You are on page 1of 11

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 8

I. LAYUNIN
1. Natutukoy ang kahulugan ng salitang ideolohiya sa pamamagitan ng mga kaugnay na salita o mga
kaisipan.
2. Naiisa-isa ang mga kategorya at mga uri ng Ideolohiya.
3. Naipapahayag ang iba’t-ibang impresyon at damdamin tungkol sa Ideolohiya.
II. NILALAMAN
a. Paksang Aralin: MGA URI NG IDEOLOHIYA
b. Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig pp. 309-310
c. Mga Kagamitan: Iba’t ibang watawat ng mga bansa, kahon, googlemeet, google classroom, laptop,
at power point presentation
III. PAMAMARAAN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
Magandang umaga sa inyo mga mag-aaral! Magandang umaga din po G. Judy.

2. Panalangin
Bago tayo magsimula sa ating aralin sa araw na (AVP) Audio Visual Presentation
ito, tayo po ay taimtim na manalangin. Sabayan
po natin ang ating AVP(Audio Visual
Presentation)
(Susundin ng mag-aaral ang iniutos ng guro)
3. Pamamahala sa Silid-aralan
Maaari niyo bang bigyan natin ang bawat isa ng
isang magandang ngiti at sabihing “Kaibigan,
magandang araw?” Video Clip
Ngayon naman narito ang ating mga Alituntunin
sa Online Class.
Wala pong lumiban ngayong araw.
Salamat sa inyong kooperasyon.

4. Pagtatala ng liban sa klase


Narito na ba ang lahat? Mayron bang absent o
lumiban sa kalse ngayon?

Sumagot ng Present kung tatawagin ang


pangalan ng bawat isa dito sa ating Online Class. (Ipapasa ng mga mag-aaral ang mga takdang
aralin)
Mabuti naman at kayo ay naritong lahat.

5. Balik-aral
Bago tayo magsimula ng talakayan ay magbalik aral
muna tayo. Opo G. Judy

Natatandaan niyo ba ang ating pinag-aralan noong


nakaraang araw? Ito po ay patungkol sa pagsisikap ng mga bansa
na makamit ang kapayapaang pandaigdig.
Saan ito patungkol?
United Nation po o Ang Mga Bansang Nagkakaisa

Magaling! Ano ba ang kahulugan ng UN? Ito po ay itinatag noong ika-24 ng Oktubre, 1945

Tumpak! Kailan bai to itinatag?

Mahusay!
6. Pagganyak
“Parade of Flags”
Mayroon akong Ipapakita sa inyo, ang gagawin ninyo
lamang ay kilalanin nyo ang mga bansang kumakatawan
ng mga watawat at kung sinong pinuno ang
kasalukuyang namumuno sa naturang bansa.
Magbabahagi kayo ng kaalaman at impormasyon
tungkol dito.

 Estados Unidos
Watawat ng bansang Estados Unidos na
kasalukuyang pinamumunuan ni Presidente Joe
Biden.

 Pilipinas
Watawat ng bansang Pilipinas na
pinamumuan ni Presidente Rodrigo Roa
Duterte.

 South Korea
Watawat ng bansang South Korea na
pinamumuan ni Presidente Moon Jae-in.

 North Korea
Watawat ng bansang North Korea na
pinamumuan ni Presidente Kim Jong-un.

 China
Watawat ng bansang China na pinamumuan
ni Presidente Xi Jingpin.

Magaling!
Mahalaga po na mayroong watawat ang bawat
Ilan lamang yan sa mga watawat ng ibat’t ibang bansa. bansa dahil ito po ang magsisilbing simbolo at
pagkakakilalanlan ng isang bansa.

Ngayon bakit ba mahalagang magkaroon ng watawat


ang isang bansa? Para saan ba ito?

Tama!

Ito ay mahalaga para sa pagkakakilanlan ng bawat mga Mahalaga po na magkaroon ng pinuno ang isang
bansa. bansa upang maging maayos ang pamumuhay ng
mga tao, maiwasan ang kaguluhan at magkaroon
ng pagkakabuklod.
Bakit naman kaya mahalagang magkaroon ng pinuno
ang isang bansa? Wala pong kaayusan ang bawat isa maging ang
pamahalaan dahil wala pong pinuno na bubuo ng
mga batas at mga mamamayan.

