You are on page 1of 1

POSISYON NG MGA MAG-AARAL SA STEM HINGGIL SA PAGBUO AT PAGSASAGAWA NG PAPEL

PANANALIKSIK GAMIT ANG WIKANG FILIPINO

Sa aming panig, pabor kami sa pagkakaroon ng ganitong uri ng papel pananaliksik. Mahalagang
hikayatin na matutong mamahayag ang mga mag-aaral sa paggamitng wikang Filipino, sapagkat hindi
lahat ng Filipino ay mayroong pagpapahalaga sa sarili nilang wika. Bilang isang mag-aaral kailangang
malaman ang tradisyon ng sariling wika, kung saan ito nanggaling, ang kasasaysayan sa likod nito at,
ang patutunguhan nito sa buhay ng isang indibidwal. Ito ay kailangang alagaan at ingatan ng sinuman
maging ang mga intelektwal kabilangna ang mga guro. Sa pag-aaral ng wika, mahalagang iniintindi ito
ng maigi at bukas ang kamalayan ng isang mag-aaral sa mga impormasyon na dumadaloy sa gitna ng
kanyang pagtuklas. Mahalaga rin na maging bihasa ang isang mamamayan ng bansa sa paggamit ng
sarili nitong wika. Hindi maaaringmapaghiwalay ang wika sa panitikan maging sa pagsulat man o
pananaliksik. Mahalaga nataglayin ng isang mag-aaral na Filipino ang mapanuring pag-iisip sapagkat
sa pamamagitan nito ay mas mauunawaan natin ang ating lipunan at ang sarili nating konteksto. Ang
wika ang tulay sapagitan ng mga mamamayan at ng mga mananaliksik at nalilinang din nito ang
katauhan ng isang mananaliksik.

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating ang mga
nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan man ng
pagsusulat, pagsasalita o pananaliksik, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga
kaisipan. Naipadarama ng isang tao sa pamamagitan ng kanyang sariling wika ang kasidhian ng
kanyang damdamin, ang lalim ng kanyang pagkatao, ang katangian ng kanyang ginagalawang
kapaligiran, ang lawak ng kanyang kultura at sining, ang kabihasaan niya sa anumang larangan atang
katotohanan ng kanyang pag-iral. Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging
isang ganap na tao ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

You might also like