunal. Ò
Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may
kaugnayan sa paksang tinatalakay sa papel, sa trabahung ibig pasukan, o
sa nilalaman ng iyong blog o web site.

ANO ANG BIONOTE?

Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography. Ang bionote ay maikli at


siksik, samantalang mas detalyado at mas mahaba ang talambuhay at
autobiography. Ò Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae.

BAKIT NAGSUSULAT NG BIONOTE?

Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating
karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan.
Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa. Halimbawa:
Hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat sa
accountancy kung makikita sa author’s profile na wala naman talagang
background ang awtor sa larangang ito.

MAHALAGANG TANONG: Bakit mahalaga ang kasanayan sa pagsulat ng


bionote?

MAHALAGANG TANONG: Bakit itinuturing na marketing tool ang bionote?

Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw ang layunin o mga layunin sa


pagsulat nito. Kailangan ding tukuyin kung sino ang magbabasa nito at ang
ibig mong isipin nila tungkol sa iyo..
100

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE: 1. Maikli ang nilalaman -


Karaniwang hindi binabasa ang mahabang bionote, lalo na kung hindi
naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig
sabihin, mas maikli ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping
paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:

2. Gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw - Tandaan,


laging gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng
bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili. Halimbawa: “Si Juan dela Cruz ay
nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.”

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE: 3. Kinikilala ang mambabasa -


Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung
ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila. Halimbawa na
lamang ay kung ano ang klasipikasyon at kredibilidad mo sa pagsulat ng
batayang aklat.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE: 4. Gumagamit ng baligtad na


tatsulok - Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Ito ay dahil sa ugali ng
maraming taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya
naman sa simula pa lamang ay isulat na ang pinakamahalagan
impormasyon. MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE:
BALIKTAD NA TATSULOK PINAKAMAHALAGAN G
IMPORMASYON MAHALAGANG IMPORMASYON DI GAANONG
MAHALAGANG IMPORMASYON

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE: 5. Nakatuon lamang sa mga


angkop na kasanayan o katangaian -Mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote. IWASAN ito: “Si Pedro ay
guro/ manunulat/ negosyante/ environmentalist/ chef.” Kung ibig pumasok
bilang guro sa panitikan, halimbawa, hindi na kailangan banggitin sa
bionote ang pagiging negosyante o chef.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE: 6. Binabanggit ang degree


kung kailangan - Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa, at nagsusulat
ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
101

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA BIONOTE: 7. Maging matapat sa


pagbabahagi ng impormasyon - Walang masama kung paminsan-minsan
ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang
matanggap sa inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan.
Siguraduhin lamang na tama o totoo ang impormasyon. Huwag mag-
iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at
makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaaring mabahiran ang
reputasyon dahil dito.

Anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang


pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang
magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito'y magagawa lamang
kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Katangian

May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa


pagsulat ng anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng
kahulugan sa ideyang nais ilahad.

Sa ganitong pananaw, ang panitikang pambata ay puno ng aksyon,


gumigising sa imahinasyon, natutugon sa kawilihan ng mga bata, may mga
tauhang kilala ng mga bata o nauugnay sa mga bata, natuturo ng
kagandahang asal at moralidad nang hindi tahasan o tuwiran.
102

Katangian

Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa


kaisipang nais nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng
anumang bahid ng pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

Elemento

Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang


kilalang tao. Siya'y maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong
nakagawa ng di-inaasahang gawain na nagbigaypangalan sa kanya.

Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang


tagpuan sa anekdota.

Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng suliranin


sa kuwento. Bago magwakas ang isang akda ay kinakailangang nalutas na
ang suliranin.

Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang


pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na
nakapagbibigay-aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay
matatagpuan ang panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota.

Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban


sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito'y nakapaloob
sa banghay.

Wakas - Sa bahaging ito ay nailalahad ang solusyon sa problema ng


pangunahing tauhan. Katulad ng pabula, may aral sa anekdota na sa
wakas lamang ng kuwento nailalantad.
103

Pagsasalaysay

isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang magkakaugnay.


Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita.
Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag.Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko,at mga
kwentong bayan ng mga ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa
man.

Ilan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa

Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang


damdaming pantao, may kapana- panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.

Sapat na Kagamitan- Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.

Kakayahang Pansarili - Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,


hilig at layunin ng manunulat.

Tiyak na Panahon o Pook - Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay


nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook
na pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.

Kilalanin ang mambabasa - Sumusulat ang tao hindi para lamang sa


kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang
mambabasa
104

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling Karanasan - Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng


pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring
naranasan ng mismong nagsasalaysay.

2. Narinig o napakinggan sa iba - Maaring usapan ng mga tao tungkol sa


isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat
paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.

3. Napanood - Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba


pa.

4. Likhang-isip - Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay


makalilikha ng isang salaysay.

5. Panaginip o Pangarap-Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari


ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

6. Nabasa - Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na


nauunawaan ang mga pangyayari.

Ano ang Awtobayograpi at Talambuhay?

Mula sa salitang Griyego na "AUTOS"-Sarili and "BIOS"- Buhay na may literal


na pagpapakahulugan na pagsulat ng sariling karanasan sa mga
mahahalagang pangyayari sa buhay.

Ang talambuhay at awtobayograpi bagamat parehong kasaysayan ng


tunay na buhay ng isang tao ,ay dalawang magkaiba at naayon sa
kaganapan ng buhay ng taong isinulat at kung sino ang sumulat .

Ang talambuhay ay tungkol sa buhay ng taong namatay na at isinulat ito


hindi ng tao mismong namatay noong nabubuhay pa siya kundi ng iba na
may interes sa kasaysayan ng buhay niya ayon sa kung anumang layunin
nito sa pagpapahayag.
105

Dalawang uri ng Talambuhay

*Defentibo

*Awtorisado

1. Ang Defentibong talambuhay -kailanman ay hindi maisusulat habang


nabubuhay pa ang tao

2.Ang awtorisadong buhay -tungkol sa buhay ng tao na kinomisyon ng


kamag-anakan ,kaibigan o kakilala ang sinumang manunulat na pawang
mga positibo lamang ang kailangang lamnin

Awtobayograpi - tungkol naman sa kasaysayan ng tunay na buhay ng tao


na siya mismo ang sumulat

Ang talambuhay ay isang akdang naglalahad ng kasaysayan o


mahalagang tala sa buhay ng isang tao.

Ang paggamit ng wastong gramatika at retorika ay nakatutulong sa


pagiging masining ng isang akda.

Bakit Susulat?

Bakit nais mong isulat ang mga pangyayari sa iyong buhay? Lahat ng tao ay
may kapana-panabik na kwentong maibabahagi at ang pagsulat ng
awtobiograpiya ay isang magandang paraan upang maipaalam ito sa iba.
Pero ano ang mga salik na tutulak sa iyo upang gawin ito?

Mahahalagang Tala o Impormasyon: O

1) Petsa at pook ng kapanganakan

2) Pamilya, magulang, kapatid

3) Paaralang pinasukan, kursong pinag-aralan


106

4) Mahahalagang karanasan

5) Mahahalagang nagampanan

Nararapat Tandaan sa Pagsulat ng Talambuhay:

*Magsimula sa isang simpleng listahan at palawakin ito upang maalala at


makabuo ng mga larawan sa iyong isipan.

*Di Malilimutang Lugar

*Mga Mahahalagang Tao Mga Pangyayari at Karanasan

Kapag nasimulan mo na ang pagbuo ng mga ideya at nanumbalik ang


mga ala-ala, magiging madali na lamang ang pagsulat ng iyong
talambuhay.

ANG TALATA

Ang komposisyon ay binubuo ng mga talata. Mahalagang malaman, kung


gayon, kung gaano ang talata at mga uri at katangian nito para sa
epektibong pagsulat ng komposisyon. Ang talata ay binubuo ng isang buong
pagkukuro, palagay o paksang-diwa. Ang balita ay karaniwang isinusulat sa
talatang iisang pangungusap. Makakatagpo rin ng mga talatang iisahing
pangungusap sa maikling kwento. Samanatala, ang editoryal at mga
sanaysay ay karaniwang nagtataglay ng mga talatang binubuo ng ilang mga
pangungusap.

MGA URI NG TALATA

Ang isang talata ay mauuri ayon sa lokasyong katatagpuan nito sa loob


ng isang komposisyon. Kung gayon, ang talata ay maraming uri Panimulang
Talata, Talatang Ganap, Talatang ng Paglilipat-Diwa at Talatang Pabuod.

1. Panimulang Talata
107

Ito ang una at kung minsan ay hanggang sa ikalawang talatang komposisyon.


Layunin nito ang ilahad ang introduksyon sa paksa ng komposisyon. Sinassabi
rito kung ano ang ipaliliwanag, ang isasalaysay, ang ilalarawan o bibigyang
katwiran kung maikli ang komposisyon, ito’y isa lamang maikling talata rin.
Subalit kung mahaba ang akda, maaring ang panimulang talata ay buuin ng
mahigpit sa isang talata.

2. Talata ng Paglilipat-Diwa

Importante ito upang magkaroon ng ugnayan at kaisahan ng mga pahayag


sa mga talaan ng komposisyon. Ginagamit ang talatang ito upang pag-
ugnayin ang diwa ng dalawang magkakasunod na talata. Sinasalungat ba
ang talatang sinundan o dinaragdagan nito ang isipan ninyo? Ipinapahiwatig
din nito ang development ng paksang tinalakay.

3. Talatang Pabuod

Kadalasan na ito ang pangwakas na talata ng mga komposisyon. Inilalagay


rito ang mahahalagang kaisipan o pahayag na tinatalakay sa gitna ng
komposisyon. Maari ring gamitin ang talatang ito upang bigyan ng higit na
linaw ang layunin ng awtor ng isang komposisyon.

Halimbawa ng Panimulang Talata:

Namimitak na ang bukang-kiwayway. Hindi pa nahahawi ang makapal


na dagim na nakatalukbong sa paligid. Malagablab ang ginansilyong apoy
ng siga sa harap ng “dapa-yan”. Hindi pa nakatilaok ng tatlong ulit ang mga
labuyo nang madaling-araw na iyon ngunit gising nang lahat halos ang mga
taga-Baugen.

Halimbawa ng Palilipat-diwa:

Matatandang lalaki, matatandang babae, mga bata at mga


kabataan, para silang guyam na sunod-sunod na nagtungo sa dap-ayan.
(mula sa kwentong “Alsado ni Reynaldo A. Duque) Panitikan ng Pilipinas,
Pang-antas Tersyaryo nina: Sauco Duenas at Villanuava, 2009, p. 267.
108

MGA KATANGIAN NG MABUTING TALATA

Upang maging epektibo ang isang talata bilang bahagi ng isang


komposisyon, kailangan taglayin iyon ang mga sumusunod na katangian.