Sa inyong palagay, kapag ang bansa ay walang pinuno,


ano kaya ang maaring mangyari? Ito po ay nanggaling sa mga ideya o kaisipan.

Tama!

Upang makabuo ng mga pamantayan sa isang


pamahalaan ano ang kailangan ng isang pinuno ng
bawat bansa.

Mahusay!

Ang bawat bansa ay may kanya kanyang pamamaraan


ng pamahalaan dahil sa iba’t ibang ideolohiya o kaisipan.

B. PANLINANG NA GAWAIN
1. Paglalahad
Ang aralin na ating tatalakayin sa araw na ito ay
patungkol sa Mga Ideolohiya Sa Iba't Ibang Bansa.

Handa na ba kayo upang atin itong alamin? Opo, G. Judy

2. Pagtalakay sa Aralin
Sa inyong palagay ano kaya ang pinagbabatayan ng Ang pinagbabatayan po ng isang pinuno sa
isang pinuno sa pagbuo ng mga batas na kanyang pagbuo ng mga batas ay ang mga ideya ng iba’t
ipinatutupad? ibang namumuno ng mga bansa.

Magaling!
Ito po ay mga alituntunin.
Sa inyong Palagay ano ang kahulugan ng Ideya?

Tama. Ito ay mga kaisipan o alituntunin na nagiging


basehan sa pagbuo ng mga batas ng pamahalaan.
Paniniwala po O Ideolohiya.
Kapag ating pinagsama-sama ang mga ideya, ano kaya
ang magiging tawag dito?

Mahusay!

GAWAIN: Hulaan kung anong salita ito___________

4 PICS 1 WORD IDEOLOHIYA


Tama! Magaling ito ay IDEOLOHIYA.

Sa araw na ito ating tatalakayin ang tungkol sa (Power Point Presentation)


Ideolohiya.

Ano nga ba ito? Ano ang kinalaman nito sa kasaysayan?

Ating kilalanin si Antoine Louis Claude Destutt, comte


de Tracy.
Ang nagpakilala ng salitang ideolohiya ay si
Pakibasa nga ang ating slidedeck __________________
Antoine Destutt de Tracy.
(Ipabasa sa bata ang pamantayan sa paggawa)
• Ang salitang "ideolohiya" ay isinilang sa
(Pangalan ng mag-aaral), pakibasa nga ang unang
panahon ng Reign of Terror of French
bilang.
Revolution, at nagkaroon ng mga
maraming iba pang kahulugan
pagkatapos. Ang salita, at ang sistema ng
mga ideya na nauugnay dito, ay
pinahusay ni Antoine Destutt de
Tracy noong 1796, habang siya ay nasa
bilangguan na naghihintay ng pagsubok
sa panahon ng Terror.

• Ang ideolohiya na salita ay unang ginamit


(Pangalan ng mag-aaral), pakibasa nga ang sa Ingles noong pagtatapos ng ika-18 siglo
pangalawang bilang. at ito ay isa sa ilang mga salita na
matutukoy ng coiner. Ang manunulat ng
Pranses na si Antoine Destutt de Tracy o
si A. L. C. Destutt de Tracy ay
iminungkahi ito bilang isang termino
upang italaga ang "agham ng mga ideya,"
at sa kahulugang iyon, ito ay mabilis na
hiniram sa salitang Ingles.  

Handang handa na po.


Handa na ba kayo?

Mayroon iba’t ibang kategorya ang Edeolohiya.


Ito ay ang mga sumusunod;

1. Ideolohiyang Pangkabuhayan
2. Ideolohiyang Pampulitika
3. Ideolohiyang Panlipunan
1. Ideolohiyang Pangkabuhayan
Ano kaya ang mga ito? Maari ba kayong magbigay ng
inyong palagay tungkol dito? Maaari po na ito ay tumutukoy tungkol sa
kabuhayan.
Pangkabuhayan ng aba ang tinutukoy dito?
Opo, gaya ng pagkakasabi ito ay tungkol sa
Pangkabuhayang aspeto.

______________ pakibasa nga po ng ating slidedeck. Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya


ng bansa at paraan ng paghahati ng mga
kayamanan para sa mga mamamayan.

