You are on page 1of 2

TUNAY NA KASIYAHAN

Sa iyong presensya ay puspos ng kagalakan. Awit 16:11 “ Iyong ituturo


sa akin ang landas ng buhay: nasa iyong harapan ang kapuspusan ng
kagalakan; sa iyong kanan ay may mga kasayahan magpakailanman.”

Hayaan ang bawat isa na magbigay ng pag-ibig sa halip na humingi


nito. Linangin ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang marangal, at
maging mabilis sa pagkilala ng magagandang katangian sa bawat isa.
Ang kamalayan sa pagkilala ay isang kamangha-manghang pampasigla
at kasiyahan. Ang simpatya at paggalang ay humihikayat ng
nagsusumikap para sa kahusayan, at ang pagmamahal mismo ay
nadaragdagan dahil nagpapasigla ito ng mas marangal na layunin.
Ni ang asawang lalaki o asawang babae ay himdi dapat ihalo ang
kanilang pagkatao sa isa. Bawat isa ay may personal na ugnayan sa
Diyos. Dapat itanong ang bawat isa sa Kanya “Ano ang tama?” “Ano ang
mali?” “Paano ko matutupad nang pinakamahusay ang layunin ng
buhay?” Hayaang dumaloy ang kayamanan ng iyong pagmamahal tungo
sa Kanya na nagbigay ng Kanyang buhay para saiyo. Si Cristo ay gawing
una, at huli at ang pinakamabuti sa lahat. Habang lalong lumalalim at
mas tumatatag ang iyong pag-ibig sa Kanya, madadalisay at mapalakas
ang iyong pag-ibig sa kapwa…
Ni asawang lalaki o asawang babae ay hindi dapat magtangkang
gamitin sa iba ang isang di-makatarungang kontrol. Huwag subukang
pilitin ang bawat isa na magpasakop saiyong kagustuhan. Hindi mo ito
magagawa at napananatili ang pagmamahal sa isa’t-isa. Maging mabait,
mapagpasensya, at mapagpatawad, maalalahanin, at magalang. Sa
pamamagitan ng biyaya ng Diyos, maaari kang magtagumpay sa
pagpapasaya sa isa’t-isa, gaya nang nasa ipinangako mong gawin sa
sumpaan sa inyong kasal.
Ngunit tandaang hindi masusumpungan ang kaligayahan sa pagsasara
ng iyong mga sarili sa inyong dalawa lamang, masiyahang ibuhos ang
lahat ng iyong pagmamahal sa isa’t-isa. Kunin ang bawat pagkakataon
para sa pag ambag sa kaligayahan ng mga nasa paligid niyo. Alalahaning
matatagpuan lang ang tunay nakaligayahan sa di-makasariling
paglilingkod.
Pagtitiyaga at pagiging di-makasarili ang nagmamarka sa mga salita at
gawa ng lahat na nabubuhay ng bagong buhay kay Cristo. Habang
pinagsisikapan ninyong ipamuhay si Cristo na nagsusumikap
magtagumpay sa sarili at sa pagiging makasarili at upang maglingkod sa
mga pangangailangan ng iba, magtatagumpay kayo pagkatapos ng isang
tagumpay, Sa gayon mapagpapala ng iyong impluwensya ang
sanlibutan.
Maaaring maabot ng mga lalaki at babae ang mithiin ng Diyos para sa
kanila kung si Cristo ang hihingan nila ng tulong. Ang hindi kayang
gawin ng karunungan ng tao, ay gagawin ng Kanyang biyaya para sa
mga nagbibigay ng kanilang sarili sa Kanya sa pagmamahal na
nagtitiwala. Sa Kanyang tulong ay maaaring pag-isahin ang mga puso sa
isang pagbubuklod na mula sa langit. Ang pag-ibig ay hindi lang
pagpapalitan ng magaganda at matatamis na mga salita … Ang puso ay
maitatali sa puso sa ginintuang mga tali ng isang nananatiling
pagmamahal. --- THE MINISTRY OF HEALING.pp. 361,362.

You might also like