1. May isang paksang-diwa - Masasabing may isang paksang-diwa ang


isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa lamang paksang
pangungusap.
2. May kaisahan ng diwa – masasabing may kaisahan ng diwa ang isang
talata kapag ang bawat pangungusap niyon ay tumutulong sa
pagsuong ng diwa ng talata at kapag ang bawat pangugngusap ay
nag-uugnay sa paksang pangungusap niyon.
3. Wastong palilipat-diwa – naging malinaw ang mga pangungusap ng
talata kapag may wastong paglilipat-diwa. May mga salita at
pariralang ginagamit sa paglilipat-diwa.
4. May kaayusan – bagaman at walang tiyak na panuntunang sinusunod
ukol sa pag-ayos ng talatalaan, mabuting ayusin ang mga pangyayari
o ang kaisipang tinatalakay.

Paghahandang Pasalita

Kailangang magkaroon ng sapat na kahandaan ang mag-aaral bago


pasulatin. Sa paghahandang pasalita ay magkakaroon ng pagkakataon ang
mga batang makapagpalitan ng kuro-kuro at malinang ang maunlad na
talasalitang kakailanganin sa pagsulat.

1. Paglikha ng sitwasyon sa pagsulat (creating a writing situation)


2. Pagpukaw at pagganyak sa kaisipan o ideya (stimulating ideas)
3. Pag-aaral ng mga modelo(studying models)
4. Paglinang ng talasalitaan (development of the vocabulary)
5. Pagpili ng angkop na pamagat (choosing a suitable title)
6. Pagbabalak at pagbabalangkas (planning and outlining)
7. Pasalitang pagtatalakayan (oral discussion)
8. Pamantayan sa pagsulat ng katha (setting the standards for writing)
9. Pagsasanay sa mga sangkap na kakailangan sa komposisyon (drills on
items needed in the composisyon.
109

Paghahanda ng Burador

1. Pagsulat ng burador – (writing the draft)

Bago sulatin ang burador, magandang gawin ang balikan ang mga
pamantayan sa komposisyon. Dapat isulat ng mga mag-aaral ang burador sa
paaralan upang mapatnubayan sila ng guro. Sanayin angmga mag-aaral na
basahing mabuti ang mga burador bago ito ibigaysa guro. Ito’y
makatutulong upang makaugaliang basahin muna anganumang isinulat
bago ito ibigay sa guro at mabasa ng ibang tao.

2. Pagpapabuti sa burador – (improving the draft)

Mabisang paraan sa pagpapabuti sa burador na isulat ang isa sa mgasinulat


ng mag-aaral at ipawasto at pagbutihin ito ng buong klase.Maganda ring
paraan ang pagpapalitan ng burador ng mga mag-aaral pangmaiwasto.
Kailangan ang pamamatnubay ng guro sa pagbibigay-halaga sasinulat na
katha. Bigyan-diin ang pagbabantas, palabaybayan, aspekto ngpandiwa,
ang palugit at ang panlahat na porma ng komposisyon

3. Pagsulat ulit ng burador –(rewriting the draft)

Matapos na maiwasto ang burador, ito ay dapat na muling sulatin ngmag-


aaral. Kailangang mabatid nila kung bakit sila namali sa unangburador at
nang sa gayon ay hindi na maulit ang pagkakamali. Ipaunawa rin na kung
minsan ang dahilan ng pagkakamali sa pagsulat ay ang kawalang-ingat at
hindi pag-uukol ng buong pansin sa isinusulat.

Pagsulat ng pangwakas na katha

- Ang pagsulat sa pangwakas na katha ay dapat gawin sa paaralan


sa ilalim ng pamamatnubay ng guro. Bago sumulat, ipagunita ang
pamantayan sapagsulat nang maayos, walang mali at malinis na
kathang sulatin o komposisyon

Pagsasanay sa Karaniwang Kamalian sa Kantha

1. Pagsasagot sa mga tanong na may maayos na pagkakasunod-sunod.


2. Pagpapasagot sa tanong batay sa isang kwnto o katha.
110

3. Ang pagsulat ng isang tiyak na paksa.

Pagsulat ng Komposisyon

Ang pagsulat ay isang paraan ng pagpapahayag ng isip at damdamin


ng tao. Ang mga bagay na hindi natin kayang sabihin ng pasalita ay
ipinapahayag natin ng pasulat. May mga bagay ding higit na angkop na
isulat kaysa sabihin. Bunga nito, ang pagsulat ay naging isang
pangangailangan sa sibilisadong lipunan.

Ito ang dahilan kung bakit ang paglinang ng kasanayan sa pagsulat


bahagi ng kurikulum sa lahat ng antan sa paaralan. Karaniwan na ang
pagsusulat sa mga mag-aaral ng mga komposisyon.

Ang Komposisiyon

- Ang komposisiyon ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng


pagsulat. Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging karanasan,
pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at
puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

Imersyon sa Pagsulat ng Komposiyon

Walang pag-aalinlangang masasabi na ang pagsualat ay isang


aktibong gawain. Hindi ito basta na lamang nangyari. Nangangailangan ito
ay masusing pag-aaral. Nagsasangkot ito ng intensidan na partisipasyon at
imersyon sa proseso.

Ang imersyon ito sa pagsulat ay kadalasan:

Solitari at kolaborativ

Ang pagsulat ay maaaring gawaing pang-isahan at maraming bagay ang


maaaring makagulo sa pagsulat, kaya naman siya ay dapat maging mapag-
111

isa, walang sagabal, at walang aspeto na makagugulo sa kanyang pag-iisip


upang matapos niya ang isinusulat.

Ang kolaboratib na pagsulat ay tumutukoy sa mga proyekto kung saan sa


halip na pa isa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga manunulat.
Isang halimbawa nito ay ang editorial team.

Fisikal at mental

Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng


manunulat

Mental na aktibiti rin ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng


pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na paraan ng pagbuo at
pagdisenyo ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naayon sa mga
tuntunin ng wikang ginagamit.

Konsyus at sabkonsyus

Konsyus - Ito ay ang malayang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay
patuloy-tuloy na sumusulat nang walang pagtatangi sa spelling, grammar, o
paksa ng kanyang isinusulat at hindi gumagawa ng pagwawasto. Ito ay isang
paraan upang makaipon ng mga pangunahing ideya para sa isang paksa.
Ito ay tungkol sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.

Sabkonsyus - Halos lahat ng proseso ng pag-iisip ay ginagawa ng ating


sabkonsyus na kaisipan. Ang iyong konsyus na kaisipan ay ang tumatanggap
ng mga stimulus, sa pamamagitan ng ang paningin, panlasa, pandinig, pang-
amoy, at pandama, pagkatapos sisismulan ang proseso sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mensahe sa sabkonsyus na kaisipan.

Ipinapaliwanag ni W. Rose Winterroud ang nga antas na ito. Ayon sa kanyang,


ang proseso sa pagsusulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng gawain na
naganap nang daglian at maaring kaugnay o kasalungat sa bawat isa.

Ayon naman kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon


ng pagtuklas sa kahulugan, pagtukla sa pormat ng nga manunulat ay
nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtuon sa isa sa nga batayang kasanayaan
sa bawat panahon nang kanyang isusulat at kung paano niya iyon
maipapahayag sa kliyente.
112

Idinagdag pa ni Murray na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsiv o paulit-


ulit ‘’Writing is rewriting “ wika niya. Matapos di umanong magsulat, masisimula
na namang panibago ang pagsulat.

Inilarawang pa ni Murray ang isang mabuting manunulat. “A good writer is


wasteful,ani ni Murray sa isang mabuting manunulat.”He saw a shape and cuts
away, discarding wood sends, shavings,saw dust,bent nails-whatever does’t fit
ang does’t work. The writer cannot build a good strong piece of writing unless
he has gathered an abundance of fine raw materials.”

Samantala, sinabi ni Ben Lucian Burnman na “I am a demon on the subject of


revision. I revise, revise, revise, until every word is what “.

Pagkikritik ng Komposisyon

Para sa Manunulat:

May mga katanungan dapat pagtuunan o bigyang-pansin upang


makatulong sa pagkikritika ng manunulat sa kanyang katha/komposisyon.

1. Binibigyang-pansin ko bang kawili-wili ng aking mga mambabasa?


Ito ba ay naayon sa kanilang pagkatao?
2. Naaangkop ko ba ang mga gramatikang aking ginamit upang
madali itong maunawaan?
3. Nailalahad ko ba ang mga ideya o pananaw na may kaisahan?
4. Sa aking mga ginawang paglalahad, ito ba ay naging kapani-
paniwala sa lahat ng aking target na mambabasa?
5. Naibabahagi ko ba ang iba’t ibang uri ng damdamin sa atensyon
ng mga mambabasa?
6. Sapat ba ang aking kaalamang naibabahagi sa aking mga
mambabasa?
7. Angkop ba ang aking paksa at mga mahalagang impormasyon na
nabahagi sa mambabasa?
8. Napag-isipan ko ba ang pagpili ng mga paksa na nakapagbibigay
interes sa aking mga mambabasa?
9. Nagamit ko ba ang tamang kaantasan ng wika batay sa aking
mambabasa?
10. Nasisiguro ko bang tama o eksakto ang mga ideya ng aking nais
iparating sa mga mambabasa?
11. Naisama ko ba sa aking komposisyon ang paluwag-tawa (sense of
humor) para mawala ang pagkabagot ng aking mambabasa?
12. Nagkaroon ba ito ng kaunting kurot sa puso at isipan ng mambabasa
113

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang talata?

a. binubuo ng isang buong pagkukuro, palagay o paksang-diwa.


b. Maaring magtaglay ng iisahang talata
c. Ito ang una at kung minsan ay ikalawang talata ng komposisyon
d. Nagkaroon ba ito ng kaunting kurot sa puso at isipan ng
mambabasa

2. I am a demon on the subject of revision

a. Donald Murray
b. W. Rose Winteroud
c. Ben Lucian Burman
d. Satanas

3. Ito ang una at kung minsan ay ikalawang talata ng komposisyon

a. Panimulang talata
b. Talatang Ganap
c. Talatang paglilipat-diwa
d. Talatang pabuod

4. Ito ay isang paraan upang makaipon ng mga pangunahing ideya para


sa isang paksa. Ito ay tungkol sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.

a. Pisikal
b. Mental
c. Konsyus
d. Sabkonsyus
114

5. Ayon sa kanyang, ang proseso sa pagsusulat ay kinasasangkutan ng


ilang lebel ng gawain na naganap nang daglian at maaring kaugnay o
kasalungat sa bawat isa.

a. W. Rose Winterroud
b. Donald Murray
c. Ben Lucian Burman
d. Satanas
115

“Ang Komposisyon ay Parang Isang Proseso sa Pag-unlad ng Bata, May


Sinusundan upang sa Paglaki ay Matuwid at Tama”

Ang Komposisiyon

- Ang komposisiyon ang itinuturing na pinakapayak na paraan ng


pagsulat. Ang simpleng pagsulat ng mga natatanging karanasan,
pagbibigay interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at
puna sa mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal ay
nagagawa sa pamamagitan ng pagsulat ng komposisyon.

