Professional Documents
Culture Documents
Kabanata 4 Table Q3jejwj
Kabanata 4 Table Q3jejwj
“Ano ang iyong opinyon ukol sa pagdala ng Diksyunaryong Filipino sa paaralan upang
gamitin sa pagsulat ng mga Akademikong Sulatin?”
Interpretasyon: Sa pigura 4, nagbigay ang mga respondente ng kanilang iba’t-ibang opinyon
ukol sa pagdadala ng Diksyunaryong Filipino sa paaralan upang magamit sa Akademikong
Sulatin. Nalaman ng mga mananaliksik na karamihan sa tagatugon ay sumang-ayon sa pagdadala
ng Diksyunaryong Filipino sa paaralan. Sila ay nagbigay ng mga dahilan kung bakit sila ay
sumasang-ayon. Gayunpaman, may ilang mga kalahok na hindi-sumasangayon sa pagdadala ng
Diksyunaryong Filipino sa paaralan na nagsabi ng kanilang dahilan kung bakit. Mayroon din na
nagsasabi na sila ay nag-aalinlangan sapagkat hindi pa buo ang kanilang opinyon sa pagdadala
ng Diksyunaryong Filipino sa paaralan.
Base sa Karanasan at kasanayan ng mga respondente sa paggamit ng diksyunaryong filipino
nailalabas ng bawat respondente ang kanikanilang dahilan kung bakit mahalaga at ginagamit o
dinadala ang mga diksyunaryo. karamihan sa kanila ay pare parehas lamang ang sinasabi,
Nakakatulong ang pag dadala ng diksyunaryo sa pag aaral lalong lalo sa pag buo ng
akademikong sulatin. madalas nila sinasabi na babad ang mga mamamayan sa paggamit ng
kanilang gadyets kaya kulang ang kakayahan nila sa pag sasalita ng filipino lalo na sa ngayong
henerasyon, isa yan sa mga dahilan kung bakit malimit ang pag dadala ng diksyunaryong
filipino. kaya Mula sa na buong table malalaman natin iba iba ang opinyon ng bawat
respondente ukol sa pag dadala ng diksyunaryong filipino.