You are on page 1of 12

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Kwarter 1 – Modyul 2
(Linggo 2)
PANANAGUTANG PANSARILI

1
Isinasaad sa Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.”

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang–aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa aklat na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad


Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module

Manunulat: Leah Q. Rebaya

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Mga Tagapamahala: Maripaz T. Concepcion, Sheila C. Bulawan

2
I. Panimula

Mahal na mag-aaral, ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang


mapagtibay ang iyong pagpapahalaga at konsepto sa Edukasyon sa Pagpapakatao
6. Ito ay magsisilbing tulay upang matutunan ang aralin na nakapaloob dito.

Ang mga ito ay kayang-kaya mong sagutan ng walang gabay ng iyong guro o
ninuman. Ngunit, inaasahang ikaw ay magiging matapat sa pagsagot. Ito ay binubuo
ng pitong bahagi - Paunang Pagtataya, Paglinang ng Kaalaman, Pagpapalalim,
Pagsasapuso, Pagsasabuhay, Pagtataya at Kasunduan. Ang mga bahaging ito ay
inihanda para sa iyo upang magsilbing gabay sa pagsang-ayon sa pasya ng
nakararami kung nakabubuti ito.

II. Layunin:

Nakasasang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito.

III. Paunang Pagtataya:

Ang pagpapasya ay isa sa mga mahahalagang bagay na ating ginagawa


sa araw-araw. Maliit man o malaki ang gagawing pagpapasya, isang
bagay lang ang tiyak na ating makikita at ito ay ang magiging resulta.
Kinakailangan ang matalinong pagpapasya sapagkat ito ay
magkakaroon ng magandang resulta. Dapat isinasagawa ito ng may pag-iingat para
sa kabutihang panlahat. Sa modyul na ito, matutulungang mapagtibay ang
pagpapahalaga at pag-unawa sa mga desisyon na makakabuti para sa nakararami.

Suriin nang mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.

________1. Nabalitaan mong ipinatupad sa Pilipinas ang Community


Quarantine dahil sa pagkalat ng Covid-19 pandemic. Alin sa mga sumusunod
ang pasyang dapat mong sundin para sa ikabubuti ng lahat.

a. Tumambay sa labas ng bahay.


b. Manatili sa loob ng bahay.
c. Mamasyal sa parke.
d. Maligo sa dagat.

________2. Pinayuhan ka ng iyong mga kamag-anak na sa halip na


ipagpatuloy ang pag-aaral ay magtrabaho na lamang para may sarili ka ng
pera. Ano ang iyong gagawin?

1
a. Kailangan ko tapusin ang pag-aaral para sa magandang
kinabukasan.
b. Hindi ko na pagbubutihin ang pag-aaral.
c. Makikipagrelasyon nalang ako.
d. Susundin ko ang payo nila.

________3. Ipinagbabawal sa paaralan ang “bullying”. Subalit, ang matalik


mong kaibigan ay gumagawa nito. Ano ang gagawin mo?

a. Isusumbong ko siya sa aming guro kahit magalit pa siya.


b. Hahayaan nalang siya para hindi na kami mag-away.
c. Kakausapin ko siya ukol ditto at papangaralan.
d. Ipagtatanggol ko ang mga kinukutya niya.

________4. Dahil sa patuloy na paglaganap ng virus, nagpasya ang


pamahalaan na pansamantalang i-suspende ang klase. Ang mga sumusunod
ay maaari mong gawin upang maging makabuluhan ang pananatili mo sa loob
ng bahay, maliban sa isa:

a. Turuan ng makabuluhang bagay ang nakababatang kapatid.


b. Tumulong sa mga gawaing-bahay.
c. Maglaro sa labas ng bahay.
d. Magbasa ng mga aklat.

_________5. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin na makakatulong


sa ating pamahalaan base sa kinakaharap nitong krisis pangkalusugan
(Corona Virus)?

a. Parating maghuhugas ng kamay at maligo araw-araw.


b. Lumabas ng bahay na walang suot na face mask.
c. Maliligo sa dagat kasama ang pamilya.
d. Dumalo sa birthday party ng kaibigan.

IV. Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, Pag-unawa:

• Song Interpretation

Heal the World Tagalog Version


Ni: Vic Desucatan

Magkaisa tayong lahat


Sa problemang hinaharap

2
Sundin natin ang mga utos ng gobyerno

Manatili sa bahay at huwag lalabas Sagutan:


Ugaliing magsuot lagi ng face mask
Magdasal po tayo Ano ang nais iparating na
mensahe ni Vic Desucatan sa
Sana matapos na ito kanyang awit? Para kanino
Magtulungan tayo kaya niya ito isinulat?
Kaya natin ito Nagustuhan mo ba ang
Panginoon tulungan mo kami kanta? Bakit?
Na matapos na ang mga pangyayari
Kami ay nahihirapan
Sa sakit na aming kalaban
Diyos ko tulungan mo po kami
Maraming mga taong
Nawalan ng trabaho
Marami ang nagsara na mga negosyo
Buong mundo nagkagulo at nagsasakripisyo
At sa Pilipinas maraming nag positibo
Magdasal tayo sana matapos na ito
Magtulungan tayo kaya natin to.