Ang Teorya sa Pagsulat

Walang pag-aalinlangang masasabi na ang pagsualat ay isang


aktibong gawain. Hindi ito basta na lamang nangyayari.

Ang imersyong ito sa pagsulat ay kadalasan:

Solitari at Kolaborativ

Ang pagsulat ay maaaring gawaing pang-isahan at maraming bagay ang


maaaring makagulo sa pagsulat, kaya naman siya ay dapat maging mapag-
isa, walang sagabal, at walang aspeto na makagugulo sa kanyang pag-iisip
upang matapos niya ang isinusulat.

Ang kolaboratib na pagsulat ay tumutukoy sa mga proyekto kung saan sa


halip na pa isa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga manunulat.
Isang halimbawa nito ay ang editorial team.

Pisikal at Mental

Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng


manunulat.

Mental na aktibiti rin ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng


pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na paraan ng pagbuo at
pagdisenyo ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naayon sa mga
tuntunin ng wikang ginagamit.

Konsyus at sabkonsyus
116

Konsyus - Ito ay ang malayang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay
patuloy-tuloy na sumusulat nang walang pagtatangi sa spelling, grammar, o
paksa ng kanyang isinusulat at hindi gumagawa ng pagwawasto. Ito ay isang
paraan upang makaipon ng mga pangunahing ideya para sa isang paksa.
Ito ay tungkol sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.

Sabkonsyus - Halos lahat ng proseso ng pag-iisip ay ginagawa ng ating


sabkonsyus na kaisipan. Ang iyong konsyus na kaisipan ay ang tumatanggap
ng mga stimulus, sa pamamagitan ng ang paningin, panlasa, pandinig, pang-
amoy, at pandama, pagkatapos sisismulan ang proseso sa pamamagitan ng
pagpapadala ng mensahe sa sabkonsyus na kaisipan.

Ipinapaliwanag ni W. Rose Winterroud ang nga antas na ito. Ayon sa kanyang,


ang proseso sa pagsusulat ay kinasasangkutan ng ilang lebel ng gawain na
naganap nang daglian at maaring kaugnay o kasalungat sa bawat isa.

Ayon naman kay Donald Murray, ang pagsulat ay isang eksplorasyon


ng pagtuklas sa kahulugan, pagtukla sa pormat ng nga manunulat ay
nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtuon sa isa sa nga batayang kasanayaan
sa bawat panahon nang kanyang isusulat at kung paano niya iyon
maipapahayag sa kliyente.

Idinagdag pa ni Murray na ang pagsulat ay isang prosesong rekarsiv o paulit-


ulit ‘’Writing is rewriting “ wika niya. Matapos di umanong magsulat, masisimula
na namang panibago ang pagsulat.

Inilarawan pa ni Murray ang isang mabuting manunulat. “A good writer is


wasteful,ani ni Murray sa isang mabuting manunulat.”He saw a shape and cuts
away, discarding wood sends, shavings,saw dust,bent nails-whatever does’t fit
ang does’t work. The writer cannot build a good strong piece of writing unless
he has gathered an abundance of fine raw materials.”

MGA KATANGIAN NG MABUTING TALATA

Upang maging epektibo ang isang talata bilang bahagi ng isang


komposisyon, kailangan taglayin iyon ang mga sumusunod na katangian.

1. May isang paksang-diwa - Masasabing may isang paksang-diwa ang


isang talata kapag ito ay nagtataglay ng isa lamang paksang pangungusap.
117

2. May kaisahan ng diwa – masasabing may kaisahan ng diwa ang isang


talata kapag ang bawat pangungusap niyon ay tumutulong sa pagsuong ng
diwa ng talata at kapag ang bawat pangugngusap ay nag-uugnay sa
paksang pangungusap niyon.

3. May Wastong palilipat-diwa – naging malinaw ang mga pangungusap


ng talata kapag may wastong paglilipat-diwa. May mga salita at pariralang
ginagamit sa paglilipat-diwa.

Halimbawa:

a. Pagdaragdag – at, saka, gayon din

b. Pagsalungat – ngunit, subalit, datapwat, bagaman, kahiman sa


kabilang dako

c. Paghahambing – katulad ng, kawangis ng, animo’y, anaki’y

d. Pagbubuod – sa madaling sabi, kaya nga

e. Pagkokongklud – samakatuwid, kung gayon

Masasabing may kaisahan ng diwa ang isang talata kapag ang bawat
pangungusap na iyon ay tumutulong sa pagsulong ng diwa ng talata at
kapag ang bawat pangungusap ay nauugnay sa paksang pangungusap
niyon.

4. May kaayusan – bagaman at walang tiyak na panuntunang sinusunod


ukol sa pag-ayos ng talatalaan, mabuting ayusin ang mga pangyayari o ang
kaisipang tinatalakay. Kumpletohin muna ang kaisipan ng isang talata bago
lumipat o gumawa ng bagong talata.

a) Ayusin nang kronolohikal ayon sa pagkakahanap ng mga pangyayari.


Karaniwan ang ayos na ito sa mga komposisyong pasalaysay o palahad.

b) Ayusin ayon sa pananaw sa bagay o pangyayari, gaya sa halimbawa ng


malapit – palayo o kabalikan nito, mula sa loob – palabas o kabalikan
nito o mula sa kanan – pakaliwa o kabalikan nito.
118

c) Iayos na mula sa masaklaw patungo sa ispesipiko. Ito ang karaniwang


ayos na ang paksang pangungusap ay ang unang pangungusap ng
talata. Sa ganito, ang paksang pangungusap ang huling pangungusap
ng talata.

Proseso ng Pagsulat - ang pagsulat ay isang komplikadong gawain.


Ang dami ng pamamaraan o teknik sa pagsulat ay sinadami ng bilang ng
mgaa manunulat.

Pre – Writing Activities – maaari itong pinagmumulan ng kanyang inspirasyon


o motubasyon o di kaya’y pinaghahanguan niya ng mga ideya o kaalaman
na nagsisilbing puwersa upang itulak siyang magsulat at bigyang direksyon
ang kanyang pagsusulat.

Pagsulat sa Dyornal – talaan ng mga ideya, ngunit ito ay mula sa araw


– araw na pangyayari ng pagsulat.
Brainstorming – mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinion
at katuwiran ng ibang tao.
Questioning – binabagsakan ng mga tanong sa gawaing ito ang isang
posibleng paksa. Madalas gamitin dito ang limang W’s.
Pagbabasa at Pananaliksik – ginagamit ito sa pagpapalawak ng isang
paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay na karagdagang
kaalaman.
Sounding Out Friends – isinagawa ito sa pamamagitan ng isa – isang
paglapit sa mga kasambahay, kaibigan, kapitbahay o kasama sa
trabaho at pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
Pag – Iinterbyu – pakikipanayam sa isang tao o pangkat ng mga tao sa
ipinapalalagay na awtoridad hinggil sa isang paksa.
Pagsasarbey – paraan ng pangangalap ng mga impormasyon hinggil
sa ano mang paksa sa pamamagitan ng pagpapasagot sa isang
talatanungan sa isang pangkat ng respondente.
Obserbasyon – pagmamasid ito sa mga bagay – bagay, tao o pangkat.
Imersyon – ito ay sadyang pagpapaloob sa isang karanasan o gawain
upang makasulat hinggil sa karanasan o gawaing iyon.
119

Pag – Eeksperimento – madalas itong gawin sa pagsusulat ng mga


sulating siyentipiko.

Writing – Stage

- kapag may paksa na at may mga datos o ideya na ang mga


manunulat, ang susunod niyang lohikal na tanong ay ang mga sumusunod:

 Paano ko sisimulan ang komposisyon?


 Paano ko aayusin ang katawan
 Paano ko wawakasan ang komposisyon?

Narito ang ilang mungkahing kasaguran para sa bawat katanungan;

Pagsisimula – nararapat lamang na maging maganda ang simula upang


magpasyahan ng mambabasa kung itutuloy o hindi ang nasimulang pagbasa.
Sa simula pa lamang dapat nang makuha ang interes at kawilihan ng
mambabasa. May ilang paraan na maaring gamitin sa pagsisimula ng
paglalahad upang makaakit ng atensyon.

 Gumamit ng isang serye ng mga tanong retorikal


 Gumamit ng isang pangungusap na sukat maktawag – pansin
 Gumamit ng pambungad na pagsasalaysay
 Gumamit ng salitaan
 Gumamit ng isang sipi
 Banggitin ang kasaysayan o mga pangyayaring nasa likuran ng
isang paksa
 Gumamit ng salawikain o sawikaan
 Tahasang ipaliwanag ang suliraning ipapaliwanag
 Gumamit ng pansaklaw o panlahat na pahayag
 Magsimula sa pamamagitan ng buod
 Gumamit ng tuwirang sabi
 Maglarawan ng tao o pook
 Gumamit ng analohiya
 Gumamit ng isang salitang makatawag ng kuryosidad
120

PAGSASAAYOS NG KATAWAN

Iayos ang mga datos nang pang – kronolohikal


Iayos ang mga datos nang palayo o palapit, pataas o pababa,
papasok o palabas
Iayos ang mga datos nang pasahol
Iayos ang mga datos na pasaklaw
Paghambingin ang mga datos
Isa – isahin ang mga datos
Suriin ang mga datos

Pagwawakas – maaari itong isang kabanata, talataan, pangungusap o isa


lamang ”pakiramdam sa sa pagsapit ng mga katapusan ng akda” na nililikha
ng mga pangunahing salita. Ito’y magagawa sa iba’t ibang paraan.