 Ekonomiya ng bansa
 Pagbabahagi ng kayamanan
 Magtayo ng Negosyo
 Magtrabaho/mamasukan
 Magreklamo sa kapitalisya
Nakasentro ito sa patakarang pang-ekonomiya ng bansa
at paraan ng paghahati ng mga kayamanan para sa mga
mamamayan.

 Ekonomiya ng bansa
 Pagbabahagi ng kayamanan
 Magtayo ng Negosyo
 Magtrabaho/mamasukan
 Magreklamo sa kapitalisya

Ano naman kaya ang Ideolohiyang Pampulitika? Maaari po na tungkol ito sa mga namumuno o
pamumuno sa bansa.

Pwede. Ano pa? Pulitika at mga pulitikong nais mamahala sa


bansa.

Magaling bigyan naman natin sya ng isang Virtual Clap.

Opo.
Maari po na tungkol ito sa mga tao o
Ano pa kaya? Pakibigay nga ng inyo opinion. mamamayan.

Mga karapatang pantao.

Tama ang inyong nabanggit, nakasentro naman ito sa


paraan ng pamumuno at sa paraan ng pakikilahok ng
mga mamamayan sa pamamahala.
Ideolohiyang Pampulitika
Pakibasa nga po ang ating slidedeck. Nakasentro naman ito sa paraan ng pamumuno
at sa paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan
Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuno at sa paraan sa pamamahala
ng pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala  Ugnayang mamamayan-pulitika
 Pamamaraan ng namumuno
 Pakikilahok sa desisyon
 Ugnayang mamamayan-pulitika
 Pamamaraan ng namumuno
 Pakikilahok sa desisyon

Sunod naman ay ang Ideolohiyang Panlipunan.

Magbigay ng ideya ano naman kaya ang nakapaloob Maari po na tungkol sa buhay ng mga tao o
dito? lipunan na kinabibiblangan nito.

Magaling ang insyong mga ideya, dahil nga ito ay Tungkol po sa kumunidad at uri ng kanilang
tumutukoy sa aspetong lipunan. pamumuhay.
Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga
Pakibasa nga po ang ating slide. mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga
mamamayan

Pantay-pantay na Karapatan sa iba’t ibang aspeto


ng buhay gaya ng mga ito;

 ekonomiya
 batas
 edukasyon
 Pananampalatay/relihiyon
 pananalapi

Gaya nga po ng sabi dito,

Tumutukoy ito sa pagkakapantay-pantay ng mga


mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang
pangunahing aspeto ng pamumuhay ng mga
mamamayan

Pantay-pantay na Karapatan sa iba’t ibang aspeto ng


buhay gaya ng mga ito;

 ekonomiya
 batas
 edukasyon
 Pananampalatay/relihiyon
 pananalapi
Ito ay ang mga sumusunod;
Ano nga ulit ang ating 3 kategoriya ng Ideolohiya?
2. Ideolohiyang Pangkabuhayan
3. Ideolohiyang Pampulitika
4. Ideolohiyang Panlipunan

Ngayon naman ay dumako tayo sa ibat ibang ideolohiya.

(Ipabasa sa mga mag-aaral ang bawat slidedeck)


Kapitalismo – hawak ng pribadong
KAPITALISMO mangangalakal ang produksyon, distribusyon at
kalakalan.
(Barbie clap)

SOSYALISMO Sosyalimo
• Ninanais nito ang pagkamit ng
perpektong lipunan sa pamamagitan ng
pantay-pantay na distribusyon ng
produksyon sa bansa at ang mahalagang
industriya ay pag-aari ng pamahalaan.
• Ayon sa sosyalistang si Charles Fourier
dapat ay alisin ang kompetisyon sa
ekonomiya.

• Naniniwala ang mga sosyalista na dapat


na pamahalaan ang nangangasiwa sa
ekonomiya para sa kapakanan ng
mamamayan nito.