V. Pagpapalalim:

• Ang katatagan ng loob ay tumutulong sa gawaing nagpapabuti sa tao.


Ito ay isa sa magandang ugali na dapat taglayin ng isang tao. Ang
halimbawa nito ay masasalik sa mga kabataang patuloy na nagsisikap at
bumabangon sa kabila ng mga pagsubok at hirap sa buhay. Kaakibat nito
ang pagkakaroon ng malakas na paniniwala, pagkakaroon ng prinsipyo at
tiwala sa sarili na ating nakukuha sa bawat desisyon na ating ginagawa.

• Nalilinang ang katatagan ng loob sa mga tagumpay sa paghaharap sa


pagsubok ng buhay. Subalit ang Diyos pa rin ang pinakamalakas na
sandigan upang maging matatag sa paglutas ng anumang uri ng suliranin.

• Palaging isaisip na ang katatagan ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga


na kinakailngang isabuhay ng bawat tao.

• Isa sa mga tatak nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na


kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin.

• Ang pagsasabi ng katotohan anuman ang maging bunga nito ay mahalaga


na dapat nating gawin para sa ikabubuti mo at sa mga taong nasa palibot
mo.

3
VI. Pagsasapuso:

➢ ACTIVITY 1:
Ang tamang pagpapasya ay nagdudulot ng kasiyahan sa iyo at sa
nakararami

• Essay

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Bilang mag-aaral, paano nakakaapekto ang pagiging bukas ng iyong isipan


sa pagbuo at pagbibigay ng desisyon o pasya na makabubuti sa iyong sarili
at pamilya?

2. Ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng matinong kaisipan kapag


gumagawa ng desisyon?

3. Bakit mahalagang sabihin mo ang katotohan na iyong nalalaman?

4. Paano mo maipapakita ang katatagan ng iyong loob sa paggawa ng isang


desisyon?

5. Sa pagiging positibo mo sa lahat ng sitwasyon ng iyong buhay, sa anong


paraan mo ito maipapakita?

4
➢ ACTIVITY 2:
Ang pagtuklas sa iyong sarili ay makakatulong sa paggawa ng desisyon

• Repleksyon

Lagyan ng tsek (/) ang patlang sa bawat sitwasyon kung nagawa mo na


ang mga ito.

___________1.Pinaninindigan ko ang aking mga ginawang desisyon ng buong


husay at tapang.
___________2.Sa oras na may suliraning kinakaharap, buo ang loob ko at
taimtim na nanalig sa Diyos.
___________3.Pinanghihinaan ako ng loob sa mga pagkakataong
nakapagbigay ako ng maling desisyon.
___________4.Pinag-aaralan kong mabuti ang bawat bagay at sitwasyon na
nangangailangan ng isang matibay at matatag na pagpapasya.
___________5.Itinutuwid ko ang aking mga nagawang maling desisyon
sapagkat ako ay naniniwala na ang bawat pagkakamali ay
nagbibigay ng mahalagang aral.

1. Habang sinasagutan mo ang mga sitwasyon na ibinigay sa kahon, nahirapan


kaba o nadalian sa pag-alala ng iyong mga nagawa na nagpapakita ng
katatagan ng loob sa paggawa ng desisyon? Bakit o bakit hindi?

2. Batay sa mga napag-aralan sa modyul na ito, maibibilang mo ba ang iyong


sarili na isa sa mga batang may matatag na loob sa paggawa ng desisyon
na makabubuti para sa lahat?

3. Nasiyahan ka ba sa natuklasan mo sa iyong sarili ngayon? Bakit o bakit


hindi?

5
VII. Pagsasabuhay:

Sa mga oras na ito, marahil tayo ay nangangamba kung magiging


normal pa ang lahat dahil sa krisis na kinahaharap natin ngayon na
tinatawag nilang Covid-19 pandemic. Lahat tayo ay nag-iisip kung kailan
ba ito matatapos.

Sa ganitong sitwasyon ng ating buhay, mas kinakailangan natin ang tatag ng


loob sa paggawa ng mga desisyon na makabubuti para sa lahat. Ang paglabas ng
bahay ay hindi makakabuti sa atin sa mga panahong ito. Mahalaga ba na sumunod
tayo sa mga panukalang batas ng gobyerno?

Bilang isang mabuti at responsableng bata, paano mo maipapakita ang


katatagan ng loob sa paggawa ng desisyon na makabubuti para sa lahat dahil sa krisis
na kinakaharap natin ngayon?