 Ibuod ang paksa


 Mag – iwan ng isa o ilang tanong
 Mag – iwan ng hamon
 Bumuo ng kongklusyon
 Gumawa ng prediksyon
 Magwawakas sa angkop na sipi o kasabihan
 Sariwain ang suliraning binanggit sa simula
 Mag iwan ng isang pahiwatig o simbolo
121

ANG MALIKHAING PAGSULAT NG


SANAYSAY

Ang modyul na ito ay tutugon sa pangangailang ng kursong “Malikhaing

Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina” na magagamit ng mga mag-aaral na kasalukuyang

kumukuha ng kursong ito. Ito ay tatalakay sa mga iba’t ibang uri ng malikhaing

pagsusulat at mga gabay nito. Ito ay nagpapaliwanag hinggil sa kahulugan ng

sanaysay, anyo ng sanaysay, mga bahagi ng sanaysay, element ng sanaysay at

sangkap ng sanaysay. Ang mga ginawang gawaing/pagsasanay sa modyul na ito ay

itinakda upang masubok ang kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral.


122
123

TALASALITAAN: Bumuo ng dalawampung (20) salitang may kahulugan galing

sa salitang PAGSASANAY.

MALIKHAING PAGSULAT NG SANAYSAY

Ang salitang sanaysay ay pinagsanib ni Alejandro G. Abadilla (A.G.A) ito ay


nangangahulugang ang salitang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat
na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. Samakatuwid, isang taong
mahusay o sanay sa pagsulat ng sanaysay hinggil sa isang karanasan. Sa
malinaw na pagpapakahulugan ng sanaysay, ang sanaysay ay isang
malayang pagpapahayag ng karanasan, damdamin,kuro-kuro ng isang
manunulat at itoy inilahad sa isang malinaw, lohikal, at nakahihikayat na
pamamaraan.

Ang sanaysay ay isang piraso ng sulatin ng kadalasang naglalaman ng punto


de vista o pananaw ng may akda. lto ay may komposisyon na prosa na may
iisang diwa at pananaw. lto rin ay masistematikong paraan upang
maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari. Ginagamit ito halos sa
larangan lalong-lalo na sa agham panlipunan,humanidades, at edukasyon.
124

A. ANYO NG SANAYSAY

A. 1. Pormal o Maanyo

- tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing


pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa

- naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng


pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa

- ang mga salita'y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga


terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng
pananaliksik

- kung akademiko o propesyonal ang paksang tinatalakay ng sanaysay na


nangangailangan ng masusing pananaliksik

- Kailangang patibayin ng may- akda ang mga datos na inilalahad niya sa


ganitong uri ng sanaysay sa pamamagitan ng pagbabanggit ng mga resulta
ng pag-aaral, pahayag mula sa mga awtoridad, datos mula sa nailimbag na
mga saliksik, at iba pa.

- Maingat din ang ganitong sanaysay sa gamit ng salita at mahigpit na


sumusunod sa takdang ayos gaya ng Modern Language Association para sa
mga akademikong sanaysay na pangwika.

- Ilan sa mga halimbawa ng sanaysay na nabibilang sa ganitong anyo ang


mga sanaysay na nasa batayang aklat, ang mga sanaysay na nilalaman ng
mga tesis o artikulo sa dyornal, mga talumpating binibigkas ng Pangulo ng
Pilipinas sa kaniyang SONA, at iba pa.

 Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Pormal

Isang tagalog na sanaysay na halimbawa ng pagbibigay ng payo o


inspirasyon sa mambabasa.
125

Isang Mabuting Desisyon ang Paghinto sa Pag-inom ng Alak (Sanaysay)

Kung tutuusin, isang napakadaling gawain ang pagpasok sa kahit anong uri
ng addiction. Ang mas mahirap ay ang paglabas sa ganitong kondisyon
kapag ikaw ay nalulong na. Ang alcohol ay isang nakaka-addict na
substance. Kung patuloy mo itong aabusuhin sa matagal na panahon, maaari
kang mahulog sa kanyang patibong. Maaari kang maging addict dito at
mamamalayan mo na lamang na hindi mo na pala kayang kumilos kung wala
ito. Magigising ka na lamang isang umaga na hindi mo na pala kayang
mabuhay nang hindi umiinom. Sapagkat ang alak nga ay nakapasok na sa
iyong sistema at ito'y nakagawa na ng isang malakas na impluwensiya sa
iyong katawan at isipan. Na parang kasama na ito ngayon sa iyong regular
na pangangailangan upang makagawa ng pang- araw-araw na gawain.

Alam nating lahat na ang alak ay isang mapanirang substance. Maraming


masamang epekto ang labis na pagkonsumo nito sa ating kalusugan at
buhay. At kahit na baliktarin mo ang sitwasyon at mundo, sigurado akong
malalaman mong walang mabuting maidudulot ang labis na pag-inom nito
lalo na sa pagtagal ng panahon. Kaya nga ang paghinto sa pag-inom ay
isang mabuting desisyon na siyang makapagpapabago ng iyong buhay at
pati na rin ang kalagayan mo sa iyong community at kapaligirang
ginagalawan. Hindi rin natin dapat isa-isantabi na ang desisyong ihinto ang
bisyong ito ay makabubuti sa iyong kinabukasan at makapagpapatibay pa
ng lubos ng mga relasyong maaaring nasira noong nakaraan habang
ipinagpapalit mo kang alak sa iyong mga mahal sa buhay.

Hindi madali ang huminto sa iyong nakasanayan. Lalo pa nga't


naimpluwensiyahan na nito ang iyong katawan at isipan. Pero kung ilalagay
mo sa iyong utak ang gawaing ito, maaaring mapagtagumpayan mo ito kahit
sa iyong sariling paraan. Mahirap na kung mahirap, ngunit maraming paraan
upang makaalis ka sa iyong bisyo. At kung maghahanap ka lamang ng mga
programa na maaaring makatulong sa iyo, magiging madali ang paghinto sa
pag-inom ng alcohol.

Marami pang panahon para tumigil ka. Marami ring available na paraan para
mapaglaban ang iyong kondisyon bilang isang alcoholic. Manghinayang ka
126

sa panahon na inuubos mo lamang sa iyong pag-inom. Sikapin mong


pahalagahan ang mga pera na ginagastos mo sa pagtangkilik sa mga
inuming nakalalasing. At lagi mong isa-alang-alang ang mga mahal mo sa
buhay na umaasang ikaw ay may kapasidad na magbagong buhay. Hindi
kailanman maibabalik ang mga nasayang na ito at lalo pang
madaragdagan kung patuloy kang linom ng alak. Ngunit kahit hindi man
maibalik ang mga nasayang na panahon at salapi, maaari mo pang baguhin
ang takbo ng iyong buhay kung ititigil mo na ang iyong bisyo. At sigurado
akong hindi na madaragdagan ang iyong mga problema bagkus ay
magkakaroon ka ng mas magandang kalusugan at mabuting pamumuhay
ngayon at sa darating pang panahon. 2011 Mga Sanaysay sa Filipino.

A. 2. Impormal o Di – maanyo

- tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at


personal

- nagtataglay ng opinyon, kuru kuro at paglalarawan ng isang may akda

- naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba't ibang bagay at mga


pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda

- kung ang sanaysay ay karaniwan namang tumatalakay sa personal o kaswal


na paksa na maaaring nakabatay lamang sa pansariling damdamin o
kaisipan ng may-akda

- Magaan ang pagkakabuo ng ganitong anyo na maaaring isulat sa paraang


tila nakikipag- usap lamang.

- Maaari ding hindi nakaayon sa matataas na pamantayan ng pormal na wika


ang anyo nito, gaya ng pagpapasok ng mga salitang dayuhan o kahit pa
mga salitang balbal. - Ilan sa mga halimbawa ng sanaysay na nabibilang sa
ganitong anyo ang mga sanaysay na tumatalakay sa pansariling karanasan,
gaya ng paglalakbay sa isang pook o paboritong mga bagay.
127

 Halimbawa ng Isang Tagalog na Sanaysay na Di - Pormal

Edukasyon Para sa Pag-unlad

Sa paggising mula sa kama, pumasok sa eskwela, sa pagpasok ko sa pintuan,


ako'y napatingin sa labasan. Napaisip ako ng ng bigla, "Ano ba ang katuturan
ng pagpasok ko sa eskwela?" Ang sarap isipin na "Ang Kabataan ang Pag-
asa ng Bayan" hindi ba? Pero masakit isipin na ang kabataan waring
tumatakbo sa kaalaman. Nariyan ang ayaw pumasok sa eskwela,
nakatambay lamang ng basta, at ang iba nga'y nalululong pa sa droga.
Huwag nating basta na lang ipagpasawalang bahala ang bawat ating
ginagawa, dahil ang bawat kilos na ito, kakambal ay pagsisisi na hindi na natin
mababalikan pang muli. Sa edukasyon lamang natin matatamo ang tunay
na pag-unlad, pag-unlad para sa ating sarili at pag-unlad na sa ating baya'y
nakatali. Naaalala ko pa ng mapanood ko sa telebisyon ang isang balitang
nakapanliit sa bayan natin, na ang "Pilipina" sa diksyonaryo ng ibang bansa'y
"Domestik Helper" ang ibig sabihin. Hindi ko alam pero para sa aki'y ang hirap
nitong lunukin. Ang sa akin, bakit tayo nagpapa-api sa iba lalo na't hindi natin
kalahi? Bakit natin ito ipagsasa walang bahala? Ipakita natin na kaya natin.
Na kaya nating umangat sa sarili nating mga paa. Kumilos tayo! Tayo ang
kabataan ngayon at sa atin nakasalalay ang pagdadala sa Inang Bayan sa
tugatog ng kasaganaan. Lagi nating tatandaan, ang pag pasok sa eskwela
ay hindi ibig sabihin na magpaka dalubhasa ka, ang dalahin ka sa tama ay
gawain niya. At tandaan ninyo, kapag tayo, mga kabataan, umastang
waring sanggol sa Siyam na bwan, tiyak, buhay mo at ng lipunan, sa rehas na
bakal ang hantungan.
128

B. BAHAGI NG SANAYSAY

B. 1. Panimula

- makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema atKatawan


nilalaman ng sanaysay.

- Ito ang pinakamahalagang bahagi. Sa simula pa lang ay dapat nang


mapukaw ng sulatin ang interes ng mambabasa upang mapagpatuloy nitong
basahin ang akda hanggang sa huli. Bukod sa makuha ang interes, dapat rin
ay sa unang bahagi pa lamang ay mapukaw na nito ang damdamin ng
mambabasa.

B. 2. Gitna

- makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema atKatawan


nilalaman ng sanaysay.