• Pinapatupad ang market socialism sa


bansang China at Vietnam upang
makamit ang sistemang sosyalismo

(Mandirigma clap)
(Ipaliwanag at palawigin ng guro)

KUMUNISMO • Ang ideya ng Kumunismo ay nagmula sa


• Aleman na si Karl Marx
• Ayon sa kanya, dati rati ang tao ay
nagtatrabaho lamang para sa kanyang
sariling pangangailangan lamang, ngunit
dumami ang tao at natuto ang tao na
umikha ng sariling produkto at para din sa
ibang tao.
• Pananaw ni Marx wala kabutihang dulot
ang sistemang Kapitalismo.
• Sa sistemang Kumunismo ang bawat
kayamanan ay ipapamahagi ayon sa
pangangailangan, kakayahan at walang
kumpetisyon, walang lamangan.
• Ang manggagawa ay nagtatrabaho para
(Ipaliwanag at palawigin ng guro) sa kaunlaran ng estado.

DEMOKRASYA
DEMOKRASYA
• Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay
nasa kamay ng mga mamamayan.
• Ang mamamayan ay may karapatang
magsalita at magtalaga ng bagong
mamumuno sa pamamagitan ng
eleksyon.
• May karapatang pampulitikal, halalan,
magwelga, malayang pagpapahayag at
edukasyon
• Ang Pilipinas ay isang Demokratikong
bansa
TOTALITARYANISMO
(Magdiwang Clap)

TOTALITARYANISMO

• Ito ay isang uri ng pamahalaan na


karaniwang pinamumunuan ng isang
diktador o grupo ng taong
makapangyarihan.
• Ang lahat ng kilos at desisyon ay
nanggagaling sa pamahalaan.
• Limitado ang bawat kilos ng mamamayan
• Ipinagbabawal ang malayang
pagpapahayag ng saloobin sa
pamahalaan, relihiyon at iba pa.
• Ang mga bansang Totalitarian ay ang
Aleman sa pamumuno ni Adolf Hitler, Iraq
AWTORITARYANISMO sa pamumuno ni Saddam Hussein at
North Korea sa pamumuno ni Kim Jung-
un.
Base sa mga nabanggit paano natin ilalarawan o (Starla clap)
bibigyan ng kahulugan ang salitang IDEOLOHIYA?

Sa palagay nyo ay mahalaga bai to? AWTORITARYANISMO

Anon ga ba ito?
Ito po ay agham ng kaisipan.

Ito ay alituntunin na nagsisilbing gabay sa


pamamahala ng mga bans ana may kinalaman sa
kanilang pamumuhay, lipunan at pulitika.
Samakatuwid, sng mga ideolohiyang ito ang nagsisilbing
gabay at alituntunin na pinaniniwalaan at sinusunod Opo, gaya po na mahalaga po na mayroong
upang mapanatili ang kaayusan at kaunlaran ng isang watawat ang bawat bansa dahil ito po ay
bansa. nagsisilbing simbolo at pagkakakilalanlan ng
isang bansa.
Nauunawaan nio ba?
Mayroon ba kayong tanong?

Ngayon naman ay maghanda tayo para sa isang Gawain.

Opo.
Wala na po.
C. APLIKASYON/PAGLALAPAT
Gawain: Pagbuo
ng Chart PUMILI NG SUSING SALITANG
ANGKOP SA IDEOLOHIYA
Para sa ABSOLUTE Gawain,
basahin at KARAPATAN sundin
ang mga PAGTUTULUNGAN dapat
gawin. PANTAY-PANTAY
narito PRIBADONG ARI-ARIAN ang ating
mga PAGKUNTROL

pamantayan sa paggawa.

Punan ang ating Chart ng mga susing salita na makikita


sa ibabang bahagi.
Mga Ideolohiya Susing Salita
1. KAPITALISMO
2. DEMOKRASYA
3. AWTORITARYANISM Handang handa na!
O
4. TOTALITARYANISMO
5. KUMUNISMO
6. SOSYALISMO
Pamantayan sa Paggawa

1. Gawin ang Gawain sa loob ng 5 minuto.


Pagtunog ng bell ito ay hudyagt na ito na dapat
ng tumigil sa paggawa.
2. Ito na ang oras para sa pagtsek ng tamang susi
ng kasagutan.

