You are on page 1of 1

SINO ANG MAS MATIMBANG NA ANAK SA PAGTULONG

NG GAMPANIN NG PAMILYA: BABAE O LALAKE?

Sa mga gawain sa bahay, ang mga anak ay dapat na tumutulong sa kanilang mga magulang. Sa mga
pamilyang kumukuha ng mga kasambahay, dapat ang mga anak ay may naitutulong pa din sa mga
gawaing bahay. Bilang mga anak, dapat na sila ay may mga gawaing naitatalaga sa kanila na lagi nilang
gagawin.

Ano-ang ang gawaing mga anak na lalake ang mas matimbang na gumawa?
Bilang mga anak na lalake, may mga gawaing mas matimbang na sila lamang ang gumagawa. Isa sa
halimbawa ay ang paglilinis ng mga bubong at pag-aalis ng mga bumabara sa alulod ng bahay. Ang mga
lalake din ang mas matimbang na gumawa ng pagtatabas ng mga damo at iba pang masukal na bahagi
ng bakuran.

Sa ibang pamilya na kahoy pa din ang gamit sa pagluluto, ang mga anak na lalake ang mas matimbang na
gumawa ng pagsisibak ng mga kahoy na gagamitin sa pagluluto. Sa pagtatapon ng basura, ang mga anak
na lalake din ang mas matimbang na gumawa noon.

Ano-ang ang gawaing mga anak na babae ang mas matimbang na gumawa?
Ang mga anak na babae naman ang mas matimbang sa mga gawaing may kinalaman sa kalinisan sa loob
ng tahanan. Kabilang sa mga gawaing mas mainam na mga babae ang gumawa ay ang paglalaba ng
maruruming damit.

Sa mga gawaing kusina gaya ng pagluluto, ang mga anak na babae ang mas mainam na gumagawa nito.
Bilang mga anak na babae, sila ang mas mainam na magluto sapagkat dadalhin na nila ang gawaing ito
hanggang sa pagedad.

Bilang mga anak, mas mainam na sila ay may naiaambag sa mga gawaing bahay. Bilang bahagi ng isang
pamilya, ang mga anak na lalake man o babae ay may responsibilidad na tumulong sa gawain sa bahay
ng hindi na kailangang utusan.

You might also like