- Ang bahaging ito ang tumatalakay ng mga mahahalagang punto, ideya,


at mga kaisipan na may kaugnayan sa paksa. Dapat ay malaman at hitik ito
sa mga impormasyon na sumusuporta at nagpapaliwanag ng mabuti ng
pinag-uusapan.

B. 3. Wakas

- nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay

- Ito ang magsasara ng komposisyon. Dito makikita ang buod o konklusyon ng


isang usapin na maaring maisulat sa pamamagitang ng tuwirang pagsabi,
panlahat na pahayag, pagtatanong, o pagbubuod. Maari ring maglagay ng
kasabihan at paghahamon.
129

C. ELEMENTO NG SANAYSAY

C. 1. Paksa - pinag-uugatan ng anumang uri ng diskurso. Karaniwan itong


sumasagot sa tanong na "tungkol saan ang akda?" Ito ang pinakapayak na
antas ng mga pinag-uusapan. Ito rin ang sentro ng ideya ng buong akda.
Kinokontrol ng paksa ang manunulat kung hanggang saan lamang ang
hangganan ng kaniyang isusulat.

C. 2. Tono - ang saloobin ng may-akda sa paksa. Sa pamamagitan ng mga


ispesipikong wika na ginamit ng may-akda, mababatid kung sino ang target
na mambabasa. Maaaring ang tono o himig ay natutuwa, nasisiyahan,
nagagalit, sarkastiko, naiinis, nahihiya, at iba pa.

C. 3. Kaisipan - ang nais iparating ng manunulat sa mga mambabasa, dito


umiinog ang maliliit na himaymay ng akda. Inilalahad ang kaisipan ng isang
akda sa isang buong pangungusap. Ang kaisipan ay hindi tuwirang
binabanggit kundi ginagamitan ng pahiwatig ng may-akda para mailahad
ito.

D. SANGKAP NG SANAYSAY

D. 1. Kaisipan - Ito ay ang mga ideyang nabanggit na kaugnay o


nagpapalinaw sa tema.

D. 2. Wika at Estilo - Ang uri at antas ng wika at estilo ng pagkakagamit nito ay


nakaaapekto rin sa pag-unawa ng mambabasa,higit na mabuting gumamit
ng simple, natural at matapat na pahayag.

D. 3. Tema at Nilalaman - Ito ay ang sinsabi ng isang akda tungkol sa isang


paksa.

D. 4. Anyo at Estruktura - Ito ay isang mahalagang sangkap na nakaaapekto


sa pagkaunawa ng mga mambabasa.Ang maayos na pagkasunod-sunod ng
130

ideya o pangyayari ay makatutulong sa mga mambabasa sa pag-unawa sa


sanaysay.

D.5. Larawan ng Buhay - Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang


salaysay.masining na paglalahad na kung saan gumamit ng sariling himig ang
may-akda.

D.6. Damdamin - Naipapahayag ng isang magaling na may akda ang


kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may
kalawakan at kaganapan.

D. 7. Himig - Nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin. Maaring masaya,


malungkot, mapanudyo, at iba pa.
131

PANUTO: Gumawa ng sariling sanaysay.


132

Sa katapusan ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay:

a. Magdagdag ng mga impormasyon at kaalaman mula sa iba’t ibang


elemento ng Tula;
b. Makababahagi ng mga damdamin na namayanin sa bawat
nabasang tula; at
c. Mapagyaman ang kaalaman sa iba’t ibang Tayutay at idyoma na
makikita sa tula.

Mga kagamitang Pampagtuturo

 Laptop
 Projector
 Papel
 Pluma/Ballpen

Paunang Pagtataya!

Panuto: Ibigay ang ibig sabihin ng mga idyomatikong pahayag.

1. Putok sa bubo
2. Mababaw ang luha
3. Naglulubid ng buhangin
4. Magbatak ng buto
5. Nakahiga sa salapi
133

Tula – Pagsasama ng mga piling salita na may tugma, sukat, talinghaga, at


kaisipan. Nadaramang mga kaisipan. Nakikita ng mga mata, nauunawaan
ng isip, at tumutuooy sa damdamin.

Ang mahusay na Tula

 May larawang diwa.


 Gumigising ng damdamin at kamalayan.
 Pinapagalaw ang guni-guni ng mambabasa.

Estruktura ng Tula

Tradisyunal na Tula – Ang bawat taludturan o linya ng mga tulang may


tugma at sukat ay may magkakaparehong bilang ng pantig sa bawat linya
at ang huling pantig ng bawat linya at magkakatunog.

Malayang Taludturan – Ang ritmo o Indayog ng mga tulang may malayang


taludturan ay wala sa pagpapantig kundi nasa pagpapangkat nang mga
salita.

Tulang Tuluyan (Prose Poem) – Ang tulang Tuluyan naman ay tulang tila isang
Tuluyan o prosa. Ang tulang tuluyan, katulad ng kaniyang pangalan, ay
mayroong pinagsamang katangian ng prosa at tula.

Villanelle – Ang villanelle ay isang anyo ng tula na may 19 na taludturan g


binubuo ng anim na saknong na may tig-tatlong taludturan ang una
hanggang limang saknong at may apat na taludturan ang huling saknong.

Sestina – Anyo ito ng tulang inuulit ang salitang nasa dulo ng bawat
taludturan. Binubuo ito ng anim na saknong na may tig-anim na taludtod sa
una hanggang ikalimang saknong samantalang ang anim na saknong ay
binubuo lamang ng tatlong taludtod. Mayroon pa itong huling tatlong
taludtod.

Tanka – Isa itong tradisyonal na anyo ng tula na may sukat na 7-7-7-7.


Binubuo ito ng apat na taludtod.
134

Haiku - Isa itong tradisyonal na anyo ng tula na may sukat na 5-7-5. Binubuo
ito ng tatlong taludtod.

Diona – Isa itong tradisyonal na anyo ng tula na may sukat na 7 pantig


bawat taludtod at may tugma. Binubuo ito ng tatlong taludtod.

Soneto – Isa itong tradisyonal na anyo ng tula na may striktong sinusunod.


Abba Abba cde cde. Binubuo ito ng 14 na taludtod.

Elemento ng Tula

Anyo – Tumutukoy sa kung paano isulat ang tula. Ito ay may Apat (4) na
anyo:

 Malayang Taludturan – walang sinusunod na sukat, tugma, o anyo. Ito


ay karaniwang ayon sa nais ng manunulat.
 Tradisyunal – may sukat, tugma at mga matalinghagang salita.
 May sukat na walang tugma – mga tulang may tiyak na bilang ang
pantig ngunit ang huling pantig ay hindi magkakasingtunog o
magkakatugma.
 Walang sukat na may tugma – mga tulang walang tiyak na bilang ang
pantig sa bawat taludtod ngunit ang huling pantig ay
magkakasingtunog o magkakatugma.

Kariktan – ito ang malinaw at hindi malilimutang impresyon na natatanim sa


isipan ng mga mambabasa.

Persona – Ang persona ng tula ay tumutukoy sa nagsasalita sa tula. Kung


minsan, ang persona at ang makata ay iisa.

Saknong – ito ay tumutukoy sa grupo ng mga taludtod ng tula. Ito ay


maaaring magsisimula sa dalawa o higit pang taludtod.

Sukat – ito ang bilang ng pantig ng tula sa bawat taludtod na karaniwang


may sukat na waluhan, labing – dalawahan at labing – animan na pantig.

Talinhaga – kinakailangan dito ang paggamit ng mga tayutay o


matatalinghagang mga pahayag upang pukawin ang damdamin ng mga
mambabasa.

Tono o Indayog – tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng bawat taludtod ng


tula. Ito ay karaniwang pataas o pababa.
135

Tugma – ito ay ang pagkakasing tunog ng mga salita sa huling pantig ng


bawat taludtod ng tula.

Sawikain o idyoma - di-tuwiran o di-tahasang pagpapahayag na may


kahulugang patalinghaga.

6. Ito ay di-literal kung kaya nangangailagan ng konotatibo at malalim


na pagpapakahulugan.
7. Di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng Kaisipan at
kaugalian ng isang lugar.
8. Sa pamamagitan ng idyoma nakikilala ang yaman ng isang wika.

Mga Halimbawa:

9. Putok sa bubo- anak sa pagkadalaga


10. Mababaw ang luha – madaling umiyak
11. Naglulubid ng buhangin- nagsisiningaling
12. Magbatak ng buto- magtrabaho
13. Nakahiga sa salapi- mayaman
14. Utak-biya- bobo
15. Magdildil ng asin- maghirap
16. Balat-kalabaw- hindi marunong mahiya
17. Magmahabang dulang- magpapakasal, mag-aasawa
18. Nagpuputok ang bulsa- galit na galit
19. Hilong talilong- litung-lito
20. Pantay na ang mga paa- patay na
21. Kusang-palo- sariling sipag
22. Kaututang dila – katsismisan, kaibigan
23. Magkahiramang suklay- matalik na magkaibigan
24. Nagmumurang kamatis- matanda nag-aayos binata at Dalaga
25. Alog na ang baba- matanda na
26. Pulot gata- pagtatalik ng bagong kasal
27. Panis ang laway- taong di palakibo
28. Pagkagat ng dilim- paglubog ng araw
29. Namamangka sa dalawang ilog- salawahan
30. Dalawa ang mukha- kabilanan/balik harap

Tayutay – salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyang diin ang


isang kaisipan o damdamin. Sinasadya ang pagpapayahag na gumagamit
136

ng talinghaga o di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag upang


bigyan diin ang kanyang saloobin.

Mga Uri ng Tayutay

1. Aliterasyon- pag-uulit ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng


salita.

Hal. Makikita sa mga mata ni Maria ang mga masasayang nangyari sa


kanya kasama si Marco.

2. Konsonans- pag-uulit ng mga tunog-katinig sa final naman na


bahagi ng salita.

Hal. Ang aking pagmamahal para kay Rosal ay lalong tumatatag habang
tumatagal.

3. Asonans- pag-uulit ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng


salita.

Hal. Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko sa amin.

4. Onomatopiya- sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay


nagagawang maihatid ang kahulugan nito.

Hal. Ang dagundong ng kulog ang siyang gumising sa bata.

5. Anapora- pag-uulit sa unang bahagi ng pahayag ng isang


taludtod.

Hal. Ikaw ang aking pangarap

Ikaw ang bigay ng Maykapal

Ikaw ang lahat sa akin


137

6. Epifora- pag-uulit sa huling bahagi ng Pahayag o ng isang taludtod.

Hal. Ang konstitusyon ay para sa Mamamayan

Gawa ng mamamayan

At mula sa mamamayan.