VIII. Pagtataya:

Panuto:

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_________1.Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nang matatag


na kalooban sa pagbuo ng desisyon?

a. Tumigil muna si Lloyd sa pag-aaral sa kadahilanang nawalan


ng trabaho ang kaniyang ama na nagtatrabaho sa Gitnang
Silangan.
b. Patuloy na nanalig si Arthur sa kapangyarihan ng Diyos na
gagaling ang kaniyang ina sa pakikipaglaban sa sakit na Covid.
c. Nagmukmok sa kaniyang silid si Marlon dahil hindi niya
nagawang ipasa ang pagsusulit nila sa pagkaabogasiya.
d. Nagpadala sa suhol ang karamihan ng pamilyang naninirahan
sa ilalim ng tulay dala ng kanilang pangangailangan.

_________2.Ang inyong lugar ay nakaranas ng isang malakas na lindol.


Marami ang naapektuhan ng pangyayari kasama na ang iyong
pamilya. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?

a. Maghanap ng bagong tirahan na hindi nakakaranas nang


madalas na lindol at pabayaran sa mga kamag-anak na
nakaaangat sa buhay.

6
b. Lumapit sa mga pulitiko upang mabigyan ng agarang tulong
kagaya ng pansamantalang tirahan at pagkain.
c. Unti-unting isaayos ang tahanan sa pamamagitan ng
pagkukumpuni sa nasirang bahagi nito.
d. Lumapit sa mga kamag-anak at kausaping pansamantala
muna silang kupkupin.

________3. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao.


Sinabihan ka ng matalik mong kaibigan na kailangan mo siyang
pakopyahin dahil kung hindi ay magagalit siya sayo. Alin sa
sumusunod na sitwasyon ang gagawin mo?

a. Hahayaan ko siyang kumopya sa aking sagutang papel lalo


na kung hindi naman ito makikita ng mga kamag-aral at guro
ko.
b. Kakakusapin ko siya nang mahinahon at sasabihin ko na
sumabay siya sa akin sa pagsuri ng mga nakaraang aralin.
c. Isusumbong ko siya sa aking nanay upang kausapin nito ang
aming guro hingil sa pangyayari upang maparusahan siya.
d. Hahanap na lamang ako ng mga bagong kaibigan na
sasamahan at sasabihin ko ang ugaling ipinakita niya sa akin.

________3. Nagsara ang pabrikang pinapasukan ng iyong ama. Hindi naman


makapagtrabaho ang iyong ina dahil kapapanganak niya lamang.
Kinausap ka ng iyong mga magulang na pansamantalang tumigil
sa pag-aaral upang patapusin muna ang iyong kuya sa kolehiyo
na magtatapos na sa taong kasalukuyan. Ano ang gagawin mo?

a. Mamamasukan muna ako sa karendiryang malapit sa amin at


gagamitin ko ang aking sweldo sa pambili ng mga bagay na
gusto ko upang hindi na humingi sa nanay at tatay ko.
b. Kakausapin ko ang aking nanay at tatay na mag-aaral pa rin
ako at hahanap na lamang ako ng mapapasukang trabaho sa
araw ng sabado at lingo.
c. Susundin ko ang kagustuhan ng aking magulang dahil sila
naman ang bumuo sa pagpapasyang huminto muna ako sa
aking pag-aaral.
d. Mangungutang muna ako sa aking mga kamag-aral at
mangangako na babayaran ko sila kapag nakaluwag na ang
aming pamilya.

________4. Ulila na kayong apat na magkakapatid sa magulang at tanging


tiyo at tiya ninyo na lamang ang nangangalaga sa inyo. Napansin
mong hindi mabuti ang pakikitungo nila sa inyo. Wala na kayong

7
ibang mapuntahan dahil mas malayo ang lugar ng iba ninyong
kamag-anak. Ano ang gagawin mo?

a. Titigil na lang muna ako sa pag-aaral upang magtrabaho at


mangungupahan ng sariling bahay upang makaiwas sa
pagmamaltratong ginagawa sa amin ng aming tiyo at tiya.
b. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na magtiis na lamang
muna kami sa ginagawa ng aming tiyo at tiya dahil wala
kaming ibang mapupuntahan.
c. Ipagbibigay alam ko sa kinauukulan ang ginagawa ng aking
tiyo at tiya upang mabigyan sila ng tamang pansin at
kaukulang parusa.
d. Kakausapin ko ang aking mga kapatid na doon na muna sila
sa iba naming kamag-anak habang ako ay nag-aaral pa.

IX. Kasunduan:

Gumawa ng graphic organizer.

“MATATAG AKO”. Gumawa ng mga paraan kung paano


matatamo ang pagiging matatag sa pagpapasya o desisyon para sa
ikabubuti ng lahat.

. Matatag .
ako

8
9
Sanggunian:

https://www.google.com/search?q=learners+life+clip+art&tbm=isch&ved=
ESP 6 Curriculum Guide Rev.2016/inSlideshare
Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6

10

You might also like