You are on page 1of 1

P17 million puslit na sibuyas nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon 

January 4, 2023 | 12:00am

Ang nasa P17 milyong yellow onions na nasabat ng BOC.


STAR/ File
MANILA, Philippines — Umaabot sa P17 milyong halaga ng mga puslit na dilaw na sibuyas   ang
nadiskubre ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) nang isailalim sa eksaminasyon ang tatlong
containers na idineklarang naglalaman ng iba’t ibang uri ng mga damit at home products mula sa China, na
pawang naka-consigned sa SB Express Logistics and Business Solution Inc..
Anang BOC, ang saku-sakong sibuyas ay nadiskubreng nakatago sa pagitan ng mga sako ng ukay-ukay
na tinatayang aabot naman sa P2 milyon ang halaga.

Sa gitna ng pinaigting na kampanya ng ahensiya laban sa pagpupuslit ng mga agri products, partikular ng
mga sibuyas, nagpaabot ng pasasalamat at paghanga si Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa
commitment ng grupo na nasa likod ng bawat operasyon.

“We swore to protect the country’s borders from this kind of illegal activities. But much more than that, we
are also trying to protect our people, many of whom are deeply affected—and have been crying out—
against the prices of the most basic of our food products,” dagdag pa niya.

Nabatid na ang shipment ay orihinal na idineklarang naglalaman ng mga plastic buckets, ladies’ blouse,
ladies’ slippers, dish plates, at cat litter ngunit nang eksaminin ang mga ito ay nadiskubreng naglalaman
pala ng saku-sakong dilaw na sibuyas, na nakatago sa saku-sakong ukay-ukay.

Ibinahagi naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Juvymax Uy na ang tagumpay ng
kanilang mga operasyon ay naging possible dahil sa koordinasyon sa pagitan ng BOC at ng DA.

You might also like