7. Anadiplosis- pag-uulit sa una at huling bahagi ng Pahayag o ng


isang taludtod.

Hal. Ang mahal ko ay tanging ikaw

Ikaw na nagbibigay ng ilaw

Ilaw sa gabi na kay dilim

Dilim man o liwanag, ikaw ay mahal pa rin

8. Pagtutulad o simili- isang di-tuwirang paghahambing Ng


magkaibang bagay, tao o pangyayari tulad ng Kawangis, parang,
gaya ng, tulad, mistula, kapares.

Hal. Tulad ng isang ibon, ang tao ay mamamatay.

9. Pagwawangis o metaphor- tuwirang paghahambing ng


Magkaibang bagay, pangyayari, tao.

Hal. Ang kanyang buhay ay isang buaks na aklat.

10. Pagbibigay katauhan o personipikasyon- inaaring tao Ang mga


bagay na walang buhay sa pamamagitan ng Pagkakapit sa mga
ito ng mga gawi o kilos ng tao.

Hal. Nararamdaman ko siya sa pamamagitan ng haplos Ng hangin.


138

11. Pagmamalabis o hiperbole- lagpas sa katotohanan o Ekseherado ang


mga pahayag kung pakasusuriin.

Hal. Gutom na gutom si Juan na kaya niyang kumain ng isang kalabaw.

11. Pagpapalit-tawag o mitonimi- Pagpapalit ng katawagan o ngalan


sa

Bagay na tinutukoy.

Hal. Ang palasyo ay nag-anunsyo na Walang pasok bukas. (Palasyo-


presidente ng Pilipinas.

13. Pagpapalit sakalw o sinekdoki- pagbabanggit ng Bahagi bilang


pagtukoy sa kabuuan.

Hal. Apat na mga mata ang patuloy na tumititig sa akin.

14. Paglumanay o yufemismo- tumutukoy sa paggamit Ng mga salitang


magpapabawas sa tindi ng kahulugan ng Orihinal na salita.

Hal. Ang kanyang kasintahan ay isang babaeng mababa Ang mababa ang
lipad.

15. Tanong Retorikal- isang tanong na hindi naman talaga Kailangan ng


sagot kung hindi ang layunin ay maikintal Sa isipan ng nakikinig ang
mensahe.

Hal. Natutulog ba ang Diyos?

16. Pagsusukdol o Klaymaks- Paghahanay ng mga pangyayaring may


Papataas ng tinig, sitwasyon, o antas.

Hal. Mabilis na humupa ang hangin,


139

Napawi ang malaks na ulan, muling sumilay

Ang liwanag ng araw nan a nagbabadya ng

Panibagong pagkakataon para muling

Bumangon sa buhay.

17. Antiklaymaks – paghahanay ng mga pangyayaring May pababa na


tinig, sitwasyon, o antas antas.

Hal. Noon, ang bulwagang iyon ay puno ng mga

Nagkakagulong tagahanga, hanggang sa unti-unting

Nababawasan ang mga manonood, padalang nang

Padalang ang mga pumalakpak at ngayo’y maging mga

Bulong ay waring sigaw sa kanyang pandinig.

18. Pagtatambis o oksimoron- ito ay ang paglalahad ng Mga bagay na


magkasalungat upang higit na Mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.
Ito ay Kadalasang mahaba.

Hal. Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa, may

Lungkot at may ligaya, may dilim at may liwanag, may

Tawa at may luha, may hirap at may ginhawa, may dusa at May pag-asa.

19. Pagsalungat o epigram- kahawig ng pagtatambis kaya Nga lamang ay


maikli at matalinghaga.

Hal. Natalo siya upang muling Manalo


140

20. Pag-uyam o ironya- isang pagpapahayag na May layuning mangutya


ngunit itinago sa Paraang waring nagbibigay-puri.

Hal. Siya ay may magandang mukha na kung Saan tanging ina niya lang
ang humahanga.

21. Paralismo- isang pagpapahayag na may halos Iisang istruktura.

Hal. Iyan ang disiplinang military: sama-samang

Lulusob sa mga kaawa, sama-sama na kaming Mamamatay o sama-sama


rin kaming magtatagumpay.

22. Pagtawag- isang pahayag na nakikipag-usap sa isang karaniwang


bagay na wari nakikipag-usap sa isang tao.

Hal. Pag-ibig, Oh kay lupit mo!

23. Pagtanggi- gumagamit ng panangging HINDI upang maipapahayag


ang

makabuluhang pag-sang-ayon.

Hal. Si Lucas ay hindi sinungaling, hindi lamang niya

kaya ang magsasabi ng totoo.

24. Pagdaramdam- nagsasaad ng hindi pangkaraniwang

damdamin.

Hal. Nakakaawa ang sinapit niya. Dahil sa pagtataksil

niya ay iniwan siya ng kanyang asawa.


141

Panghuling Pagtataya!

Panuto: Ibigay ang tamang sagot ng mga sumusunod na mga tayutay.

1. Pagbabanggit ng bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan.


2. Isang pagpapahayag na may layuning mangutya ngunit itinago
sa paraang waring nagbibigay-puri.
3. Gumagamit ng panangging HINDI upang maipapahayag ang
makabuluhang pag-sang-ayon.
4. Lagpas sa katotohanan o Ekseherado ang mga pahayag kung
pakasusuriin.
5. Inaaring tao ang mga bagay na walang buhay sa
pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng
tao.
142

LAYUNIN

A. Mailalahad ang kahulugan at kahalagahan ng maikling kwento bilang


isang anyo o prosa.

B. Matutukoy ang mga tauhan at ang mga sangkap ng banghay ng


maikling kwento.

C. Malalaman at makikilala ang tema, paksa at iba pang sangkap ng


maikling kwento.

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang


tamang sagot isulat ito sa papel.

1. Ito ay isang anyo ng panitikan na kung saan mababasa sa isang upuan


at napupulutan ng aral sa mga mambabasa.
A. Sanaysay
B. Tula
C. Maikling Kwento
D. Kwento
2. Ang mga ito ay bahagi ng banghay ng maikling kwento maliban sa isa.
A. Kakalasan
B. Tauhan
C. Panimula
D. Kasukdulan
3. Ano ang tawag sa mga gumaganap o nagbibigay buhay sa isang
kwento?
A. Tagpuan
143

B. Banghay
C. Tauhan
D. Wakas
4. Ito ang kapana-panabik na tagpo sa isang maikling kwento, Ano ito?
A. Kasukdulan
B. Tagpuan
C. Kakalasan
D. Wakas
5. Ama ng maikling Kwento sa buong daigdig, sino siya?
A. Edgar Allan Poe
B. Edgarr Allan Poe
C. Edgar Alan Poe
D. Edgar Allan Poe
6. Sino ang Ama ng maikling kwento ng sa Pilipinas?
A. Edgar Allan Poe
B. Antonio Luna
C. Deogracias Rosario
D. Jose Garcia Villa
7. Dito mo malalaman ang kabuuang pangyayari ng isang kwento ito ay
ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
A. Tagpuan
B. Maikling kwento
C. Banghay
D. Anyo ng Panitikan
8. Ano ang kaibahan ng Maikling kwento sa ibang akdang pampanitikan?
A. Maganda at kapana- panabik babasahin
B. Mababasa sa iisang upuan at kapupulutan ng aral
C. May magandang anyo ng pagkagawa
D. May kaaya-ayang mga pangyayari.
9. Ano ang maikling kwento? 3pts.
144

10. Kahalagahan ng maikling kwento 4pts.


145

Ang Maikling Kwento bilang

Anyo o Genre

Ang maikling kwento – ay isang masining na anyo ng panitikan na


naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang
kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

Ayon kay Edgar Allan Poe, “ang maikling kwento ay isang akdang
pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay na aktuwal
na naganap o maaaring maganap.”

Noong panahon ng mga Amerikano, tinawag din na “dagli” ang maikling


kwento at ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko

Talagang mapagbigay si Stella lalong-lalo na sa mga bata sa ampunan.


Mayaman ang pamilya niya pero kahit minsan ay ‘di niya inuna ang
mamasyal kaysa puntahan ang mga bata sa Marga Hera.

Totoong anak nina Don Manuel at Señora Faustina si Stella kaya kahit ang mga
kaibigan niya ay nagtataka sa kabutihan niya sa mga bata sa ampunan.
Isang araw, sinabi ng dalaga ang totoong rason kung bakit napamahal sa
kanya ang mga bata.
146

KAHALAGAHAN NG MAIKLING KWENTO BILANG ANYO O GENRE

Ito ay naging daan upang umunlad ang panitikang Pilipino na hanggang


ngayon ay unti unti paring gumaganda dahil sa mga iba’t ibang uri ng
panitikan at isa lang dito ang Maikling kwento.

Kahalagahan ng Maikling kwento

1. Ang mga taong nagmamadali ay makakabasa nito sa isang upuan.

2.Nagbibigay ng kasiyahan.

3.Nagpapasigla sa mga mambabasa.

4.Upang maibalik ang hilig sa pagbabasa.

Si Deogracias A. Rosario ang tinuturing na “Ama ng Maikling Kwentong


Tagalog.

Tauhan – Kaunti lamang ang mga tauhan ng maikling katha bagama’t


laging may pangunahing tauhan. Ang iba pa sa kuwento ay tumutulong
lamang sa lalong ikatitingkad ng pagganap ng pangunahing tauhan sa
akda. Sa kanyang ga- law at ugali nakasalalay nang malaki ang
kagandahan ng akda. Kailangang siya’y maging tunay at buhay. Siya at
ang iba pang tauhan ay inilalarawan nang di-tuwiran. Makikilala sila sa
pamamagitan ng kanilang panlabas na kaanyuan – pisikal at pananamit,
kilos na magpapahiwatig ng kanilang ugali at pili ng mga salita.

Banghay – Tumutukoy ito sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.


Dapat itong maging maayos at magkakaugnay upang maging matatag at
kapani-paniwala. Gaano man kapayak o karaniwan ang mga pangyayari,
ang pagiging kawili-wili nito ay nakasalalay sa makatwirang pagkakasunud-
sunod na “magpapadulas sa daloy ng salaysay.