D. PAGLALAHAT
Sa gawaing ito, Papangkatin ko kayo sa 6 na pangkat
at ang bawat pangkat ay may nakatalagang larawan.
Bibigyan ninyo ng kaugnayan sa paksang ating tinalakay.
Ang gawaing ito ay pamamagatan nating “#PILING KO”.
Mayroon akong mga larawan na ipapakita sa inyo sa
loob ng isang kahon na tatawagin nating “#PILINGBOX”.
Piling ko po, pera ang may kaugnayan sa
kapitalismo dahil marahil pera din ang dahilan sa
Larawan 1:
pag-papairal ng kapitalismo sa pagpapalawak ng
KAPITALISMO
kayamanan ng isang pinuno.
PERA
Piling ko po, ang putol na tali ay may kaugnayan
Larawan 2: sa demokrasya dahil mula sa ating pagkakagapos
DEMOKRASYA sa mga taling ito, magiging Malaya na tayo at
PUTOL NA TALI makakawala na sa pagkakagapos, wala ng pipigil
sa kalayaan na dapat ay sa atin.

Piling ko po, ang timbangan po ay may


Larawan 3: kaugnayan sa sosyalismo dahil ito po ay may
SOSYALISMO layunin na maging pantay-pantay ang lahat ng
TIMBANGAN mamamayan sa lipunan.

Piling ko po, ang kahon ay may kaugnayan sa


Larawan 4: totalitaryanismo dahil tulad ng pamamaraan ng
TOTALITARYANISMO pamamahala nito ay para tayong nakakulong sa
KAHON apat na sulok ng isnag saradong kahon na
limitado lamang ang maaring gawin.

Larawan 5: Piling ko po, kamay na bakal ang may kaugnayan


AWTORITARYANISMO sa awtoritaryanismo dahil tulad nito ang pinuno
KAMAY NA BAKAL ay may higit na kapangyarihan, nasa kanyang
kamay ang mabigat na kapangyarihan para
kontrahin ang lahat ng bagay sa kanyang
pamamahala mali man ito o tama.

Larawan 6:
KUMUNISMO
SAPILITANG PAGGAWA

Mahusay!
Bigyan ng limang bagsak ang inyong mga sarili
IV. PAGTATAYA

Piliin ang tamang sagot.

1. Kapag ang pinuno ay may lubos na


kapangyarihan anong uri ito ng pamahalaan.
a. Sosyalismo
b. Demokrasya
c. Awtoritaryanismo
d. Kumunismo
Sagot: Awtoritaryanismo

2. Ito ay may perpektong lipunan na mayroong


pantay pantay na distribusyon ng mga
produksyon ng bansa.
a. Demokrasya
b. Sosayalismo
c. Kapitalismo
d. Totalitaryanismo
Sagot: Sosyalismo

3. Tumutukoy sa sistemang pangkabuhayan kung


saan maliit lamang ang papel na ginagampanan
ng pamahalaan sa kalakalan.
a. Awtoritayanismo
b. Kapitalismo
c. Demokrasya
d. Sosyalismo
Sagot: Kapitalismo

4. Kapag ang isang bansa ay pinamumunuan ng


isang diktador o grupo ng taong
makapangyarihan anong uri ito ng pamahalaan.
a. Sosyalismo
b. Kapitalismo
c. Awtoritaryanismo
d. Kumunismo
Sagot:Totalitaryanismo

5. Ito’y uri ng pamahalaan kung saan


kapangyarihan ay nasa kamay ng mamamayan.
a. Demokrasya
b. Totalitaryanismo
c. Awtoritayanismo
d. Sosyalismo
Sagot: Demokrasya

V. TAKDANG ARALIN

Isulat sa google classroom.

1. Anu-ano ang mga uri ng pamahalaan sa Asya?


2. Tukuyin kung anu-ano ang mga Ideolohiyang
pinaniniwalaan ng bawat pamahalaan?
3. Paghambingin ang pamahalaan ng Pilipinas at ibang
bansa sa Asya sa pamamagitan ng VENN DIAGRAM. (Ang mag-aaral ay kokopya ng kanilang Takdang
Aralin.
Isang bansa lamang.

Hanggang dito na lang ang ating aralin sa araw na ito.


Tayo ay manalangin para sa ating pangwakas na klase.

Panginoong Hesus, salamat po sa mga bagong kaalaman


na aming natutunan sa araw na ito. Salamat din po sa
mga taong ginamit mo upang mamahagi ng kanilang
kaalaman.

Paalam. Hanggang sa muling pagkikita. Amen.


Paalam po G. Judy

Inihanda ni:

Judy Disor Diotay, Jr

You might also like