Professional Documents
Culture Documents
Soslit M2TG Arbues
Soslit M2TG Arbues
Panlipunan
Arbues, Bianca Lorelle A.
3CED PSE
Prof. Sonny R. Villanueva
"Panitikan tungo
sa
Kalayaan" ni V.
Almario
Matalinon
g
pananalingh
aga
“KILATES: PANUNURING PAMPANITIKAN NG PILIPINAS” ni R.
TOMAS-YU (Reaksyong Papel)
Sa kulturang Pilipino, inaalam muna kung ano ang isang bagay bago magsabi kung
ano ang iniisip o di kaya ay nilolon ukol ditto. Sa pag-alam, tinitingnan itong mabuti o
sinisipat para makitang mabuti ang hindi kaagad nakikita sa unang tingin. Binubusisi
ng isang ginang ang binibiling isa o karne para matiyak na sariwa o bago ito.
Tinitimbang ng alahera ang alahas na isinasangla o ipinagbibili upang masigurong
hindi ito peke o itinubog lamang sag into at pilak. Ang iba‟t ibang kilos na binanggit
sa pagkilala ay kasamang lahat sa masaklaw na salitang pagkilates/ pagkilatis.
Ganito rin sa panitikan. Binabasa upang kilatisin sa klasrum ang isang tula, at teksto.
Kinikilates ang akda upang makabuo ng kahulugan at pagpapahalaga kaugnay nito.
Bakit ba kailangan pang gawin ito? Hindi ba binabasa ang tula, kuwento, o nobela
para malibang Hindi ba pinapanood ang isang pelikula para tumawa o maiyak at
masiyahan? Hindi ba binabasa ang panitikan para makapulot ng mabuting aral sa
buhay?
“Oo” ang maisasagot sa lahat ng mga binanggit na tanong at higit pa rito. Ang
pagbabasa na may layuning kilatisin ang isang akda ay pumapasok sa gawain ng
kritisismo. Isa itong gawain o praktika na bahagi ng pampanitikang pag-aaral. Isa
itong espesyalisadong larangan sa loob nito. May kaugnayan ang kritisismo sa
kabuuang produksiyon ng panitikan, katuanyan ay itinuring na may mahalagang silbi
ditto. Ngunit, sa kasalukuyan, may nag-iisip dins a parasitiko ang relasyon ng dalwa.
Na ang kritisismo ay nabubuhay lamang, dahil sa malikhaing produksiyon, paris ng
dapong sumisipsip ng sustansiya sa punong kinakapitan nito, at kung wala na‟ng huli
ay hindi makaagapay ang panunuri sa produksiyon ng panitikan kung kaya ipakikita
nitong hindi kailangan ng mga manunulat ang kritisismo upang umunlad ang paglikha.
Totoo naming patuloy na magsusulat ang mga manunulat, buhay o hindi ang
kritisismo. Ngunit, kung ipupukol ang tanaw sa buong lugar ng panitikan,
maiintinidihang may sariling silbi ang panunuri. Sa tanglaw ng turing sa panitikan na
isang diskurso ay makikita ang sariling halaga ng panunuri. Nag-aambag ito sa iba
pang espesyal na larangan katulad ng kasaysayan at ng teorya ng panitikan. Dito sa
sakop ng panunuri, kasali ang iba pang espesyal na paksa, maaaring makita kung ano
ang bumubuo sa pagkatao ng Filipino, kung ano ang pinahahalagahan niya, kung ano
ang mga suliraning kinasasangkutan niya. Sa madaling sabi, kung ano ang klase ng
pamumuhay niya. At sa higit na espesyal na lugar ng kasaysayan ng panunuri naman
makikilala ang mga sikap, suliranin, at sigalot na pinagdaanan ng mga kasali sa
pagbuo ng panitikan at paggamit nito, gayundin ng mga kondisyong pangkasaysayan
at panlipunang magluwal sa mga ito. Sa maikling sabi, ditto matutunghayan ang
proseso sa sariling pagsisikap bilang komunidad, at lahi na bumuo ng sariling
kodigo‟t pamantayan ng sining at panitikan na Filipino.
Para sa mga estudyante ng kritisismo, ang kaalaman at kasanayan g magmumula rito
ay hindi lamang magpapatalas sa mapanuring pag-iisip. Hahamon din ito sa kanilang
aktibong pagsali sa mahahalagang usapin katulad ng pagbubuo ng kaalaman para
makilala ng Filipino ang kanyang sarili, ang kanyang pagkalahi at pagkabansa, para sa
panlipunang pagbabago.