Mga Bahagi ng Maikling Kuwento

1. Panimula Sa bahaging ito paaasahin ng may-akda ang mga mambabasa


sa isang kawili-wili at kapana-panabik na akda. Humigit-kumulang, ang mga
sumusunod ay nakapaloob sa mga unang talata ng akda:
147

A. Pagpapakilala sa mga tauhan – maipabatid ang kanilang pagkatao ng


pangunahing tauhan; ma- pangibabaw ang katangian ng pangunahing
tau- han upang magkagiliw agad sa kanya ang mga mambabasa

B. Pagpapahiwatig ng suliraning kakahaharapin ng mga tauhan –


kailangang palitawin ang suliranin ng pangunahing tauhan upang maitanim
sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog ang mga susu- nod pang
pangyayari

C. Pagkakintal sa isipan ng mga mambabasa ng dam- daming palilitawin sa


kuwento – ang lahat ng mga pangyayari at tauhan sa akda ay kailangang
isang damdamin lamang ang antigin sa mga mambabasa

D. Paglalarawan ng tagpuan – sa di-tuwirang pama- maraan, magagawa


ng may-akdang madama ng mga mambabasa ang kapaligirang
gagalawan ng mga tauhan lalo ng ng pangunahing tauhan sa ak- da;
mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning
kahaharapin ng pangu- nahing tauhan at ang damdaming nasang maantig
sa mambabasa

2. Tunggalian Ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong


maging kawili-wili at ka- pana-panabik ang mga pangyayari kaya’t si-
nasabing ito ang sanliga ng akda. Nagsisimu- la ito sa paghahangad ng
pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa ka-
tuparan. Ang sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa
kahalagahan ng layunin; at dapat na magdulot ng pananabik at kasiyahan
sa mga mambabasa sa dakong huli.

3. Kasukdulan Dito nagwawakas ang tunggalian. Pinaka- masidhing


pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat
dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o ng bayani
sa kuwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan,
kailangang magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo
na sa ilang saglit, mabibitin ang tinurang pananabik sa kahihi- natnan ng
pangunahing tauhan.

4. Wakas Bagama’t ang isang maikling kuwento ay maaari nang magwakas


sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ang isang
katuusan upang ipahayag ang mga pangyaya- ri pagkatapos ng
kasukdulan. Maaari ritong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na
sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga
mambabasa.
148

MGA SANGKAP NG MAIKLING KWENTO

1. Tagpuan tumutukoy Ito sa pook o lugar na pinangyarian ng kwento .


Naglalarawan Ito ng ginagalawan o kapaligiran ng mga tauhan .
2. Paksang Diwa / Tema – Pinakaluluwa ng maikling kwento . Kaisipan at
mensahe sa kwento .
3. Tauhan – Ang nagbibigay buhay sa kwento , makikilala sila sa kanilang
panlabas na kaanyuan, pisikal at pananamit , kilos na nagpapahiwatig
Ng kanilang ugali at diyalogo .
4. Tunggalian – Ito ang pakikipagsapalaran o pakikipagtunggalian ng mga
sentrong tauhan laban sa mga hamon na kaniyang hinaharap .
Instrumento Ito para sa madudulang tagpo Ito ay may apat na uri;

>Tao laban sa tao

>Tao laban sa sarili

>Tao laban sa lipunan

> Tao laban sa kapaligiran o kalikasan

5. Paniningin – Ang paningin sa kwento ay tumutukoy sa pananaw na


pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang Katha . Ito ay tumutukoy sa
Kung sino ang nakakikita at Kung gaano ang nalalaman sa nakikita .
A. Unang Paningin – Sa ganitong uri ng paningin , ang isa sa mga
tauhan sa kwento at naglalahad ay karaniwang tungkol sa
karanasan ng nagsasalaysay , Kaya dito ginagamit ang panghalip
B. Pangalawang Paningin – Sa paninging Ito , Mistulang kausap ng
manunulat ang tauhan na pinagagalaw niya sa kwento .
Ginagamit dito ang panghalip na ikaw o Ka .

C. Panlahat o Pansaklaw na Panauhan

- sa ganitong uri ng paningin , lahat ng mga galaw sa tauhan ay alam ng


may akda . Lahat ng nangyayari ay nakikita nya mula sa kaniyang
kinalalagyan . Ang naglalahad ay mistulang “ omnensyente “ na
nakakaalam ng lahat .
149

Gawain 1. Gumawa ng isang venn diagram patungkol pagkakaiba ta


pagkakatulad ng maikling kwento sa iba pang akdang pampanitikan.

Gawain 2. Sumulat ng isang maikling kwento patungkol sa iyong pag ibig.


150

Para saan ang modyu nal ito?

● Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang


magsilbing gabay
● at dagdag kaalaman sa pag-aaral. Matatalos mo rito ang mga
sangkap, elemento,
● bahagi at uri ng dula.
● Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral upang
magsilbing gabay
● at dagdag kaalaman sa pag-aaral. Matatalos mo rito ang mga
sangkap, elemento,
● bahagi at uri ng dula.

Ang modyul na ito ay para sa mga mag-aaral upang magsilbing gabay at


dagdag kaalaman para sap ag-aaral, ito ay tungkol sa malikhaing pagsulat
ng nobela at dula. Uri ng pagsulat na inihanda para sa pag aaral ng Filipino
sa unang semester sa taong 2022-2023. Naglalayong linangin at sanayin ang
mga mag-aaral sa kapagkatuto ng mga uri at sangkap sa nobela at dula na
naibahagi sa modyul na ito.

A. Layunin
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;

o Natutukoy ang ibat-ibang uri at sangkap ng nobela at dula


o Naipapaliwanag ang kahalagahan ng nobela at dula
o Napahahalagahan at nauunawaan ang pagbuo ng malikhaing
pagsulat ng tauhan at banghay.
151

Panimulang Pagtataya

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Uri ng nobela na pumapaksa sa pag-ibig maging ito man ay pag-ibig sa


Diyos, sa bayan, at sa kapwa.
152

a. Nobela ng kasaysayan
b. Nobela ng pag-ibig
c. Nobela ng palipunan
d. Nobela ng layunin
2. Ito ay maayos at malinaw na pagkasunod-sunod na pangyayari sa kwento.

a. Simula

b. Tagpuan

c. Banghay

d. Bisa ng panitikan

3. Isang uri ng Sining na may layuning magbigay ng makabuluhang mensahe sa manonood


sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba pang aspekto nito.
a. Dula

b. Nobela

c. Tauhan

d. Tagpuan

4. Ito'y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang


bahagi sa buhay.

a. Melodrama o Soap Opera

b. Tragikomedya

c. Trahedya

d. Parsa

5. Uri ng tauhan sa dula na karaniwang kasama ng pangunahing tauhan.

a. Pangunahing Tauhan
153

b. Pantulong na Tauhan

c. Ang may Akda o Awtor

d. Katunggaling Tauhan
154

Malikhaling Pagsulat ng Nobela at Dula

Ano nga ba ang Nobela? - Kimberlie A. Samoranos


- Ito ay isang akdang pampanitikan na binubuo ng mga yugto at masalimout
na banghay na kinasasangkutang maraming tauhan, iba-ibang tauhan at
mahabang panahon maging mabisa ang wakas. Ang mga pangyayari sa
nobela ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang
matibay at kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.

Kahalagahan ng nobela

● Nagpapalawak ng kaalaman- pinapalawak ng nobela ang kaalaman ng


mga mambabasa at nagpapalawak ng bokabularyo na siyang
nakakatulong upang malinang ang pag-iisip ng mga mambabasa.
● Nagpapalalim ng pagkatao- ang nobela ay nagpapaunlad sa
personalidad ng tao. Sa pamamagitan nito ay nabubuo ang kanyang
pagkatao maraming mga aral ang makukuha at mga gabay na
makakatulong sa mga mambabasa
● Nalilinang ang kultura- Dahil sa nobela natutuklasan ng mga mambabasa
ang kultura ng iba't ibang bansa. Dahil dito nalilinang at lumalawak ang
kaalaman sa mga kultura.
● Nakapagbibigay aral sa mga mambabasa- binubuo ng maraming
kabanata ang nobela at sa bawat kabanata ay may mga aral na
makukuha niya siyang masilbing gabay para sa atin.
Uri ng Nobela

● Nobela ng kasaysayan- nagbibigay buhay sa mga nakalipas na


pangyayari o mga nakalipas na. Nakatuon dito ang mga pangyayari na
nagaganap sa nakaraan. Halimabawa nito ay ang Noli Me Tangere.
● Nobela ng pagbabago- uri ng nobela na nagbibigay diin sa mga
pangyayaring nakapagpabago ng ating buhay at Sistema. Nakapaloob
dito ang layunin ng manunulat kung bakit niya sinusulat ang isang nobela.
Makikita dito ang mensahe na gustong ipabatid at ipaalam sa mga tao na
siyang makapukaw sa isip at damdamin ng mga mamamayan.
● Nobela ng pag-big- o romansa- uri ng nobela na pumapaksa sa pag-ibig
maging ito man ay pag-ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa. Ang
pangunahing suliranin na nakapaloob sa nobela ay ang mga karanasan
sa pag-ibig ng pangunahing tauhan.
155

● Nobela ng pangyayari- nagbibigay diin sa mga pangyayari sa nobela o


mga pangyayaring may kaugnayan sa lipunan.
● Nobelang panlipunan- tumatalakay sa pang-araw-araw na buhay ng tao
at ng mga taong nasa paligid niya. Nakapaloob dito ang mga isyu na
makikita sa lipunan tulad ng kahirapan, pulitika at iba pang mga
pangyayari na may kaugnayan sa paligid.
● Nobela ng tauhan- ang mga pangyayari ay umiikot sa pangunahing
tauhan at iba pang tauhang nakaapekto sa kanyang buhay. Nakapokus
ito sa layunin at adhikain ng pangunahing tauhan na kung saan ang
pangyayari sa nobela ay nakatuon sa tauhan na gumaganap sa nobela.
● Nobelang makabanghay- higit na mahalaga dito ang kaayusan ng mga
pangyayari upang makita ang malinaw na banghay. Nakapaloob dito
ang mga pangyayaring umiikot sa nobela mga trahedyang naganap at
mga sunod-sunod na pangyayayri.
● Nobela ng layunin- binibigyang diin sa nobelang ito ang mga pilosopiya,
simulain, mga balyu sa moralidad at pananaw ng mga pangunahing
tauhan. Ang suliranin ay nalulutas batay sa pinahihintulutang kaugalian ng
lipunan.

● Nobelang makasining- magbibigay ng malaking pansin sa mahusay na


pagtatalakay at paglalarawan ng mga tauhan. Paghahanay ng mga
pangyayari na nakapagbigay antig sa puso at damdamin ng mga
mambabasa.

Sangkap ng Nobela

1.Tauhan- nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela

Uri ng Tauhan

• Dynamic- tauhang nagbabago ang pag uugaling ipinapakita sa


kwento.

• Istatic- tauhang hindi nagbabago.

2.Tagpuan- lugar, panahon at kalagayan ng pinagyarihan ng mga


pangyayari.

3.Banghay- tumutukoy ito sa maayos at malinaw na pagkakasunod-sunod ng


mga magkakaugnay na pangyayari sa paksa,
4. Bisa ng Panitikan
156

•Bisa sa isip- may kaugnayan ito sa pagkakaron ng pagbabago sa iyong


pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda
•Bisa sa damdamin- ito ang syang pinakamahalagang katangian ng isang
akdang pampanitikan, ginigising ang damdamin ng mambabasa.
•Bisa sa asal- tungkol sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa
mga pangyayaring naganap sa binasa.
5. Simbolo- isang ordinaryong bahay, pangyayari, tao o hayop na may nakakabit
na natatanging kahulugan.

Dula

- Ito ay nahango sa salitang Griyego na "drama" na nangangahulugang gawin


o ikilos.
- isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang maipamalas sa tanghalan
Ayon kay Aristotle, ang dula ay isang imitasyon o panggagagad ng buhay.
Ito ay isang uri ng sining na may layuning magbigay ng makabuluhang
mensahe sa manonood sa pamamagitan ng kilos ng katawan, dayalogo at iba
pang aspekto nito, (Sauco).
Ang dula ayon kay Schiller at Madame De Staele: Ito ay isang uri ng akdang may
malaking bisa sa diwa at ugali ng isang bayan.

Kahalagahan Ng Dula

• Gaya ng ibang panitikan, karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay.
• Inaangkin nito ang lahat ng katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga tao at
mga suliranin.
• Inilalarawan nito ang mga damdamin at pananaw ng mga tao sa partikular na
bahagi ng kasaysayan ng bayan.

Uri ng Dula- Hannah Mae V. Tumaquin


• Komedya- katawa-tawa, magaan sa loob at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
• Trahedya- kung ang tema nito'y mabigat o nakasasama ng loob kaya
nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ay nasasadlak sa
kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas
na malungkot.
• Melodrama o Soap Opera- ito'y sadyang namimiga ng luha sa manonood na
parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tahanan kundi pawang
problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito'y karaniwang
157

mapanonood sa mga de seryeng palabas.


• Tragikomedya- magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula
ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para
magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli'y nagiging malungkot na dahil
nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.
• Parsa - ay isang konsepto ng teatro o dula, partikular ng mga dulang may
nakakatawang tema, na nagpapakita ng relasyon at pagkakaugnay ng mga
pangyayari upang magbigay katatawanan at kaaliwan sa mga manunuod.
Kadalasan na may isang lokasyon lamang ang parsa at mayroong sumusunod
na katangian, pisikal na katatawanan, kalokohan, kakaibang pagganap ng
komedyante.
Sangkap ng Dula
• Tauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot
ang mga pangyayari; tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama
sa dula.
• Tagpuan-panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring
isinaad sa dula.
• Sulyap sa suliranin - bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring
mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari.
• Saglit na kasiglahan- saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning
nararanasan.
• Tunggalian - ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan
laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring
magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula.
• Kasukdulan- climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa
sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang
damdamin o kaya'y sa pinakakasukdulan ang tunggalian.
• Kakalasan- ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos
sa mga tunggalian.
• Kalutasan - sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga
suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong
mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood.

Uri ng Tauhan sa Dula


1. Pangunahing Tauhan- ay siyang pinakamahalagang tauhan sa akda. Sa
pangunahing tauhan umiikot ang kuwento, mula sa simula hanggang sa wakas.
2. Katunggaling Tauhan- ang siyang sumasalungat o kalaban ng pangunahing
tauhan. Mahalaga ang papel na kanyang ginagampanan sapagkat sa mga
tunggaling ito nabubuhay ang mga pangyayari sa akda.
158

3. Pantulong na Tauhan - gaya ng ipinapahiwatig na katawagan ay karaniwang


kasama ng pangunahing tauhan. Ang pangunahing tungkulin nito sa akda ay
ang maging kapalagayang loob o sumuporta sa tauhan.
4. Ang may Akda o Awtor -ay laging magkasama sa loob ng katha. Bagama't
ang naririnig lamang ay ang kilos at tinig ng tauhan, sa likod ay laging
nakasubaybay ang kamalayan ng makapangyarihang awtor. Bukod sa mga uri
ng tauhang nabanggit ay may iba pang pag- uuri o katawagan ang tauhang
gumaganap sa kwento batay sa kanilang karakter o pagkatao. Ito ay ang
tauhang bilog at tauhang lapad.

Uri ng Tauhan batay sa karakter o pagkatao


1. Ang tauhang bilog o round character- ay may katangiang tulad din ng isang
totoong tao. Nagbabago ang kanyang katauhan sa kabuuan ng akda.
Maaaring magsimula siyang mabait, masipag at masunurin subalit dahil sa ilang
mga pangyayari ay nagbago ang kanyang katauhan. Mahalagang maging
epektibo ang paghabi ng mga tauhan upang ang tauhan ay maging
makatotohanan o maging isang tauhang bilog.
2. Ang tauhang lapad o flat character - ay ang tauhang hindi nagbabago ang
pagkatao mula simula hanggang sa katapusan ng akda. Bihirang magkaroon ng
ganitong uri ng tauhan sa mga akda subalit minsan ay kinakailangang maglagay
nito upang higit na lumutang ang tauhang binibigyang-pansin.
Pagbuo ng Tauhan, Tagpuan, Banghay at Dayalogo sa Nobela /dula
- TAN, JENNIFER
Mga Dapat isaalaang alang sa pagbuo ng isang Nobela o dula

1. Tauhan - Isang taong likha ng imahinasyon na gumagalaw o gumaganap sa


kwento. Sila ay may mga motibasyon o sapat na dahilan upang kumilos ayon sa
dapat nilang gampanan.

2. Mga Uri ng Tauhan


a. Tauhang Lapad - Ang tauhang lapad ay walang pagbabago.
b. Tauhang Bilog - Ang tauhang bilog ay may kalaliman ang pag-iisip na
ipinahihiwatig ng kilos o pagsasalita niya. May iba't iba siyang mga katangian na
mahirap makilala.-

3. Paglalarawan ng Tagpuan
a. Lugar heograpikal na lokasyon
b. Oras makasaysayang panahon, oras, araw, taon atb.
c. Kondisyon ng panahon
d. Panlipunang kondisyon
159

e. Mood o atmospera

4. Uri ng Tunggalian
a. Tao laban sa tao
b. Tao laban sa kalikasan (o teknolohiya)
c. Tao laban sa sarili
d. Tao laban sa lipunan
e. Tao laban sa kahirapan

5. Uri ng Paningin
- PANINGIN SA UNANG PANAUHAN ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga
tauhan na siyang nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang
panauhang "ako"
PANINGING PANARILI - isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy
ng kamalayan o "stream of consciousness". Sumusulong ang kwento sa
pamamagitan ng paglalahad ng may-akda na ang isipan at damdamin ay
naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang. Isinasalaysay ang
kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi
ginagamit ang panghalip na "ako".
PANINGIN SA PANGATLONG PANAUHAN ang nagkukwento ay gumagamit ng
pangatlong panauhan na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa
kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring pumasok sa isipan at damdamin ng
mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang iniisip o nadarama.
Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan.

Mga gabay na tanong at mensahi sa pagbuo ng tagpuan, tauhan, Banghay at


dayalogo:

Tagpuan
- Saang lugar iikot ang iyong kuwento?
- Anong panahon magaganap ang iyong kuwento?
- Kailangang linawin kung saang lugar at anong panahon ang pangyayarihan
ng tagpo ng Nobela o dula upang magkaroon ng ideya ang direktor kung
paano paaartehin ang mga aktor at kung ano ang disenyo ng entablado.

Mga Tauhan
- Sino ang pangunahing tauhan?
- Sinu-sino ang mahahalagang tauhan na kakailanganin sa istorya?
160

- Isaalang-alang ang edad, hitsura pananalita, at personalida ng mga karakter


na iyong bubuuin.
- Kailangang kapani-paniwala o natural ang lahat ng tauhan upang maging
makatotohanan sa mga manonood ang kanilang mga motibasyon at reaksiyon.
Sa pamamagitan nito, tatatak sa mga manonood ang tauhan dahil nakauugnay
sila sa kaniya at kaniyang mga karanasan.
- Dapat sa simula pa lamang ay ipinakilala na ang tauhan. Gawin ito nang
mabilis at deretsahan. Pagtuunan ng pansin ang paraan ng pagsasalita at
paggalaw sa entablado ng tauhan. Sa dula, ang pinakamabisang paraan ng
pagpapakilala ng tauhan ay sa pamamagitan ng kanilang salita, kilos,
ekspresiyon ng mukha, at reaksiyon.
- Bigyan ng lalim at lawak ang pangunahing tauhan sa pamamagitan ng
pagpapakita ng kaniyang mga motibasyon pagnanasa Ibubunyag nito sa mga
manonood ang panlabas at panloob na pagkatao ng tauhan.
- Kung maaari, ang suliraning kahaharapin ng tauhan ay magdudulot ng
pagbabago sa kaniya, positibo man o negatibo. Kung wala mang pagbabago
matapos niyang harapin ang kaniyang mga problema, nagtagumpay man o
nabigo, kailangang maging makatotohanan ito. May nagbago man o wala sa
tauhan, kailangang ito ay kapani-paniwalang bunga ng mga pangyayari.

Banghay
Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang kwento.
Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa
kwento.
Kasukdulan – Dito na nangyayari ang problema sa kwento.
Kakalasan – Ito ay tumutukoy sa parte kung saan unti-unti nang naaayos ang
problema.

Dayalogo
- Paano nga ba magsalita ang mga tinedyer noong dekadasitenta, otsenta,
nobenta, at kasalukyan?
- Ano-ano ang mga salitang kanilang ginagamit?
- Paano nga ba magsalita ang may mga maykaya sa buhayo ang mga taong
lumaki sa lansangan?
- Paano magsalita abogado, ang guro, ang tindera ngsampagita, ang drayber
ng pedicab?
- Paano magalit ang mahiyain at ang hambog
- Kailan magiging pormal o kaswal ang pagsasalita?
- Ang mga bitaw na linya ng mga aktor na siyang sandata upang maipakita at
maipadama ang mga emosyon. Nagiging mas maganda at makapangyarihan
161

ang Nobela o dula kung may mga malalakas at nakatatagos na mga linyang
binibitiwan ng mga aktor.

You might also like